You are on page 1of 21

Marlyn Grace G.

Lastrella BSE-Filipino IIIA

Prof.Ed9-The Teacher and the School Curriculum

UNIT 3. Trends and Issues on Curriculum and Curriculum

LESSON 7. Curriculum Contextualization

MY PERSONAL LEARNING ON THE MODEL PLAN

MGA BAHAGI NG BANGHAY- ANG AKING NATUTUHAN


ARALIN
I. Layunin Nakapaloob dito sa layunin ang tatlong uri
o bahagi ng layunin. Ito ay ang 1)
Kognitib na layunin, 2) Affective na
layunin, at 3) Psychomotor na layunin. Sa
aking palagay, ang ay ang nais makamtan
ng guro na makuha o matutunan ng mga
mag-aaral pagkatapos ng talakayan.

II. Paksang-aralin Nakapaloob dito ang kung ano ang paksa


ng guro sa kanyang pagtuturo, ano ang
mga kagamitang gagamitin ng guro sa
pagtuturo, mga estratehiyang gagamitin sa
pagtuturo, mga sanggunian, at saloobing
dapat mahasa.

III. Pamamaraan Dito sa bahaging pamamaraan,


A. Panimulang Gawain nakapaloob kung ano ang mga gagawin ng
a.1. panalangin guro, kung paano niya ituturo o
a.2. pagpapaawit tatalakayin ang paksa, kung paano siya
a.3. pagbati magbibigay ng pamantayan sa klase,
a.4. pagtsek ng liban paano niya itataya ang mga gawain (isahan
1. Balik-aral o pangkatan), paano siya magtsetsek ng
2. Pagganyak liban, maging kung paano siya bumati.
B. Paglinang na gawain Dito rin nakapaloob ang mga gawain ng
1. Paglalahad mga mag-aaral, at paano ng guro ito
2. Pagtatalakay mamarkahan.
C. Pangkatang Gawain
D. Pangwakas na Gawain
E. Paglalapat
F. Pagpapahalaga

IV. Pagatataya Dito nakapaloob ang isang pagsusulit o


exam na kung saan titingnan ng guro kung
naiintindihan ba talaga ng mga mag-aaral
ang paksa o hindi. Dito makikita ng guro
kung mabisa ba ang kanyang pamamaraan
ng pagtuturo.

V. Takdang-aralin Dito nilalagay ang mga takdang aralin ng


mga mag-aaral. Maaaring kumuha ang
guro ng takdang aralin sa paksang
natalakay sa ngayong araw, at pwede ring
kumuha ang guro sa mga paksang
tatalakayin niya sa susunod na pagkikita.
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Inihanda ni Marlyn Grace G. Lastrella

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakakuha ng
mahigit 75% para sa mga sumusunod na layunin:
a. naibibigay ang kahulugan ng salitang pabula,
b. nakapagbibigay ng iba pang halimbawa ng mga pabula, at
c. napapahalagahan ang pagbabasa ng pabula at ng iba pang uri ng panitikan na
nagmula sa Mindanao

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Pabula
Kagamitan: palaisipan, mga piraso ng salita, mga larawan, kopya ng mga pabula
mula sa mga aklat sa silid-aklatan ng paaralan, sagutang papel, worksheets
Estratehiya: Oral questioning, Puzzle at Collaborative Talking
Saloobin: Matutong magpahalaga sa pagbabasa at pag-unawa sa binasa
Sanggunian: https://pinoycollection.com/pabula
https://sites.google.com/site/mahalkowikako/home/popular-books-and-why-they-
excite-me, Koleksyon ng mga Pabula (Aklat)

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
Ginoong/Binibining _____,
Opo ma’am. (Panalangin)
pangunahan mo ang ating
panimulang panalangin sa araw
na ito.

 Pagpapaawit
Bago natin simulan ang masaya at
masiglang araw na ito, tayo muna
ay aawit nang isang masayang
awitin! Ang gamay nga lawa,
awit.. (Sasabayan ng guro ang
mga mag-aaral)

(With action) (With action)


Ang gagmay nga lawa Ang gagmay nga lawa
Mikatkat sa Sanga Mikatkat sa Sanga
Mibundak ang ulan Mibundak ang ulan
Nangahumod sila Nangahumod sila
Pagsidlak sa Adlaw Pagsidlak sa Adlaw
Nangauga sila
Nangauga sila Ang gagmay nga lawa
Ang gagmay nga lawa Malipayon sila
Malipayon sila.

 Pagbati
Magandang araw mga bata! Ako
si Bb. Marlyn Grace G. Lastrella, Magandang araw din po Binibining Lastrella!
ang magiging guro ninyo sa
asignaturang Filipino sa araw na
ito.

 Pagtsek ng Liban
Manatili sa inyung mga upuan at
manatiling tahimik dahil itsetsek
ko ang ating atendans sa araw na
ito. (Tatawagin isa-isa sa classlist
at magsasabi ng “Present po!” ang Present po ma’am!
nasa klase)

1.Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating talakayan
para sa araw na ito, atin munang balikan
ang ating naging talakayan noong
nakaraan.

Naaalala pa ba ninyo ang ating talakayan


Opo ma’am! Ito po ay tungkol sa Alamat.
noong nakaraang araw?

Tama! Ano nga ulit ang kahulugan ng Ang alamat ay ang mga haka-hakang kwentong
Alamat? bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bayan.
(Magtatawag ng mag-aaral na Mga haka hakang, palapalagay tungkol sa
nagpapataas ng kamay) pinang-galingan ng isang bayan.

Ang alamat ay mga kwentong bayan na


Mahusay! Ano pa? isinasalin sa bawat henerasyon sa pamamagitan
ng bibig. Ang mga alamat ay kapupulutang ng
mga aral. Ang mga kwentong ito ay
nagsasalamin ng ating kultura.

Alamat ng Mt. Kitanglad


Sino ang makakapagbigay ng halimbawa Alamat ng Kalasungay
ng Alamat? (Ang guro ay magtatawag ng Alamat ng Pulangi River
iilang estudyante upang magbigay ng Alamat ng Two Trees atbp.
halimbawa) (Ang sagot ay iba-iba)

2.Pagganyak
Bago natin talakayin ang ating magiging
aralin sa araw na ito, may mga salita
muna kayong dapat hulaan.

Mayroon ako ritong mga kahon kung


saan ang bawat kahon ay may katumbas
na mga letra. Kayo ay sasagot bawat
grupo, ang row 1 bilang unang pangkat,
row 2 pangalawang pangkat, at row 3
pangatlong pangkat. Pabilisan lamang
nang pagsagot.

kwento
hayop
kilos
tao

Ang unang makahuhula ng salita, ang


magtatamo ng puntos. Bilang pantulong, narito
ang mga larawang konektado sa mga salita.
(Ididikit ng guro sa pisara ang apat na larawan)

Clue: Ang unang grupo ng mga kahon ay ibang


salita ng “Istorya”.

Clue: Palagi natin silang nakikita sa paligid.


Maaaring mayroon tayong alagang ganito sa mga
bahay natin. Sila din ang kadalasang tumutulong
sa atin sa bukid.
Clue: Ito ay konektado sa Pandiwa. Ito ay ibang
salita ng “Aksyon”. Ginagawa ito ng ating mga
magulang araw-araw.

Clue: Ito ang tawag sa atin bilang naninirahan sa


daigdig.
3.Pagganyak na Tanong

Nakarinig naba kayo mga bata ng mga kwentong


ang bida ay mga hayop? (Ang sagot ay iba-iba)
Nagustuhan ba ninyo ang mga kwentong Opo ma’am.
ganoon?

B. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad

Batay sa mga salitang ating nabuo,


patungkol saan ang araling sa tingin
Kwento tungkol sa mga hayop na kumikilos na
ninyo ay tatalakayin natin ngayon? Sino
parang tao.
ang mayroong ideya?

Tama! Magaling!

Ngayong umagang ito, tatalakayin natin


ang mga kwento tungkol sa mga hayop
na kumikilos na parang tao na tinatawag
na pabula o sa ingles ay fables.

2. Pagtatalakay

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang


pabula?

Ang isang pabula ay kuwento na


nagbibigay ng aral sa mga mambabasa.
Pero, sa halip na mga tao, ang mga
karakter sa mga kuwentong ito ay mga
hayop.

Dahil dito, mas madaling makuha ng mga


kuwento ang atensyon ng mga kabataan
at maturuan sila ng mga gintong aral.
Kadalasan nating makikita ang mga
pabulang Tagalog na nangagaling sa
Luzon.

Pero, ang mga rehiyon ng Visayas at


Mindanao ay mayroong iba’t-ibang mga
magagandang pabula. Narito ang mga
halimbawa ng mga pabula ng na
kadalasan nating naririnig sa ating paligid
at makikita sa ating silid-aklatan:

Si Aso at si Ipis

Si Haring Tamaraw at si Daga

Ang Kabayo at ang Kalabaw

Ngayon, sa tatlong halimbawa na aking Si Haring Tamaraw at si Daga po! (Depende ang
ibinigay, alin ang gusto niyong ating pabula sa mga sagot ng karamihan.)
babasahin?

Sige. Babasahin natin ngayon ang


pabulang may pamagat na, “Si Haring
Tamaraw at si Daga”

Sa ating pagbabasa, gusto kong maupo


ng maayos ang lahat at makinig kung
sino man ang nagbabasa.
Ako ba ay naiintindihan? Opo!

Bawat saknong ng kwento ay kailangang


basin ng isang grupo. Magsimula tayo sa
unang saknong na babasahin ng unang
grupo.

Nagkakaintindihan ba tayo? Opo!

Magaling!

Narito ang kwento:

Si Haring Tamaraw at si Daga


(Si Haring Tamaraw ug si Daga)

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga


hayop sa ating kagubatan. Siya ay
malaki, mabilis at malakas. Iginagalang
siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw


ang kagubatan. Dumating siyang pagod
na pagad. Kaagad siyang nakatulog sa
ilalim ng punong Narra. Dumating si
Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa
may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga
ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno.
Ipinaalam nilang natutulog si Haring
Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis
si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni
Daga ang paa ni Haring Tamaraw.
Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang
paa ni Daga. Umirit si Daga. Nagising si
Haring Tamaraw. Galit na galit siya.
Hinuli niya si Daga at bilang parusa,
kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si
Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong
hindi na siya uulit at sinabi pang baka
siya'y makatulong kay Haring Tamaraw
pagdating ng panahon. Pinakawalan at
pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga.
Nagpasalamat naman si Daga.
Isang araw, naghahanap si Haring
Tamaraw ng makakain sa kagubatan.
Sakanyang paglalakad ay natapakan niya
ang isang patibong na hawla na panghuli
ng malalaking hayop sa kagubatan.
Napasok at nakulong sa hawla si Haring
Tamaraw. Walang magawang tulong ang
mga hayop. Nagkagulo sila at hindi
malaman kung ano ang gagawin sa
kanilang hari.Walang anu-ano dumating
si Daga na galing sa paghahanap ng
pagkain. Nginatngat kaagad niya ang
mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring
Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa
kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw
kay Daga. Mula noon, naging mabuting
magkaibigan si Haring Tamaraw at si
Daga.

Sabay-sabay nating basahin ang teksto.

(Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral


sa pagbabasa ng teksto.)
Opo, teacher!

Si Haring Tamaraw at si Daga


(Si Haring Tamaraw ug si Daga)

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga


hayop sa ating kagubatan. Siya ay
malaki, mabilis at malakas. Iginagalang
siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw


ang kagubatan. Dumating siyang pagod
na pagad. Kaagad siyang nakatulog sa
ilalim ng punong Narra. Dumating si
Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa
may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga
ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno.
Ipinaalam nilang natutulog si Haring
Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis
si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni
Daga ang paa ni Haring Tamaraw.
Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang
paa ni Daga. Umirit si Daga. Nagising si
Haring Tamaraw. Galit na galit siya.
Hinuli niya si Daga at bilang parusa,
kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si
Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong
hindi na siya uulit at sinabi pang baka
siya'y makatulong kay Haring Tamaraw
pagdating ng panahon. Pinakawalan at
pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga.
Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring


Tamaraw ng makakain sa kagubatan.
Sakanyang paglalakad ay natapakan niya
ang isang patibong na hawla na panghuli
ng malalaking hayop sa kagubatan.
Napasok at nakulong sa hawla si Haring
Tamaraw. Walang magawang tulong ang
mga hayop. Nagkagulo sila at hindi
malaman kung ano ang gagawin sa
kanilang hari.Walang anu-ano dumating
si Daga na galing sa paghahanap ng
pagkain. Nginatngat kaagad niya ang
mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring
Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa
kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw
kay Daga. Mula noon, naging mabuting
magkaibigan si Haring Tamaraw at si
Daga.

Napakahusay!

C. Pangkatang Gawain

Sa pagkakataong ito, papangkatin sa tatlong


grupo ang klase, parehong grupo lang kanina,
row 1 bilang unang pangkat, row 2 pangalawang
pangkat, at row 3 pangatlong pangkat.

Bawat grupo ay kailangang sagutin ang mga


sumusunod na tanong:

 Ano ang katangiang taglay at ugali ni


Haring Tamaraw?
(Ang mga sagot ay iba-iba at ibabahagi sa
 Ano ang katangiang taglay at ugali ni pamamagitan ng Oral Recitation)
Daga?
 Anu-ano ang mga aral na nakuha
ninyo sa kwentong nabasa?

 Kung kayo ba si Daga, tutulungan niyo


din ba si Haring Tamaraw? Bakit?

D. Pangwakas na Gawain

Naaalala ba ninyo ang ipinasaliksik ko sa inyo


noong nakaraang klase? Opo ma’am, ito po ay tungkol sa dugtungang
pagkukwento po.

Magaling! Sa pagkakataong ito, gagawa tayo ng


“Dugtungang Pagkukwento” sa klase. Ano nga
ba ang dugtungan? May makakapagsabi ba?
Ako po ma’am. Ito po ay pagdudugtong-dugtong
ng mga salita upang makabuo ng isang kwento
Tama. Pamilyar ba ang lahat dito? po.

Para sa hindi pa pamilyar, ang dugtungang


pagkukuwento ay maaring simulan ng guro o ng Opo/hindi po ma’am.
isang mag-aaral. Iilang mag-aaral ang
magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo
ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa ang
kaniyang bahagi, hahawakan niya ang kamay ng
katabi bilang tanda na siya ay tapos na.
Naiintindihan na ba?

Magaling! Ngayon naman ay dadako na tayo Opo ma’am.


para sa ating gawain.
Para sa panuto, bibigyan ko kayo ng tig-iisa-
isang salita, at pagdudugtong-dugtungin ninyu
ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang pabula.
Maaari kayong gumawa ng kahit na anong
pangyayari basta magagamit lang ninyu ang
salitang naibigay sa inyo. Ang dugtungan ay
pasalita. Bibigyan lamang kayo ng limang
minuto para gumawa ng kwentong pabula
ninyo. Tiyaking may aral ito. Maliwanag ba?

(Ang guro ay nagbigay ng 20 salita na Opo ma’am.


kasalukuyang makikita mula sa labas ng silid-
aralan, tig-iisa para sa 20 mag-aaral)
(Pagkatapos ng limang minuto, nakapagdugtong-
Aso dugtong na ang mga mag-aaral)
Panganay
Kalabaw (Ang mga mag-aaral ay mga iba-ibang sagot)
Linggo
Damo
Puno
Mangga
Ilog
Bato
Palaka
Lupa
Ginto
Hangin
Ulan
Bulaklak
Ulap
Kamoteng-kahoy
Kamay
Kabayo
Saging

E. Paglalapat

Ngayong alam niyo na kung ano ang


pabula, tayo ay magkakaroon ng
maikling pagsasadula.

Magsasadula kayo ng maikling eksena


mula sa kwentong inyong mabubunot.
Maaari ninyung gamitin ang kahit anong
props ang naisin ninyu na makikita ninyo
sa ating paligid. Magbibigay ako ng 10
minuto para magsanay kayo.

Ang bawat grupo ay bubunot ng sobre


kung saan nakasulat ang pabula na dapat
ninyong isadula.

Ako ba ay naiintindihan?

Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Opo ma’am.


Sisiw

Isang inahing manok na may anak na


tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng
taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng
bahay ang magsasakang may-ari ng
taniman at sinabing, “panahon na upang
anihin ko ang aking maisan! Kailangan
tawagin ko ang aking mga kapit-bahay
upang tulungan ako sa aking pag-ani
bukas!”

Narinig ito ng mga sisiw at agad


iminungkahi sa kanilang ina, “kailangang
lumikas na tayo rito at humanap ng ibang
matitirahan inang! Kung hindi,
matatagpuan tayo rito ng mga
magsisipag-ani bukas at huhulihin upang
patayin!”

“Huwag kayong mabahala mga anak,”


ang wika ng inahing manok. “Kung mga
kapit-bahay lamang ang aasahan niya,
hindi agad magsisipag-kilos ang mga
iyon! May panahon pa tayo upang
manirahan dito.”

Tama nga ang sinabi ng inahing manok.


Sapagkat kinabukasan nga’y walang mga
kapit-bahay na dumating upang tumulong
sa pag-ani ng magsasaka.

“Kung hindi ko maasahan ang aking mga


kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak
ako lalapit upang humingi ng tulong sa
isasagawa kong pag-ani bukas!”

“Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng


magsasaka at dali-daling iminungkahi sa
kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala
ang inahing manok at sinabing, “kung sa
mga kamag-anak lamang siya aasa hindi
magsisipag-sunod ang mga iyon! May
mga trabaho ring dapat asikasuhin ang
mga iyon at tiyak na hindi maasahan.
May panahon pa tayo para manirahan
dito mga anak!”

Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni


inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan
siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang


tawagin ang kanyang anak at sinabing,
“bukas na bukas din, tayong dalawa na
lamang ang aani sa ating pananim. Wala
tayong ibang maaasahan kundi ang ating
mga sarili!”

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-


dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng
magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na


lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
“kung sinabi ng magsasaka na siya na
ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong
maniwala! Sapagkat totoong walang
sinuman siyang maaasahan kundi ang
kanyang sarili!”

Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa


ibang bayan kaya isang araw ay inipon
niya ang kanyang mga gamit at inilulan
sa kanyang alagang kabayo at kalabaw.
Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabang paglalakbay. Makaraan ang
ilang oras ay nakaramdam ng matinding
pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil
sa bigat ng kanyang pasang gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas


mabigat ang pasan kong gamit keysa sa
iyo. Maaari bang tulungan mo ako at
pasanin mo yung iba?” pakiusap ng
kalabaw.

“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat


ng ating amo kaya pagtiisan mo,” anang
kabayo na lalo pang binilisan ang
paglalakad.

“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di


ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.
Nanghihina ako. Alam mo namang
kailangan kong magpalamig sa ilog
kapag ganito katindi ang init ng araw
dahil madaling mag-init ang katawan
ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw.

“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na


sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalong


tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal
at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng
kanyang dala at siya’y pumanaw. Nang
makita ng magsasaka ang nagyari ay
kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan
ng kalabaw at inilipat sa kabayo na
bahagya namang makalakad dahil sa
naging napakabigat ng kanyang mga
dalahin.

“Kung tinulungan ko sana si kasamang


kalabaw ay hindi naging ganito kabigat
ang pasan ko ngayon,” may pagsisising
bulong ng kabayo sakanyang sarili.

Ang Buwaya at ang Pabo

Noong unang panahon, may isang batang


buwayang namumuhay sa pampang ng
Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng
sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang
hayop ang magkalakas ng loob na siya’y
lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga


sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan
niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang
sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko


upang magkaroon ng asawa.”
Katatapos pa lamang niyang sambitin ito
nang may makiring pabo ang dumaan sa
kanyang harapan. Inulit banggitin ng
pilyong buwaya ang kanyang kahilingan.
Nakinig ng mabuti ang makiring pabo, at
sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.

Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito.


Mayaman siya. Naku! Kung
mapapasaakin lamang ang lahat ng mga
perlas at diyamante, ako ang magiging
pinakamasayang asawa sa buong
mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan


naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng
pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok
ng kasal nang buong pagpipitagan, gaya
ng gawi ng isang mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata


ng buwaya ay dalawang magagandang
diyamante at ang magaspang na balat nito
ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya
ang alok nitong pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na


umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon
ay hindi daw madumihan ng putik ang
maganda nitong plumahe. Sinunod
naman ng mangmang na ibon ang
kahilingan ng buwaya.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari?


Ginawang masarap na hapunan ng sakim
na buwaya ang kanyang bagong asawa.

(Pagkatapos ng Pagsasadula)

Ngayon, anu-ano ang mga aral na iyong


natutunan sa mga kwentong nabasa?
Inahing Manok at ang kanyang mga
Sisiw

 Kung nais mong magtagumpay sa isang


bagay o larangan, pagsikapan mo iyon ng
hindi umaasa sa iba. Walang ibang
tutulong sayo sa iyo para makamit ang
tagumpay kung hindi ang sarili mo
lamang.

Kabayo at ang Kalabaw

 Maging matulungin sa kapwa.


 Kung may kakayahan kang tumulong ay
huwag mong ipagdamot ito sa iba.
Malaking pasanin ang gagaan kung tayo
ay magtutulungan.
 Huwag maging makasarili.

Ang Buwaya at ang Pabo

 Iwasang maging alipin ng kayamanan.


Ang pagiging mukhang pera ay parang
lason sa katawan na nakamamatay.
 Mas mabuti pang makapangasawa ng
mahirap kaysa taong mayaman na huwad
ang kalooban.
 Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan
na kung ano ang iyong itinanim ay siya
mo ring aanihin. Kung nagtanim ka ng
kasamaan sa iba, balang araw ay babalik
rin sa iyo ang pangit na itinanim mo.
 Maging matalino sa bawat desisyong
iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti
at ng makailang ulit bago gumawa ng
mga bagay na maari mong pagsisihan sa
bandang huli.
 Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan.
Maging mapanuri at kilalaning maigi ang
taong nais pakasalan.

(Ang sagot ng mga bata ay maaring iba-iba.)

F. Pagpapahalaga
Mga bata, sa pagkakataong ito, kumuha kayo ng
kalahating papel at dugtungan ang pangungusap
na ito:

Mahalaga ang pagbabasa ng mga pabula


sapagkat
_____________________________________. (Kumuha ng kalahating papel at dinugtungan ang
pangungusap)
Sa tingin ninyo, bakit mahalagang tangkilikin (Ang sagot ng mga mag-aaral ay iba-iba)
ang mga pabula ng mga bisaya?
______________________________________.

IV. PAGTATAYA (worksheet attached)


Pangalan: _________________________ Petsa: ______________

Unang bahagi: ESSAY TYPE


Panuto: Sa loob ng limang pangungusap o higit pa, ilarawan kung ano ang pabula. (20 puntos)

Ikalawang bahagi: PAGBASA


Panuto: Basahin ang pabula at sagutin ang mga tanong. (3 puntos bawat tanong)

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay ang
kambing.

“Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng


kumain ng sariwang damo, kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais,” ang sabi ng
kambing sa kalabaw.
“Oo, tayo na,” ang sabi ng kalabaw.

“Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo,” ang wika ng kambing.

Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang
ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay
hihinay-hinay kumain.

Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang
kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.

“Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na ako,” ang sabi ng kambing.

“Mabuti ka pa busog na,” ang sagot ng kalabaw. “Maghintay ka na muna.”

Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang kalabaw. Mayroon
siyang naisip. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng malaking ingay.

Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang kumakain
ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw.

“Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi?” Ang tanong ng kambing sa kalabaw.

“Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko,” ang sabi ng kalabaw. At lumakad nang papunta sa
ilog.

Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit nag-
ingay ang kambing.

“Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at magsayaw,” ang sagot
ng kambing.

Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang malalim na bahagi ng
ilog. Muling huminto ang kalabaw.

“O, bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.

“Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa tubig,” ang sabi ng
kalabaw.

“Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy,” ang
sigaw ng kambing.

“E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig,” at sinabayan nga ng


gulong sa tubig.

Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang kambing.

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng pabulang binasa? ________________
2. Sinu-sino ang mga tauhan sa pabula? ___________________
3. Saan nangyari ang kwento? ______________
4. Sa tingin mo ba, tama ang ginawa ni Kalabaw kay Kambing? Bakit? _____________
5. Ano ang aral na mapupulot na aral sa pabulang binasa? _________________
6. Ano ang ugaling ipinakita ni Kambing? _________
7. Nakaranas ka na rin bang traydorin ng iyong kakilala? ___________
8. Ano ang aksyon na ginawa mo nang malaman mo ito? _____________
9. Kung bibigyan ka ng pagkakataong payuhan si Kalabaw, anong mapapayo mo?
____________
10. Kung ikaw ang nasa puder ni Kalabaw, ano ang gagawin mo? Bakit? ___________

V. TAKDANG-ARALIN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bilang inyong takdang-aralin, magsaliksik kayo
patungkol sa kwentong bayan na naririnig natin dito sa
ating lugar at maghanap ng ilang halimbawa nito.
Isulat ito sa isang buong papel at ipasa sa susunod
nating pagkikita. Opo ma’am.

Iyan lamang para sa araw na ito, paalam at mag-ingat!


  Paalam at mag-ingat din po kayo ma’am.

You might also like