You are on page 1of 26

NATIONAL POLYTECHNIC COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Palm St., Greenfields 1, QUEZON CITY


AY : 2020-2021

(FIL 105)

Bb. Carmie Tresvalles Infante


GURO
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBASA

• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng


mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.

• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan


sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.

• Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.

• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,


nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.

• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin

• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi
pangangatwiran at pag-iisip.

• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

BUMABASA ANG TAO DAHIL SA IBA’T IBANG KADAHILANAN:


may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan

may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng
takbo ng panahon

may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman

APAT NA HAKBANG NG PAGBASA:


Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”,

• Ang pagbasa sa akda

• Ang pag-unawa sa binasa

• Ang reaksyon sa binasa

• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong


kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman
LAYUNIN SA MAUNLAD NA PAGBASA
• Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa

• Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa

• Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang
larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities.

• Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat

• Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan,


paaralan at aklatan.

• Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at


pagpapahalaga sa mga binabasa.

• Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

MGA URI NG PAGBASA


Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin

A. MGA URI NG PAGBASA AYON SA PAMAMARAAN


1. Mabilisang pagbasa - (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga
aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na paraan ng pagbasa.

Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat

pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word)

pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman

2. Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na


impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng
sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng
paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento(buy &
sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
3. Pagsusuring Pagbasa - (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing
pagsusuri
sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-
aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.

4. Pamumunang Pagbasa (Critical reading) Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan


ang
buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin.
Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan
din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat
ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

5. Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito,
walang
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.

6. Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong


pagbigkas sa mga
salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.

7. Masinsinang Pagbasa - hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro
ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga
salitang bumubuo sa teksto.

Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad


ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa
pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

B. AYON SA LAYUNIN
1. PAGBASANG NAKAPAGTUTURO - nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o
marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an gating dating kaalaman.
Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak.

2. PAGBASANG PAGLILIBANG - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil


nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot
sa ating buhay.
MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA
1. Pagkilala sa mga salita (word perception) - Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng
salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas

2. Pag-unawa (comprehension) - Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat


at masalimuot na bahagi ng akda.

3. pagpapahalagang literari (literary appreciation) may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa


pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.

4. Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills) - May kakayahan sa


paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan.

LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA


1. Pag-unawang literal

2 Pagbibigay ng Interpretasyon

3. Mapanuri o kritikal na pagbasa

4. Paglalapat o Aplikasyon

5. Pagpapahalaga

EPEKTIBONG ATUTYUD SA PAGBASA


1. Pagiging Alerto
2. May Fleksibilidad
3. Nakapagsasarili
MAMBABASA

 Kognitibong Pananaw

 Dating Alam at Teorya ng Iskema

Iskema (cognitive psychology) – paano inoorganisa ng tao ang mga kaalaman mula sa araw-araw na
akranasan tungo sa makabuluhang mga pattern at kaisipan.

= koleksiyon ng mga organisado at magkakaugnay na mga idea at konsepto

Hal. Fast Food

(Huwag umasang makakapagpadagdag ng sabaw, etc. paris ng sa karinderya)

- nakakatulong para makagawa ng paglalahat, makabuo ng mga opinyon, at maunawaan ang mga
bagong karanasan.

Mambabasa

• Dating Alam (Iskema)


Asimilasyon/ pagsasama-sama

Akomodasyon ng mga bagong kaalaman


MGA LEBEL NG PAG-UNAWA SA PAGBASA
A. Literal na Lebel – ano ang sinasabi ng awtor. (explicit)
B. Interpretatibong Lebel – ano ang talagang gustong sabihin/ipakahulugan ng awtor. (implicit)
C. Analitikal na Lebel – mga kakayahang makilala ang mga pamamaraang retorikal na ginamit ng
awtor. (applied)
D. Kritikal na Lebel – pagmonitor ng sariling pagbasa bilang mambabasa; ebalwasyon ng bisa ng
awtor. (applied)
ESTRATEHIYA
(1) Context clues – pagsusuri sa mga salita at pangungusap sa konteksto nito.
• Depinisyon • Contrast • Halimbawa • Muling pagbanggit

(2) Pagsasanay sa paggamit ng diksyunaryo hal. mga synonyms at antonyms ng mga salita iba’t
ibang kahulugan ng salita at paggamit ng mga ito sa pangungusap

(3) Bubblegram

(4) Semantic map

(5) Concept map

(6) Semantic grid

You might also like