You are on page 1of 4

FILIPINO 2

PAGBASA AT PAGSULAT
SA IBA’T IBANG DISIPLINA

PRELIM
MODYUL 2
MGA TEORYA SA PAGBASA

GINALYN O. QUIMSON
Guro
TEORYA NG PAGBASA
Maraming pananaw hinggil sa pagbasa subalit maging ano man ang paniniwala hinggil dito ang
mahalaga'y mahalin natin at ugaliin ang pagbabasa dahil dito tayo makakakuha ng tunay na karunungan.
Kung kinakailangang gumamit ng diksyunaryo para maunawaan ang kahulugan ng mga di pamilyar na
salita ay gawin natin upang lubos na maunawaan ang binabasa dahil ang tagumpay ng pagbabasa ay ang
lubusang pag-unawa sa ating binabasa.

1. Teoryang Iskema - Ayon sa teoryang ito maayos na nakatala sa ating isipan o memorya ang lahat
ng ating natutunan at mga karanasan batay sa kategorya o klasipikasyon. Subalit sa pagdaraan ng mga
araw ang mga ito ay patuloy pang nadadagdagan, nababago, nalilinang o napapayaman bunga na rin ng
mga bagong karanasan at kaalaman na kanyang natututunan. Habang siya ay nabubuhay ang kanyang
memorya ay patuloy na nadadagdagan ng mga kaalamang maaari niyang natutunan sa pagbabasa,
pagdalo sa mga seminar at iba pang gawaing nakadaragdag ng mga kaalaman, pagtuklas ng mga bagong
kaalaman sa pamamagitan ng pananaliksik at dulot na rin ng mga di malilimutang karanasan.
Nakadaragdag lamang ang mga ito sa mga dating kaalaman na nakaimbak na sa kanyang isipan na
isinasaayos ayon sa klasipikasyon o batay sa mga kategorya. Kaya naman kapag siya ay nagbabasa ng
isang akda ay nakapaghihinuha na siya dahil naiuugnay niya ang takbo ng mga pangyayari sa mga dati na
niyang nabasa. Nasisiyahan din siyang tapusin ang pagbabasa upang malaman kung tama ang hinuhang
nabuo sa kanyang isipan. Samakatuwid, ang teoryang iskema ay naniniwala na ang pagbabasa ng tao ay
nakatutulong sa pagdadagdag pa ng mga kaalaman sa dati na niyang natutunan.

2. Interaktibong Proseso ng Pagbasa - Sa pagbabasa madalas na ang nagbabasa ay nagbibigay ng


sarili niyang pananaw o pang-unawa batay sa nakalahad sa tekstong kanyang binasa. Pilit niyang
inuunawa ang nilalaman nito upang makapagbigay ng sariling pananaw o pasya kung tama ba o mali ang
pananaw na nakapaloob sa kanyang binasa. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan
ng manunulat at mambabasa. At sa ganitong antas dinng pagbasa ay mahihinuha natin na malawak na
ang kaalaman ng nagbabasa dahil nagagawa niyang magbigay ng reaksyon sa kanyang binasa. Ang
ganitong proseso ng pagbasa ay kailangan upang matiyak ng manunulat na ang kanyang sinulat ay may
impak o may dating sa mambabasa. Nagkakaroon lamang ng bisa o saysay ang sinulat ng awtor kung
may m reaksyon mula sa mambabasa at ang mga ito'y nagawa niyang diskusyunin sa pamamagitan ng
mga nakalahad na kaalaman o pananaw sa kanyang akda na sumasaling sa emosyon at isipan ng
mambabasa. Kapag ang nais iparating ng awtor ay nakuha at naunawaan ng mambabasa ay matagumpay
na nagawa niya ang kanyang pakay o layunin. Sa pagbabasa ng tao ay marami siyang natututunan na
nagagamit sa pang- araw-araw niyang buhay, Malaking bahagdan ng natutunan ng tao ay nakuha niya sa
matiyagang pagbabasa. Hindi maikakaila na ang katalinuhan ni Gat Jose Rizal at ni Andres Bonifacio ay
bunga ng kanilang matiyagang pagbabasa. Sa ating panahon sa kasalukuyan ay di hamak na malaki ang
adbentahe ng pagbabasa lalo na't ang mga kaalamang bago at napakarami ay makukuha mo lamang sa
napakabilis na paraan dulot ng pagsangguni sa Google. Subalit nagagamit ang interaktibong paraan ng
pagbasa kung ang mga kaalamang nakuha sa Google ay nasuring mabuti kung tama, may mali, kulang o
kopya lamang. Sa prosesong ito rin ng pagbasa nagagawang pag-ugnayin ang mga dati nang kaalaman
sa mga bagong natutunan upang lalong matiyak kung ang mga impormasyon ay siguradong tumpak.
3. Metakognitib na Pagbasa-Ayon kay Jocson banggit nina Espina et. al. (2009), ang metakognisyon
ay ang proseso ng pagkakakilanlan kung ano ang ating alam at kung paano natin natutunan ang mga ito.
Ito ay binubuo ng tatlong elemento: Una ay paglinang ng plano gaya ng nakapagbibigay ng motibasyon
sa pagbabasa, hanggang saan ka dadalhin ng iyong pag-iisip, mga rason o dahilan ng iyong pagbabasa,
at hanggang saan ang itinatagal mo sa gawaing ito o bago mo magawa ito; ikalawa ay ang pagmomonitor
sa plano gaya ng pag-alam sa kinahinatnan ng gawaing ito, tamang direksyon pa ba ang iyong tinatahak?
may inisyatibo ka bang ginagawa para ito ipagpatuloy?, may mga bagay ka bang dapat isaalang-alang o
bigyan ng pansin? at paano kung hindi mo na magawang unawain ang iyong binabasa?; ikatlo ay ang
pagtasa sa plano gaya ng pagsagot sa mga tanong na: mahusay ba ang iyong pagkagawa?, marami ba
ang nakuha mong kaalaman o limitado lamang? may iba ka pa bang maaaring gawin upang mapagyaman
pa o mapaunlad ang gawaing pagbabasa?

4. Teoryang Bottom-up Sa teoryang ito ang pag-unawa ng mambabasa ay nakasalalay sa mga


simbolong ginamit ng manunulat. Nag-uumpisa ito sa pagkilala sa mga tunog o ponema, pag-unawa sa
mga yunit ng salita o morpema at pagbubuo ng mga pangungusap o sintaks hanggang sa makabuo ng
isang diskurso. Samakatuwid, ang pang-unawa ng mambabasa sa teksto ay batay sa kanyang kaalaman at
pagkaunawa sa wikang ginamit ng manunulat. Kung malawak ang kaalaman ng mambabasa sa kahulugan
ng wikang ginamit sa akda ay tiyak na madali niyang makukuha ang mensahe ng mga pahayag na
nakalahad sa teksto. Ang teoryang bottom-up ay gumagamit ng "pyramid" upang ipamalas ang
ginagawang pag-unawa ng mambabasa sa nakasulat na teksto.

5. Teoryang Top-Down- Ang pagbasa ay tulad din ng panghuhula kapag ikaw ay naglalaro. Ang
mambabasa ay gumagamit ng paghihinuha sa kanyang binabasa. Sa paghihinuha kailangang marami
kang nakaimbak na kaalaman at karanasang paghuhugutan ng matalinong pagpapasya upang ang iyong
hinuha ay hindi malayo sa katotohanang isinasaad sa teksto o kahihinatnan nito. Sa madaling salita ang
teoryang ito ay nakabatay sa lawak ng kaalaman, ng mambabasa ayon sa kanyang dati nang natutunan at
mga karanasan. Kaya't kung limitado ang kaalaman at karanasan ng mambabasa ay hindi niya ganap na
mauunawaan ang kanyang binabasa at mahihirapan din siyang makabuo ng hinuha.

GAWAIN 1

Pangkasanayan:( ) Ipaliwanag ang kaisipang nasa loob ng iskrol.

Nagkakaroon lamang ng bisa o saysay ang sinulat ng awtor kung may mga reaksyon mula sa
mambabasa at ang mga ito'y nagawa niyang diskusyunin sa pamamagitan ng mga nakalahad na
kaalaman o pananaw sa kanyang akda na sumasaling sa emosyon at isipan ng mambabasa. Kapag
ang nais iparating ng awtor ay nakuha at naunawaan ng mambabasa ay matagumpay na nagawa
niya ang kanyang pakay o layunin.
SAGOT:

GAWAIN 2

Pagpapakahulugan: () Kung ikaw ang pamimiliin, alin sa mga tinalakay na teorya ng pagbasa ang
iyong pinaniniwalaan? Ipaiwanag.

SAGOT:

You might also like