You are on page 1of 4

MALIKHAING PAGSULAT NG TULA

Pagbabagong hugis ng buhay na hinango sa pamamagitan ng guniguni, damdamin at


ipinapahayag ang mga salitang may angking aliw-iw.
Tula
Ang Tula Pagsasama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at kaisipan
Nadaramang mga kaisipan Nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy sa
damdamin
Makata May mayamang imahinasyon, sensitibong pandama, at matayog na kaisipan
Ang mahusay na tula…

 May larawang diwa


 Gumigising ng damdamin at kamalayan
 Pinapagalaw ang guniguni ng mambabasa
Ang tula ay binubuo ng Saknong, Taludtod at Sesura
Mga Elemento o Sangkap
1. Tugma
Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Halimbawa: Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliliuha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami Naamis sa hukay ng dusa’t pighati
Tugmaang Patinig
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig
Tugmaang Katinig
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig
Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s
Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y
2. Sukat
Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat
na 12 o lalabindalawahin, 14 o lalabing-apat at 16 0 lalabinanimin. Kung lalabindalawahin ang
sukat, ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig.
Halimbawa:
Ang lahat ng ito / maawaing langit,
Iyong tinutunghay /, ano’t natitiis?
Wala ka ng buong / katwiran at bait,
Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit.
3. Paksa/Kaisipan
Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating
Halimbawa:
“Ang Guryon” ni Ildefonso Santos
Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon, ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao
na nagpapakataas at di inaalagaan ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak.
4. Talinghaga
Nagpapagalaw ng guniguni ng
mga mambabasa, likas na
taglay ng tula, pagpili ng salita
at tayutay na nagbibigay ng
kariktan sa tula
5. Imahen o Larawang-diwa
Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais
ipakahulugan
6. Aliw-iw
Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula
7. Tono
Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit, at
iba pa
8. Persona
Tauhang nagsasalita sa tula
Ang tula ay isang awit Nag-aangkin ng melodiya o tono, nararamdaman sa indayog o
ritmo.
Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at Pagbuo ng Tula
1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng tula.
2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay. Nakatutulong ito upang maging mabisa at
kaakit-akit ang tula.
3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging mabisa at kapupukaw ng interes ng
mambabasa.
4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit ng
mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.
Mga Anyo ng Tula
1. Tradisyonal Ito ay sumususnod sa lumang pamamaraan ng pagsulat. Nagtataglay ito ng apat
na sangkap - sukat, tugma, talinghaga, at kaisipan.
Halimbawa:
Sa langit na iyon, agham ang may haka,
Walang katapusan, diya’y naglipana.
Ang napakaraming bitui’t bantala.
O! Saan hahantong ang ganiyang hiwaga?
-”Ang Diyos at ang Agham” ni Conrado C. Fajardo
Haiku – 3 taludtod
Sukat : 5-7-5
Tanaga – 4 na Taludtod
Sukat: 7 pantig bawat taludtod
Diona – 3 taludtod
Sukat: 7 pantig bawat taludtod
May tugma
Soneto – 14 na taludtod
May striktong tugmaang sinusunod: abba abba cde cde
2. Malayang Taludturan
Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay naman ng talinghaga at kaisipan.
Halimbawa:
Sa bawat araw na nagdaraan
May mithiin tayong gagampanan.
Marangal na hangarin
Taos sa damdamin
Tumulong sa kapwa, ating adhikain.
-”Kapit-Kamay” ni Fernando Nocum
3. Blangkong Berso
Mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma
Uri ng Tula
1. Tulang Liriko
Ang paksa ay ukol sa iba’t-ibang damdamin ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa
kategoryang ito ang tulang dalit, Soneto, Elihiya, Oda at Awit.
Dalit – Parangal sa Maykapal
Soneto – Aral sa buhay
Elehiya – Parangal sa alaala ng namatay
Oda – Parangal o papuri sa isang dakilang gawain
Awit – Pagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, at iba pa
2 Tulang Pasalaysay
Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na may tauhan, tagpuan, at banghay. Mga
kwento ng mga pangyayari at nasusulat ng patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa
paksa, pangyayari at tauhan.
Epiko – Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na hindi
kapani-paniwala sapagkat may halong kababalaghan
Awit at Korido – Nagsasalaysay ng kagitingan at pagkamaginoo, pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan. Ang awit ay may sukat na 12 pantig sa isang taludtod. Ang
korido ay may 8 pantig sa bawat taludtod.
3. Tulang Patnigan
May layuning mangatwiran, manghikayat, at magbigay- linaw tungkol sa isang paksa.
Balagtasan – Tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang
paksang pinagtatalunan
Karagatan – Paligsahan sa pagtula na mula sa alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa dagat
Duplo – Paligsahan ng mga bilyako’t bilyaka sa pagbigkas at pangangatwiran na
madalas ginaganap kung lamay
4 Tulang Pantanghalan
Patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng
nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

You might also like