You are on page 1of 2

PAGBABAGO NG WIKA

Paglilipat o Panghihiram

Kapag nagtagpo ang dalawang kultura, di-maiiwasan ang pagbabago ng mga wika nito, lalo na iyong wika ng mga
grupong dinaig, sinakop o umaasa sa iba. Nagkakaroon ng pagbabago dahil tinatanggap ng isang grupo ang mga bagay,
gawi, at ideya – kasama ng mga tawag sa mga ito – mula sa iban grupo. Ang proseso ng pagtanggap o paglilipat ng mga
element ng isang wika sa ibang wika ang tinatawag na panghihiram.

Mga Halimbawa:

Wikang Filipino Kastila


Sabon Jabon
Lamesa La mesa
Braso Brazo
Wikang Filipino Ingles
Titser Teacher
Hayway Highway
Bolpen Ballpen

Mga motibo na nagtutulak sa mga nanggagaya sa kultura’t wika

1. Pangangailangan – dahil bago ang bagay na tinanggap na galling sa ibang kultura, walang termino o salita para ditto
lalo na sa larangan ng tekonolohiya
Halimbawa:
Kompyuter – computer
Eksray – xray
Submarine – submarine

2. Prestige/Presty – paghanga sa kulturang pinanggalingan ng bagong salita. Nalilipat ang ganitong wika kahit meron
nang katumbas na salita ang wikang tinatanggap na kadalasan ay wika ng mayorista, mga tinatanggap mas mababang
klaseng tao.
Halimbawa:
Tagalog Kastila Ingles
Nanay Mama Mommy
Tatay Papa Daddy

Iba pang nililipat


Morfim na gramatik
 Ero (Kastila) lalaki – bolero, pintasero
 Era (Kastila) babae – bolero, pintasera

Simplifikasyon
Bukod sa pangangailangan na dala ng kapaligiran, nababago din ang wika dahil sa tendensya ng mga nagsasalita
nag awing mas madali ang pagsasalita nila na nagreresulta sa simplifikasyon ng mga form ng mga wika. Masasabing ito
ang tendensya ng taong hanapin ang pinakamadaling paraan para sa anumang gawain. Makikita ito sa pag-igsi ng mga
salita sa paraan ng pagkaltas ng tunog. Halimbawa: kaputol – utol; pinsan – insan.
Dayverjens at mga Varayti ng Wika
May mga varayti ang wika na tinatawag na dayalek. Nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang
wika pero kinikilala nila na may pagkakaiba ang mga salita nila. Pwedeng hindi pareho ang pagbigkas nila ng isa o ilang
tunog. O iba ang ginagamit na salita para sa isang bagay o may ilang pagkakaiba sa pagbuo ng sentens, pero
nagkaintindihan pa rin sila.
Halimbawa, dayalek ng wikang Tagalog na may iba’t ibang varayti na sinsalita sa Batangas, Rizal, Quezon, at
Bulacan.

Mga Metod na Dayakronik

May ilang metod na nagagamit sa pag-aaral ng histori at pre-histori ng isang wika.

Metod na kwaliteytiv – kung saan ang mga fityur ng isang wika ang pinag-aralan.

Metod na kwantiteytiv – na ginagamitan ng bilang, percent, at statistics sa pagpapatibay sa mga obserbasyon tungkol sa
mga elementong pinag-aralan.

Mga kwaliteytiv na paraan

Mahalagang maintindihan ang mga dinaanang proseso ng pagbabago sa wika, ang kinakailangang ingat sa pag-aanalays
ng mga pagbabagong ito at kung ano ang mga nabago sa wika.

Dalawang klaseng rekonstraksyon


Ang komparativ-method
Dahil arbitraryo ang kahulugan ng mga salita ng anumang wika, pwedeng isipin na magkamag-anak ang
maraming mga wika. Halos pare-pareho ang mga form na may pare-pareho.

Internal-rekonstraksyon
Nagagamit din ang komparativ-metod sa pag rekonstrak ng histori ng isang kontemporaryong wika.
Kinukumpara ang iba’t ibang dayalek nito, mga tunog, salita, sentens at kahulugan, para marekonstrak ang msasabing
sinaunang form ng wika.

Kwantiteytiv na paraan
Leksikostatistiks at glotokronoloji
Dinevelop ang mga paraang leksikostatistiks at glotokronoloji para malaman ang tagal ng panahon o time depth – taong
nakalipas buhat nung nagsplit ang magkamag-anakang wika. Sa metod na kwaliteytiv, di malalaman ang higit-kumulang
na daan-daang bilang ng mga taon, kung kailan bumukod ang wika sa sinaunang wika o kung kailan nangyari ang
dayverjens. Sa paraang komparativ, hindi malalaman ang haba ng panahong lumipas buhat sa panahon na iisang wika pa
ang magkakontemporaring pinag-aaralang wika.

You might also like