You are on page 1of 1

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng

mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na


midyum. Kailangang aktibo lahat sa aspektong mental sa kakayahan ng
tagatanggap sa pagbasa. Kailangang gumagana ang kanyang memorya para
maalala lahat ng kanyang mga kaalamang pangwika, gayundin, ang kanyang
mga pinagdaanang karanasan para maiugnay sa binabasa.Kailangang
gumamit ng mga istratehiya para madali niyang makilala ang mga simbolo,
makuha ang mga kahulugan, at maintindihan ang kaisipan o mensaheng
ipinarating at isa dito ay ang masusing pagbasa na kung saan tinataglay nito
ang pagiging mapanuri at kritikal na pagbasa na tumutukoy sa proseso ng
pagkilala ng mga nakasulat na simbolo at ang pagbibigay nito ng
makabuluhang kahulugan. Susi din sa pagtuklas sa mas malawak pang
karunungan. Sa ganitong paraan nadidivelop ng tao ang kanyang katauhan.
Nagdudulot ng mga gintong kaisipang nagiging puhunan ng tao sa pakikipag-
ugnayan sa lipunan, sa kapwa at sa mundong kanyang ginagalawan.

You might also like