You are on page 1of 1

1. Ano ang kayang gawin ng isang taong may kakayahang pragmatik?

- Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik, natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinabi
at di sinabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din nito ang kaugnay ng mga salita sa kanilang
kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.

2. Sa anong sitwasyon nagagamit ang kakayahang ito?

- Nagagamit ang kakayahang ito sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mgapapuri o
paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng mga usapan. Sumakatuwid, kailangang matukoy
ng isang tao ang maraming kahulugan na maaaring dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang
sitwasyon.

3. Sa pakikipagtalastasan, bakit mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita?

- Mahalagan maunawaan ang intensyon ng nagsasalita sa pakikipagtalastasan dahil mahuhulaan ang


mensahe nito nang tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatik bilang daan sa pagiging epektibo
nang pakikipagtalastasan, sapagkat nilinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.

4. Ano-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang upang maunawaan ng tagatanggap

ang mensahe ng tagapaghatid? Ipaliwanag ang mga ito?

5. Ano ang ibig sabihin ng komunikasyon?

- Ang komunikasyon ay isang aktibidad ng paghahatid ng impormasyon, maging mensahe o ideya mula
sa isang partido hanggang sa isa pa. Ang komunikasyon ay hindi lamang sa pandiwang porma, ngunit
may kasamang mga ekspresyon sa mukha, teknolohiya at mga pinturang sining.

6. Ano ang dalawang uri ng komunikasyon?

- Ang dalawang uri ng komunikasyon ay berbal at di-berbal.

7. Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon?

- Ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon ay kinesika, ekspresyon ng mukha, galaw ng mata,
vocalics, pandama o paghawak, proksemika, at chronemics.

8. Alin sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon ang madalas mong gamitin?

- Ang madalas kong gamitin na anyo ng di-berbal na komunikasyon ay ekspresyon ng mukha. Kaya kahit
wala akong sinasabi, malalaman agad ng mga kausap ko kung ano ang sinusubukan kong ipahayag.

9. Sa iyong palagay, sapat bang gamitin lamang ang di-berbal na komunikasyon upang

maiparating ang iyong mensahe ? Ipaliwanag.

- Para sa akin hindi sapat na gamitin lamang ang di-berbal na komunikasyon upang maiparating ang
aking mensahe dahil kailangan pa din nating gumamit ng berbal na komunikasyon upang mas
maipahatid at maintindihan ang nais nating sabihin na mensahe sa isa’t isa.

You might also like