You are on page 1of 25

KABANATA I

PANIMULA

Ang ritwal ay ang isang anyo o paraan ng seremonyang panrelihiyon. Sunod-sunod

na gawaing mayrong mga kilos, salita at mga bagay na idinaraos sa isang malayo o

liblib na lugar. Ito ay ginagawa batay sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa

ritwal. Ang ritwal ay maaaring iminungkahi ng mga tradisyon ng isang komunidad, Ito

ay ginagawa sa isang layunin na magkakaroon ng higit na relasyon ng mga tao sa

kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng pag-aalay at mataimtim na pagdarasal kay

Mambabaya o Manama (Panginoon). Hakbangin bilang obligadong panritwal sa

buhay ng isang tao ng Manobo Tinananen. Mula ipinanganak, pagpapakasal

hanggang humantong sa kamatayan. Likas ng mga Manobo Tinananen ang

pagsasagawa ng seremonya sa ritwal at bahagi na ng kanilang kultura, sa pag asam-

asam na may tampok na biyayang bigay ni Mambabaya o Manama (Panginoon). Sa

madaling salita ang relihiyong ritwal ay sumusunod sa istruktura ng pagganap. Ang

Baylan (Shaman) ay may tanging taglay na kapangyarihan na mangunguna sa

seremonya.

Ayon kay Datu Dante S. Tumandingng, mahalaga ang ritwal ng Manobo

Tinananen sapagkat ito’y nagsisilbing gabay bilang respeto sa paghihingi ng

pahintulot kay Manama na kinakailangan nila ang biyayang dulot mula sa kanilang

kaluluwa mga ninuno. Naisasagawa ang ritwal ng Manobo Tinananen upang

magkakaroon ng satispaksiyon at walang anumang hadlang nang kanilang tanging

nanaisin sa buhay, sa kanilang pamumuhay dito sa ibabaw ng mundo. Aniya,

nagkakaroon ng walong (8) anito o Gods ang bawat panubad-tubad ng seremonya

bilang ritwal ng Manobo Tenananen. May walong anito o Gods na kanilanng

sinasamba bawat ritwal: anito para sa pag-aalay ng bata, anito para sa pagkasal, anito
para sa pagtatanim, anito para sa panggagamot, anito para sa panganagnak, anito

para sa pangangaso, anito para sa pangayaw at anito para sa patay (bangkay).

Maliban sa mga anitong sinasama sa isang seremonya ng ritwal, nagkakaroon ding

dapat-isalang-alang sa bawat panubad-tubad. Tatlong manok. Una isang puting

manok, sumisimbolo ng kapayapaan. Pangalawa isang pulang manok, sumisimbolo

ng _______. Pangatlo isang itim na manok sumisimbolo sa paghahadlang ng

masasamang mga elemento. Bukod sa mga manok kasali ang sumusunod na dapat

ipaghahanda sa panahon ng pagkatay nito. Dahon ng buyo, bunga, apog, puti na

nilalaman ng itlog, tabako at isang piso na pera. Sumusimbolo ang isang pisong pera

para kapalit ng buhay. Pumapaloob dito sa ritwal ang sagradong simbolismo at

pagganap. Pagkatapos ng seremonya lulutuin ang ilang bahagi ng manok at ihanda

para sa kainan. Sa oras na ito anyayahan ang mga manood na kumain sa isang

handaan. Isasagawa ang ritwal depende sa okasyon, pero sa buwan ng Enero

isinasagawa ang soksok o paghahanda ng pagtatanimang lupa. Ang magsasagawa

ng seremonyang panritwal ay ang kinikilalang baylan/manggagamot sa isang lugar at

biniyayaan ng banal na kaluluawa mula sa poong maykapal at may tanging taglay na

kapangyarihan sa pagganap. Ang leader na namumuno ng ritwal ay katulad ng

shaman o tinawag na baylan, na kung saan siya ang manguna sa pagsasagawa ng

ritwal tulad ng panggagamot sa pamamaitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ispirito

(diwata). Sa nabanggit na mga ispirito sila ay nakatira sa kapaligiran ng komunidad.

Ang iba ay matatagpuan sa katubigan at kagubatan. Ang nasabing mga ispirito ay

may malaking tungkulin sa pagbasa o pagsabi para sa ikabubuti ng hinanaharap sa

ng tao, maging ang masasamanag karamdaman at kahit ang kamatayan. Ang baylan

ay may instrumenting kapangyarihang taglay, may kababalaghang ispirito (abyan) na

ang mga mensahe ay natutunan mula sa kanyang mga panaginip hanggang sa


kanyang paglaki. Hindi kumukupas ang ganitong panaginip sapagkat nakakintal ito

sa kanyang isipan. Madidiskubrihan na lamang ng mga magulang ang batang may

abyan dahil sa ipinapakitang kakaibang senyales at pag-uugali. Tulad na lamang siyay

makikipag-usap at may makikita na hindi naman natin makikita. Pagkalauanay ang

bata na may kakayahang sa paggamot sa kanyang sariling pamilya. Hanggang siya

na ang makikilang baylan na maaari ng magasasagawa ng seremonya sa ritwal. Ang

Manobo Tinananen ay may ibang ritwal tulad sa pag-aalay sa mga ispirito(diwata)

hindi kinakailangan ang presensya ng baylan.

Sa madaling sabi, ang ritwal ay isang manipestasyon ng pananampalataya.

Gayunpaman, ang manipestasyong ito ay nagaganap o natutupad lamang kung may

isang karapatdapat na tauhang magsasagawa o mamumuno. Hindi lahat ng tao ay

maaaring mamuno sa isang ritwal.

Mayroong mga batas na sandigan sa isang ordinasa ng mga Manobo

Tenananen na nakikita sa artikulo 11 seksyon 33 sa konstitusyon ng Pilipinas 1987.

Nagsasaad sa mga indehinus na mayroong karapatan sa pagpapahayag, pag-

iimplementa, pagpapayaman at pagtuturo sa ilang ispititwal at mga relihiyiosong

tradisyon, kinaugalian at seremonya. Karapatan sa paggamit at pamamahala sa mga

inuutos na bagay (ceremonial object).

Paglalahad ng Suliranin

Binibigyang diin ng mga kasagutan ang mga sumusunod na Tanong:

1. Ano-ano ang mga tampok na ritwal ng mga Manobo Tinananen?

2. Paano mailahad ang proseso ng pagriritwal at ano ang kahulugan nito.?

3. Maroon bang mahahalagang terminong panritwal ng mga Manobo Tinananen?


Paglalahad ng Layunin

1.Makalikom at makapagsalin ng mga ritwal ng mga Manobo Tinananen.

2. Mailahad ang proseso ng pagsasagawa ng bawat ritwal at ang kahulugan nito ayon
sa pananaw ng mga Manobo Tinananen.

3. Makabuo ng glosaryo ng mga terminong panritwal ng mga Manobo Tinananen.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Maniniwal ang mananaliksik na Malaki ang maitutulong ng resulta ng pag-aaral

na ito sa sumusunod:

Sa mga mag-aaral mapapalawak ang kanilang kaalaman sa iba’t-ibang ritwal

ng Manobo Tenananen. Mapapalawak din ang kanilang bokabularyo hinggil sa

tampok na mga terminong panritwal at magkakaroon ng kamalayan sa kultura at

tradisyon ng mga Manobo Tinananen.

Sa mga mananaliksik mas mapalawak ang kaalaman nila sa mga tampok na

salitang Panubad-tubad na seremonyang panritwal ng mga Manobo tinananen.

Makakatulong din ang mga impornasyong makakalap sa mga sususnod na pag-aaral

na isasagawa. Maniniwala ang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magsisilbing

salamin upang Makita, makilala, mapag-aralan, maunawaan at mapahalagahan ang

yaman ng iba’t-ibang ritwal. Inaasahan din ang pag-aaral na ito ay magmumulat sa

mga Manobo Tenananen na pahalagahan ang kanilang ritwal bilang kabahagi ng

kanilang kultura at tradisyon na nagsisilbing pagkakakilanlan ng kanilang gruopo.

Magkakaroon ito ng kanilang mataas na pagtingin sa kanilang lahi na maaari nilang

ipreserba at paunlarin. Mabibigyan halaga nila ang kanilang sariling ritwal na

kabahagi ng kanilang kultura. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maimumulat ng

iba’t-ibang grupo at mababawasan ang diskriminasyon sa mga menoryang grupo.

Patunay ito na walang superior at imperior na ritwal gamit ang wika na dapat bigyan
respeto ang kanilang kultura at tradisyon. Mababawasan ang maabang pagtingin ng

mga taong hindi kapangkat o karehiyon.

Sa kabuuan, maniniwala ang mananaliksik na may maganda at mabuting

maiiambag sa Panitikang Filipino at ito’y magsisilbing pamanang kultural.

Saklaw at Delimitasyon

Sasaklaw ang pag-aaral na ito upang maglikom at makapagsalin ng mga ritwal,

mailahad ang proseso ng pagsasagawa ng bawat ritwal at ang kahulugan nito at

makabuo ng glosaryo ng mga terminong panritwal ng mga Manobo Tenananen ng

Barangay Tumanding, Arakan, cotabato.

Depinasyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod ay bibigyan ng kahulugan batay sa kung papaano ito

ginagamit sa pag-aaral upang maiwasan ang maling interpretasyon at upang maging

malinaw at pag-aaral ang pag-unawa ng sinumang babasa.

Anito- Ito ang kaluluwang sinasamba at sinasampalataya ng mga taong Manobo

Tinananen.

Diwata- Isang paniniwala na kung saan ito’y pantawag sa


Tagabantay.

Kulltura – Ang nakagisnan na kinagawian ng mga Manobo Tinananen.

Manama –Ang pinaniniwalaan ng mga Manobo Tinananen na siya lang ang may

tanging taglay na kapanngyarihan o Dios.

Panubad-tubad- Ay isang seremonyang panritwal

Ritwal- Isang anyo o paraan ng seremonyang panrilihiyon ng Manobo Tinananen


KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

llahad sa kabanatang ito ang mga kaugnay ng literature, pag-aaral na isinasagawa at

inilathala sa pananaliksik na nagkaroon ng tiyak na kaugnayan at nagbibigay ng lalim sa

pagtatalakay ng pag-aaral. Ang mga kuro-kuro ng may akda sa mga sulatin at pag-aaral nila ay

nagsisilbing batayan sa pag-aaral na ito.

Ayon kay (Mercado 1977; Covar 1998). Nakaugat ang mga kasalukuyang relihiyosong

ritwal sa anitismong tradisyon ng kulturang Pilipino. Isang labis na personal na karanasan ang

ispiritwalidad ng Pilipinong na hindi lamang makikita sa mga relihiyosong gawain kundi sa

pang-araw-araw na buhay gaya ng mga debosyon na makikita halos sa buong taon . Sa

pagbabago ng panahon at dahil sa pagpapanibagong dulot ng relihiyon, inaangkop na rin dito

ang mga nakagisnang paniniwala at ritwal. Nagiging matingkad ang pagiging mapamili ng

kultura at kung paano binibigyan ng ibayong anyo at mukha ang mga ritwal na ibinigay ng

Kristiyanismo.

Ayon sa librong isinulat ni Gripaldo (2009) ang mga Pilipino ay mayroon ng mga ritwal.

Ang pagpapakilala ng katolisismo sa Pilipinas ay nagbigay ng kanluraning impluwensya sa mga

tao at nagkakaroon sila ng kamalayan sa mga relihiyosong ritwal na pang-kanluranin. Ang

matagumpay na pagbibinyag sa mga Pilipino ay dahil sa paniniwala nila sa sarili nilang ritwal.

Ang mga ritwal na ito ay nakapagbigay ng malaking puwang sa pangrelihiyong aspeto at sa

sagradong paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino. Pangkalahatan, ang pang-Pilipinong

pagpapahayag ng saloobin ay isang paraan para mamuhay.

Jose at Navarro 2004), naging matingkad pa rin ang pagpapaibayo ng mga tao sa

pagpapatuloy ng mga nakagisnang ritwal at nakagawiang anitismo na naayon sa sariling


kalinangan. Binigyan nila ng panibagong mukha ang Kristiyanismong nakaugat sa sinaunang

kalinangan. Ang pag-unawa sa Diyos ng mga Pilipino ay nagkaugat sa kalinangan.

Ang ritwal ay ang sunod-sunod na gawaing mayroong mga kilos, salita at mga bagay na
idinraos sa isang malayo o liblib na lugar. Ito ay ginagawa batay sa pagkakasunod-sunod ng
mga gawain sa ritwal. Ang mga ritwal ay maaaring iminungkahi ng mga tradisyon ng isang
komunidad, kabilang na dito ang isang pangrelihiyong komunidad. Ang mga ritwal ay makikila
ngunit hindi nagbibigay kahulugan ng pormalismo, tradisyonalismo, hindi pagbabago,
pagsunod sa mga patakaran ng mga namamahala, mga sagradong simbolismo at pagganap.
Ang mga ritwal ay isang katangian ng lipunan. Hindi lamang nito isinasama ang mga
seremonyang pangsamba at ang mga sakramento ng isang organisadong relihiyon o kulto
ngunit pati na rin ang mga rito ng pagdaan, pagbabayad-puri at mga seremonyang
pagpapadalisay, banal na panata ng katapatan, mga seremonyang pangdedikasyon, koronasyon
at mga inagurasyon ng mga pangulo, kasal at libing, mga tradisyon sa paaralan at ang
pagtatapos sa paaralan, mga pagpupulong ng mga grupo, mga kaganapang pampalakasan,
piging para sa Gabi ng Pangangaluluwa, parada para sa mga beterano, pamimili tuwing Pasko
at marami pang iba. Marami ring mga gawain ang idinaraos para sa mga konkretong layunin
tulad ng pagharap sa husgado, pagpapataw ng parusa sa mga kriminal at ang mga siyentipikong
panayam na punong-puno ng mga simbolikong aksyon na iminungkahi ng mga tuntunin o
tradisyon na maaari na ring ituring na ritwal. Kahit ang mga pangkaraniwang aksyon tulad ng
pakikipagkamay at ang pagsabi ng hello o kumusta ay maaari ring tawaging mga ritwal.

Ang larangan ng pag-aaral sa mga ritwal ay nakakita ng madaming salungat na kahulugan para
sa salitang ritwal. Isa na rito ay ang kahulugan na ibinigay ni Kyriakidis: ang ritwal ay isang
kategorya ng isang tagalabas o etic para sa isang pangkat ng aktibidad o kilos na para sa kanya
ay hindi makatwiran o pabago-bago. Ang terminong ito ay maaari ring gamitin ng isang
tagaloob o emic bilang isang pagkilala na ang aktibidad na ito ay maaari ring makita ng tulad
ng pagtingin ng isang hindi sinasadyang manonood.

Ayon kay Kovach (2010) ang tampulan ng pagsasaliksik na mayroong indigenous


method o pangkatutubong metodo ay nakatuon sa paggamit ng pang-usap na metodo na
nangangahulugang pagkuha ng datos sa pamamagitan ng paraang pakwento
Mga Kalahok at Uri ng Sampling Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay isang kinatawan
mula sa limang pamilyang Pilipino na pasok sa batayan na namamanata sa mga kapistahan
taun-taon sa loob ng mahigit sampung taon na nagiging mga representasyon ng pagiging mga
deboto ng kapistahan sa kanilang lugar at ang siyang may sapat na kaalaman upang masagot
ang mga katanungan. Ang uri ng sampling na ginamit ng mananaliksik ay ang purposive
sampling dahil sa pagnanais na matamo ang layunin ng pagsasaliksik at upang mas maging
mainam sa limitasyon ng pag-aaral.

Ayon kay Gillian Freeley Harmik, antropologo ng John Hopkin University ang ritwal ay

isang Sistema ng pananalita na ginagamit bilang isang lambat na itinapon sa karanasan upang

mabigyan ng kahulugan ang mga ito (karanasan). Ito ay isa ring uri ng komunikasyon ayon sa

ipinanghalili sa salita at pasulat na pagpapahayag.

Panubad-tubad ang sentro ng lahat ng ritwal ng mga Manobo Tinanannen. Ito ay ay

bahagi ng anumang pagtitipon nila na maitruturing na isang malinaw na manipestasyon ng

kanilang sistemang kultural at paniniwalang panrelihiyon.

Paniniwal ng mga Manobo Tinanaen:


Bilang pagkilala sa mga Manobo Tinananen ang mga sumusunod na talata ay

patungkol sa kanilang paniniwala na may napakahalagang bahagi sa kanilang kultura.

Malaki ang ginagampanan ng mga anito/diwata o Dios ng mga Espirito na may mga

katangiang mortal na tao bagama’t ang mga ito ay nakatira sa lugar na hindi abot ng

kanilang kagagawan ng mga Dios at Espirito.

Pinaniniwalaan din ng mga Manobo Tinananen ang mga Dios at Espirit

Ayon sa malayang wikipedia. Ang mga ritwal ay isang katangian ng lipunan.

Hindi lamang nito isinasama ang mga seremonyang pangsamba at ang mga

sakramento ng isang organisadong relihiyon o kulto ngunit pati na rin ang mga rito ng

pagdaan, pagbabayad-puri at mga seremonyang pagpapadalisay, banal na panata ng

katapatan, mga seremonyang pangdedikasyon, koronasyon at mga inagurasyon ng

mga pangulo, kasal at libing, mga tradisyon sa paaralan at ang pagtatapos sa

paaralan, mga pagpupulong ng mga grupo, mga kaganapang pampalakasan, piging


para sa Gabi ng Pangangaluluwa, parada para sa mga beterano, pamimili tuwing

Pasko at marami pang iba. Marami ring mga gawain ang idinaraos para sa mga

konkretong layunin tulad ng pagharap sa husgado, pagpapataw ng parusa sa mga

kriminal at ang mga siyentipikong panayam na punong-puno ng mga simbolikong

aksyon na iminungkahi ng mga tuntunin o tradisyon na maaari na ring ituring na ritwal.

Kahit ang mga pangkaraniwang aksyon tulad ng pakikipagkamay at ang pagsabi ng

hello o kumusta. Maaari ding tawaging ritwal.

Sa Bali, Indonesia, ang pinaka-garbong ritwal ng paglibing, ayon sa librong “Making


an Exit: From the Magnificent to the Macabre —How We Dignify the Dead.” Anang may-
akdang Sarah Murray, inaabot nang ilang linggo ang Balinese sa paggawa ng funeral pyre, na
karaniwa’y korte higanteng toro. Sinusunog dito ang yumao, sa gitna ng malaking selebrasyon
ng kanyang buhay. Bawal umiyak ang mga naiwan, sa paniniwalang mauudlot nito ang
pagsalin ng kaluluwa sa Langit.
***
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail:
jariusbondoc@gmail.com

Read more at https://www.philstar.com/opinyon/2011/11/01/743070/ibat-ibang-ritwal-para-


sa-yumao#BR8uMU3JSpFfOkS2.99

Manobo Tenananen nitibu, o lumad ang turing ng isang lipi sa sarili, kung hindi ito nagkaroon
ng interaksyon sa mga banyaga, kapuwa Filipino man o hindi, sa pamamagitan ng pananalakay
o lehitimong pagkamkam sa mga lupa nito. Sa kanilang sariling mundo, sila’y simpleng tao/
manobo lamang. Maraming tribung Manobo ang nakakalat sa iba’t ibang lalawigan ng Arakan,
tulad ng Kulaman, Katindu, at Tumanding.. Ang mga Manobo tenananen
ang tribung nakatira sa barangay ng Daguma, na nakahanay sa mga lalawigan ng Cotabato
at Sultan Kudarat. Maaari ring tagurian ang mga partikular na pangkat Manobo, ayon sa
munisipyong kanilang tinitirhan. Halimbawa, ang mga Dulangan Manobo na nakatira sa
munisipyo ng Lebak ay tinatagurian ding “Lebak Manobo. Ang Maquiso 1977: 11) salitang
“manobo” ay mula sa salitang ugat na suba
“ilog.” Dahil sila ay naninirahan sa tabi at wawa ng suba, sila ay mga manuba “taga-ilog,” o
man-suba (Maquiso 1977: 11). Sa paglipas ng panahon ay naging “manobo” ang naging
bigkas ng salitang ito. Noong unang panahon, bago sila lumikas mula sa kapatagan tungo sa
bulubundukin, pangingisda sa ilog ang tanging ikinabubuhay nila
(Bauzon 1999: 9). Ayon sa mga Dulangan Manobo, ang dating pangalan ng pook na
kasalukuyang kanilang tinitirhan ay Meles, nangangahulugang “ilog” sa kanilang wika. Ito ang
munisipyong kasalukuyang tinatawag na Lebak. Ang Ilog Salaman ang pangunahing ilog dito,
at pinagmumulan ng sumusunod na mga sapa: Mebo, Meles, Bagayan, Megaga, Kadapuka,
at Mepikong. Ang bawat segundaryong ilog na ito ay may kapangalang bayan na itinayo sa
tabi, o wawa nito
Samakatuwid, lokasyon ang humuhubog sa kanilang sariling pagkakakilanlan. Bukod
sa mga biyayang dulot ng tubig – pangunahin na ang pagbibigay-buhay – ito ay sanhi rin ng
kapamahakan, lalo na tuwing umaawas ang mga ilog. Sa mga kuwentong pangkasaysayan ng
mga datu, kalimitang may kaugnayan sa baha ang pinagmulan ng isang bayan o di kaya’y ng
pangalan nito. Halimbawa, nagmula ang pangalan ng Barangay
(Kobe w.p.: 21-23). Pagkakaingin ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Dulangan. Sa
kanilang pananaw-mundo, maaaring iuri ang halaman sa dalawa: ang halamang makakain at
halamang dimakakain. Ang unang uri ay mga halamang esensyal sa kanilang buhay: mga
halamang inaani (palay at mais), hinuhukay (kamote, ube, gabi), at pinipitas (bangas
“rambutan,” mampawa “mangga,” at tugop “marang”)
(Aging 1997: 6). Naghahanda ang mga Manobo para sa panahon ng kapinsalaan,
halimbawa kung sakaling magkaroon ng matagal na tagtuyot o biglang napeste ang kanilang
palayan ng mga balang o kaya ay daga. Dahil dito, gumagawa ng plusak ang Manobo. Ito ay
maliit na bukid na tinatamnan ng mais at kamote, na kanyang inirereserba para sa panahon
ng taggutom. Sa ganitong paraan, natitiyak na mayroon siyang makakain anumang oras
(Lopez 1965: 50-51). Sa kabilang banda, ang halamang di-makakain ay mga halamang
walang gamit kundi man halamang lason. Maaari ring gamiting panukat ng panahon ang
ganitong pag-uuri ng halaman. Halimbawa, maaaring kainin ang mga halamang handa nang
anihin, hukayin, o pitasin. Subalit hindi pa maaaring kainin ang mga halamang kailangan pang
mahinog. Kailangan pang maghintay. Pinupunan ang panahon ng paghihintay sa
pagnganganga at pagkukuwentuhan
(Lopez 1965: 36). Ang isang taon ay nahahati ayon sa iba’t ibang gawain sa sistema ng
pagkakaingin. Hinahati ang isang taon ayon sa
Noong unang panahon, ang dating pangalan ng Ilog Kulaman ay Matihaw. Nagkaroon ng
mahabang panahon ng tagtuyot. Natuyo ang Ilog Matihaw. Hinukay ni Kulaman ang putik nito
sa paghahanap ng pagkain at may nahuli siyang isda. Ibinalita niya ito sa mga katribu,

Ayon sa kasaysayan ng mga ManoboTenananen, inialay ng kanilang pinakaunang ninuno ang


sariling buhay alang-alang sa kanila. Samakatuwid, ang lokasyon ng mga Manobo Tenananen
ay minarkahan ng
Ilog
ng kanilang dakilang ninuno, na hindi na natuklasan pa. Sa gayo’y naging libingan niya na rin
ang Ilog Tinananen. Ito ang batayan ng pag-uugat ng mga ManoboTenananen sa kanilang
lugar. Tulad ng gawi ng lahat ng Manobong naninirahan na sa kanilang lugar mula pa sa
kanilang kanunununuan, lahat ng anak at inapo ni Agyo na kanilang Lolo , kasama na ang
inunan ng bawat Manobong isinilang dito, ay nakalibing sa kanilang lupain (Datu Dante S
Tumanding). Samakatuwid, magkakawingkawing ang mga salinlahi, at nakaugat ang bawat
salinlahi sa lugar na kanilang pinagmulan. Ito ang bumubuo sa kanilang kasaysayan bilang
isang lipi.
Blust (1995) The earliest work published regarding the burial of the dead and the
associated rituals probably would be Blust (1995)
KABANATA III
METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paliwanag sa mga terminong ginamit ng

mananaliksik. Ilalahad dito ang istratehiyang gagamitin sa pagsasadokumento ng mga

kinakailangang datos. Ilalahad din sa kabanatang ito ang instrumenting gagamitin sa

pagsusuri ng datos upang mapabisa ang tesis at awtensidad ang gagawing pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng desenyo ng pananaliksik, pamamaraan ng

pagsasagawa kagamitan at pagpili ng Inpomante. Ang paraan ng pag-aaral na gagamitan

kwalitatibong desinyo (content analysis) na pananaliksik. Gamit ang paraang kwalitatib na

pamamaraan o indehinus ang mananaliksik maglikom at makapagsalin ng mga ritwal ng

Manobo Tenananen, mailahad ang proseso ng pagsasagawa ng bawat ritwal at ang kahulugan

nito ayon sa pananaw ng mga Manobo Tenananen at makabuo ng glosaryo ng mga terminong

panritwal ng mga Manobo Tenananen. Purposive sampling naman ang gamit sa pagpili ng

impormante. Magtakda ng krayterya sa pagpili ng impormants ang tutugon sa mga

krayteryang itatakda ay siyang maging impormants ng pag-aaral. Magsasagawa ng

transkripsyon at pagsasalin ng mga ritwal mula sa wikang Manobo Tenananen tungo sa

wikang filipino gamit meaning-based translation ni Liason (1994).

LUGAR NG MANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay isasagawa sa barangay Tumanding, Arakan, Cotabato. Pinili ng

mananaliksik ang lugar na ito sapagkat nakikitaan ang nasabing lugar ng mabuting

mapagkukunang datos tungkol sa mga tampok na ritwal ng mga Manobo Tenananen. Ang

nasabing lugar ay pinaninirahan ng tunay na datu na hindi pa naiimpluwensyahan ng

modernong panahon.
MGA IMPORMANTE NG PAG=-AARAL
Ang mga impormante sa gagawing pag-aaral ay mga piling Manobo Tenananen na may

sapat na kaalaman tungkol sa panubad-tubad bilang isang ritwal, upang makuha ang pinaka

awtentikong mga datos ng mananaliksik ay bumuo ng krayterya sa pagpili ng impormante.

Una mahalagang ang impormante ay isinilang at lumaki sa kanyang lugar na tinitirhan

pangalawa, kinakailangan may sapat na kaalaman tungkol sa panubad-tubad bilang ritwal ng

tribu. Panghuli dapat hindi bababa sa edad na apatnapu (40) at may kakayahang maipahayag

at maunawaan ang datos na kakailangin sa pananaliksik na gagawin. Sa pangulekta ng datos

ay gumamit ang mananaliksik ng purposive sampling na kung saan ang pangangalap ng mga

datos ay kukunin sa mga impormante at nakapasa sa krayteryang inilatag ng mananaliksik.

PARAAN NG PANGANGALAP NG MGA DATOS


Bago magsasagawa ng pananaliksik, humingi muna ng pahintulot sa tanggapan ng

National Commission on Indigenous People (NCIP) sa Kidapawan City. Pagkatapos makuha

ang pahintulot ng NCIP, humingi naman ng pahintulot ng punong barangay sa Tumanding,

Arakan, Cotabatao , gayundin ang pahintulot ng Datu sa partikular na lugar na payagang

makapagsagawa ang mananaliksik ng pag-aaral sa lugar kung saan matatagpuan ang tribung

Manobo Tenananen.

Sa pamamagitan ng datos ang mananaliksik ay gumamit ng mga kagamitan sa

paglikom tulad ng cellphone, vedio camera, o tape recorder upang masiguradong walang

datos na makaligtaan.
PARAAN NG PAGSUSURI NG MGA DATOS
Ang Meaning Based-Translation ni Liason (1984) ang ginamit na batayan sa

pagsasaling-wika. Ayon dito pinakamahalagang masalin ay ang diwa at hindi ang mga salita.

KONSIDERASYONG ETIKAL
Mahalaga ang kwalitatibong pananaliksik ang pagkilala sa konsiderasyong etikal ng

mga kasangkot sa pag-aaral kaya gagawin ang mga sumusunod: Kinuha ang pagsang-ayon ng

NCIP mayor, punong barangay at pinuno ng mga etnikong indehinus o pangkatutubo ang

sinunod sa pangangalap at pangungulekta ng mga datos. May dalawang (2) iskalang kailangan

gamitin sa paraang indehinus ang iskala ng mananaliksik kailangang munang mag-maakit,

makiramdam at magtanong-tanong. Samantala sa iskala ng kalahok o respondents kailangang

sila ay makikisama, makikisalamuha at makikisangkot at higit sa lahat makikiisa sa layunin ng

mananaliksik.

Awtensidad ng Pag-aaral

Mahalagaa sa pananaliksik ang pagkakaroon ng awtentikong mga datos upang maging

makabuluhan ang pag-aaral na ito, Papel ng mananaliksik na awtentik o totoongtunay lahat

ang datos na malikom. Pinili ang pamayanan na Manobo Tenananen na hindi pa

naiimpluwensyahan ng ibang kultura. Ang ibig sabihin nito ang pamayanan ng mga Manobo

Tenananen na pagkukunan ng mga datos ay kasaalukuyang isinasabuhay parin ang

makalumang kulturang Manobo at buhay na buhay pa rin sa kanila ang wikang Manobo

Tenananen bilang wika ng kanilang araw-araw na pakikipagtalastasan. Kaya inaayos ng

mananaliksik ang pagiging awtentik ng mga datos na kanyang makakalap.


Instrumentong Gagamitin
Ang mananaliksik ay bumuo ng talatanungan bilang instrumentong gagamitin sa

pangangalap at pangungulekta ng mga datos o impormasyon kinakailangn sa pag-aaral na ito.

Ang nabuong talatanungan ay isangguni sa gurong tagapayo upang mapabuti at lalong laging

mahusay ang pag-aaral na ito.

Bago isasagawa ang pananaliksik ay maghahanda muna ng liham ang mananaliksik

kung kalian itatakda ang paglilikom ng mga datos na may pahintulot mula sa tagapayo at

dekana ng Gradwadong Paaralan

At liham na pinagtitibay mula sa NCIP.


Republika ng Pilipinas
Pamantasang Katimugang Mindanao
Kabacan, Catabato

Hulyo 07,2019

TIMUTY MACAPANTAO R. MANAMBA, MMFA,MA


OIC ProVincial Officer
Kidapawan City

Sir:

Pagbati ng kapayapaan at pagkakaisa!


Ako po si JUDITH M. DACUTAN mag-aaral ng dalubhasa sa Sining ng Pagtuturo ng Wikang
Filipino sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Kabacan, Cotabato na kasalukuyang
magsasagawa ng pananaliksik na may pamagat na Panubad-tubad: Mga Tampok na Ritwal ng
Manobo Tenananen.
Kaugnayn nito, nais ko pong humingi ng pahintulot na makapagsagawa ng pag-aaral sa tribung
Manobo Tenananen na nakatira sa bayan ng Arakan particularly sa barangay Tumanding.
Lubos po akong umaasa sa inyong positibong tugon hinggil sa kahilingang ito.
Maraming at mabuhay ang NCIP!

Lubos na gumagalang,

JUDITH M. DACUTAN
Mananaliksik

Pinagtibay ni:

MARIA LUZ D. CALIBAYAN


Tagapayo
Republika ng Pilipinas
Pamantasang Katimugang Mindanao
Kabacan, Catabato

Hulyo 07,2019

HON. DATU DANTE S. TUMANDING


Alkalde
Tumanding, Arakan, Cotabato

Datu:

Pagbati ng kapayapaan at pagkakaisa!


Ako po si JUDITH M. DACUTAN mag-aaral ng dalubhasa sa Sining ng Pagtuturo ng Wikang
Filipino sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Kabacan, Cotabato na kasalukuyang
magsasagawa ng pananaliksik na may pamagat na Panubad-tubad: Mga Tampok na Ritwal ng
Manobo Tenananen.

Kaugnayn nito, nais ko pong humingi ng pahintulot na makapagsagawa ng pag-aaral sa inyong


lugar sapagakat napili ko pong maging impomante ang mga Manobo Tenananen na nakatira
sa lugar na sakop ng Tumanding.

Lubos po akong umaasa sa inyong positibong tugon hinggil sa kahilingang ito.


Maraming at mabuhay ang mga Manobo Tenananen!
Lubos na gumagalang,
JUDITH M. DACUTAN
Mananaliksik
Pinagtibay ni:

MARIA LUZ D. CALIBAYAN


Tagapayo
Republika ng Pilipinas
Pamantasang Katimugang Mindanao
Kabacan, Catabato

KATIBAYAN NG PAGSUSUSRI

Ito ay nagpapatibay na ang thesis na ito na may pamagat na Panubad-tubad: Mga


tampok na ritwal ng Manobo Tenananen ay nababaledeyt ng may akda ng may lagda.
Napapatunayan ng baledeytor na ang pagsasalin ang binatay sa kultural na kahalagahan at
mensahe na ipinapahayag ng mga ritwal ng Manobo Tenananen.

_________________________
Baledeytor
MANOBO TENANANEN NG TUMANDING , ARAKAN, COTABATO
WIKA AT RITWAL

Panubad-tubad para sa Pag-aalay ng Bata


Ano ang tawag ninyo sa pag-aalay ng bata?
Ano ang gamit ng ritwal sap ag-aalay ng bata?
Kailan ginagawa ang pag-aalay?
Paano ang proseso sa ritwal ng pag-aalay?
Sino ang mamumuno sa Pag-aalay o pagriritwal
Sinong anito ang dapat hingian ng tulong?
Panubad-tubad para sa kapanganak ng Bata
1.Ano ang tawag ninyo sa panganak?
2. Ano ang gamit ng ritwal sa panganak ng babae?
3.Ano ang tawag ninyo sa manghihilot?
4. Paano ang proseso sa ritwal ng paghihilot para sa panganganak na babae?
5. Kailan ginagawa ang ritwal sa panganganak?
6. Paano ang proseso sa ritwal ng panganganak?
7. Sinong anito ang dapat hingian ng tulong?
8.Sino ang mangunguna sa paghilot?
Panubad-tubad para sa kasal
Ano ang tawag ninyo sa terminong kasal?
Ano ang gamit ng ritwal sa kasal?
Ano ang tawag sa dalawang ikakasal?
4. Ano ang tawag sa namumuno ng kasal?
4. Kailan ginagawa ang kasal?
5. Paano ang proseso sa ritwal ng kasal?
6.Sinong anito ang dapat hingian ng tulong?
Panubad-tubad para sa Pagtatanim
Ano ang tawag ninyo sa terminong pagtatanim?
Ano ang gamit ng ritwal sa pagtatanim?
Ano ang tawag sa namumuno ng ritwal ng pagtatanim?
4. Kailan ginagawa ang pagtatanim?
5. Paano ang proseso sa ritwal ng pagtatanim?
6.Sinong anito ang dapat hingian ng tulong sa pagtatanim?
Panubad-tubad para sa Pangangaso
Ano ang tawag ninyo sa terminong pangangaso?
Ano ang gamit ng ritwal sa pangangaso?
Ano ang tawag sa namumuno ng ritwal ng pangangaso?
4. Kailan ginagawa ang pangangaso?
5. Paano ang proseso sa ritwal ng pangangaso?
6.Sinong anito ang dapat hingian ng tulong sa pangangaso?
Panubad-tubad para sa Pangayaw
Ano ang tawag ninyo sa terminong pangayaw?
Ano ang gamit ng ritwal sa pangangayaw?
Ano ang tawag sa namumuno ng ritwal ng pangayaw?
4. Kailan ginagawa ang pangayaw?
5. Paano ang proseso sa ritwal ng pangayaw?
6.Sinong anito ang dapat hingian ng tulong sa pangayaw? Panubad-tubad para sa
Paggamot
1. Ano ang tawag ninyo sa terminong paggamot?
2.Ano ang gamit ng ritwal sa paggamot?
3. Ano ang tawag sa namumuno ng ritwal ng paggamot?
4. Kailan ginagawa ang paggamot?
5. Paano ang proseso sa ritwal ng paggamot?
6. Sinong anito ang dapat hingian ng tulong sa paggamot?

Panubad-tubad para sa Patay


Ano ang tawag ninyo sa terminong patay?
Ano ang gamit ng ritwal sa patay?
3. Ano ang tawag sa namumuno ng ritwal ng patay?
4. Kailan ginagawa ang ritwal patay?
5. Paano ang proseso sa ritwal ng patay?
6. Sinong anito ang dapat hingian ng tulong sa patay?
PANUBAD-TUBAD: MGA TAMPOK NA RITWAL NG MANOBO TENANANEN NG
TUMANDING, ARAKAN, COTABAO

JUDITH MIRASOL DACUTAN

ISANG PANUKALANG PANANALIKSIK NA IHAHARAP SA MGA GURO NG PAARALANG


GRADWADO NG PAMANTASAN NG KATIMUGANG MINDANAO
KABACAN, COTABATO BILANG TUGON SA
ISA SA MGA PANGANGAILANGAN
NG KURSONG

MASTER OF ARTS IN LANGUAGE TEACHING


(FILIPINO)

HULYO 07,2019
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na ito na may pamagat Panubad-tubad: mga tampok na ritwal ng


manobo tenananen ng tumanding, arakan, cotabao na inihanda at inharap ni JUDITH
MIRASOL DACUTAN bilang isang bahagi ng pagtupad sa mga kailangan ng pagtatapos
sa digreng Master of Arts in Laguage Teaching (Filipino) ay pinagtibay.

__________________ _________________
KASAPI, Lupon ng Tagapayo KASAPI, Lupon ng Tagapayo

Tinanggap at pinagtibay bilang isang bahagi sa pagtupad sa mga kailangan sa pagtapos


ng Master of arts in Language Teaching (Filipino)

TAGARO
Dekana, Kolehiyong Gradwado

__________________
Petsa
DAHON NG PAGTANGGAP

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Ang Panubad-tubad: mga tampok na


ritwal ng manobo tenananen ng tumanding, arakan, cotabao na inihanda at inharap ni JUDITH
MIRASOL DACUTAN bilang isang bahagi ng pagtupad sa mga kailangan sa pagtatapos sa
digreng nMaster of Arts in Laguage Teaching (Filipino) at tinatanggap at inilipat.

__________________ _________________
KASAPI, Lupon ng Tagapayo KASAPI, Lupon ng Tagapayo

Tinanggap at pinagtibay bilang isang bahagi sa pagtupad sa mga kailangan sa pagtapos


ng Master of arts in Language Teaching (Filipino)

TAGARO
Dekana, Kolehiyong Gradwado

__________________
Petsa
PAGHAHANDOG

Tapos puso kong inihandog ang tesis na ito sa nagbigay ng walang hanggang
pagmamahal sa lahat ng oras at pagkakataon .

Sa aking mga magulang na sina


Alfredo P. Misaol(deceased) at Alberta L. Mirasol

Sa aking mga kapatid, Bilas at Bayaw na sina:


Alfredo at Ursena M. Misaol, Alma at Robert Aton , Nelly at Harris Sinolinding

At higit sa lahat sa ating PANGIONOONG MAYLIKHA na siyang nagbigay lakas ng loob sa


mananaliksik

You might also like