You are on page 1of 15

Ang pormal at di-pormal ay tumatalakay sa

mga seryosong paksa na nagtataglay ng


masusing pananaliksik ng sumulat.
Kadalasang itong nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar o pangyayari.
Pormal - ito ay nagbibigay ng
patalastas sa isang paraang maayos
bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga
pangyayari at mga kaisipan. Kung
minsa'y tinatawag itong impersonal o
syentipiko sapagkat ito'y binabasa
upang makakuha ng impormasyon.
Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o
personal na
nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng
katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang
nakikipag-usap, nais maglahad ng isang
panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng
mga pakahulugan ng may akda sa isang
pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang
pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o
kuro- kuro.
1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili
2. Ito'y Hindi isinulat upang makasakit ng
damdamin ng iba o upang mangaral.
3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
4. Maliwanag na mababanaag ang
magandang kalooban ng may akda.
5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman
ng may akda ukol sa mga aklat, Tao,
kalikasan at iba't ibang mga bagay.

You might also like