You are on page 1of 2

Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang

ginagamit niya ay mapupunta it sa kanyang puso. Ngunit kung ika’y


makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi mo
naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang
iyong mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap?

Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng kasanayang


komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral
ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na komponent ng kasanayang
komunikatibo ayon kina Michael Canale at Merril Swain.

·        Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang


epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika.
Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa
epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at maging
sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung anu-
anong mga salita ang angkop at kung kaila sila nagagamit nang tama gamitin sa
pagsasalita o sa pakikipagusap. 

“             Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na


nagkakaintindihan.”

·        Sosyo-Lingguwistik - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita


upang magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at sa kontekstong sosyal ng lugar
kung saan ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para
sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay
lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang
mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na
puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang ,
o naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng malaman natin kung anong mga wika ang
ginagamit, ng iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihan na wika.
Isinasaalang rin sa sosyo-lingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop sa
isang partikular na lugar.         

·         Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang


binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid
ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng
wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang
mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa paanong
paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-
uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at
artikulo.
·         Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at
hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at
maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa
komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng
wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad
ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang
mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din
ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito
ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino na
madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag
tinatanong kung nasaan ang isang lugar.   Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal
kung paano malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap mo
o kung hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o
gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong
pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung
hindi mo alam ang tawag sa isang bagay.

Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa pakikipagusap sa isang tao


upang kayo ay mas magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki rin
tulong upang magkaunawaan parin kayo ng iyong kausap kahit na hindi ka bihasa
sa wikang kanyang ginagamit.

You might also like