You are on page 1of 8

REVIEWER IN FIL 105

PARAAN NG PAGBASA

1. Tahimik – isinasaalang-alang lamang ang sarili at layuning maunawaang mabuti ang


binabasa

2. Malakas – isinasaalang-alang ang tagapakinig/owdiyens upang marinig ang


binabasang teksto.

URI NG PAGBASA

1. ISKANING

 Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa


materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat
at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan
pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o
tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa
sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
 Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang
partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng
isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal
at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga
mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal.
Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of
contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais
makausap.

2. ISKIMING

 Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang


ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay
pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa
pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa
ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng
mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap.
Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang
mga hindi kawiliwili sa kanya sa sandaling iyon.
3. PREVIEWING

 Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna
ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan
ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang
bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga ss: a. Pagtingin sa pamagat, heding at
sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik. b. Pagbasa ng heding na
nakasulat sa ng blue print. c. Pagbasa sa una at huling talata. d. Pagbasa sa una
at huling pangungusap ng mga talata. e. Kung may kasamang introduksyon o
buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa. f. Pagtingin at
pagbasa ng table of contents o nilalaman.

4. RE-READING O MULING PAGBASA

 Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na


talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang
makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

5. PAGTATALA

 Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya


bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para
bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y
sariling pag-aari.

IBA’T IBANG GENRE NG TEKSTO

1. Maikling Kuwento

 Ito’y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari
at kakintalan.

2. Dula

 Isa itong anyo ng akdang panliteratura na binibigyang-buhay sa pamamagitan


ng karaniwang pagtatanghal sa entablado.

3. Sanaysay

 Pagpapahayag ito ng kurukuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin


o pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri: maanyo o pormal.

4. Nobela
 Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari
rito’y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasaklaw ng mahabang
panahon at ginagalawan ng maraming tauhan.

5. Alamat

 Karaniwang hindi batid kung sino ang may-akda o sumulat nito. Ang mga paksa
nito ay tungkol sa pinagmulan ng tao, bagay, lugar at iba pa.

6. Anekdota

 Ito’y likhang-isip ng mga manunulat na ang layunin ay magbigay ng aral.

7. Pabula

 Tungkol sa mga hayop ang karaniwang paksa nito. Layon nitong gisingin ang
interes ng mga bata at makapagbigay-aral sa mga mambabasa.

8. Parabula

 Ito’y salaysaying hango sa Bibliya. Layon din nitong makapagbigay-aral.

9. Balita

 Isang paglalahad sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan sa araw-araw,


tungkol sa pamahalaan at sa lahat ng isyung maaaring makaapekto sa
indibiduwal o sa nakararaming mga tao sa isang komunidad o bansa.

10. Talumpati

 Karaniwang ito’y binibigkas sa harap ng mga tao. Layunin nitong humikayat,


magpaliwanag at magbigay ng opinyon ukol sa isang pangyayari o paksa.

11. Talambuhay

 Ito’y tala ng kasaysayan sa buhay ng isang tao. Ito ay maaaring pansarili o paiba

APAT NA YUGTO NG PAGBASA ni WILLIAM S. GRAY

 Ang pagbasa sa akda.


 Ang pag-unawa sa binasa.
 Ang reaksyon sa binasa.
 Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng
dating kaalaman.
PAG-UNAWA SA PAGBASA

1. PAG-UNAWANG LITERAL

 Nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.


 Ang mga kasagutan sa tanong na literal ay ang simpleng pag-alala sa mga
impormasyon at detalyeng nakapaloob sa babasahin.

2. INTERPRETASYON

 Nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip.


 Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad
sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang.

3. MAPANURING PAGBASA

 Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng


impormasyong nakalahad sa teksto.
 Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa kaangkupan,
pagkamakatotohanan at pagiging kasiya-siya ng akda.

4. MALIKHAING PAGBASA

 Gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa


antas ng pag-unawang literal, interpretasyon at mapanuring pagbasa.
 Sinisikap ng tagabasa na makabuo ng bago o pamalit na solusyon sa inihain ng
awtor.

MGA DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSIYON (PAG-


UNAWA SA PAGBASA)

1. UGNAYANG TANONG SAGOT (UST-QAR)

 Binubuo ni Raphael Santiago 1982,1986 upang mapataas ang antas ng


kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang
sistematikong pagsusuri sa mga tanong.
 Ito ‘y nabuo dahil sa obserbasyon ni Raphael na palaging may pinasasagutang
tanong ang mga guro pagkatapos bumasa subalit hindi lamang nabibigyan ng
kaunting patnubay ang mga bata kung paano sasagutin ang mga tanong.  Sa
istratehiyang ito inaasahang magagawa ng mga bata ang tukuyin ang iba’t-ibang
uri ng tanong.
 Nasa teksto mismo – ito’y hudyat na ang sagot ay tuwirang nakalahad sa
“teksto” at nangangailangan ito ng simpleng paggunita o pagtukoy ng mga
impormasyong galin sa binasa.

2. UGNAYANG TANONG SAGOT (UST-QAR)

 Isipin at Hanapin- Ito’y hudyat na ang sagot ay nasa “teksto” rin ngunit
kailangang “ pag-ugnayin” mula sa mga impormasyong nakapaloob sa teksto. Ito
ay nanganagilangan ng pag-isio na nasa lebel na interpretatib.
 Ikaw at ang Awtor - Ito’y na ang sagot ay wala sa teksto ngunit kailangang
mabuo sa “sariling isipan” mula sa impormasyong inilahad ng awtor at mula sa
dating kaalaman. Ginagamit dito ang pag-isip sa lebel na interpretatiba at
transaktib.
 Sa aking Sarili - ito’y hudyat na ang sagot ay wala sa teksto at kailangang mabuo
sa “sariling isipan ”mula sa dating kaalaman at ginagamit din ang pag-iisip sa
lebel na interpretatib at transaktib.

3. PINATNUBAYANG PAGBASA –PAG-ISIP O DIRECTED READING-THINKING


ACTIVITY (DRA-TA)

 Ang dulog ni (Russell Stauffer 1969,1976) ay para sa paglinang ng


komprehensyon ng buong klase pangkat. Sa dulog na ito , ang mga bata ay
aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mataas na
lebel na pag-isip
 Layunin sa pagbasa, pagbibigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang
dating kaalaman at kaalamang buhat sa teksto, pagubo ng isang sintesis ng mga
impormasyon, pagpapatunay at pagbabago ng mga prediksyon at pagbuo ng
isang kongklusyon. Hindi binibigyang-pansin ang bokabularyo sa pagsisimula ng
talakayan kung ginagamit ang dulog DR-TA . May dalawang bahagi ang DR- TA.
Ang una ay iyong pagbibigay ng patnubay sa proseso ng pag-iisip sa kabuuan ng
kuwento. Ang ikalawa ay mga patnubay na

4. PINATNUBAYANG PAGBASA O DIRECTED READING ACTIVITY (DRA)

 Ang pagdulog na ito sa pagturo ng pagbasa ay matagal nang ginagamit sa mga


paaralan. Bagama’t may ilang modipikasyon na ipinasok sa pagdaraan ng mga
taon, nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin ng pinatnubayang pagbasa:
maihanda nang husto ang mga bata sa pagbasa, mabigyang –diin ang pagkilala
sa salita at ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at mapatnubayan
ang mga bata sa pagbasa ng isang itinakdang kuwento.

5. TUGUNANG PAGTATANONG O RECIPROCAL QUESTIONING (REQUEST)

 Layunin ng istratehiyang ReQuest na linangin ang aktibong pag-unawa sa


pagbasa ng mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng
layunin sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang-alang din
ang istratehiyang ito ang pagmonitor sa sarili hinggil sa prosesong isinasagawa
sa pag-unawa ng isang teksto. Ang istratehiyang ReQuest ni Manzo (1990)
gumagamit ng tugunang pagtatanong kung saan naghahalinhinan ang mga guro
at mga mag-aaral sa pagganap ng mga tungkulin ng tagatanong.

DALAWANG YUGTO NG PAGSULAT

1. Unang yugto - Ang Paghahanda ng Sulatin

2. Ikalawang yugto – Ang Pagsulat ng Burador

DALAWANG YUGTO NG PAGSULAT (MICHELLE’S REPORT)

1. Yugtong Pag-kognitibo – nasa isip lahat ng ating isusulat.

2. Ang mismong proseso ng pagsulat

IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT

1. Akademik

 Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento,


konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.
 Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

2. Teknikal

 Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at


sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.
 Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong suliranin.
 Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang
pampangangalakal.
 Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad
ng science at technology.
 Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.

3. Journalistic

 Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga


mamamahayag o journalist.

Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang
mababasa sa mga pahayagan at magazin.

4. Referensyal

 Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang


paksa.
 Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal,
footnotes o endnotes.
 Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
 Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

5. Profesyonal

 Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.

Saklaw nito ang mga sumusunod:

1. police report – pulis

2. investigative report – imbestigador

3. legal forms, briefs at pleadings – abogado

4. patient’s journal – doktor at nurse

6. Malikhain

 Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.


 Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
 Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
 Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.
ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN

1. Paglalahad

 pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari


 sanhi at bunga
 magkakaugnay na mga ideya
 pagbibigay ng halimbawa

2. Pagsasalaysay

 nakapokus sa kronolohikal o pagkakasunud-sunog na daloy ng pangyayaring


aktwal na naganap.
 nakapokus sa lohikal na ayos ng pangyayari sa naratibong malikhaing
pagsulat.

3. Pangangatwiran

 katwiran, opinyon o argumentong , pumapanig o sumasalungat sa isang


isyung nakahain sa manunulat.

4. Paglalarawan

 isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, damdamin ng


isang manunulat sa isang bagay, tao, lugar, at kapaligiran.

You might also like