You are on page 1of 13

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 10

I. MGA LAYUNIN

Sa loob ng (60) minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang napakinggan at nabasang tula batay sa paksa, nilalaman, estilo


ng pagsulat, sukat, tugma at iba pa.

b. Natutukoy iba’t ibang uri ng tayutay.

c. Nakagagawa ng isang malikhaing tula batay sa aralin.

II. PAKSANG – ARALIN

 Paksa: Panitikan: “Ang Aking Pag-ibig” (How Do I Love Thee- Sonnet XLIII ni
Elizabeth Barret Browning) isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago
Wika: Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita: Mga Uri ng
Tayutay
 Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral
pp.187-193
 Mga Kagamitang Panturo: Powerpoint presentation, video clips, mga larawan
at kopya ng aralin.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
 Simulan natin ang ating klase sa  Panginoon, maraming salamat po
pamamagitan ng isang maikling sa araw na ito na ipinagkaloob
panalangin na pangungunahan ni niyo sa amin, nawa’y gabayan mo
__________. Magsitayo ang lahat po kami sa mga gawain na aming
para sa panimulang panalangin gagawin sa araw na ito. Sana po
ay gabayan mo din po ang aming
guro na siyang magtuturo sa amin.
Amen
2. Pagbati
 Isang mapagpalang araw sa
inyong lahat!  Isang mapagpalang araw din po
sa inyo Ginoong Manuyag.
3. Pagtatala ng Liban
 May lumiban ba sa araw na ito  Wala po, lahat po narito Ginoo.
Binibining Jasleen?
 Nakatutuwa namang malaman na
walang lumiban ngayong araw.
B. PAGBABALIK ARAL
 Kung talagang naaalala niyo pa
ang ating aralin kahapon ay
sigurado akong masasagutan
ninyo ang aking mga katanungan.
 Opo, handang-handa na po!
Handa na ba kayo?
(Mga inaasahang sagot)
 1. Ang kahinaan ni Samson ay
 1. Ano ang sikretong kahinaang
ang kanyang buhok. Hindi
taglay ni Samsom? Paano ito
maaaring gupitin ang kanyang
nalaman ng kanyang mga
buhok dahil siya ang manghihina.
kalaban?
Nalaman ito ng kalaban dahil
binigyan nila ng maraming salapi
si Delilah upang
makipagsabwatan sa kanila.
 2. Nang magupit nga ang buhok ni
 2. Ilarawan ang ginawa ng mga
Samson siya ay nanghina. Ito ang
Philistino kay Samsom nang siya
hinintay na pagkakataon ng mga
ay madakip.
Philistino. Siya ay hinuli ng mga
ito. Pinahirapan siya ng mga ito sa
pamamagitan ng pagdukot sa
kanyang mga mata at
pagpapagawa ng mga mabibigat
na trabaho sa kanya. At ang huli
ay pagpaparada sa kanya sa
harap ng mga Philistino.
 3. Isinakripisyo ni Samson ang
 3. Ikuwento ang sakripisyong
kanyang sariling buhay para
ginawa ni Samson sa wakas ng
lamang malipol ang kanyang mga
salaysay.
kaaway.

 Napakahusay! Tunay nga ninyong


naunawaan ang ating aralin
kahapon. Ang ibig sabihin lamang
nito ay nahahasa na ninyo ang
inyong kakayahan pagbabasa.
C. PAGGANYAK
 Bago natin umpisahan ang ating
talakayan ay mayroon muna
akong tatlong larawang ipapakita.
Ang nais kong gawin ninyo ay
magbigay kayo ng mga salita o
pariralang may kinalaman sa mga
larawan. Handa na ba kayo?  Opo, Ginoo.

(Ipapakita ng guro ang tatlong larawan)


 Ano ang mga salitang sa tingin
ninyo ay may kinalaman sa mga (Mga inaasahang sagot)
larawang iyan?  Magkasintahan po
 Pag-ibig o pagmamahal po
 Damdamin po

 Napakahusay! Tama ang mga


salitang inyong naibigay. Ngayon
naman ay nais kong sagutin ninyo
ang katanungang ito, ano nga ba
ang pag-ibig? Maaari niyo bang
bigyan ito ng kahulugan. (Mga inaasahang sagot)
 Ang pag-ibig po ay ang masidhing
ating nararamdaman sa isang tao.
 Ito po ay ang pagsasakripisyo ng
isang tao para lamang sa
kaligayahan ng isang tao.
 Ito po ay ang pag-aaruga na ating
natatanggap mula sa ating
pamilya.
 Napakahusay! Ang lalalim ng
inyong mga kasagutan. Lahat ng
iyan ay tama. Tunay ngang ang
lawak ng inyong pang-unawa kaya
naman binabati ko kayo.
D. TALAKAYAN
a. Paglalahad ng Paksa  Sa aking palagay po Ginoo, ang
 Sa inyong palagay, ano kaya ang ating tatalakayin ay isang tula na
ating tatalakayin ngayong araw? tungkol sa pag-ibig.

 Mahusay! Ang ating tatalakayin sa


araw na ito ay isang tula mula sa
Inglatera na isinalin sa Filipino na
tungkol sa “pag-ibig”. Tatalakayin
din natin ang tungkol sa mabisang
paggamit ng matatalinghagang
pananalita partikular ang mga uri
ng tayutay.
 Bago natin talakayin ang tula, pag-
aralan muna natin ang mga
salitang maaaring maging balakid
sa pag-unawa ninyo sa tula. Narito
ang mga salita.
(Ipapakita ng guro ang mga salita sa
pamamagitan ng powerpoint
presentation)
 1. Tuturan – sasabihin o
babanggitin
 2. Karimlan – kahinaan ng
liwanag o kawalan ng liwanag
 3. Umingos – paglingon ng ulo na
nagpapakíta ng pagkayamot
 4. Bathin – tiisin
 5. Musmos – bata
 6. Masusupil – madaig sa
 Opo, Ginoo. Nauunawaan po
labanan o matalo
naming ang mga talasalitaan.
 Naunawaan ba ninyo ang mga
talasalitaang inyong nakita?

 Magaling!
b. Pagtatalakay
 Ngayon ay basahin ninyo at
pakinggan ang tulang isinulat ni
Elizabeth Barret Browning na
pinamagatang “How Do I Love
Thee” na isinalin naman ni Alfonso
O. Santiago at binigyang ng
pamagat na “Ang Aking Pag-ibig.”
Narito ang mga gabay na tanong
na inyong dapat masagot habang
nakikinig at nagbabasa ng tula.
 1. Ano ang paksa ng tulang
nabasa at napakinggan?
 2. Ano ang pag-ibig na tinutukoy
ng makata sa tula?
 3. Ano ang magiging bunga ng
pagkakaroon ng tunay na pag-
ibig?
 4. Paano ipinamalas ng may akda
ang masidhing pagmamahal sa
kanyang tula?
 5. Sa iyong palagay, anong
bahagi ng tula ang nagpalutang sa
ganda at kariktan nito?
 6. Paano nakatulong ang
paggamit ng mga matatalinhagang
salita upang maihatid ng may
akda sa mga mambabasa ang
mensahe?
 Handa na ba kayong marinig at  Opo, Ginoo. Handang-handa na

mabasa ang tula? po kami!

(Ipalalabas ng guro ang video ng “Ang (Makikinig at magbabasa ang mag-aaral

Aking Pag-ibig”) sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”)

Ang Aking Pag-ibig


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni
Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O.
Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang
kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang
bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang
nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

 Ngayon ay sagutan natin ang mga


gabay na tanong na aking
binanggit kanina. Handa na ba  Opo, handang-handa na po.
kayo?
(Isa-isang ipapasagot ng guro ang (Mga inaasahang sagot)
sumusunod na mga gabay na tanong.)

1.Ano ang paksa ng tulang


nabasa at napakinggan?  Ang tula po ay tungkol sa pag-ibig.
2. Ano ang pag-ibig na tinutukoy
ng makata sa tula?  Ang pag-ibig na tinutukoy sa tula
ay ang pag-ibig na wagas, pag-
ibig na mapagsakripisyo at pag-
ibig na walang hanggan.
3. Ano ang magiging bunga ng
pagkakaroon ng tunay na pag-  Ang magiging bunga ng tunay na
ibig? pag-ibig ay kaligayahan ng
4. Paano ipinamalas ng may akda dalawang taong nagmamahalan.
ang masidhing pagmamahal sa  Ipinakita niya ang kanyang pag-
kanyang tula? ibig na wagas sa pamamagitan ng
paggawa at pagbibigay ng lahat
alang-alang sa kanyang taong
iniibig. Ang kanyang pag-iibig na
hindi mababago magpakailanman.
Ang kanyang pagmamahal ay
5. Sa iyong palagay, anong dalisay at wagas.
bahagi ng tula ang nagpalutang sa  (Inaasahang iba-iba ang sagot ng
ganda at kariktan nito? mga mag-aaral)
6. Paano nakatulong ang
paggamit ng mga matatalinhagang  Bukod sa nagagawa nitong mas
salita upang maihatid ng may lalong maganda ang kwento,
akda sa mga mambabasa ang nagagawa din nitong mapukaw
mensahe? hindi lang ang atensyon ng mga
mambabasa kundi pati na rin ang
kanilang isip at damdamin na
maggaganyak naman sa kanilang
patuluyang basahin ang akda.
Itinuturing din ito na komplimento
sa may-akda kung saan
nagpapatunay ng kaniyang
kalawakan ng pag-iisip.
(Inaasahang sagot)

 Ang sukat ng tulang Ang Aking


 Kung papansinin natin ang tulang
Pag-ibig ay labingdalawang sukat.
“Ang Aking Pag-ibig,” ano ang
Ang saknong nito ay binubuo ng
sukat nito? May tugmaan din ba
apat na linya o tinatawag na
ang tulang ito?
“quatrain”. Ang tugma naman nito
ay may tugma sa katinig na di
ganap sa ikalawang lipon.

 Napakahusay! Tama iyon.

 Opo, Ginoo. Naunawaan po namin


 Naunawaan ba ninyo ang tulang
ang tula.
inyong pinakinggan at binasa?
 Opo, ang tula po ay naglalaman
 Ang tula ba ay gumamit ng mga
ng mga matatalinghagang salita
matatalinghagang pananalita?
kaya po mas naging maganda po
ang tula.

 Mahusay! Ang may akda ng tula


ay gumamit ng mga
matatalinghagang pananalita.
Pagmasdan ang isang bahagi ng
tula.
(Ipapakita ng guro ang bahagi ng tula
gamit ang powerpoint presentation)
“Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.”

 Gumamit po ang may akda ng


 Ano ang inyong napapansin sa
mga matatalinghagang salita
bahaging ito ng tulang inyong
gamit ang mga tayutay po.
pinakinggan at binasa?

 Napakagaling! Tama ang iyong


ideya.
(Bubuksan ang powerpoint presentation) (Makikinig ang mga mnag-aaral habang
 Alam niyo ba na isa sa mga tinatalakay ng guro ang paggamit ng
katangian ng tula ay ang paggamit matatalinghagang pananalita)
ng mga matatalinghagang
pahayag o pananalitang hindi
tuwirang inihahayag ang literal na
kahulugan nito. Karaniwan itong
ginagamitan ng ng paghahambing
ng mga bagay na nagpapataas ng
pandama ng mga mambabasa.
 Ang talinghaga ang nag-uugnay
sa mga karanasan, pangyayari at
bagay-bagay na alam ng
taumbayan. Ang talinghaga ang
mismong larawan ng kamalayan
ng manunulat. Isa sa madalas na
gamiting talinghaga ay ang
pagpapahayag na patayutay o
tayutay. (Inaasahang sagot)
 Alam ba ninyo kung ano ang  Ang tayutay po ay ang sadyang
tayutay? paglayo sa karaniwang paggamit
ng mga salita, kung kaya’t
magiging malalim at piling-pili ang
mga salita nito.
 Mahusay! Tama, ang tayutay ay
tinatawag din nating palamuti ng
tula dahil ito ang
nakapagpapaganda ng tula.
 Tatalakayin natin ang ilan sa uri
nito. Ito ay ang pagtutulad,
pagwawangis, pagmamalabis at
pagtatao.
1. Pagtutulad o Simile – isang
paghahambing ng dalawang
bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may
mga magkatulad na katangian. Ito
ay ginagamitan ng mga salita’t
pariralang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, anaki’y,
animo, at iba pa.
2. Pagwawangis o Metaphor –
naghahambing ng dalawang
bagay ngunit tuwiran ang
ginagawang paghahambing.
3. Pagmamalabis o Hyperbole –
pagpapalabis sa normal upang
bigyan ng kaigtingan ang nais
ipahayag.
4. Pagsasatao o Personification
– paglilipat ng katangian ng isang
tao sa mga walang buhay.
 Naunawaan ba ninyo ang mga
mabisang paggamit ng mga  Opo, Ginoo. Naunawaan po
matatalinghagang pananalita at naming ang paggamit ng
ang mga uri ng tayutay? matatalinghagang pananalita at
 Tunay ngang napagahusay ninyo! ang mga uri ng tayutay.
E. PAGLALAPAT
 Para sa ating gawain, nais kong
sagutin ninyo ang mga
sumusunod na katanungan:
 1. Kung ikaw ay susulat ng isang
tulang tungkol sa pag-ibig kanino
mo ito iaalay?
 2. Gamit ang iyong kaalaman sa (Inaasahang magkakaiba ang sagot ng

mga uri ng tayutay, sa anong mga mag-aaral)

bagay mo maikukumpara ang


napili mong taong pag-aalayan mo
ng iyong tula? Ipaliwanag. (Inaasahang magkakaiba ang sagot ng
mga mag-aaral)

F. PAGLALAHAT
 Sukatin nga natin kung
naunawaan ninyo ang mga aralin
na napag-usapan natin sa araw na
ito.
 1. Tungkol saan ang tulang “Ang (Mga inaasahang sagot)
aking Pag-ibig”?  1. Ang tula pong “Ang Aking Pag-
 2. Ano-ano ang mga uri ng tayutay ibig” ay tungkol po sa pag-ibig.
na ating tinalakay?  2. Pagtutulad, pagwawangis,
 3. Bakit mahalaga ang paggamit pagmamalabis at pagsasatao.
ng mga matalinhagang pananalita  3. Mahalaga po ang paggamit ng
gaya ng mga tayutay sa isang mga matatalinhagang pananalita
tula? gaya ng mga tayutay sa isang tula
dahil nagsisilbi itong palamuti na
mas lalo pang nagpapaganda sa
 Napakagaling! isang tula.
G. PAGPAPAHALAGA
(Magtatanong ang guro)
 Bakit mahalaga sa buhay ng isang (Inaasahang sagot)
tao ang pag-ibig o pagmamahal?  Mahalaga po ang pag-ibig dahil
isa ito sa nagbibigay ligaya sa
isang tao. Kung walang pag-ibig
na namamayani sa puso ninuman,
hindi magiging maayos ang takbo
ng ating mundo.
IV. PAGTATAYA

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng wastong
kasagutan.

1. Ano ang pamagat ng tulang orihinal na isinulat ni Elizabeth Barret Browning na


isinalin naman sa Filipino ni Alfonso O. Santiago?

A. Ang Aking Pag-ibig

B. Ang aking Pagmamahal

C. Pag-ibig Ko Sa iyo

D. Isang Linggong Pag-ibig

2. Ano ang sukat ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”?

A. lalabing-animin

B. lalabindalawahin

C. wawaluhin
D. lalabingwaluhin

3. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na:

“Kasinlaya ito ng mga lalaking

Dahil sa katwira’y hindi paaapi”

A. Pagsasatao

B. Pagtutulad

C. Pagwawangis

D. Pagmamalabis

4. Ito ay uri ng na nagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais


ipahayag.

A. Pagsasatao

B. Pagtutulad

C. Pagwawangis

D. Pagmamalabis

5. Ito ay uri ng tayutay na naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang


ginagawang paghahambing.

A. Pagsasatao

B. Pagtutulad

C. Pagwawangis

D. Pagmamalabis

KARAGDAGANG GAWAIN

 Upang lubos kong mataya ang inyong pang-unawa sa ating naging talakayan
ukol sa mga uri ng tayutay, bumuo kayo 10 makabuluhang pangungusap at
gumamit ng tayutay. Tukuyin din kung anong uri ng tayutay ang inyong ginamit
sa inyong pangungusap.

V. TAKDANG ARALIN

 Upang mas mapalawak pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat, nais kong
sumulat kayo ng isang malikhaing tula gamit ang inyong natutuhan sa paksa
natin ngayong araw, ang tulang “Ang Aking Pag-ibig” at ang paggamit iba’t ibang
uri ng tayutay. Kayo ang pipili ng paksa at isaalang-alang ang pamantayan.

PAMANTAYAN PUNTOS
Daloy ng Kaisipan 20
Wastong gamit ng 20
Wika
Orihinalidad 20
Paggamit ng 40
matatalinghagang
pananalita
(Tayutay)
KABUUAN 100

Inihanda ni:

Eldrian Louie B. Manuyag

BSED – II FILIPINO

You might also like