You are on page 1of 22

Tekstong Naratibo:

Mahusay na Pagkukwento
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o
magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari,
totoo man o hindi. Maaring ang salaysay ay personal
na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang. Maaari ding ang
paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig
o pantasya lamang.
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling
kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita,
malikhaing sanaysay). Kapuwa gumagamit ito ng wikang
puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at
kumakasangkapan ng iba't ibang imahen, metapora, at
simbolo upang maging malikhain ang katha.
Mahalagang maunawaan kung paano isinusulat at
binabasa ang mga tekstong naratibo upang malaman
ang halaga nito. Sa pangkalahatan, layunin ng mga
tekstono naratibo na manlibang o magbigay-aliw sa
mambabasa, ngunit may mas malalim at tiyak na
halaga pa ang tekstong ito.
Ayon kay Patricia Melendrez-Cruz (1994) sa kaniyang artikulong
"ldeolohiya Bilang Perspektibong Pampanitikan" na nasa aklat na "Filipinong
Pananaw sa Wika, Panitikan at Lipunan" kailangang suriin ang malikhaing
pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat
para sa kaniya, ang mahusay na panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa
mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito, Bukod
dito, tinukoy niya rin na ang masining at panlipunang kalikasan ng panitkan
ang kallangang pagtuunan ng sinomang mag-aaral nito. Pundamental ang
layuning maipakilala sa mga mag-aaral ang kaniyang saril't lipunan upang ang
kanlyang pambansang identidad at kamalayan ay mapag-lsa.
May iba't ibang elemento ang naratibong teksto na
magsisilbing gabay rin sa pagbuo ng narasyon.
Subukang unawain ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsusuri sa isang halimbawa ng maikling kuwento
ni Jonathan Geronimo (2013),"Ang Susunod, na
napasama sa Kataga 1: Isang Antolohiya."
• Paksa
Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit
na nakabatay sa personal na katanasan ang
kuwentong nais isalaysay, rmahalaga pa ring
maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang
implikasyon at mga kahalagahan nito.
• Estraktura
Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento
Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba't
ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsan
ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan ang kuwento, kung
minsan naman ay mula sa gitna. Maaaring gumamit ng ibat ibang
paraan ng pagkakaayos, tiyakin lamang na sistematiko at lohikal
ang pagkakasunod sunod ng pangyayari upang madaling
maunawaan ang narasyon.
•Oryentasyon
Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at
oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw
dapat na nailalatag ang mga ito sa pagsasalysay at nasasagot ang
mga batayang tanong na sino, saan, at kailan. Ang mahusay na
deskripsyon sa mga detalyeng ito ang magtatakda kung gaano
kahusay na nasapul ng manunulat ang realidad sa kaniyang akda.
•Pamamaraan ng Narasyon
Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang
senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood.
Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay
upang hindi lumihis ang daloy. May ibat ibang paraan ng
narasyon na maaaring gamitin ng manunulat upang maging
kapana-panabik ang pagsasalaysay. Hindi laging epektibo ang
mga pamamaraang ito.
•Pamamaraan ng Narasyon
Tandaan na bumabagay ang iba't ibang pamamaraan ng
narasyon ayon sa layunin at estilo ng pagkukuwento ng
manunulat at sa kalikàsan ng paksa. Narito ang ilang
pamamaraan na maaari mong gamitin. Suriin kung alin sa
mga ito ang ginamit sa maiklíng kuwentong binasa.
Diyalogo - sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng
pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.

Foreshadowing - nagbilbigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa


kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.

Plot Twist - tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang


kalalabasan ng isang kuwento.
Elipsis - omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan
hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Ito ay
mula sa lceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.
Comic Book Death - isang teknik kung saan pinapatay ang
mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
magbigay-linaw sa kuwento.
Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong
simula

In medias res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng


kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan, at
tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
Deus ex machina (God from the machine)- isang plot device na
ipinaliwanag "Ars Poetica" kung saan nabibigyang-resolusyon ang
tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang
absolutong kamay. Nababago rin ang kahihinatnan ng kuwento at
nareresolba ang matitinding suliranin na tila walang solusyon sa
pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay, at
pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang ni Horace sa
kaniyang bahagi ng kuwento.
 
• Komplikasyon o Tunggalian
Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing
tauhan. Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na
nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at
disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian
ng magiging resolusyon ng kuwento.
• Resolusyon
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian.
Maaaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa
magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
Creative
Non-Fiction o
CNF
Creative Non Fiction o CNF
Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang
literary non-fiction o narrative non- fiction. Ito ay isang
bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng
istilo at Teknik na pampanitikan upang makabuo ng
makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon. lba ito
sa peryodismo o teknikal na pagsulat dahil kahit
naghahayag ito ng katotohanan, mahalaga pa rin ang
poetika at literariness ng akda.
Creative Non Fiction o CNF
Ayon kay Barbara Lounsberry sa "The Art of Fact" ang apat na katangian
ng CNF ay:
 Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat;
 Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng
narasyon;
 Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstuwalisasyon ng
karanasan; at
 Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang
mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa
wika.
Creative Non Fiction o CNF
Sa pagsulat ng CNE, maaari ding gamitin ang iba't
ibang narrative device gaya sa maikling kuwento.
Nangangailangan lamang na maging tapat ang akda sa
katotohanan ng diyalogo, kronolohiya ng narasyon,
iba't ibang hulwaran ng organisasyon, at pagsipi sa
mahahalagang bahagi ng tula, kasabihan, at iba pa.
Creative Non Fiction o CNF
Mahalaga rin ang insight o nalilikhang pananaw ng isinasalaysay na
karanasan. Ang CNF ay hindi lamang basta nagkukuwento ng karanasan
kundi layon nitong ipakita ang mas malalim na implikasyon nito sa
karanasanng nakararami at ng kabuuan ng lipunan. Maaaring tuwiran o
hindi tuwirang inilalahad ang insight ng akda. Ang mga akdang di-
tuwiran ang insight ay gumagamit ng mga simbolismo o nagsasalaysay
ng tiyak na karanasan upang maipakita ang aral at pananaw ng akda,
habang ang tuwiran naman ay direktang sinasabi ng may-akda ang
kaniyang pananaw sa tiyak na karanasan
Thank you!

You might also like