You are on page 1of 235

PAGBASA

AT
PAGSUSURI
NG IBA'T IBANG
TEKSTO
SA
PANANALIKSIK
KABANATA
1
KAHULUGAN
NG
PAGBASA
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-
unawa, pagpapakahulugan at
pagtataya ng mga ideya sa mga
nakalimbag na simbolo. Ito ay
proseso ng pag-unawa sa mga
kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng
pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang
kasanayan ng isang indibidwal..
Ang pagbasa kung gayon ay
napakahalaga sa isang
indibidwal sapagkat ito ang
tutugon sa kanyang pagkatuto
tungo sa mas malawak na
kaalaman sa kanyang
kapaligiran, sa bansa at marami
pang iba na nahuhubog ng
kanyang pagkatao
Ang pagbasa ay isa sa mga
kasanayang pangwika na tulay ng
mga estudyante upang mapahusay
at malinang ang kasanayan sa
mabisang pag-unawa sa teksto.
Ang mga kaisipang nakukuha
at nabubuo sa pamamagitan ng
pagbasa, pakikinig, pagsasalita at
panonood ay maaaring sulatin
upang maibahagi sa iba.
Ito ay may malaking
kaugnayan sa iba pang makrong
kasanayang pakikinig, pagsasalita,
pagsulat, at panonood ng isang tao
dahil nagkakaroon ng kakayahang
makabuo ng mga kaisipan at
makapagpahayag ng damdamin at
maayos na makipagkomunikasyon
sa lahat ng disiplina o larangan.
Ang pagbasa ay isang
kompleks na gawaing pangwika at
pangkaisipan na higit pa sa
interaksyon ng mambabasa at ng
teksto.
Bilang isang kompleks na
prosesong pangkaisipan, ang
mambabasa ay aktibong
nagpaplano, nagdedesisyon at
nag-uugnay ng mga kasanayan at
estratehiyang nakatutulong sa pag-
unawa.
Ipinaliwanag ni Johnston
(1990) na ito’y isang kompleks o
masalimuot na gawaing
nangangailangan ng konsyus at di-
konsyus na paggamit ng mga
estratehiya o kasanayan gaya ng
paglutas ng suliranin upang
makabuo ng kahulugang ninanais
ipahatid ng awtor.
Ang pagbasa ay isa ring
kognitibong proseso ng pag-unawa sa
mensaheng nakalimbag o ng anumang
wikang nakasulat. May kaugnayan ito
sa pagsulat, sapagkat anomang
binabasa natin ay maaaring isulat at
ang anomang naisusulat ng kamay ay
nababasa ng mata na kakambal ng
pagpapakahulugan gayundin sa
pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa
pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
Ayon naman kay Baltazar
(1977), ang pagbasa ay kasangkapan
sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol
sa iba’t ibang larangan ng
pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa
napag-aralan ng tao ay mula sa
kanyang karanasan sa pagbasa.
Ang pagbasa ang pinakapagkain
ng ating utak (mental food) . -
James Dee Valentine
Ang pagbasa ay isang
saykolinggwistiks na panghuhula
kung saan ang nagbabasa ay
bumubuong muli ng isang mensahe o
kaisipang hango sa textong binabasa.
Isang prosesong Siklikal buhat sa
texto, sariling panghuhula,
pagpapatunay, pagtaya, pagrerebisa,
pagbibigay pa ng ibang
pagpapakahulugan o prediksyon.
– Goodman
ANO
ANG
KAILANGAN
SA
PAGBASA?
1. Dapat ay may kaugnayan sa
linguistika

2. Kailangan ng malusog na
pangangatawan, isipan at
malayang damdamin upang
maunawaan ang binabasa

3. Kailangan ang tagasulat at ang


tagabasa ay may ugnayan
4. Malinaw ang paningin sa
pagababasa

5. Ang pagbabasa ay isang proseso


na nangangailangan ng mataas na
kaisipan, at konsentrasyon

6. Kailangan ang pagkakaroon ng


interres at kaalaman sa binabasa
ANO
ANG
KAHALAGAHAN
NG
PAGBASA?
1. Nadadagdagan ang kaalaman

2. Napapayaman ang kaalaman at


napapalawak ang talasalitaan

3. Nakararating sa mga pook na


hindi pa narating

4. Nahuhubog ang kaisipan at


paninindigan
5. Nakakukuha ng mga
mahahalagang impormasyon

6. Nakatutulong sa mabibigat na
suliranin at damdamin

7. Nagbibigay ng inspirasyon at
nakikita ang iba’t ibang antas na
buhay at anyo ng daigdig
MAMBABASA
Ang siyang pumapasok sa
gawaing pagbabasa. Sa kanyang
mga kamay nakasalalay ang
pagdedekowd ng kahulugan ng
tekstong kanyang piniling basahin.

Bawat taong nakapagbabasa ay


nagnanais na maging mahusay na
mambabasa.
Lahat ng nagbabasa ay
mayroong gampanin upang malinang
ang kanyang kakayahang magbasa
dahil ang pagkatutong magbasa ay
hindi natatapos sa pagkatuto lamang
kundi nararapat na ito’y malinang at
mapahusay sa pamamagitan ng
pagbabasa ng ibat ibang uri ng teksto
at pagbibigay-halaga sa mga gawaing
kanyang nararapat na isaalang-alang
bago magbasa, habang nagbabasa at
matapos magbasa.
MGA
KATANGIAN
NG
MAHUSAY
NA
MAMBABASA
Nagtatakda ng layunin ng
pagbabasa.

•Binibigyang-pansin ang mga


istruktura ng teksto bago simulan
ang pagbabasa.
•Nagiging aktibong mambabasa.
•Bumuo ng mga hula
•Bumubuo ng mga hinuha
Inaalala na sa bawat uri ng
teksto ay may angkop na
pamamaraan ng pagbabasa.

•Nagsasagawang pagproseso
ng pagkakaunawa ng teksto
habang nagbabasa at matapos
magbasa at naging handang
isaayos ang interpretasyon ng
tekstong binasa.
•Lumilikha ng mga biswal na imahe
ng teksto sa kanilang isipan.
•Bumubuo ng mga katanungan
habang nagbabasa na isa-isang
nasasagot ng patuloy na
pagbabasa.
•Kinalulugdan ang pagbasa ng
iba’t-ibang uri ng teksto
BABASAHIN
O
TEKSTO
Ang babasahin o ang teksto ang
siyang dahilan kung bakit natatawag
na mambabasa ang isang tao.
Sa sandaling kanyang kinuha ang
isang teksto at binasa ang mga
salitang nakalimbag, ang isang
akda, anong uri pa man ito, ay
magiging buhay nababasahin dahil
nabibigyan na ng mambabasa ng
buhay ang mga salitang nakapaloob
dito.
MGA
PARAAN
NG
PAGBASA
Malakas
Binabasa sa harap ng mga
tagapakinig na ang isinasaalang-
alang ay ang mgasumusunod:
tindig, lakas ng tinig, tamang
pagbigkas ng mga salita, kontak sa
mga tagapakinig, at tamang hawak
ng aklat o anumang babasahin.
Tahimik
Isinasaalang-alangangsumusunod:
Tahimik
Isinasaalang-alang ang
sumusunod: tamang posisyon
ng katawan at pook kung saan
magbabasa.Pagbabasa sa sarili
REYT(RATE) NGPAGBASA
Bilis ng pagbasa
1.May mga paktor na sinasabing
dahilan kung bakit nagiging
mabagal ang pagbasa.
2. Hindi agarang pagkilala at
pagtugon sa materyal
3. Mahinang mata
4. Bokalisasyon
5. Kulang sa konsentrasyon
6. Walang praktis sa pagbasa
7. Kawalan ng interes
8. Takot na hindi maunawaan ang
binabasa kaya matagal ang oras
naibinigay sa pagbasang bawat
salita
9. “Habit" naangmabagalnapagbasa
10. Kahinaan sa ebalwasyon kung
ano ang importante sa hindi
importante
MGA PARAAN
AT
URI NG
PAGBASA
• Iskiming
Ito ay mabilisang pagbasa upang
makuha ang pang kalahatang ideya
ng teksto.

• Iskaning
Ang nagbabasa ay tumutunton sa
mahahalagang salita, mga pamagat
at mga subtitulo
• Previewing
Sinusuri ng mambabasa ang
kabuuan, estilo at rehistro ng wika
ng sumulat.

• Kaswal na pagbabasa
Kadalasang ginagawa bilang
pampalipas oras lamang.
• Masuring pagbasa ito ay
pagbabasa nang maingat para
maunawaan ang binabasa upang
matugunan ang pangangailangan.

• Pagbasang may pagtatala


pagbasang may kaakibat na
pagtatala o pagha-highlight ng
mahahalagang impormasyon sa
teksto.
• Pagbasang pang-impormasyon
layuning malaman ang
impormasyon.

• Muling pagbasa paulit-ulit na


binabasa kung ang binabasa ay
mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag.
ANG PROSESO,
MGA TEORYA
AT KASANAYAN
SA PAGBASA
Ang Proseso ng Pagbasa
Ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo
at salita. Bilang proseso, ito ay may apat
na hakbang ayon kay William S.
Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng
Pagbasa”: (1)persepsyon,
(2)komprehensyon, (3)reaksyon, at
(4)integrasyon (Belvez, et al., 1990;
Villamin, et al., 1994; Resuma at
Semorlan, 2002).
Persepsyon - Ito ay pagkilala at
pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at
kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.
Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa
mga nakalimbag na simbolo o salita.
Reaksyon - Ito ay kaalaman sa
pagpasiya o paghatol ng kawastuhan,
kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa
teksto.
Integrasyon - Ito ay kaalaman sa
pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng
mambabasa sa kanyang dati at mga bagong
karanasan sa tunay na buhay.
Mga Teorya sa Pagbasa
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw
ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang
ipaliwanag sa mga proseso at salik na
kasangkot at may kaugnayan sa mga
gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa
at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at
Ruddell, 1985).
Napakahalagang kasanayan, dapat na
matutuhan ng mga estudyante ang isang
matibay na pag-unawa sa proseso ng
pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o
pananaw na maaaring magamit sa
pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.
Sa kasalukuyan, apat (4) ang
popular na modelo, teorya o pananaw
tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang
mga paniniwala tungkol sa pagbasa
batay sa mga modelong makikita sa
tsart: (A)teoryang itaas-pababa (top-
down),
(B)teoryang ibaba-pataas(bottom-up),
(C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang
iskema.
1. Teoryang Itaas –
Pababa (Top-Down)
1. Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)
Pagpapaliwanag ng Teoryang
Itaas – Pababa:
Ang teoryang ito ay naniniwalang
ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan
ng mambabasa mayroon nang dating
kaalaman at karanasan.
Ang daloy ng impormasyon sa
teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top)
patungo sa ibaba (down) na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa
kabuuang kahulugan ng teksto.
Ang impormasyon ay nagmumula sa
dating kaalaman ng mambabasa patungo
sa teksto (Smith, 1994).
Ang mambabasa ay gumagamit
ng kanyang dating kaalaman (prior
knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang
isipan batay sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at
hinuha at ito ay iniuugnay niya sa
mga ideya na inilahad ng may-akda
sa teksto.
Ayon kay Goodman (1967), ang
pagbasa ay isang saykolinguwistikong
larong pahulaan (psycholinguistic
guessing game). Sa larong ito, ang
mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung
saan siya ay bumubuo ng sariling hula,
hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong
binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa
ang sentro ng proseso ng pagbasa sa
halip na ang teksto dahil ang mambabasa
ay madalas nang may dating kaalaman o
iskema tungkol sa paksa.
Samakatuwid, sa teoryang ito, ang
mambabasa ay higit na nakapokus sa
kung ano ang alam niya upang
maunawaan ang binabasa.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding
inside-out model, concept-driven model,
at whole to part model (Goodman, 1985 at
Smith 1994).
Mga Proponent ng Teoryang Itaas –
Pababa:
Kenneth S. Goodman (1985) at Frank
Smith (1994)
2. Teoryang Ibaba – Pataas
(Bottom – Up)
Pagpapaliwanag ng Teoryang
Ibaba – Pataas:
 Ito ay salungat sa teoryang top-down.
 Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa
sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita,
pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.

 Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na


nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-
uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at
napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos
maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.
 Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa
paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula
raza.
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang
behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay
isang blangkong papel o tabula raza.
Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon
ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa
teksto.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-
driven model o part to whole model. Ibig
sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa
mga impormasyong nasa teksto.
Mga Proponent ng Teoryang Ibaba –
Pataas:
Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough
(1985), at David La Berge at S. Jay Samuels
(1985)
3. Teoryang Interaktibo
Pagpapaliwanag ng Teoryang
Interaktibo:
Ito ang kombinasyon ng teoryang
bottom-up at top-down sapagkat ang
proseso ng komprehensyon ay may
dalawang direksyon (McCormick, 1998).
Sa paggamit ng dalawang paraan
(bottom-up at top-down), nagaganap ang
interaksyon sa pagitan ng teksto at ng
mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa
sa pag-unawa sa teksto.
Samakatuwid, nagkakaroon ng
epektibong pag-unawa sa teksto kapag
ginagamit ng isang mambabasa ang
kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa
bokabularyo kasabay ang paggamit ng
dating kaalaman (schema) at mga
pananaw.
Mga Proponent ng Teoryang
Interaktibo:
David E. Rumelhart (1985); Rebecca
Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz
(1990); at Robert Ruddell, Robert Speaker
(1985)
4. Teoryang Iskema (Schema)
Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:
Ang lahat ng ating naranasan at
natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o
memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman
(prior knowledge).
Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki
sa pag-unawa kung ano ang alam na o
hindi alam ng mambabasa.
Iskemata (schemata), ang sistema ng
pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng
tao (Anderson at Pearson, 1984).
Ang dating kaalaman (iskema)
ang unang kailangan sa pag-unawa
sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto.
Ang iskema ay nararagdagan,
nalilinang, nababago at napauunlad.
Ayon sa dating pananaw, ang
pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya
o kaisipang nasa teksto.
Sa kasalukuyang pananaw naman, ang
mambabasa ay may ideya nang nalalaman
batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa
paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang
teksto upang patunayan kung ang mga
hinuha o palagay ng mambabasa ay tama,
wasto, kulang o may dapat baguhin.
Samakatuwid, ang tekstong nabubuo
sa isipan ng mambabasa ang sentrong
iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto
mismo. Dahil dito, dapat bigyang pansin
ang interaksyon ng mambabasa sapagkat
ito ang nilalaman ng kanyang isipan.
Metakognisyon
sa
Pagbasa
Ayon kay Flavel (1976), ang
metakognisyon ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan
sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-
unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang
pampag-iisip na kinapapalooban ng
aktibong pagkontrol sa mga prosesong
kognitibo sa pagkatuto.
Ang isang mahusay na mambabasa ay
metakognitibo kapag naiintindihan nila ang
kanilang sarili bilang mambabasa at
nagagamit nila ang angkop na estratehiya
sa pagbasa.
Sa pamamagitan ng metakognisyon,
nalalampasan ang kognisyon dahil
nagagawa nitong malinang sa mambabasa
ang may kamalayang paggamit ng mga
estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa
halip na simpleng gamitin lamang ang mga
ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon
ang malawakang control sa mga proseso sa
halip na sa mga tiyak na estratehiya o
gawain.
Ang prosesong metakognisyon sa
pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk
at Zimmerman, 1998).
Prosesong Metakognisyon
- Kaalaman ng mambabasa sa
kanyang sariling kahinaan at kalakasan
sa pagbasa
- Kaalaman ng mambabasa kung
aling estratehiya ang angkop na gamitin
ayon sa sitwasyon
- Kaalaman ng mambabasa sa
pagsubaybay sa kanyang pag-unawa
kung kalian siya hindi nakauunawa
Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang
metakognitibong mambabasa ay itinatanong
sa sarili ang sumusunod:
Naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?
Ano ang ginagawa ko kapag hindi ko
naunawaan ang aking binabasa?
Ano ang maaari kong gawin upang lalong
maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?
May magagawa ba ako upang mas lalong
maalala ang binasang teksto?
Anong mga estratehiya sa pagbasa ang
aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?
Mga
Kasanayan
sa
Pagbasa
Ang mga kasanayan sa pagbasa ay
nahahati sa dalawang malawak na
pangkat o uri:
(A) Kasanayan sa Bilis at
(B) Kasanayan sa Pang-unawa.
Kasanayan sa Bilis
- Pagpansin o pagtingin nang higit na
malawak ang agwat
- Pagtingin sa higit na maraming
salita
Kasanayan sa Pang-unawa
- Pagbasa nang higit na mabilis
- Pagkakaroon ng mas kakaunting
pagbabalik mata
- Kasanayan sa Pang-unawa
- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na
palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na
babasahin
Mga
katangian
ng
Mahusay
na
Mambabasa
Ang isang mambabasa ay hindi
lamang marunong kumilala ng mga salita.
Ang isang mahusay na mambabasa ay
nakakakuha rin ng mas malawak na
kahulugan ng salita; natatanto niya ang
gustong buuing konsepto ng isang tao; ang
parirala, sugnay, pangungusap at kahit na
ang sanaysay, kabanata o ang mismong
buong aklat.
Ang galaw ng mga mata sa pagbasa
ay mahalaga rin. Nakapokus ang
paningin sa unang bahagi ng
pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit;
pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na
naman sa ibang bahagi ng pangungusap
ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy
sa susunod pang mga pangungusap o
mga pahina. Ito ang karaniwang
tinatawag na fixations.
Ang pagbabalik sa naunang bahagi
ay tinatawag na regression. Sa paghinto
ng mata nagkakaroon ng
pagpapakahulugan sa binabasa. Kung
gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng mata
ay siya ring tagal ng pagbibigay-
kahulugan ng isipan sa binabasa.
Habang gumagalaw ang mata, ang mga
anino o imahe ay malabo at hindi
mabibigyang-kahulugan ng isipan.
Mga Estratehiya sa Pagbasa
Batay sa interaktibong pananaw ng
pagbasa, ito ay nagbibigay ng
pangunahing diin sa paggamit ng dating
kaalaman (iskema) at konsepto sa
paligid. Ang bawat yugto ng gawaing
pagbasa ay kakikitaan ng aktibong
partisipasyon ng mambabasa. Narito ang
mga estratehiya na nagpapakita ng
interaktibong pananaw sa pagbasa.
1. Ang Pinatnubayang Pagbasa
– Pag-iisip

Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-


iisip o Direct Reading – Thinking Activity
(DRTA) ay isang estratehiya sa pagbasa na
binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan
ang mambabasa ay nagbibigay ng kanilang
sariling hula o palagay tungkol sa teksto.
Dito makikita ang tuwirang interaksyon sa
pagitan ng mambabasa at ng teksto.
Ang paraang DRTA ay binubuo ng
tatlong pangunahing hakbang na
inaasahang magagawa ng mambabasa:
(1) pagbibigay-hula,
(2) pagbabasa, at
(3) pagpapatunay ayon sa impormasyong
nasa teksto.
2. Ang SQ3R na Estratehiya sa
Pagbasa

Ang SQ3R na estratehiya sa pagbasa ay


binuo ni Francis Robinson (1970) na
nangangahulugang Survey, Question, Read,
Recite at Review. Ang estratehiyang ito ay
napatunayan nang epektibo upang malinang
ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng
estudyante. Ito’y angkop gamitin sa mga
tekstong tuluyan o prosa sa panitikan,
agham panlipunan at agham.
Survey (Pagsusuri)
Ito ang paraan upang masanay ang
kaalaman ng estudyante sa mga malalawak na
balangkas, pamagat ng kabanata, simula, paksa,
at buod.
Kailangang malaman ng estudyante kung
anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili
ng estratehiyang gagamitin.

Mga Hakbang
- Pagtingin muna sa pamagat
- Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng
may-akda sa aklat
- Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
- Pahapyaw na pagbasa
Question (Pagtatanong)
Ang mga tanong ay nagiging batayan
sa pagkuha at paglilinaw ng dahilan ng
pagbasa.
Ang mga tanong na nabubuo ay
nagiging batayan sa pagbabalik-aral.
Ang mga tanong bago bumasa ay
makakahikayat upang hanapin ng mga
estudyante ang mga sagot habang sila’y
nagbabasa
Mga Hakbang
-Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago
bumasa, habang bumabasa o pagkatapos
bumasa
Read (Pagbasa)

Ito’y masusing pagbabasa upang


magkaroon ng tiyak na layunin sa
pagbasa at malinaw na bigyan ng
kahulugan ang suliraning lulutasin.
Ito’y maingat ngunit mabagal na
pagbasa na binibigyang-diin ang mga
alalahaning detalye.
Mga Hakbang
-Pagtuon ng pansin sa mga
pangunahing ideya o kaisipan ng
teksto.
-Pagsama sa mga pansuportang
detalye sa pangunahing kaisipan
-Pagbigay pansin sa mga uri ng
ilustrasyon, mapa, tsart, at iba pa
-Pagbalangkas sa binasa
Recite (Pagsagot)
Ito ay pagsubok sa sarili upang sagutin
ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga
naisulat. Kapag hindi makasagot ay saka na
titingin sa teksto o aklat.
Ang sariling sagot sa mga tanong ay
nakatutulong sa konsentrasyon ng
estudyante.
Iminumungkahi na ang pagsagot ay
gawin pagkatapos ng pagbasa.
Ang pagpapahayag sa sariling salita ay
mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa
ang mga bagong kaalamang galing sa
sariling salita’y hindi madaling malimutan.
Mga Hakbang

-Pagbuo ng sariling sagot


-Pagsagot sa sariling salita sa mga
bagong kaalaman
Review (Pagbabalik – aral)
Ito ay isang kritikal na
reeksaminasyon tungo sa pag-uugnay ng
nilalaman at sa paglalahad.
Ang pag-aaral ay hindi kumpleto
hanggang hindi nailalagay sa isipan at
kailangang matandaan ng mga estudyante
ang mga natutuhan. Ito’y nagagawa sa
pamamagitan ng pagbabalik-aral.
Mga Hakbang
-Sariling pagsulat
-Pagsagot sa mga tanong
-Pagtatalakay
-Paglalago
-Paulit na pagbasa
KABANATA
2
MGA
URI
AT
KLASIPIKASYON
NG
TEKSTO
Ang pagpapahayag ay isang
kasanayang nagbibigay ng pagkakataon
sa tao na maipabatid sa kanyang
kausap ang anumang kaisipan o
damdaming nais niyang ipabatid dito sa
isang paraang mabisa, karapat-dapat at
maganda. Ang pagpapahayag ay
maaaring sa paraang pasalita o verbal at
pagsulat.

- Servillano T. Marquez Jr., PhD


MGA URI NG TEKSTO

 MGA URI NG TEKSTO

 a.) TEKSTONG INFORMATIV


a.) TEKSTONG
INFORMATIV
Informativ - ang isang teksto kung ito ay
naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga
bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay
nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang
buong linaw at kaisahan.
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita.
Ang textong informativ (explanation) ay
nagpapaliwanag ng mahalagang
impormasyon o kaalaman nang malinaw at
walang pagkiling. Isinasaad ang mga
kabatiran nang naaayon sa mga tunay na
pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman
ng tao. Napag-aralan mo na ang tekstong
informativ.
Basahin mo ang ilang mahahalagang
konseptong dapat mong tandaan sa
aralin.
• Ang tekstong informativ ay naglalayong
maglahad ng mga tiyak na impormasyon,
at mahahalagang detalye na may lohikal
na paghahanay.
• Isang tiyak na paksa lamang ang
tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng
kaugnay na paksa, dapat na makita ito sa
kasunod na talata.
• Sa pagbasa ng tekstong informativ,
Sa pagbasa ng tekstong informativ,
magkaroon ng fokus sa mga
impormasyong ipinahahayag. Isulat ito
kung kinakailangan.
• Sa pagsulat ng tekstong informativ,
tandaang ihanay nang maayos ang mga
salita, piliing mabuti ang mga tiyak at
mahahalagang salita lamang.

Impormatibo o
Ekspositori/Nagpapataas
Ang tekstong impormatib o
ekspositori ay naghahatid ng wastong
kaalaman o impormasyon.
Ang layunin ng manunulat ay upang
maragdagan ang kaalaman ng
mambabasa, tulungan ang mambabasa na
higit na maunawaan ang isang prosidyur o
proseso o di kaya ay palawakin ang pang-
unawa ng isang mambabasa kaugnay ng
isang konsepto.
Ang tono ng tekstong impormatib o
ekspositori ay tila naiiba dahil sa ito ay
awtoritatib dahil ipinapalagay na ang
manunulat ay may higit na kaalaman upang
ipaliwanag ang isang bagay o kaisipan
(Fisher & Frey, 2008 sa Sejnost & This,
2010).
Ang tekstong impormatib ay
nagsisimula sa mga katotohanan at
sinasagot ang mga katanungang bakit o
paano. Nagmumula ang kaalaman ng
manunulat sa kanilang mga dating
kaalaman at mula sa mga primarya at
Mahalaga rin ang paglalakip ng mga
halimbawa upang gawing malinaw ang
paliwanag. Ang impormatib o ekspositori na
teksto ay kilala bilang isa sa apat (4) na
pangunahing anyo ng diskurso at
kinabibilangan din ng elemento ng
paglalarawan, pagsasalaysay at
pangangatwiran ngunit lubhang naiiba sa
malikhain at mapanghikayat na pagsulat
dahil ang tanging layunin ng tekstong
ekspositori ay magbigay ng impormasyon
tungkol sa isang paksa, isyu, pamamaraan o
ideya (Expository writing: Glossary of..., n.d.)
WALONG
ESTRATEHIYA
NG
PAGSULAT
NG TEKSTONG
EKSPOSITORI
1. ANALOHIYA
Ito ay ang paghahambing ng dalawang
bagay, karaniwang nakabase sa kanilang mga
katangian, sa layong maipaliwanag o magbigay-
linaw.
Sa retorika, ang analohiya ay isang
pangangatwiran o pagpapaliwanag mula sa
magkakahilerang ideya.
Ang simili ay isang expressed analogy
samantala ang metapora ay isang implied
analogy.
Kinakailangang maingat na isinasagawa
ang analohiya upang hindi mapalutang ang
ideya na dahil may pagkakatulad ang dalawang
bagay o kaisipan sa dalawa o higit pang aspeto,
magkatulad na ang mga ito sa lahat ng aspeto.
2. PAGSUSURI
Ito ay tumutukoy sa detalyadong
eksaminasyon ng mga elemento o
istruktura ng isang bagay o kaisipan,
karaniwang bilang basehan ng
interpretasyon o talakayan.
Sa pagsusuri, maingat na inaalam ang
mga elementong sangkot sa isang bagay o
kaisipan at tinutukoy kung sa papaanong
pamamaraan ang mga ito ay naipag-
uugnay.
Halimbawa ay susuriin ang isang
kagamitan, aalamin kung saan Ito
ginawa, ano-anong materyales ang
ginamit upang ito ay mabuo, ang
kapasidad nito at kung ano ang
kapakinabangan nito.
Sa pamamagitan ng pagsusuri,
mapabagay man o ideya, natutulungan
ang isang taong makabuo ng
matalinong desisyon.
3. SANHI AT BUNGA
Ito ay isang ugnayang
kinasasangkutan ng isang pangyayari na
siyang nagiging daan ng Isa pang
pangyayari.
Ang isang sanhi ay maaaring
magkaroon ng higit sa isang bunga.
Masasabing sa bawat pangyayari ay may
nagaganap na bunga ngunit hindi tuwirang
masabi kung bakit ganoon ang nagiging
bunga dahil maraming maaaring posibleng
paliwanag sa mga bunga (Williams, n.d.)
4. PAG-UURI
Ito ay tumutukoy sa pagpa-
pangkat-pangkat ng mga tao o ideya o
mga bagay ayon sa kanilang
pagkakatulad.
Ito ay ang sistematikong
pagsasaayos ng mga tao, bagay o
kaya ay ideya ayon sa isang tiyak o
ispesipikong kriterya.
5. PAGHAHAMBING
Ito ay ang pagpapahayag ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
bagay, tao o ideya, maaaring sa layuning
palutangin o higit na mabigyang pansin ang
isa o di kaya ay upang ipaliwanag ang
dalawang kaisipan.
Sa paghahambing, maaaring ipakita ang
pagkakatulad gayundin ang pagkakaiba ng
dalawang bagay o kaisipang
ipinaghahambing sa layong higit na
maunawaan ang mga ito.
Higit na mainam ang paghahambing
kung ito ay ginawa nang walang pagkiling sa
alinman sa mga bagay o kaisipan na
ipinaghahambing.
6. DEPINISYON
Ito ay ang kahulugan ng isang ideya
na naibibigay gamit ang iba pang salita.
Maaari itong magsagawa sa dalawang
pamamaraan:
Una ay sa pamamagitan ng pagbigay
ng pinakadiwa ng salita o konsepto o
intensional definition at ang
Ikalawa ay ang extensional definition
kung saan itinatala ang lahat ng mga
bagay na inilalarawan ng naturang
konsepto.
7. HALIMBAWA
Ito ay tumutukoy sa isang indibidwal
na penomenong kumakatawan sa isang
tiyak na kabuuan.
Maaaring ito ay isang bagay o
katangian na naglalarawan ng isang
pangkalahatang tuntunin.
8. PAGSUSURI NG PROSESO
Ito ay tumutukoy sa isang proseso ng
pagpapaunlad ng isang komposisyon kung
saan ipinaliliwanag ng isang manunulat, sa
mga magkakasunod na hakbang, ang
pamamaraan ng pagsasagawa ng isang
bagay.
Maaaring maisagawa ito sa dalawang
pamamaraan:
a) impormatibo kung saan ipinaliliwanag
kung paano gumagana ang isang bagay
b) direktiba kung saan ipinaliliwanag kung
paano gawin ang isang bagay.
b.) TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Argumentativ - ang isang teksto kung
ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral
na kaugnayan ng mga proposisyon na
nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan.
Ang ganitong uri ng teksto ay
tumutugon sa tanong na bakit.
Halimbawa: mga editorial
Ito ang uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensya
mula sa personal na karanasan, kaugnay na
mga literatura at pag-aaral, ebidensyang
kasaysayan at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Tekstong Argumentatibo
Nangungumbinsi batay sa datos o
impormasyon.
Nangungumbinsi batay sa damdamin at
opinyon.
Nakahihikayat dahil sa merito ng
ebidensya.
Nakahihikayat sa pamamagitan ng
pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at
pagpokus sa kredibilidad ng may- akda.
Obhetibo
Subhetibo
Argumentatib o Pangangatwiran
Ito ay isang makatwiran at lohikal na
paraan ng paglalahad ng manunulat ng
kanyang panig, paniniwala at kongklusyon
kaugnay ng isang isyu.
Sa simula ay ilalahad ng manunulat
ang kanyang pinaniniwalaan at kasunod
nito ay ang paghahanay ng mga
impormasyong magsisilbing ebidensya na
mula sa mga mapagkakatiwalaang
hanguan.
Mahalagang mabigyang linaw ng
manunulat ang kanyang pinaniniwalaan at
magharap ng ebidensya ukol dito
gayundin ang pagharap ng matibay na
argumento laban sa kabilang panig.

Ang layon ng argumentatibong


pahayag ay upang baguhin ang takbo ng
pag-iisip ng mambabasa at hikayatin
silang kumilos o tanggapin ang kanyang
paliwanag tungkol sa isang suliranin o
konsepto.
Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng
isang matagumpay na tekstong
argumentatibong:

1. Pumili ng panig kaugnay ng


paksa: Basahing mabuti ang paksa at
unawain ito. Matapos ay pumili ng
papanigan. Isulat ang iyong
pinakadahilan ng pagpili ng panig. Ito
ang magsisilbing paunang tesis na
pangungusap.
2. Magbagyuhang-isip (brainstorm)
ng mga dahilang susuporta sa iyong
opinyon. Pumili lamang ng 2-3 dahilan.
Isulat ang mga dahilan bilang paksang
pangungusap sa pamamagitan ng
paglahad ng iyong opinyon at isang
dahilan sa bawat opinyon.
3.Isulat ang bawat paksang
pangungusap. Mag-isip ng ebidensyang
susuporta sa bawat paksang
pangungusap. Ilakip ang mga estadistika,
halimbawa at mahahalagang detalye
upang magkaroon ng matibay na suporta
ang bawat dahilan.
4. Buuin ang tekstong argumentatib
gamit ang nabuong Balangkas.
(http://www.pasadena.edu/files/syllabi/jcs
tevens_36421.pdf)
Mga Mabubuting Tandaan Maaaring Iwasan
mamit ng pananalitang may Gumamit ng katagang mahina
pak tulad ng "Naniniwala ako..", "Sa
palagay ko..."
nggitin ang mga taong Huwag umastang eksperto
kilala sa paksa na may sand larangan kung hindi
niniwalang katulad ng naman talaga at kung kulang
niniwala mo. say ebidensya.
glahad ng mga ebidensya at Huwag bumatay say mga
a estadistika upang usaping moral o pananaw ng
pagtibay ng panig. simbahan upang pagtibayin ang
iyong paninindigan.
glahad ng mga dahilan bilang Huwag agad isiping maniniwala
porta sa iyong paniniwala. ang iyong mambabasa sa ano
mang aspekto ng iyong
pangangatwiran.
MGA
ELEMENTO
NG
PANGANGATWIRAN
PROPOSISYON

ARGUMENTO
Ayon kay Abad (2004) ang
proposisyon ay ang pahayag na inilalahad
upang pagtalunan o pag-usapan at ito ang
isang bagay na pinagkakasunduan bago
ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
Magiging mahirap ang
pangangatuwiran kung hindi muna ito
itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa
mga batayan ng isyu ang dalawang panig.
HALIMBAWA:
1. Dapat na ipasa ang Divorce Bill
upang mabawasan ang karahasan laban
sa kababaihan.
2. Nakasasama sa pamilya ang pag-
alis ng isang miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa.
3. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ang multilingual education
kaysa sa bilingual education.
Ang argumento ay ang paglalatag ng
mga dahilan at ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay ng
mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay
na Tekstong Argumentatibo
1. Mahalaga at Napapanahong Paksa
Pagpili ng angkop na paksa sa
pamamagitan ng iba’t ibang napapanahon
at mahahalagang isyu na may bigat at
kabuluhan.
Nangangailangan ng interes sa paksa
ngunit kailangan din pag-isipan kung ano
ang makatwirang posisyon na
masusuportahan ng argumentasyon at
ebidensya.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
Ipinaliliwanag ang konteksto ng paksa
sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa
pangkalahatan.
Tinatalakay sa bahaging ito kung bakit
mahalaga ang paksa at kung bakit kailangan
makialam sa isyu ang mga mambabasa.
Gumamit ng introduksyon na
makakakuha ng atensyon ng mambabasa
gaya ng estadistika, makabuluhang sipi
mula sa prominenteng indibidwal o kaya’y
anekdota na may kinalaman sa paksa ng
teksto.
3. Maayos na pagkasunod-sunod ng
talatang naglalaman ng mga ebidensya
ng argumento.
Ang bawat talata ay tumatalakay sa
iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ay
nagbibigay linaw at direksyon sa buong
teksto.
Tiyakin ding maikli ngunit malaman
ang bawat talata upang maging mas
madaling maunawaan ng mambabasa.
Iwasan ang paggamit ng wikang
emosyonal. Mahalagang pagtibayin ang
ebidensya at paghusayin ang lohikal na
pangangatuwiran kaysa umapila sa emosyon
ng mambabasa.
Huwag mag-imbento ng ebidensya at
banggitin ang pinagmulan ng impormasyon
at pagpapatunay.
“Huwag matakot na magsalita at manindigan
para sa katapatan at katotohanan laban sa
kawalan ng hustisya, kasinungalingan at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig
ay gagawa nito, mababago ang mundo”
- WILLIAM FAULKNER
C.) TEKSTONG
PERSWEYSIV
O
NANGHIHIKAYAT
Persweysiv - Tekstong
nangungumbinse o nanghihikayat.
Halimbawa: mga nakasulat na
propaganda sa eleksyon, mga
advertisement.
Mga patalastas
Talumpati
Layunin ng textong persweysiv na
maglahad ng isang opinyong kailangang
mapanindigan at maipagtanggol sa
tulong ng mga patnubay at totoong datos
upang makumbinsi ang mga mambabasa
Layunin ng textong persweysiv na
maglahad ng isang opinyong kailangang
mapanindigan at maipagtanggol sa tulong
ng mga patnubay at totoong datos upang
makumbinsi ang mga mambabasa na
pumanig sa manunulat.
•Mga pahayag na makaakit sa
damdamin at isipan ng mambabasa
•Mga pangangatwirang hahantong sa
isang lohikal na konklusyon
Ang persweysib na teksto ay
nagsisimula sa isang tesis na pahayag.
Ang tesis na pahayag ay isang
pangungusap na naglalaman ng paksa ng
argumento, panig na siyang pinaniniwalaan
ng manunulat at ninanais na ipaglaban at
ang pangkalahatang dahilan ng naturang
pagkiling.
Ang mga ito ang tatlong (3)
mahahalagang bahaging bumubuo ng isang
malinaw na tesis.
Sa pamamagitan ng tesis, agad na
nagkakaroon ng ideya ang tagapakinig o
mambabasa sa isyu at panig na iyong
pinaninindigan.
Narito ang simpleng istruktura ng
mapanghikayat na teksto.
1. Introduksiyon:
a. Hook - Simulan ang teksto sa
pamamagitan ng isang mapanghikayat na
pangungusap. Kailangang mabingwit ang
atensyon ng mambabasa.
b. Kaligirang impormasyon - Bigyan ng
konteksto ang iyong argumento/paksa;
gawing pamilyar sa mambabasa ang paksa
ng panghihikayat.
c. Depinisyon - Bigyang linaw ang
ilang konsepto na maaaring maging
sanhi ng malabong pang-unawa.
(https://studentsuccess.asu.edu/sites/de
fault/files/Persuasive%20Structure.pdf):
d. Tesis na pahayag - Ilahad sa
isang malinaw at maikling pangungusap
ang iyong argumento. Ito ang
magsisilbing direksyon ng kabuuan ng
iyong teksto.
2. Mga talata ng katawang bahagi
a. Isang paksang pangungusap sa
bawat talata upang isang detalye ang
talakayin sa bawat talata.
b. Maglagay ng paksang pangungusap
sa bawat talata.
c. Lakipan ng ebidensya ang bawat
talata.
d. Ipakita kung paano sinusuportahan
ng iyong ebidensya ang iyong argumento.
3. Kongklusyon
a. Bigyan ng maayos na pagwawakas
ang buong teksto.
b. Bigyang diin ang kahalagahan at
kabuluhan ng iyong argumento.
c. Maaaring mag-iwan ng hamon sa
mambabasa upang pag-isipan ang
argumento.
Mga Elemento ng
Tekstong
Nanghihikayat
Ayon kay
Pilosopong
Aristotle
1.Ethos- ang karakter, imahe, o
reputasyon ng manunulat/tagapagsalita -
hango sa salitang Griyego na nauugnay
sa salitang Etika ngunit higit na angkop
ngayon sa salitang Imahe.
Ang Ethos ang magpapasya kung
kapani- paniwala o dapat pagkatiwalaan
ng tagapakinig ang Tagapagsalita, o ng
mambabasa ang manunulat.
2.Logos- ang opinyon o lohikal na
pagmamatuwid ng manunulat /
tagapagsalita
Salitang Griyego na Logos ay
tumutukoy sa pangangatwiran na
nangangahulugang nanghihikayat gamit
ang lohikal na kaalaman o may katwiran
ba ang sinasabi upang mahikayat ang
mga tagapakinig kung ito ba ay totoo.
3.Pathos-emosyon ng mambabasa
/tagapakinig
Ito ay tumatalakay sa emosyon o
damdamin ng mambabasa o
tagapakinig.
Nanghihikayat
a. Kredibilidad ng may akda
Gaano kakilala ang pinagmulan ng
teksto(manunulat o tagapagsalita) at ano ang
pagkakakilala sa kanya?
b. Nilalaman ng teksto
Ano ang hangarin ng may akda sa
kanyang pagsulat?
c. Panghihikayat
Anong damdamin ang pumukaw sa
pagbasa ng teksto?
d. Bisa ng panghihikayat ng teksto
Tagumpay ba ang paggamit ng mga
elemento ng panghihikayat upang
makumbinsi ang mga mambabasa?
Tanong Pagkatapos Marinig ang Teksto
1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang
layunin nito? Ilahad ang pangunahing paksa
nito at magbigay ng suportang ideya?
2. Sino ang sumulat ng liham at ano ang
kanyang katangian?
3. Paano ginamit ang mga elementong
pathos at logos sa kanyang liham?
4. Paano maiuugnay ang kabuuang
mensahe ng tekstong binasa sa iyong sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at sa daigdig?
Tukuyin ang implikasyon nito sa ating
Kultura.
IBA’T IBANG URI NG MGA
PROPAGANDA DEVICE
Name Calling - pagbibigay ng hindi
magandang taguri sa isang produkto o
katunggali upang hindi tangkilikin.

Glittering Generalities - ang magaganda at


nakasisilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala
at pagpapahalaga ng mambabasa.
Transfer - paggamit ng isang sikat na
personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan.
Testimonial - kapag ang isang sikat na tao
ay tuwirang nag- endorso ng isang tao o
produkto.
Plain Folks - mga kilala o tanyag na tao ay
pinapalabas na ordinaryong tao na
nanghihikayat sa produkto o serbisyo.
Card stacking - ipinakikita ang lahat ng
magagandang katangian ng produkto
ngunit hindi binabanggit ang hindi
magandang katangian.
Bandwagon - hinihimok ang lahat na
gamitin ang isang produkto o sumali sa
isang pangkat dahil lahat ay sumali na.
D.) TEKSTONG
NARATIBO
Narativ - Naglalahad ng
magkakasunod-sunod na pangyayari, o
simpleng nagsasalayasay.

Halimbawa: mga akdang pampanitikan


Ang tekstong naratibo o pasalaysay
ay tumutukoy sa tekstong naglalahad ng
katotohanan o impormasyon tungkol sa
mga pangyayaring naganap, nagaganap
o magaganap pa lamang
Ang tekstong naratibo ay
karaniwang kronolohikal o nakabatay
sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, bagamat sa tekstong
literi, madalas naman ang paggamit
ng flashback.
Mga Paksa sa Pagbuo ng
Naratibong Komposisyon
Ito ay panawag pansin ng pasulat na
narasyon, kung hindi mabuti ang pamagat
niyon, malamang na walang
magkakainteres na basahin yon.
Samakatuwid, upang maging mabuti ang
pamagat, kailangang taglayin niyon ang
mga sumusunod na katangian:
a. Maikli
b. Kawili-wili o kapana-panabik
c.Nagtatago ng lihim o hindi
nagbubunyag ng wakas
d. Orihinal o hindi palasak
e. Hindi katawa-tawa, kung ang
komposisyon ay wala namang layunin ng
magpatawa
f. May kaugnayan o naaangkop sa
paksang diwa ng komposisyon
Iba't ibang ayos ng
pagkakasunod-sunod
ng isang narasyon:
Simula --- Gitna --- Wakas
Gitna o dakong wakas ---- Simula ---
Wakas
Wakas --- Simula --- tunay na wakas
Bukod sa pamagat, ito ay ang pang-
akit din sa mga mambabasa.
Nagsisilbi itong pwersang tumutulak
sa mga mambabasa upang ipagpatuloy
ang pagbabasa.
Ito rin ay nararapat lamang ng maging
tiyak at tuwiran. “Magsimula sa simula”
ang payo ng maraming manunulat.
Aksyon agad ika nga.
Hindi na kailangan ng paligoy-ligoy sa
introduksyon tulad ng ‘noong unang
panahon’, ‘isang araw’, ‘habang’, ‘minsan’,
‘may isang’ at ‘ang kwentong ito ay tungkol
sa’. Ang ganitong simula ay paso/laos na.
Dapat maging kawili-wili upang makintal
ang bias ng narasyon. Iwasan ang
prediktabol na wakas. (Mas mabuti kung)
lagyan ng twist na makatwiran ang narasyon.
Iwasan ang paligoy ligoy. Isunod agad ang
wakas pagkatpos ng kasukdulan. Iwasan ang
pangangaral sa wakas.
E.) TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Descriptiv - ang isang teksto kung ito
ay nagtataglay ng impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng
isang tao, lugar, bagay. Madali itong
makilala sapagkat ito ay tumutugon sa
tanong na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang
pampanitikan.
“kahit hindi ka pintor ay makabubuo
ka ng isang larawan gamit ang mga
salitang titimo sa damdamin at isipan”
Tekstong deskriptibo ay maihahalintulad
sa isang larawang ipininta o iginuhit na kung
saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita
na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng
larawan. Subalit, sa halip na pintura o
pangkulay, mga salita ang ginagamit ng
manunulat upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong
deskriptibo.
Mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga
kilos o galaw, o anumang bagay na nais
niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng
mambabasa.
Mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat tauhan,
tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang
bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
Mula sa epektibong paglalarawan ay
halos makikita, maaamoy, maririnig,
malalasahan, o mahahawakan na ng
mambabasa ang mga bagay na
inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya
nabubuo ang mga imaheng ito.
Bagama’t mga pang-uri at pang abay
ang karaniwang ginagamit na mga salita
sa pagbuo ng tekstong deskriptibo,
madalas ding ginagamit ang iba pang
paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit
ng mga pangngalan at pandiwang
ginagawa ng mga ito gayundin ng mga
tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis,
pagsasatao at iba
Dapat tandaan!!!
•Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong
deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto.
Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong dekriptibo ay
laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang
tekstong naratibo kung saan kinakailanga na ilarawan ang
mga tauhan, tagpuan, ang damdamin, ang tono ng
pagsasalaysay, at iba pa.

•Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na


pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong
argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi
APAT
NA
MAHAHALAGANG
TEKNIK
SA
EPEKTIBONG
PAGLALARAWAN
a. PAGPILI NG POKUS:

Mahalagang tukuyin muna kung ano


ang iyong nais na talakayin nang sa gayon
ay maiwasan ang paglilihis at higit sa
lahat, madaling makakapagsulat dahil
mayroon ng pokus, maisusunod na ang
pagdaragdag ng mga detalye ng
inilalarawan.
b. MAINGAT NA PAGPILI
NG MGA SALITA:
Tandaan na ang layunin ng
paglalarawan ang makalikha ng imahe sa
isipan ng iyong mambabasa.
Kung gayon, kailangang gumamit ng
salitang pupukaw sa guni-guni ng
mambabasa. Sa halip na ipahayag nang
tuwiran ang detalye, lagyan ito ng kulay,
ng tekstura, ng lasa o di kaya ng tunog
gamit ang mga pang-uri.
c. READER INTEREST:
Pukawin ang interested ng
iyong mambabasa sa pamamagitan
ng paggamit ng pang-uri kaugnay
ng limang (5) pandama.
Sa ganitong pamamaraan ay
nagkakaroon ng koneksyon ang
mambabasa sa iyong inilalarawan.
d. RE-READING AT REDO:
Mahalagang muling balikan ang
tekstong isinulat upang matiyak kung
sapat na ba ang detalyeng inilagay o
kailangan pang magdagdag.
Ilagay ang sarili sa lugar mambabasa
at tanungin ang sarili:
Mauunawaan ko ba ang inilalarawan
kahit na wala akong dating kaalaman sa
paksa?
2 URI NG
PAGLALARAWAN
1. SUBHETIBO
Ang paglalarawan kung ang manunulat ay
maglalarawan ng napakalinaw at halos
madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang
mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa
katotohonan sa totoong buhay.
Ito ay karaniwang nangyayari sa
paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad
ng mga tauhan sa maikling kwento. Likhang-
isip lamang ng manunulat ang mga tauhan
kaya’t ang lahat ng mga katangiang taglay nila
ay batay lamang sa kanyang imahinasyon.
2. OBHETIBO
Ang paglalarawan kung ito’y may
pinagbabatayang katotohanan.
Halimbawa:
“Kung ang lugar na inilalarawan ng
isang manunulat ay isa sa magagandang
lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang
mga mambabasa, gagamit pa rin siya ng
sarili niyang mga salitang maglalarawan sa
lugar subalit hindi siya maaaring maglagay
ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang
paksa
Gamit ng cohesive devices o
kohesyong gramatikal sa pagsulat ng
tekstong Deskriptibo:

•Upang mas maging mahusay ang


pagkakahabi ng tekstong deskriptibo
bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o
kaya’y maging mas malinaw ang anumang
uri ng teekstong susulatin, kinakailangan
ang paggamit ng mga cohesive device o
kohesyong gramatikal.
Limang
pangunahing
cohesive device
o
kohesyong gramatikal
1. Reperensiya (reference)
•Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging reperensiya
ng paksang pinag- uusapan sa
pangungusap.
Maaari itong maging anapora (kung
kailangan bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy)
o kaya’y katapora (kung nauna ang
panghalip at malalaman lang kung sino o
ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy
ang pagbabasa sa teksto)
Halimbawa:
Anapora.
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay
tumutukoy sa aso na nasa unang
pangungusap.
Kailangang balikan ang unang
pangungusap upang malaman ang
tinutukoy sa pangungusap.
Halimbawa:
Katapora.
Siya ang nagbibigay sa akin ng
inspirasyong bumangon sa umaga at
masiglang umuwi sa gabi. Ang matamis
niyang ngiti at mainit na yakap sa aking
pagdating ay sapat para sa kapaguran
hindi lang ang aking katawan kundi ng
aking puso at damdamin.
Siya si Bella, ang bunso kong
kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
(ang siya sa unang pangungusap ay
tumutukoy kay Bella, ang bunsong
kapatid. Malalaman lamang kung sino
ang tinutukoy ng siya o niya kapag
ipnagpatuloy ang pagbasa.)
2. Substitusyon (substitution)
•Paggamit ng ibang salitang ipapalit
sa halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang
kita ng bago. (Ang salitang aklat sa
unang pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita’y
parehong tumutukoy sa iisang bagay ang
aklat.)
3. Ellipsis
•May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil
makakatulong ang unang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama’y tatlo. (nawala ang salitang bumili
gayundin ang salitang aklat para sa bahagi
ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng
mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili
rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa
unang bahagi.)
4. Pang-ugnay
•Nagagamit ang mga salitang pang-
ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay
sa sugnay, parirala sa parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na nauunawaan
ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon
sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong leksikal
•Mabibisang salitang ginagamit sa
teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa:
reiterasyon at ang kolokasyon.
Reiterasyon
•Kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit nang ilang beses. Maaari itong
mauuri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon,
pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan
A. Pag-uulit o repetisyon Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtratrabaho na sa murang gulang pa
lamang.
B. Pag-iisa-isa Halimbawa: Nagtanim
sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga
gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa at
ampalaya.
Pagbibigay kahulugan Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha.
C. Pagbibigay kahulugan

Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa
ay nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
2. Kolokasyon
•Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha na may kaugnayan
sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang
isa ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha o maaari ding
magkasalungat.
Halimbawa:
Nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilga-
timog, doctor-pasyente, puti-itim, maliit-
Malaki, mayaman-mahirap
ILANG
TEKSTONG
DESKRIPTIBONG
BAHAGI NG IBANG
TEKSTO
Paglalarawan sa tauhan
•Sa paglalarawan ng tauhan, hindi
lang sapat na mailarawan ang itsura at
mga detalye patungkol sa tauhan kundi
kailangang maging makatotohanan din
ang pagkakalarawan dito.
Hindi sapat na sabihing “ ang aking
kaibigan ay maliit, maikli at unat ang
buhok, at mahilig magsuot ng pantalong
maong at puting kamiseta.”
Ang ganitong paglalarawan bagama’t
tama ang mga detalye ay hindi
magmamarka sa isipan at pandama ng
mambabasa.
 Katunayan, kung sakali’t isang
suspek na pinaghahanap ng mga pulis
ang inilalarawan ay mahihirapan silang
maghanap gamit lang ang unang
paglalarawan. Kulang na kulang ito sa
mga tiyak at magmamarkang katangian.
Ang mga halimbawang salitang maliit,
matangkad, bata, at iba pa ay
pangkalahatang paglalarawan lamang at
hindi nakapagdadala ng mabisang imahe
sa isipan ng mambabasa.
Samakatuwid mahalagang maging
mabisa ang paglalarawan sa tauhan.
Iyon halos nabubuo sa isipan ng
mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay
at iba pang katangian ng tauhan gamit ang
pinaka-angkop na mga pang-uri.
Mahalaga ring pakilusin ang tauhan
para mas magmarka ang mga
katangiang taglay niya tulad halimbawa
ng kung paano siya ngumiti, maglakad,
humalakhak, magsalita, at iba pa.
Sinasabing ang pinakamahusay na
tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang
sa pahina ng akda kundi sa puso at
isipan ng mambabasa kaya naman kahit
sila’y produkto lang ng mayamang
imahinasyon ng manunulat, hindi sila
basta nakalilimutan.
f.) Tekstong Prosijural
Ang tekstong prosidyural ay isang uri
ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain
na may layuning makamit ang inaasahang
hangganan o resulta. Ito ay nagbibigay ng
kaalaman para sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
pagsasagawa ng isang gawain o proyekto.
Sa ganitong uri ng teksto, isa-isang
inilalahad ang mga hakbang na dapat
sundin upang maging maayos ang
anumang gawain. Sa pagbibigay ng mga
hakbang kailangang isaalang-alang ang
sumusunod:
1. Gumamit ng mga payak o simpleng
salita na madaling maunawaan.
2. Maging tiyak sa paglalahad ng mga
panuto o hakbang na dapat sundin.
3. Bigyan ng diin ang mga detalyeng
kinakailangan upang masunod ang mga
gawain.
4. Pagtuonan ng pansin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
nang hindi malito ang magsasagawa
nito.
Prosijural-
Ang isang teksto kung ito ay
nagpapakita at naglalahad ng wastong
pagkakasunod-sunod ng hakbang ng
malinaw na hakbang sa
pagsasakatuparan ng anumang gawain.
Naglalahad ng wastong
pagkakasunod-sunod ng hakbang sa
paggawa ng isang bagay.
Tekstong Prosidyural:
-Uri ng paglalahad na kadalasang
nagbibigay ng impormasyon at instruksyon
kung paano isinasagawa ang isang tiyak na
bagay.
MGA HALIMBAWA –
Recipe sa pagluluto sa Home
Economics, - Paggawa ng eksperimento sa
agham at medisina, - Pagbuo ng aparato at
pagkumpuni ng mga kagamitan sa
teknolohiya,- Pagsunod sa mga patakaran
sa paglalaro ng isang bagay, - Mga paalala
sa kaligtasan sa kalsada, - Manwal na
nagpapakita ng hakbang-hakbang na
pagsasagawa ng iba’t ibang bagay.
LAYUNIN

- Makapagbigay ng sunod- sunod na


direksyon at impormasyon sa mga tao
upang matagumpay na maisagawa ang
mga gawain ng ligtas, episyente at
angkop sa paraan.
Apat na bahagi ng Tekstong Prosidyural

- Inaasahan o Target na Awput


- Mga Kagamitan
- Metodo
- Ebalwasyon
Inaasahan o Target na Awput - Kung
ano ang kakalabasan o kakahantungan
ng proyekto ng prosidyur.
- Maaaring ilarawan ang mga tiyak na
katangian ng isang bagay o kaya ay
katangian ng isang uri ng trabaho o
ugaling inaasahan sa isang mag-aaral
kung susundin ang gabay.
Mga Kagamitan -Ang mga kasangkapan
at kagamitan na kinakailanganupang
makumpleto ang isinasagawang
proyekto.

-Nakalista ito sa pamamagitan ng


pagkasunod-sunod kung kailan
gagamitin. Maaaring hindi makita ang
bahaging ito sa mga uri ng tekstong
prosidyural na hindi gagamit ng
anumang kagamitan.
Metodo –
 Serye ng mga hakbang na isinasagawa
upang mabuo ang proyekto.

Ebalwasyon –
Naglalaman ng mga pamamaraan kung
paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.
-Ito ay sa pamamagitan ng mahusay na
paggana ng isang bagay, kagamitan o
makina o di kaya ay mga pagtataya
kung nakamit ang kaayusan na layunin
ng prosidyur.

 - Mahalaga ang paggamit ng heading,


subheading, numero, dayagram at mga
larawan upang maging mas malinaw
ang pagpapahayag ng instruksyon.
Mahalagang alamin at unawain
kung sino ang nakikinig o
nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri
at antas ng wika ang gagamitin.
Mga Tiyak na
Katangian ng
Wikang Madalas
Gamitin sa
Tekstong Prosijural
- Nasusulat sa kasalukuyang
panahunan.
- Nakapokus sa pangkalahatang
mambabasa at hindi sa iisang tao
lamang.
- Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa
instruksyon.
- Gumamit ng malinaw na pang-ugnay
at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod- sunod at ugnayan ng
mga bahagi ng teksto.
- Mahalaga ang detalyado at tiyak na
deskripsyon (hugis, laki, kulay, dami
atbp.
KABANATA
3
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay ang proseso ng
pangangalap ng mga totoong impormasyon
na humahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng
paggamit ng kung ano ang nalalaman o
napag-alaman na.
Matatanggap ang karagdagang
kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay
ng mga panukala (teoriya) o mga
pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa
mas mainam na pagpapaliwanag ng mga
napapansin o obserbasyon.
Isang prosesong mapagsuri,
sistematiko o maparaan, organisado o
nakaayos, at walang-kinikilingan
(obhetibo).
Nararapat na masagot ng prosesong
ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa
ganitong paraan, dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hinggil sa isang hindi
nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman
pa ng mga mamamayan.
Mga
pangunahing
uri
ng
pananaloksik
Basiko o payak na pananaliksik

Tinatawag din itong puro o


pundamental na pananaliksik na
isinasagawa sa mga laboratoryo o
klinikang pang-eksperimento.
Nilapat na pananaliksik

Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa


mga gawaing pampananaliksik, o
paggamit ng mga kaalaman sa
pananaliksik na magagamit para sa
pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang dito
ang mga protokol (protokolo) o mga
sinusunod at tinutupad na paraan sa
mga pananaliksik na klinikal.
IBA PANG
MGA URI NG
PANANALIKSIK
Pang-akademya
Iba ito sa pananaliksik na
pangedukasyon sa ibaba sapagkat
isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila
ang pinag-aaralan ng mananaliksik.
Nagsasaliksik ang mga estudyante
upang makapagsulat ng mga takdang-aralin,
sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming
bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa,
at nagtatala sila sa kanilang mga talaan.
Ginagamit din ang gawing ito ng mga
manunulat ng mga hindi kathang-isip na
mga manuskrito o akda, upang maging tama
ang kanilang mga impormasyong ginagamit
sa pagsusulat.
Pang-agham

Tinatawag din itong Isang


pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik
ang makaagham na metodo.
Ginagamit ang pananaliksik upang
mapainam ang mga pagkaunawasa mga
larangan ng biyolohiya, at iba pa.
Dahil sa pang-agham na gawi ng
pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan
ang pagkakatuklas ng mga bagong
gamot na panglunas ng mga
karamdaman, ang paglalang ng mga mas
hindi-mapanganib na mga sasakyan, at
kung paano makapag-aani ng mas
maraming mga pagkain sa mga bukirin.
Nagmumula sa mga pamahalaan,
mga pribadong korporasyon, at mula sa
nagbibigay-kusang mga samahan ang
suportang pampananalapi sa ganitong
uri ng mga pananaliksik.
Pampamilihan
Isa itong sangay sa larangan ng
sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at
sinusuri sa pananaliksik na
pangmerkado o pangmarket ang kung
ano ang mga bagay na binibili ng mga
tao at kung paano sila naglilibang
pagkatapos ng kanilang mga trabaho
Pang-edukasyon

May kaugnayan sa pagsusuri kung


paano natututo ang mga tao sa
ganitong uri ng pananaliksik, partikular
na sa mga paaralan.
Pangkasaysayan

Sinusuri rito ang lahat ng uri ng


mga dokumentong katulad ng mga
personal na talaan, mga liham, mga
batas, mga resibo, mga sertipiko ng
pagpapatibay, mga pahayagan, mga
magasin, mga aklat, at mga
kasangkapang tulad ng mga alahas,
mga aparato, at mga kagamitang
pantahanan. Ginagamit ito ng mga
arkeologo.
Pangwika
Tinatawag din itong pananaliksik
na lingguwistiko sapagkat pinag-
aaralan ang kung paano ginagamit ng
mga tao ang sinasalitang wika, ang
mga tunog sa wikang sinusuri, at
maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa
pamumuhay ng mga mamamayang
nasa isang pook.
SA MGA DISIPLINA

May isinasagawa ding mga


pananaliksik na nagkakaugnayan ang
iba't ibang larangan ng mga kaalaman.
Kasama sa pangmakadisiplinang
pananaliksik ang multidisiplinaryo,
interdisiplinaryo, at transdisiplinaryo.
Sa antas na pang-
multidisiplinaryo o maramihang mga
larangan, isinasagawa ang
pagsusuri mula sa iba't ibang mga
anggulo, at ginagamitan ng sari-
saring mga pananaw ng mga
larangan, ngunit hindi nagkakaroon
ng pagsasanib.
Sa interdisiplinaryo o sa
pagitan ng mga larangan, nililikha
ang isang katauhan ng
metodolohiya o pamamaraan, isang
identidad ng panukala (teoriya) o
konsepto (diwa), na nagdurulot ng
mas pinagsanib at mauunawaang
mga resulta.
Samantala, mas lumalaktaw sa
mga gawi ng mga naunang may-
ugnayang panlarangang pananaliksik
ang transdisiplinaryo o nagpapalitang
(nagsasanib na) mga larangan:
sapagkat nagsasanib ang mga
larangan o disiplina, kabilang ang
pagkakaisa ng mga epistemolohiya,
partikular na ang Panukala ng mga
Agham Pantao o Teoriya ng Agham
Pangtao.
KAHALAGAHAN
NG
PANANALIKSIK
1. Nagpapayaman ng kaisipan
Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa
walang humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o
naglalapat ng interpretasyon.
Lumalawak ang karanasan- napapalawak ang eksperyensya
ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang
nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos, pagbabasa,
paggalugad sa mga kaugnay na literatura. Nalilinang ang tiwala sa
sarili- tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at
matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na
isinagawa.
Nadaragdagan ang kaalaman- ang gawaing pananaliksik ay
isang bagong kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang
kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.
1. Makadiskubre ng bagong
kaalaman.
2. Maging solusyon sa suliranin
3. Umunlad ang sariling kamalayan
sa paligid.
4. Makita ang kabisaan ng
ginagamit na pamamaraan
estratehiya.
5. Mabatid ang lawak ng kaalaman
sa isang partikular na bagay.
3. 1. Magkaroon ng panimulang
kaalaman sa pagsasagawa ng isang
pananaliksik.
2. Pumili ng napapanahong paksa.
3. Bigyang kahulugan ang suliranin
ng pananaliksik.
4. Pumili ng mahahalagang datos/
impormasyon.
5. Kumilala ng mga palagay o
hinuhang nagpapalinaw sa suliranin
ng pananaliksik.
6. Kakayahang lumikha ng
makabuluhang kongklusyon, palagay
o hinuha.
7. Katumpakan sa paghusga ng mga
ginamit na pamamaraan
4. 1. Pasundang pag-aaral (follow-up
studies)- isinasagawa ito upang
subukan ang resulta ng inyerbensyon
para sa ebalwasyon ng tagumpay ng
isang programa.
2. Pag-aaral na Kalakaran (trend
studies)- inilalarawan ang bilis at
direksyon ng mga pagbabago upang
mahulaan ang mga sitwasyon.
3. Pangkasaysayang pananaliksik
(historical research)- pangunahing
layunin nito ang pagbuo ng
nakaraan upang subukan ang isang
hipotesis kaugnay nito.
4. Pagpapaunlad ng pag-aaral
(developmental studies) -
inilalarawan dito ang anyo ng pag-
unlad o pagbabago sa takbo ng
panahon
5. 5. Sarbey (survey)- isa itong
malapitang pagsusuri ng
phenomenon Na karaniwang batay sa
instrumentong pampananaliksik na
talatanungan.
6. Pangkalagayang pag-aaral (case
study)- layunin nitong magbigay ng
mahigpit ng paglalarawan ng
partikular na yunit ng lipunan.
7. Panlabas na Pag-aaral (field
study)- inilalarawan dito ang isang
phenomenon sa kanyang natural
na kapaligiran kung saan ito
nagaganap
6. 1. Pumili at maglimita ng Paksa.
> Kinawiwilihan, kapaki-pakinabang ang
paksa, at napapanahon.
> Magkaroon ng sapat na sangguniang
pagbabasihan ng napiling paksa.
> Pumili ng paksang hindi magiging
malawak at masaklaw.
> Pumili ng paksang maaring lagyan ng
kongklusyon o pasya upang
makapagbigay ng kuro-kuro matapos
suriin at maglatag ng ebidensya o
katibayan.
7. 2. Magsagawa ng pansamantalang
balangkas.
3. Magtala ng mga Sanggunian o
Bibliograpiya.
4. Mangalap/Mangolekta ng mga tala
o datos.
5. Bumuo ng konseptong papel.
6. Pagsasaayos ng
dokumentasyon.
7. Pagsulat ng Burador.
8. Pagpapahayag ng resulta ng
riserts.
9. Pagrebisa at pagwawasto ng
burador.
10. Pagsulat ng pinal na papel.
8. 1. Magbasa ng maraming
babasahin. Ang iyong paksa ay
malawak sa dahilang wala kang
gaanong kaalaman dito. Kaya
marahil ay kailangang magsarbey ka
pa ng literatura.
Halimbawa ang napili mong paksa
ay tungkol sa interes
2. Bilang unang hakbang,
-ibigay ang kahulugan sa ibat’
ibang sanggunian.
-matutong magtala at sumulat ng
mga kahulugan sa kard.
- magbasa ng aklat na isinulat ng
mga banyaga, kumunsulta rin sa
mga lokal na awtor.
9. 3. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng
literatura.
Ano ang sinasabi ng mga awtor
tungkol sa interes.?
4. Anong espesyal na aspekto ng
interes ang iyong natipon? >
Maaari ka bang magbigay ng ilang
baryabol?
> Ito bay interes sa mga laruan o sa
mga babasahing iyong nakita?
> Ang seks ba ay may kaugnayan
sa pagkakaiba ng interes?
> Ang mga grupo ba ng iba’t ibang
antas ng lipunan ay may
pagkakaiba rin ng interes?
10. 5. Magbasa ng mga pag-aaral na
ginawa tungkol sa interes.
Anu- ano ang mga resulta ng mga
nasabing imbestigasyon? Anu-ano ang
mga baryabol ang kanilang ginamit?
Ang lahat ng mga resulta ay dapat isulat
sa kard o kapirasong papel, isang
mananaliksik sa bawat pahina.
Nagkaroon ka na ng kaalaman tungkol
sa iba’t ibang epekto ng interes, anong
mga pagsisiyasat ang nagawa na at ano
pa ang resulta nito?
 6. Sa puntong ito madedelimitahan mo
na ang malawak na suliranin. Maaaring
handa ka ng pumili ng iyong mga
baryabol.
Isa o dalawa lamang.
Dahil sa ikaw ay baguhan pa lamang.
7. Maaari mo nang ipahayag ang
iyong mga suliranin.
Pag-aralan ang iyong mga baryabol
na napili, gayon din ang mga
kalahok na iyong gagamitin.
Ipahayag ang suliranin sa pormang
patanong.
KABANATA
4
PAGSUSURI
NG
ISANG
TEKSTONG
SA
PANANALIKSIK

You might also like