You are on page 1of 14

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

MODYUL 1:
KAHULUGAN,

KATANGIAN,

AT LAYUNIN NG

AKADEMIKONG PAGSULAT

Modyul para sa Linggo Blg. 1: Agusto 24-28, 2020


Inihanda ni: AYA MARIE B. IBANEZ, LPT

1
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Modyul
Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat
1

Pangalan: _________________________________ Strand at Seksyon: __________


Guro: _____________________________________ Petsa ng Pagsumite:__________

BAGO ANG LAHAT…


Bakit maraming mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbuo ng isang sulatin?
Sadya nga bang mahirap bumuo ng isang komposisyon na mayroong sapat na
kaalaman, wastong gamit ng mga salita, at kawastuhan sa gramatika? Ano kaya sa
palagay mo? Sa araling ito dito mo matutunan ang kahulugan, katangian at layunin
ng akademikong pagsulat na kung saan magagamit mo ito sa iyong sarili kung paano
mo ipapahayag ang iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya, at anumang naiisip sa
paraang katanggap-tanggap sa lipunan.

LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod:
- Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
- Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo
- Natatalakay ang mahahalagang proseso ng pagsulat

SUBUKIN NATIN!
Sagutin ng tama o mali ang mga sumusunod na pahayag batay sa
iyong kaalaman. At magbigay ng kaunting paliwanag sa iyong sagot sa
nakalaang linya.
_____ 1. Ang pagsusulat ay maaaring magsisilbing libangan, matutugunan ang
pangangailangan o di kaya’y bokasyon o trabaho.
Paliwanag: ______________________________________________________
_______________________________________________________________

2
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

_____ 2. Ang layunin ang pagsusulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi, ito’y
personal o ekspresibo at panlipunan o sosyal.
Paliwanag: ______________________________________________________
_______________________________________________________________

_____ 3. Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng
isang taong nais sumulat.
Paliwanag: ______________________________________________________
_______________________________________________________________

_____ 4. Isinaalang-alang ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong


pagsulat.
Paliwanag: ______________________________________________________
_______________________________________________________________

_____ 5. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa, at layunin sa anumang uri ng


pagsulat.
Paliwanag: ______________________________________________________
_______________________________________________________________

TALAKAYIN NATIN!
Ang pagsulat ay isa sa limang makrong kasanayang pangwika na nililinang ng bawat
isa sa atin. Ito ay kasanayang di-likas, ang ibig sabihin nito ay natutunan natin ito sa tamang
paggamit ng mga kagamitang panulat hanggang sa paglalapat nito sa materyal na
pagsusulatan. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng
kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na

3
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang


pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag
ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel
o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. May iba’t ibang dahilan ang tao kung
bakit sila ay nagsusulat. Maaaring ito ay magsisilbing libangan sapagkat sa
pamamagitan nito ay naibabahagi nila ang kanilang mga ideya sa paraang kawili-wili.
Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang dahilanan ng pagsusulat ay matugunan ang
pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi sa pagtatamo ng kasanayan. At sa iba
naman ito ay maaaring pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan
sa lipunan. Kagaya sa mga propesyonal na manunulat tulad ng awtor, peryodista,
sekretarya, guro at iba pa. Ayon namam kay Bernales et al (2010), ang pagsulat ay
pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan
ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kaniyanng o kanilang kaisipan.
May iba’t ibang pananaw o pakahulugan ang iba pang manunulat
kagaya nina:
- Xing at Jin:
“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento”
- Ayon naman kay Badayos:
“ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakakarami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika.”
- Ayon kay Keller:
“ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.”
- Ayon naman Donald Murray:
“Writing is rewriting.”
Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat- “ A good writer is wasteful”.
Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The

4
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an
abudance of fine raw materials.
Dagdag pa ni Murray. “ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa
kahulugan, pagtuklas sa porma at ang manunulat ay pabalik-balik nagtutuon sa isa
sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matukalsan kung
ano ang kaniyang isusulat at kung paano iyon maipapahayg nang mahusay.”

- Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang


pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo na isang tao mula sa
kaniyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.

Mula sa iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga dalubwika ay makikita rin ang


kalikasan, katangian at kahalagahan ng pagsulat. Pinatutunayan din ng mga pahayag
na ito na ang pagsulat ay isang kasanayan na humuhubog at nangangailangan nang
mas mataas na antas ng pag-iisip upang maisagawa nang maayos at may kabuluhan.
Mapapansin din na magkatambal ang pagbabasa at pagsusulat- kung walang
nasusulat ay walang mababasa at kung walang nabasa ay wala ring kongkretong
hanguan ng datos na magagamit sa isang komprehensibong pagsulat.

LAYUNIN SA PAGSULAT
Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan
ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman ang
pagsulat ay isinasagawa na may iba’t ibang layunin na maaaring personal o di-
personal.
Ayon kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipipno (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring
mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay ang personal o ekspresibo kung saan ang
layunin ay nakabatay sa pansariling gawain na kung saan ginagamit natin ang
pagsulat upang ilahad ang ating naramdaman o iniisip, kagaya ng pagsulat ng tula,
maikling kuwento, paglikha ng kanta, at iba pang akdang pampanitikan. Ikalawa

5
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

naman ay ang panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay


pakikipag-ugnayan o makisangkot sa tao at sa lipunang ginagalawan. Ang ibang
tawag sa layuning ito transaksyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng
liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon,
at iba pa.

Maliban sa layunin ng pagsulat, mahalaga rin matutunan ang mga gamit at


pangangailangan sa pagsulat sapagkat ito ang magiging gabay sa paghabi ng iyong
sulatin.

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat

Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng


akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:
1. Wika - Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais
sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa
malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
2. Paksa - Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang
magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng
sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang
mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin - Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat.
4. Pamaraan ng Pagsulat - May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang
kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
a. Paraang Impormatibo - Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

b. Paraang Ekspresibo - Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng


sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa
isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

6
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

c. Pamaraang Naratibo - Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o


magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod.
d. Pamaraang Deskriptibo - Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay
sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.I to’y
maaaring obhitibo at subhetibo.
e. Pamaraang Argumentatibo - Naglalayong manghikayat o mangumbinsi
sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng
argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang Pampag-iisip - Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa
upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa
pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at
mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat - Dapat ding isaalang-
alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika
partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay,
paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga
kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin - Ito ay tumutukoy sa
kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang
sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang
komposisyon.

Tiyak na magkaroon ka nang malawak na pag-iisip tungkol sa kung paano


simulan ang paghabi ng isang sulatin, sa tulong ng mga gamit at pangangailangan sa
pagsulat. Malaki rin ang tulong nito sa pagkakaroon ng isang makabuluhang likha na
may sapat na datos at punong-puno ng kaalaman na naayon sa iyong piniling sulatin.

7
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Mahalaga rin matukoy ang iba’t ibang uri ng sulatin na dapat matutunan ng
mga mag-aaral kagaya ng mga sumusunod:

1. Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya


naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o
suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan. Isang praktikal na komunikasyong
ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang
teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa.Karaniwang nagtataglay
ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study, manwal, Proyekto sa pag-
aayos ng kompyuter, at iba pa.

2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang


mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis,
at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan
ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ito sa
huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang
naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga
prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng
isinagawang pananaliksik.

3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan


sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa.
Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa
pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung
nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan ,
magasin, o kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon.

4. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng


damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang
sa uring ito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga
komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.

5. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang


natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o

8
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro, pagsulat ng lesson plan, paggawa at


pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report,
narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.

6. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay


nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan. Ayon kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa
pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.

Ang akademikong pagsulat ay nagaganap o isinasagawa sa isang


akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng
kasanayan sa pagsulat. Mahalagang matutunan ang akademikong pagsulat sapagkat
kung mayroon kang kaalaman sa kung paano sumulat na may kabuluhan, tiyak na
maituturing kang nakaaangat sa iba dala ng mahigpit na kompetisyon sa
kasulukuyan sa larangan ng edukasyon at trabaho. Kailangan marunong kang
sumulat ng liham ng aplikasyon, may kakayahang gumawa ng panukalang proyekto,
gumuwa ng anunsyo, umapela sa paglilikom ng pondo, at marami pang iba. Kaya
naman, sa mga paaralan sinasanay ana bawat mag-aaral na matutuhan at
magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat.

Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng pilimpiling salita at


isinaalang-alang ang target ng mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang
bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay
kaalaman.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo – Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa resulta ng pag-aaral


at pananaliksik. Iwasan ang maging subhetibo o pagbibigay ng personal na pananaw
o opinyon hinggil sa paksang tinalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na
batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.

2. Pormal - Dahil ito ay isang akademikong pagsulat na ginagamit ang akademikong


filpino, iwasan ang paggamit ng mga kolokyal o balbal na mga salita.

9
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

3. Maliwanag at Organisado – Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay


nararapat na maging malinaw at organisado na may maayos na pagkasunod-sunod
at pagkauugnay-ugnay ng mga pangungusap. Kailingan maging maayos ang pag-
uugnay sa mga parirala at pangungusap upang hindi magkagulo sa iba pang mga
mahahalagang datos o impormasyon. Bukod sa mga katangiang maayos at may
pagkasunod-sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat
mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.

4. May paninindigan – Mahalagang may paninindigan ang sumusulat sa nais


niyang bigyang-pansin o pag-aralan. Ibig sabihin, hindi magpabago-bago ng paksa at
kailangan matapos niya ang kanyag isinulat. Dapat maging matiyaga sa
pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang
pagsulat sa napiling paksa.

5. May pananagutan – Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang


pinaghanguan ng mga impormasuyon. Ang pangongopya o plagiarism ay isang
kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas kaya kailangan iwasan
ito.

Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa asignaturang ito,


narito ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na isa-isang tatalakayin sa kabuuan
ng iyong pag-aaral.

1. abstrak 7. katitkan ng pulong

2. sintesis/buod 8. posisyong papel

3. bionote 9. replektinong sanaysay

4. panukalang proyekto 10. pictorial-essay

5. memorandum 11. Lakbaysanaysay

6. agenda 12. talumpati

10
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

SANAYIN NATIN!
PAGSASANAY 1:
1. Batay sa pakahulugan ng pagsulat ng iba’t ibang manunulat, kaninong pahayag
ang pinaniniwalaan mo? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Bakit sa palagay mo nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng sulatin?
Talakayin ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Gaano kahalaga sa mga mag-aaral ang akademikong pagsulat?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGSASANAY 2:

11
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Kilalanin ang pahayag at piliin ang tamang titik sa loob ng kahonat


isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Layunin B. Katangian C. Anyo D. Gamit sa Pagsulat

____ 1. Ang pagsasagawa ng pagsusulat ay maaaring maging personal na kung


saan nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
____ 2. Iniiwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal sapagkat isa
itong uri ng akademikong pagsulat.
____ 3. Ang pagsulat ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang
tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
____ 4. Ang layunin ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman
ng iyong isusulat.
____ 5. Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisasatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ngn isang
taong nais sumulat.
____ 6. Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan
ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang
manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng
ating batas.
____ 7. Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala,
ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang
sariling karanasan o pag-aaral.
_____ 8. Layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal.
_____ 9. Mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang
bigyang-pansin o pag-aralan. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik
at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa.
_____ 10. May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad
ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa .

12
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

PAGSASANAY 3:
Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin na Akademikong
Pagsulat gamit ang concept map. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat
katangian.

KATANGIAN
NG
PAGSULAT

Pagyabungin

13
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng


kahulugan at katangian ng uri ng akademikong sulatin na Abstrak ,
Sinopsis, , Boud sa tulong ng graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin:

Nasaliksik

Kahulugan

Katangian

Sanggunian

Sanggunian
Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan
(Akademik )Phoenix Publishing 2016

14

You might also like