You are on page 1of 14

Paaralan Mayha National High School Baitang/Antas 10

Guro Lester A. Montesa Asignatura Filipino


Araw/Petsa ng February 21, 2023 (Tuesday)
Pagtuturo Markahan Ikatlong Markahan
Oras ng Pagtuturo Marso 10:45-11:45 Mercury
23,2023 1:00-2:00 Jupiter
2:00-3:00 Earth
I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang GRAMATIKA at RETORIKA:
Pangnilalaman Wastong Gamit ng simbolismo at matatalinghagang Pananalita
B. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
Pagganap batay sa akdang pampanitikan.
C.Mga Kasanayang Nauuri ang iba’t-ibang tula at ang mga element nito-F10WG-IIIc-73
Pagkatuto
Pagkatapos ng 60 na minutong talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nasusuri ang mga simbolo at matatalinghagang pananalita sa tula;


 Nabibigyang-kahulugan ang mensahe ng akda sa pamamagitan ng “Hashtag of
the Day o “Pulot of the Day”
 Nailalarawan ang isang ina sa pamamagitan maikling diyalog/dula-dulaan
II. NILALAMAN PANITIKAN:
Hele ng Ina sa kaniyang Panganay
III.KAGAMITAN Aklat,Laptop,kopya ng teksto,telebisyon,mga emoticons card,manila paper,at iba pa
PAGTUTURO
A. Sanggunian Modyul sa Ika-apat na Baitang-p.275,
IV. PAMAMARAAN
Pang araw-araw na
Gawain
* Panalangin Bago tayo umupo,hingin muna natin ang gabay ng
ating Dakilang lumikha sa pamamagitan ng isang
panalangin na pangungunahan ni _____________

(Yuyuko ang mga bata para sa panalangin)

* Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!

Magandang umaga din po sir! Kamusta po kayo


sir?
Ok naman ako Salamat sa pangangamusta?
Ay kayo,kamusta naman?

Mabuti naman po kami sir.


* Pagtatala ng Liban
Klas monitor,sino ang liban sa klase sa araw na
ito?
Wala po sir!

Mabuti naman kung ganoon.Dahil diyan bigyan


ang inyong sarili ng limang palakpak.
(Magpapalakpak ng limang beses ang klase)

* Mga Bago tayo magsimula laging tandaan ang ating


regulasyon/kasund mga alituntunin sa silid-aralan.Paki
uan sa loob ng klase basa__________.
(Babasahin ng mga mag-aaral ang mga alituntunin)

Alituntunin sa Loob ng silid-aralan:


1. Pumasok sa tamang oras.
2. Matutong magrespeto((Makinig kapag may
nagsasalita)
3.Huwag magsalita ng sabay-sabay(Itaas ang
kamay kapag may nais sabihin at antaying tawagin)
4. Itago ang mga bagay-bagay na hindi kailangan sa
ating talakayan.
5. Sundin lahat ng nabanggit sa itaas na
kasunduan.

Salamat!
A. Pagbabalik- Gawain ng Guro Gawaing Pang -mag-aaral
aral/Pagsisimula ng
bagong-aralin Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin,muli
nating balikan ang ang ting nakaraang
tinalakay.Pakibasa ng panuto_________.

GAWAIN I: ANG MAHIWAGANG BAUL ( 3 minuto)


Panuto:Sa isang lalagyan ay may mga papel na na
may mga tanong na may kaugnayan sa ating
tinalakay kahapon.Habang tumutugtog ang musika
paiikutin ang lalagyan at pagtigil ng musika ay siya
namang pagtigil sapag-ikot ang lalagyan at
bubunot ang estudyante ng katanungan buhat sa
lalagyan.

Naunawaan ba klas?

Opo sir!
(Unang bunot )

Ano ang iyong nabunot na tanong _________

Ano ang Sanaysay po Sir,


Ano ang iyong kasagutan?

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa


anyong tuluyan na nagpapahayag ng sarling
kaisipan, saloobin at kuro- kuro na kapupulutan ng
aral .

Tumpak! Bigyan ng limang bagsak

(Pangalawang bunot)

Ano ang iyong nabunot na tanong _________

Ano ang dalawang uri ng sanaysay?


Ano ang iyong kasagutan?

Ang dalawang uri ng sanaysay po ay Pormal at Di-


Pormal na sanaysay.
Magaling! bigyan ng dalawang bagsak
(Ikatlong bunot )

Ano ang iyong nabunot na tanong _________

Magbigay ng isang katangian ng pormal na


Ano ang iyong kasagutan? sanaysay?

Nagbibigay ng impormasyon
Magaling! Bigyan ng tatlong bagsak

(Ikapat na bunot )

Ano ang iyong nabunot na tanong _________

Magbigay ng isang katangian ng Di-pormal na


Ano ang iyong kasagutan? sanaysay?

Nagsisilbing aliwan/libangan.
Tama! Bigyan ng isnag bagsak

Nag-enjoy ba kayo klas sa ating ginawa?

Opo sir!

B. Paghahabi ng
Layunin Bago tayo dumako sa ating panibagong
talakayan,pakibasa muna ng ating mga layunin
para sa araw na ito.______________
Mga Layunin:
Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Nasusuri ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita sa tula;
2. Nabibigyang-kahulugan ang mensahe ng
akda sa pamamagitan ng “Hashtag of the
Day”o “Pulot of the Day”;
3. Nakapagtatanghal ng isang diyalogo na
nagpapakita ng pagmamahal ng ina sa
anak at anak sa ina.

Pagpapalawak ng Sa ating pagpapatuloy,narito ang isang gawain


Talasalitaan para sa inyo.
Pakibasa ang panuto____________.
GAWAIN II: PUNAN MO ANG KULANG KO! ( 3minuto)
Panuto:Punan ang mga kulang na letra sa kahon
para makabuo ng salita.Gawing gabay ang
larawang ipakikita sa inyo.Pagkatapos nito ibigay
ang kahulugan ng salita.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fph.lovepik.com%2Fimage-400369045%2Fa-pair-of-mother-
and-
daughter.html&psig=AOvVaw1w0WDvEgLSgQ4b44OQKyEr&ust=
1678234722890000&source=images&cd=vfe&ved=0CBAQjRxqFw
oTCNDn-9XFyP0CFQAAAAAdAAAAABAE

I A
(Posibleng sagot)
Ano ang nasa unang larawan at ilarawan Ina po sir! Ang ina ang siyang ilaw ng tahanan at
ito_________? kaagapay ng ama sa pagtataguyod ng pamilya.

Mahusay!

Ikalawang larawan_______.

1. Paspas, walay hasol. Walang kuskos


https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F
%2Fwww.wowbatangas.com%2Ffeatures%2Fang-panganay-na-
anak
%2F&psig=AOvVaw03TbE4BR9ONLs_5pjedNXb&ust=167823506
2565000&source=images&cd=vfe&ved=0CBAQjRxqFwoTCPCH4P
fGyP0CFQAAAAAdAAAAABAP

P A G N Y
Panganay po sir!

(Posibleng sagot)
Si ate ang panganay sa aming apat na
Sa inyong magkakapatid sino ang panganay? magkakapatid.

Napakahusay!
Para sa panghuling larawan_________

U A
Tula po sir!

(Posibleng sagot)
Ang aking kaibigan ay napakahusay magsulat ng
tula .

Sino ang alam mong mahilig magsulat?

Tama!Tunay ngang mabilis kayo mag-isip

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa Sa ating pagpapatuloy,narito ang isang Gawain.Ito
bagong aralin ay pinamagatang”SING MO BE”Siguro pamilyar na
kayo dito.Umpisahan natin sa pamamagitan ng
panuto.
Pakibasa ng panuto______.

GAWAIN III : ”SING MO BE”


Panuto:Habang pinanonood niyo ang bidyu ay
tumutugtog ang awiting may kaugnayan sa ating
aralin.Punan niyo ang nawawalang liriko ng
kanta.Maging handa baka matapat ito sa inyo.

Handa na ba kayong kumanta klas?


Opo sir!

Kung gayon umpisaahan na natin.


(Isasagawa ang “SING MO BE”)

May hihigit pa ba sa isang katulad mo


Inang mapagmahal na totoo
Lahat ng buti ay naroon sa puso
Buhay man ay handang ialay mo
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat

[Chorus]
Ang awit na ito ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas, ganyan ang tulad mo

Lahat ibibigay, lahat gagawin mo


Ganyan lagi ikaw sa anak mo
Lahat ng buti nya ang laging hangad mo
Patawad ay lagi sa puso mo
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat

[Chorus]
Ang awit na ito ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas, ganyan ang tulad mo
Ang awit na ito ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas, ganyan ang tulad mo

Opo sir!
(matapos ang gawain)
Nasiyahan ba kayo klas?

Mabuti naman kung ganoon.Bilang pagpapatuloy


sagutin natin ang sumusunod na tanong.

Patungkol saan ang musikang inyong


(Posibleng sagot)
napakinggan?_______.
Tungkol po ito sir sa isang anak para sa kaniyang
ina.

Tama!
Ano naman ang inyong nararamdaman habang
(Posibleng sagot)
inaawit ito?_______.
Para sa akin magkahalong tuwa,lungkot dahil napa
swerte po ng isang anak sa pagkakaroon ng isang
inang tulad ng binaggit sa awit at lungkot dahil sa
kabila ng sakripisyo ng ating mga ina sa kanilang
mga anak may mga anak pa din na hindi marunong
magpahalaga sa kanilang ina.

Tumpak! ang iyong kasagutan.

Sa panghuling katanungan_______.

Paano mo maisasabuhay ang aral at menhae mula (Posibleng sagot)


sa awit? Para sa akin magagawa ko ito kapag sa araw-araw
na ginawa ng Diyos,habang buhay pa ang ating
mga ina,alagaan,mahalin at gawin nating masaya
ang mga araw na sila’y kapiling pa natin.

Tama!Ngayong marahil ay matototo na kayong


magpahalaga sa inyong mga magulang lalo na sa
ating mga ina.Tama ba klas? Opo sir!

Ngayon naman,tingnang maigi at suriin ang Panuto:Suriin ang dalawang uri ng tula base sa
ipakikita ko sa inyong tula. kanilang pagkakasulat o
Pagtalakay sa konstroksiyon(sukat,tugma, at matatalinghagang
Bagong Konsepto at salita)
paglalahad ng GAWAIN IV: Ganito ako noon, Ganito ako ngayon
bagong kasanyan#1 ( 3minuto)

INA PAGLALARAWAN
Nang dahil sa iyo,ako’y Simula ng ika’y aking
ipinanganak masilayan
Inakay para ako’y di Akoy nabighani kaagad
mapahamak Ang iyong mga mata na
Ganyan kayo magmahal nakakaakit
sa isang anak Ang iyong labi na
Tunay at labis ang iyong mapupula
naging galak
Sa tuwing ika’y
Ang ilaw ng tahanan ngumingiti
kung siya’y turingan Para akong nasa langit
Ipagtanggol ang anak paero tuwing ikaw ay
walang urungan may sakit akoy
Kaniyang susuungin namimilipit
kahit kamatayan
Iyan si inay,Si inay na
akng hinangaan

Ano ang napansin mo sa dalawang tula______?


(Posibleng sagot)
Napansin ko po sir na ang unang tula ya
maypagkakapareho ang bilang ng pantig at halos
magkakapareho ang tunog nito samantalang ang
isang pong tulay di nagtataglay kagaya ng nauna.

Napakahusay!Ang tawag sa pagkakapareho ng


bilang sa bawat taludtod ay may sukat at ang
pagkakapareho naman ng tunog sa abwat hulihan
nito ay ang tugma.Ang tula ay may dalawang
uri,ang naunang tula ay kabilang sa tradisyunal na
uri at ang ikalawa ay ang tulang Malaya o ang
modernong anyo ng panulaan.Isa pa sa element
ng tula bukod sa sukat at tugma ay ang persona-
ito ay ang taong nagsasalita sa isang akda.

Para lubos niyong maunawaan,naritoa ang isa


pang tula,panoorin ninyo.
Ito ay isang tula na nagmula Uganda na
E.Pagtalakay ng pinamagatng ”Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”
Bagong konsepto at Bidyu Presentasyon
paglalahad ng
bagong
Kasanayan#2

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F
%2Fpangkatcarbon20182019.blogspot.com
%2F2019%2F01%2Fawit-sa-kanyang-panganay-isang-
tula.html&psig=AOvVaw1rQ3EgmLZ-
f5qvH9u9y8K6&ust=1678259029286000&source=images&cd=vfe&
ved=0CBAQjRxqFwoTCKjeppygyf0CFQAAAAAdAAAAABAE
(Tahimik na manonood ang klase)

(Matapos ang limang minutong panonood)

Pamprosesong mga tanong.

1.Sino ang persona sa tualang napakinggan?_____

Palakpakan siya sa kaniyang kasagutan. Ang ina po sir!

(Magpapalakpak ang klase)


2.Ano ang pangarap ng ina sa kaniyang panganay?

(Posibleng sagot)
Pangarap po ng ina sa kaniyang panganay ay
maging isang matapang na mandirigma.
Tama!Ganito din ba ang pangarap ng inyong mga
ina para sa inyo?

(Magkakaib-iba ang sagot)


Totoo iyan,Lahat ng mga ina ay may pangarap
para sa kanilang mga anak at lahat iyon ay
pangarap na magiging maayos ang buhay ng
kanilang mga anak.

Upang lalo pa ninyong maunawaan ang ating


aralin,narito muli ang isa pang Gawain para sa
inyo.Paki basa ng panuto__________.

F.Paglinang ng
Kabihasaan

GAWAIN V: MAY KALALAGYAN KA! (5minuto)

Panuto:Nasa loob ng mga kahon ay mga salitang


matatapuan sa tulang tinalakay.Tukuyin kung saan
ito nabibilang sa simbolismo o sa
matatalinghagang salita.Kunin ito at ilagay sa
kahon kung saan ito dapat.

 Sibat at kalasag
 Bisirong toro
 Kayamanan ni Zeus at Aphrodite
 Matang naglalagablab
 Panulag na patalim Leopardo
 Wangis ng mata ng bisirong-toro ni
Lupeyo
Matatalinghagang Simbolismo
salita

Maliwanag ba klas?

Opo sir!
Mauna kana ______.

(Kukuha ng salita si_____mula sa kahon at ilalagay


kung saan ito nararapat)

Tama! Ikaw naman _______. (Gagawin mag-aaral ang pinagagawa ng guro)

(Tatayo ang mag-aaral at gagawin ang sinabi ng


guro)
Tumpak!

Batay sa ginawa nating aktibiti,paano niyo


paghahambingin ang simbolismo at
matatalinghagang salita?___________.

(Posibleng sagot)
Ang simbolismo ay naglalahad ng mga bagay at
kaisipan sa pamamgitan ng sagisag at mga bagay
na mahiwaga at metapisikal samantalang ang
matatalinghagang salita ay hindi lantad ang
kahulugan.

Mahusay!kung gayon ay napatunayan niyo na


marunong na kayong tumukoy ng salitang
simbolismo o matatalinghagang pananalita.

Para sa mensahe o aral ng tinalaky na


tula,Gagawin natin ito sa pamamagitan ng
“Hastag of the Day o Pulot of the Day”
Sino ang gusting magbahagi ng kaniyang Hashtag
of the Day?_______________.

Bakit #Dakila?_______. Sir!


#Dakila

(Posibleng sagot)
#Dakila po dahil ang ating ina ang walang sawang
nag-aaruga at nagmamahal sa atin,walang
Bigyan natin ng Isang masigabong palakpakan makatutumbas sa kaniyang sakripisyo.
si_______.Sino pa ang gusting magbahagi?_____

(Posibleng sagot)
#Tangi po sir!
Dahil tanging ina natin ang nagbibigay ng walang
kondisyon na pagmamahal.
Mahusay!Bigyan natin siya ng limang bagsak.

(Magpapalakpak ang mga bata)


Meron pa bang nais magbigayng hastag of the Wala na po sir!
day?

Kung ganoon dumako na tayo sa panibagong


gawain.

Pakibasa ng panuto___________
GAWAIN VI:ANG TANGING INA KO! (5minuto)
Panuto:Bumuo ng grupo depende sa kulay na
inyong nabunot. Gamit ang manila paper gumuhit
G.Paglalapat ng
ng isang bagay na sumisimbolo sa inyong ina.(Isang
aralin sa pang-araw-
simbolo lamang)Humanda sa pag-uulat sa
araw na buhay
klase.Tatayahin ito sa pamamagitan ng rubeiks na
ibibigay sa inyo. Gawing gabay na paraan sa
pagbibigay ng puntos.
(5 minuto lamang ang oras na ibibigay sa inyo)

Pamantayan

Pagiging Malikhain……………………… 15
Kaisahan ng kulay ………………………. 10
Pagpapaliwanag………………………….. 25
Kabuuan ……………………………..……… 50
-Kapag nasunod lahat ng pamantayan
( 10 puntos)

- Kapag ang data ay may kulang


( 5 puntos)

- Kapag ang hindi gaano nasunod ang lahat ng


pamantayan ( 3 puntos)

(Gagawin ng Grupo ang Gawain)


(Matapos ang 5 minuto)

Handa na ba ang lahat para sa pag-uulat?

Opo sir!

Simulan natin sa unang grupo.

(Mag-uulat ang unang grupo)

Pakitaas ng emoticons na nais niyong ibigay para


sa unang nag-ulat.
(Itataas ng mga bawat grupo ang kanilang
emoticons)

Sumunod na grupo.
(Mag-uulat ang ikalawang grupo)

Mangyaring itaas muli ang emoticons para sa nag-


ulat na grupo.
(Muling itataas ng bawat grupo ang emticons na
nais nilang ibigay sa grupo)

Pangatlong taga-ulat
(Mag-uulat ang ikatlong grupo)

Itaas ang mga emoticons para sa iaktlong grupo

(Muling itataas ng bawat grupo ang emticons na


anis nilang ibigay sa grupo)

Para sa huling grupo.


Mag-uulat ang huling grupo)
Itaas niyo ang emoticons niyo para sa huling taga-
ulat

(Itataas ng grupo ang emoticons na nais nila)

Ang may pinaka maraming emoticons ang


makakatanggap ng ____________.

Dahil natapos na anatin ang ating talakayan,Narito


ang huling gawain. GAWAIN VII: PITIK NG ISANG AKROSTIK AT DULA!
(5 minuto)
Panuto:Isagawa ang Gawain may 5 minuto para
Pakibasa ang panuto_________. rito.Pumalakpak ang unang matapos
Unang Grupo- Akrostik ( Bigyan ng kahulugan ang
mga salita sa paglalarawan) .
H.Paglalahat TULA,INA,ANAK

Ikalawang Grupo-(Magpakita ng maikling


usapan,sa pagitan ng isang Ina at Anak na
nagpapakita ng kabutihan ng isang Ina).

Opo sir,

(Matapos ang 5 minuto)


Handa na ba ang lahat klas?

Kung ganoon tunghayan nating ang unang (Magpapakita ng diyalog ang ikalawang grupo)
natapos ang ikalawang grupo ,

Sila ang mauunang magpakita ng diyalog ng


isang ina at ng kaniyang anak.

(Bibigyan ng 5 bagsak at 5 palakpak ang unang


nagtanghal)

Bigyan natin ng 5 palakpak at 5 bagsak ang


ikalawang grupo.

(Ipakikita ng unang grupo ang kanilang akrostik)


Para sa unang grupo.Magpapakita sila ng isnag
akrostik

(Magpapalakpak at papadyak ang mga mag-aaral)

Bigyan naman natin ng 5 palakpak at limang


bagsak din ang unang grupo.

Para malaman o masukat ang inyong kaalaman Kumuha ng ¼ na papel at sagutin ang mga
patungkol sa ating natalakay na aralin ay katanungan.Hanapin lamang ang sagot sa
maghanda para sa ating pagtataya kahon.Titik lang ang isulat.

Pakibasa ang panuto. a. Talinghaga b. persona


c. Simbolismo d. tula
e. sukat f. tugma

I.Pagtataya ng
aralin 1.Ito ang tawag sa taong nagsasalita sa isanga
akda.
2.Gumamit ng ilaw bilang paglalarawan sa ina.
3.Tawag sa pagkakapareho ng bilang sa bawat
taludtod.
4.Tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog sa
hulihan ng bawat taludtod.
5.Akdang pampanitikan na binubuo ng mga
taludtod at saknong.

Natapos na ang ating Gawain. Maari bang Panuto: Bumuo ng limang grupo na may limang
pakibasa ng takdang aralin_________. miyembro at sumulat ng isang tula na hindi
bababa sa dalawang (2) saknong.Ito ay maaring
tradisyunal o malayang tula.Lapatan niyo ito ng
himig at humanda sa pagtatanghal sa klase
kinabukasan.

J.Karagdagang PAMANTAYAN
Gawain Para sa Kasiningan----------------------25%
takdang Aralin at Himig at melodiya------------20%
Remediyal Kabuuang pagtatanghal------5%

Kabuuan-------------------------50%
Naunawaan ba klas?

Opo sir!

Kung wala na Paalam na sa inyong lahat.

V.MGA TALA

VI.PAGNINILAY Bilang ng mga mag-aaral Jupiter- 25 Mercury-25 Earth-25


Bilang ng mag-aaral na pumasok Jupiter- Mercury- Earth-
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 90 Jupiter- Mercury- Earth-
pataas Jupiter- Mercury- Earth-
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80-85 Jupiter- Mercury- Earth-
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 75-79 Jupiter- Mercury- Earth-
Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
remidyal

Inihanda at ipinasa ni:

LESTER A. MONTESA
Gurong -Nagsasanay

Sinuri ni: Inaprubahan ni:

RHONA JOY I. JUSAY, HT – III


MYRINE F. FERRIOL-TII
Ulo ng Paaralan
Nakikiisang guro

You might also like