You are on page 1of 4

School: Grade Level: III

GRADES 1 to 12 Learning
DAILY LESSON LOG Teacher: Area: FILIPINO

Teaching Dates 1st Quarter


Quarter:
and Time:

I.LAYUNIN (Objectives)
A.PamantayangPangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
(Content Standards) sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B.PamantayansaPagganap (Performance Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono,


Standards) diin, bilis, antala at intonasyon.
F3TA-0a-j-2
C. MgaKasanayan sa Pagkatuto (Learning Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay
Competencies) sa paligid.
F3WG-Ia-d-2
II.NILALAMAN (Content) Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
III. KAGAMITANG PANTURO (Learning
Resources)
A.Sanggunian (References) Powerpoint, larawan

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro TG p. 6


(Teacher’s Guide Pages)
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- KM p. 4-5
aaral (Learner’s Materials Pages)
3.Mga pahina sa Teksbuk
(Textbook Pages)
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource (Additional
Materials from Learning Resources (LR)
Portal)
B.Iba pang Kagamitang Panturo (Other
Learning Resources)
IV.PAMAMARAAN (Procedures)
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at 1. Pagsasanay:
pagsisimula ng aralin (Review Previous (Pagbibigay ng mga bata ng aralin na napag-aralan na.)
Lessons)
2. Pagwawasto ng Takda

3. Balik-aral:
Panuto: Punan ng angkop na salita ang pangungusa ayon sa sariling
karanasan. Piliin ang tamang sagot na nakapaloob sa ng mga hugis.

pagkain tahanan palengke simbahan

Tuwing araw ng Pasko,masaya kami sa aming _________. Naghahanda ang


aking ina ng masasarap na _________. Sabay-sabay kaming nagtutungo sa
_________ upang magpasalamat sa Dakilang Lumikha.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin 1. Paghawan ng Balakid


(Establishing purpose for the Lesson) Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit.
1. Masaya ang lahat sa patimpalak noong Pista.
A. pagkain B. pagdiriwang C. bagay D. lugar

2. Tulong-tulong ang mga tao sa pagsabit ng banderitas.


A. dekorasyon B. plano C. kakanin D. bulaklak
3. Nag-aabang sa prusisyon ang mga bata.
A. linya B. ibibigay C. parada D. gamit

2. Pagganyak (TINGNAN AT MASDAN MO!)


Pagmasda nyo ang paligid.
Itanong:
1. Ano-ano ang nakikita ninyo sa paligid?
2. Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Itanong:


bagong aralin (Presenting examples Ano ang ginagawa mo kung malapit na ang pista sa inyong bayan?
/instances of the new lessons)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at a. Basahin natin ang talata na makikita sa Alamin Natin, pahina 4 na
paglalahad ng bagong kasanayan #1 pinamagatang “Pista sa Aming Bayan”.
(Discussing new concepts and practicing
new skills #1.
Pista sa Aming Bayan

Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong sa


paghahanda sa nalalapit na kapistahan. May kabataan na
nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay ng mga banderitas.
May ilang kababaihan naman ang nag-aayos ng bulaklak sa
mga sasakyan na gagamitin sa prusisyon. Ang mga lalaki naman ay
nag-aayos ng mga ilaw.
Ang mga Nanay naman ay abala na sa paghahanda ng mga
pagkain tulad ng suman, halaya, atsara at iba pang kakanin. Ang
mga Tatay naman ay nag-aayos ng kanilang mga bakuran.
Ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay
katulong sa paglilinis ng aming bahay.

Pagtatanong sa kwentong binasa


Paggamit ng laro (PILI MO! SAGOT MO!)

-Ano ang magaganap sa bayan?


-Ano-ano ang ginagawang paghahanda ng mga tao?
-Ganito rin ba ang ginagawa sa inyong pamayanan tuwing sasapit ang
kapistahan?
- Anong kaugalian ang ipinakita sa talata?
- Ano ang katangian ng mga tao na binanggit sa talata?
- Dapat ba silang tularan? Paano mo sila tutularan?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pangkatang Gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Discussing new concepts & practicing new a.Pamantayan sa Pangkatang Gawain ( rubrics)
slills #2)
Pamantayan 1 2 3
1. Nakatapos sa takdang oras.

2. Nakasunod sa panutong ibinigay.


3. Napanatili ang isang dipang layo sa kasama.
Kabuuan

Unang Pangkat – BUNOT KO! DIKIT KO!


Bubunot isa isa ang mga bata sa kahon ng isang salita at idikit sa kategorya
kung saan napabilang ang pangngalan.

Tao

Bagay
Lugar

Pangyayari

Ikalawang Pangkat – ABCD ISUSULAT KO!


Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat
ang A kung tao, B kung hayop, C kung bagay, at D kung lugar.
___1. parke silid bukid
___2. ibon baka kalabaw
___3. lapis papel bag
___4. sumbrero kamera telepono
___5. lolo guro ate

Ikatlong Pangkat - ITALA NATIN !


Bawat bata ay magbibigay ng pangngalan at isulat sa
kategorya kung saan napabilang.

tao bagay lugar hayop pangyayari

b. Pag-uulat ng bawat pangkat

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Panuto: Basahin ang maikling kwento. Piliin ang mga salitang tumutukoy sa
Formative Assesment 3) pangngalan ng tao, bagay,hayop,lugar at pangyayari sa larawan ng
Developing Mastery (Leads to Formative baboy at idikit ito sa kalabaw.
Assesment 3) Basahin ang mga pangngalan.

Si Makoy at ang kanyang mga Alaga

Si Makoy ay maraming alaga na nakatira sa makulay na kulungang


kahoy. Siya ay may pitong malulusog na baboy at dalawang alagang
kalabaw. Pinapakain niya ito ng mabuti dahil ang mga alaga niya ay
kakatayin sa darating na Pista ng kanilang bayan. Nakaugalian na ng
pamilya na maghanda tuwing Pista.

dalawa
kahoy
makulay alaga
Makoy kulungan
masaya baboy
kalabaw
Pista

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw Kung si Makoy ay may alagang pitong baboy at dalawang kalabaw, ilan lahat
na buhay (Finding Practical Applications of ang kanyang alaga?
concepts and skills in daily living)
Paano ka makatutulong kapag may okasyon sa inyong bahay?

H. Paglalahat ng Aralin (Making Ano ang pangngalan?


Generalizations & Abstractions about the
lessons) Magbigay ng mga halimbawa ng pangngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at
pangyayari.

I.Pagtataya ng Aralin (Evaluating Panuto:


Learning) Hanapin ang salita sa pangungusap na tinutukoy ng pangngalang
may salungguhit na nasa kaliwa bago ang bilang.
Bilugan ang titik ng wastong sagot.

tao 1. Masarap ang suman na ginawa ni Aling Lorna.


A. masarap B. Aling Lorna C. ginawa D. suman

bagay 2. Kulay pula ang damit na binili ko kahapon.


A.binili B. kahapon C. pula D. damit

hayop 3. Mabilis tumakbo ang kabayo sa karera.


A. kabayo B. mabilis C. tumakbo D. karera

lugar 4. Namasyal ang mag-anak sa Luneta Park kahapon.


A. kahapon B. Luneta Park C. namasyal D. mag-anak

pangyayari 5. Dumalo ang mga kilalang artista sa Sta. Cruzan.


A. Sta. Cruzan B. dumalo C. kilala D. artista

J.Karagdagang gawain para sa takdang- Gumawa ng limang pangungusap at ikahon ang pangngalan.
aralin at remediation (Additional activities
for application or remediation)

V.MGA TALA (Remarks)


BAITANG/SEKSYON
ABOVE 75 %
NC
MPS

You might also like