You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 10 Batay sa Kurikulum ng K-12

Sesyon 1: Tuklasin
Panitikan: Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo
Wika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Mapahalagahan at makalugdan ang buong akda sa pamamagitan ng mga pili at madulang
pangyayari sa Nobela.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Pag-unawa sa Napakinggan
2. Pagsasalita
3. Pag-unawa sa Binasa
4. Pagsulat
5. Pakikitungo sa Wika at Panitikan
I. BATAYANG KASANAYAN:
1. Naiuugnay ang mga kaisipang napakinggan batay sa mga sariling karanasan.
2. Naibibigay ang sariling paliwanag o palagay sa mga paksang tinalakay o tinatalakay
3. Masususkat ang nilalaman, elemento at kakayahan ng binasa o pinanood na akda gamit
ang mga estratehiyang binuo ng guro at/o mga mag-aaral
4. Nalilinang ang mga kaalaman at kasanayan sa proseso ng pagsulat
5. Nibibigay ang banghay ng binasang kuwento
6. Nakapagsusuri ng mga pagkilos ng mga tauhan sa kuwento
7. Nasusuri nang malaliman ang katangian ng pangunahing tauhan
8. Napalulutang ang mas higit na pinahahalagahan sa buhay kaugnay ng kuwentong binasa

II. Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan ng Pagtalakay sa Aralin
A. Pagganyak
Pagpapaikot ng takore sa klase habang umaawit. Ang mahintuan ng takore ang siyang
mabibigyang pagkakataon na humiling.

Patnubay na Tanong:
a. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong matupad ang isang hiling. Ano ang
hihilingin mo? at bakit ito ang hiniling mo?

B. Panimulang Gawain
Ano ang mas pinahahalagahan ng tao batay sa dalawang larawang nakapaskil sa
pisara? Bakit kaya?

Kayamanan Pagkatao

C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagbibigay ng mga gabay na tanong kaugnay ng dulang babasahin.
a. Ano ang kaisipan o paksa ng dula? Magbigay ng ilang patunay.
b. Paano hinarap ng tauhan ang suliranin? Isalaysay.
c. Bakit itinago ng tauhan ang kanyang kalagayan o lihim? Sa tingin mo,
tama at nakabuti ba ito sa kanya maging sa pamilya niya? Ipaliwanag.
2. Pakikinig sa dulang Huling Hiling ni Benjamin Pascual.
3. Pagtalakay sa dulang nabasa/napakinggan (Pagsagot sa mga tanong).

D. Sintesis (10 Minuto)
1. Pangkatang Gawain
Ibigay ang banghay ng dula gamit ang CARAVAN.







2. Presentasyon ng bawat pangkat.

III. Pagtataya (5 Minuto)
Sa kalahating bahagi ng papel isulat at suriin nang mabuti ang pangunahing tauhan sa
dula gamit ang JOHARI WINDOW.

The Public Self The Blind Self

The Private Self

The Unknown Self

IV. Takdang-Aralin
Basahin ang huling kabanata ng El Filibusterismo Kab. XXXIX-Katapusan at pag-aralan
ang tungkol sa talinghaga.









Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 10 Batay sa Kurikulum ng K-12
Sesyon 2: Linangin
Panitikan: Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo
Wika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Mapahalagahan at makalugdan ang buong akdang El Filibusterismo
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Pag-unawa sa Napakinggan
2. Pagsasalita
3. Pag-unawa sa Binasa
4. Pakikitungo sa Wika at Panitikan
I. BATAYANG KASANAYAN:
1. Naiuugnay ang mga kaisipang napakinggan batay sa mga sariling karanasan.
2. Naibibigay ang sariling paliwanag o palagay sa mga paksang tinalakay o tinatalakay
3. Masusukat ang lalim ng iskema kaugnay ng binasang paksa gamit ang indibidwal o
maramihang pagtataya
4. Masususkat ang nilalaman, element at kakayahan ng binasa na akda gamit ang mga
estratehiyang binuo ng guro at/o mga mag-aaral
5. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa nangyayari sa: sarili at
lipunan
6. Nalilinaw ang kakaibang katangian ng akda sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa
mga matatalinghagang kaisipan.
POKUS NA TANONG:
1. Bakit kaya napakahalaga sa isang taong payao na maghabilin at magsabi ng mga lihim na
matagal nang kinikimkim?
2. Maitatama ba ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali? Ipaliwanag.
3. Ano ang kabuluhan ng paggamit ng matatalinghagang pananalita o alegorya sa masining
na komunikasyong pasalita at pasulat? Magpahayag sa masining o akademikong
pamamaraan.


II. Proseso ng Pagkatuto
A. Paggamit ng dating kaalaman
Pagpapakita ng Araw at Buwan


Patnubay na Tanong: (Gawaing Pasalita)
a. Ano-ano ang mga bagay/ideya o konsepto na sumasagisag sa ARAW at
BUWAN

B. Paglinang ng Talasalitaan
TAUHAN

PAHAYAG

DAMDAMIN
Isulat o itala sa palibot ang mga kaisipan/ideya na maaaring maiugnay sa salitang
Katapusan na nasa loob ng concept map (na nakadikit) sa pisara. Ipaliwanag sa
klase ang mga piling sagot na babanggitin ng guro.











C. Pagtalakay ng Aralin sa Panitikan
1. Pagbasa nang tahimik sa Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo (5
Minuto)
2. Pangkatang Gawain
a. Gawain 1: Ang Pangkat na natalaga rito ang siyang gagawa ng Habi ng
Damdamin








b. Gawain 2: Ang pangkat na natalaga rito ang siyang gagawa ng Character
Webbing



HABI NG DAMDAMIN
Katapusan







c. Gawain 3: Ang pangkat na natalaga rito ang siyang gagawa ng paglalahat sa
tulong ng Story Frame with No Sequence of Events

3. Rubric sa pangkatang Gawain
Nilalaman
Kahigitan, kundi may Kasapatan
ng mga impormasyong ibinahagi
40%
Presentasyon
Malikhain at mapamaraang
pagpapakita ng Gawain sa klase
35%
Mekaniks
Kalinisan at kasinupan nang
pagkakagawa
Kaangkupan ng disenyo sa biswal
na pantulong at sa tema o paksa ng
gawain/presentasyon.
25%
Kabuuan:
100%

D. Pagtalakay sa Wika at Panitikan
Talinghaga o Alegorya Matalinghagang pagpapahayag ng mga pangyayari na may
kakintalan at kapupulutan ng aral.
Halimbawa:
a. Ang kaligtasan ay nangangahulugan ng kabutihan. Ang kabutihan ay
pagpapakasakit. At ang pagpapakasakit ay pag-ibig.

E. Pagsasanay
Pagsusuri sa mga tatalinghagang pahayag.
Basahin ang talata at sagutin ang tanong tungkol dito gamit ang estratehiyang DR-TA
(Direct Reading-Thinking activity) o Pinatnubayang Pagbasa-Pag-iisip.
TALATA 1
Ang karapat-dapat ay kailangang magtiis upang malaman at lumaganap ang
kanilang adhikain. Kailangang alugin o basagin ang sisidlan upang humalimuyak
ang bango. Kailangang kiskisin ang bato upang lumikha ng ningas. May kaloob
din ang Diyos sa mga pag-uusig ng mga maniniil, Ginoong Simoun.

HINTO:

Ano ang ibig ipakahulugan/ipahiwatig ni Padre Florentino sa kanyang pahayag na
ito? Ipaliwanag.

F. Paglalahat o Sintesis
Gamit ang matatalinghagang pahayag. Ibigay ang kaisipang nangingibabaw sa huling
kabanatang binasa: KATAPUSAN

III. Pagtataya
Tugunan ang parirala. (Gumamit ng matatalinghagang pahayag)

Natutuhan ko___________.

Nakapukaw sa aking interes______________.

Tanong na nais kong masagot_______________.

IV. Takdang-Aralin
Pag-aralan ang element0 at katangian ng nobela at maikling kwento. Ihambing ang
pagkakaiba ng dalawa.





Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 10 Batay sa Kurikulum ng K-12

Sesyon 2: Linangin

Panitikan: Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo
Wika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Mapahalagahan at makalugdan ang buong akda
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Pagsulat
I. BATAYANG KASANAYAN:
Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela

II. Proseso ng Pagkatuto
A. Balik-Aral
Pagbabalik-aral sa Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo
Tanong:
Anong mga mahahalagang pangyayari at kaisipan ang nakintal sa iyong isipan sa
nobelang El Filibusterismo.
B. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 Isadula ang eksenang nagtapat at nakipagtalo si Simoun kay Padre Florentino
hanggang sa ito ay bawian nang hininga.
Pangkat 2 Isadula ang eksena kung paano tinuran ni Padre Florentino ang talinghaga sa
paghulog niya sa dagat na baul ng kayamanan ni Simoun.
Pangkat 3 ang magmamarka sa mga pangkat na magtatanghal

III. Pagtataya
Pamantayan sa Pagsasadula

Pagganap/Presentasyon 40
Organisasyon ng Ideya o pangyayari 35
Costumes/Props 25

Kabuuan: 100%

IV. Takdang-Aralin
Basahin ang dulang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar

You might also like