You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino (Pakikinig)

I. Layunin

Sa loob ng (1) isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang mga uri ng tagapakinig;

b. Natutukoy ang pagkakaiba ng bawat isang uri ng tagapakinig, at

c. Nauuri ang sarili kung anong uri ng tagapakinig.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Uri ng Tagapakinig

Sanggunian: Internet: https://www.slideshare.net/raishyleah/fil-report

Kagamitang Panturo: Laptop, projector, yeso, pisara, ballpen at mga visual aids

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panimulang panalangin
(Magtatawag ng isang mag-aaral upang  Panginoon, maraming salamat po
pangunahan ang panalangin) sa araw na ito na ipinagkaloob niyo
sa amin, nawa’y gabayan mo po
kami sa mga gawain na aming
gagawin sa araw na ito. Sana po ay
gabayan mo din po ang aming guro
2. Pagbati na siyang magtuturo sa amin. Amen
Magandang Umaga sa inyo!  Magandang Umaga rin po sa inyo
aming guro.

3. Pagsasaayos ng Silid-aralan
Bago kayo magsiupo ay maaari niyo
muna bang tignan ang ilalim ng inyong  Opo, Ginoo.
upuan kung ito ay may kalat?

Tapos na ba?  Opo, Ginoo.

Kung gayon ay maaari na kayong


 Maraming Salamat po Ginoo.
magsiupo.
4. Pagtala ng mga Lumiban
(Tatawagin ang class monitor)  Ikinalulugod ko pong ipabatid sa
_________, may lumiban ba sa araw inyo na wala pong lumiban sa araw
na ito? na ito.

B. Pagbabalik Aral
(Uumpisahan ang talakayan sa
pamamagitan ng katanungan tungkol sa
nakaraang talakayan)
Bago natin umpisahan ang bagong
paksa, magbabalik aral muna tayo. Ano
ang paksang huli nating tinalakay?  Ang huli po nating tinalakay ay ang
kahulugan ng Pakikinig.
Ano nga ulit ang kahulugan ng  Ang pakikinig ay ang kakayahang
pakikinig? matukoy at maunawaan kung
anong sinasabi ng kausap.
(at iba pang kahulugan ng
pakikinig)

Mahusay! Ngayon maaari na nating


simulan ang ating bagong talakayan.

C. Pagganyak
Ilarawan mo nga kung paano ka  (Hahayaang magbahagi ang mga
makinig sa tuwing ika’y may kausap o ‘di mag-aaral ng kanilang sari-sariling
kaya naman sa tuwing may nagsasalita sa karanasan sa kanilang paraan ng
iyong harapan. pakikinig)

Magaling! Ang huhusay ng inyong


mga kasagutan.

D. Talakayan
a. Paglalahad ng Paksa
Ang ating aralin sa araw na ito ay
tungkol sa iba’t ibang uri ng tagapakinig.
b. Pagtalakay
Gaya ng inyong mga kasagutan
kanina, iba-iba tayo ng paraan ng pakikinig
sa tuwing tayo ay may kausap o ‘di kaya
nama’y nakikinig sa talakayan.
Makikita niyo sa inyong harapan
ang iba’t ibang uri ng tagapakinig.  Mga Uri ng Tagapakinig:
Pakibasa nga ang mga ito nang sabay- Eager Beaver, Sleeper, Tiger,
sabay. Bewildered, Frowner, Relaxed,
(sabay-sabay na magbabasa ang Busy Bee, at Two-eared Listener
mga mag-aaral)
Mahusay! Ngayon, pamilyar ba kayo  Opo/ Hindi po
sa mga uri ng tagapakinig na inyong
binasa?

Mayroon tayong (8) walong uri ng


tagapakinig. Ang una ay ang tinatawag
nating “Eager Beaver.” Kapag sinabi
nating “Eager Beaver,” sila ‘yung mga
tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango
nang tango habang may nagsasalita sa
kanilang harapan. Ngunit, kung
naiintindihan niya ba ang kanyang mga
naririnig ay isang malaking katanungan.
Ang tanong, ikaw ba ay ganitong uri  Opo/ Hindi po (hahayaang
ng tagapakinig? Ipaliwanag. ipaliwanag ng mag-aaral ang
(Tatawag ng mag-aaral na sasagot) kanyang kasagutan)

Mahusay!

Ngayon naman dumako tayo sa


susunod na uri, ito ay ang tinatawag nating
“Sleeper.”
Class, bago natin ihayag ang
katangian ng mga tagapakinig na
“Sleeper,” nais ko munang tanungin kung
may ideya ba kayo ukol sa uring ito?
Kapag narinig niyo ang salitang “Sleeper,”
anong pumapasok sa isip niyo? Magtaas
ng kamay ang nais sumagot.
(Tatawag ng nais sumagot)
Ikaw ________, ano ang iyong ideya?
 Ang mga “sleeper” po ay ‘yung mga
tagapakinig na natutulog parati o
‘yung mga walang intensyong
makinig sa nagsasalita. (at iba pang
mga ideya mula sa mag-aaral)

Mahusay! __________, tama ang


iyong ideya. Ang tagapakinig na “Sleeper”
ay ‘yung mga nauupo na lamang sa isang
tahimik na sulok ng silid at walang
intensyong makinig. Nakuha ba?  Opo, Ginoo.

Ang susunod na uri ay ang mga


“Tiger.” Pakibasa nga ang kanilang
katangian. (Tatawag ng mag-aaral upang  Ang mga tagapakinig na “Tiger” ay
magbasa). Ikaw ________, basahin mo ‘yung mga tagapakinig na laging
nga ang nasa powerpoint presentation. handang magbigay ng reaksyon sa
anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang bawat
pagkakamali ay parang tigre siyang
susugod at mananagpang.

Salamat _______. Class, kapag


naman sinabi nating mga “Tiger” ay literal
silang tigre na handang managpang sa
tuwing may naririnig silang kamalian mula
sa nagsasalita. Naiintindihan ba?  Opo

Ang susunod naman ay ang


“Bewildered.” Kapag sinabi naman nating
“Bewildered,” sila ‘yung mga tagapakinig
na kahit anong pilit ay walang
maiintindihan sa naririnig. Kapansin-
pansin ang pagkunot ng kanyang noo.
pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng malay
sa kanyang mga naririnig. Nakuha ba?  Opo Ginoo.
Pagkatapos, ang susunod naman ay
ang “Frowner,” siya ang tipo ng
tagapakinig na wari bang lagi na lang may
tanong at pagdududa. Makikita sa
kanyang mukha ang pagiging aktibo,
ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang
pakikinig kundi isang pagkukunwari
lamang sapagkat ang hinihintay lamang
niya ay ang oportunidad na
makapagtanong para makapagpa-
impress.

Ang susunod ay ang “Relaxed.”


Siya naman ay problema sa isang
nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya
ang kawalan ng interes sa pakikinig.
Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba pang
reaksyon mula sa kanya, positibo man o
negatibo.

“Busy Bee” naman ang susunod na


pinakaayaw ang tagapakinig sa anumang
pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala
rin siya sa ibang gawain tulad ng
pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,
pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.

Ang panghuli naman ay ang “Two-


eared Listener,” siya ang
pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig
siya gamit hindi lamang ang kanyang
tainga kundi maging ang kanyang utak.
Lubos ang partisipasyon niya sa gawain
ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha
ang kawilihan sa pakikinig. Naiintindihan
ba?  Opo
May katanungan ba?  Wala po
Dahil natapos na natin talakayin ang
(8) walong uri ng tagapakinig, nais ko
kayong tanungin. Sa (8) walong uri ng
tagapakinig na ating tinalakay, sa tingin
mo saang uri ka nabibilang? Ipaliwanag.  (Iba iba ang inaasahang sagot ng
Magtaas ng kamay ang nais sumagot. mga mag-aaral)
(Tatawagin ang mag-aaral na nais
sumagot)
Mahusay, ngayon ay nakita kong
lubos niyong nauunawaan ang talakayan.
E. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain. Hahatiin ko kayo sa (8) walong
pangkat. Ang bawat pangkat ay ay
bubunot ng isang uri ng tagapakinig at
kanila itong isasadula. Bibigyan ko kayo
ng 5 hanggang 10 minuto upang mag-
usap at paghandaan ang inyong
presentasyon. Ito ang pamantayan na
dapat ninyong isaalang-alang:
PAMANTAYAN
Kahusayan ng 20
pagsasadula
Kahandaan sa 10
pagsasadula
Nilalaman ng 20
maikling dula
Kabuuan 50

Naiintindahan ba? Malinaw ba ang


panuto?
 Opo, malinaw po
Ngayon, papangkatin ko na kayo.
(Hahatiin ang klase sa (8) walong
pangkat)  (Magpupunta ang mga mag-aaral
sa kanya-kanyang pangkat)

Kung wala ng tanong sa ating


pangkatang gawin, maaari na kayong
 Opo
mag-umpisa.
(Uumpisahan ang pagtatanghal ng  (Magiging abala ang mga mag-
bawat pangkat at bibigyan ng marka) aaral sa kanilang pangkatang
gawain)

Mahusay!  (Magtatanghal ang Pangkat 1, 2, 3,


4, 5, 6, 7 at 8)

F. Paglalahat
Natalakay natin sa araw na ito ang (8)
uri ng tagapakinig. Ano-ano nga ulit ang
(8) walong uri ng tagapakinig na ating
tinalakay?  Ito ay ang Eager Beaver, Sleeper,
Tiger, Bewildered, Frowner,
Relaxed, Busy Bee, at Two-eared

Mahusay! Listener

IV. Pagtataya

PANUTO: Basahin ang bawat pahayag, isulat ang TAMA kung ito’y nagsasaad ng
tamang impormasyon ukol sa mga uri ng tagapakinig. Isulat naman ang MALI kung
hindi at salungguhitan ang salitang nagpamali dito.

_________1. Ang tagapakinig na “Sleeper” ay ‘yung mga tagapakinig na ngiti nang ngiti
o tango nang tango habang may nagsasalita sa kanilang harapan. Ngunit, kung
naiintindihan niya ba ang kanyang mga naririnig ay isang malaking katanungan.

_________2. Ang mga tagapakinig na “Tiger” ay ‘yung mga tagapakinig na laging


handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang bawat
sa pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

_________3. May 10 uri ng tagapakinig.

_________4. Ang mga tagapakinig na “Relaxed” ay problema sa isang nagsasalita.


Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang
kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo man o negatibo.

_________5. “Busy Bee” naman ang susunod na pinakaayaw ang tagapakinig sa


anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng
pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.

_________6. Kapag sinabi naman nating “Bewildered,” sila ‘yung mga tagapakinig na
kahit anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng
kanyang noo. pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng
malay sa kanyang mga naririnig.

_________7. Ang “Busy bee” ang pinakaepektibong uri ng tagapakinig.

_________8. Ang “Frowner” ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may
tanong at pagdududa.

_________9. Ang tagapakinig na “Sleeper” ay ‘yung mga nauupo na lamang sa isang


tahimik na sulok ng silid at walang intensyong makinig.

_________10. Ang “Two-eared Listener” ay nakikinig gamit hindi lamang ang kanyang
tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng
pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

V. Takdang Aralin

PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay na hindi bababa sa (10) pangungusap sa


pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:

 Paano ba maging isang EPEKTIBONG tagapakinig?

Inihanda nina:

Pangkat 3 (BSED – 2A FILIPINO)

Eldrian Louie B. Manuyag

Mary Maureen U. Maalari

Michelle M. Mandap

Carla L. Manansala

Prince Marwin S. Manuyag

Beulah L. Mallari

Jasmin T. Manabat

Rica Mae G. Lorica

You might also like