You are on page 1of 3

Lagumang Pagsusulit sa FILIPINO

Ikalawang Markahan

Talaan ng Ispesipikasyon
Layunin Bilang ng Aytem Kinalalagyan ng Aytem
Natutukoy ang mga salitang 7 1-7
magkakatugma
NakaN

Nakakagamit ng pahiwatig 8 8-15


upang malaman ang kahulugan
ng mga salita tulad ng paggamit
ng mga palatandaang
nagbibigay ng
kahulugan(katuturan o
kahulugan ng salita, sitwasyong
pinaggamitan ng salita, at
pormal na depinisyon ng salita).

Naikokompara ang mga kwento 5 16-20


sa pamamagitan ng pagtatala ng
pagkakatulad at pagkakaiba.

Kabuuang Bilang ng 20
Aytems
Lagumang Pagsusululit
Ikalawang Markahan
FILIPINO

Panuto: Piliin ang wasting sagot sa bawat tanong. Titik lamang ang isulat sa patlang.
_____1. Alin dito ang dalawang salitang magkatugma?
A. aso-puso C. bahay-tahanan
B. bato-kahoy D. pagkain-gulay
_____2. Ano ang salitang katugma ng kamay?
A. paa C. atay
B. mata D. ilong
_____3. Alin sa mga sumusunod na salita ang katugma ng patani?
A. pipino C. bibe
B. ulo D. sakali
_____4. Alin sa mga sumusunod na salita ang katugma ng bilbil?
A. sakal C. bawal
B. sutil D. hatol
_____5. Alin sa mga pares ng salita ang hindi magkatugma?
A. kulay-pantay C. andar-lahar
B. balon-dahon D. kuhol-gulong
_____6. Nahulog sa malalim na bangin ang trak. Ano ang katugma ng salitang malalim?
A. silip C. tikim
B. malambing D. madali
_____7. Ang salitang kahoy- tikoy ay salitang magkatugma na nasa _______ ng salita.
A. unahang bahagi C. gitnang bahagi
B. hulihang bahagi D. huli at gitnang bahagi
_____8. Magbubukang-liwayway pa lamang ay bumabangon na si Popoy upang magluto ng kanilang
almusal. Ano ang kahulugan ng pahiwatig na salitang nakasalungguhit?
A. madaling araw C. dapit-hapon
B. hatanggabi D. tanghali
_____9. Bata pa lamang ay natuto ng maghanap-buhay si Dan upang makatulong sa pamilya. Ano ang
kahulugan ng salitang maghanap-buhay?
A. magtrabaho C. maglaro
B. mamasyal D. aasa
_____10. Inaabot ng hating-gabi si Roy sa pagbabasa ng kaniyang mga aralin. Nagsusunog ng kilay si
Roy para sa kaniyang pangarap. Alin ang angkop na kahulugan ng salitang nagsusunog ng
kilay?
A. nag-aaral C. natutulog
B. nanonood D. naglalaro
_____11. Pumanaw ang ama ni Vincent noong siya ay bata pa kaya ulila na siya sa ama. Ano ang
kahulugan ng pahiwatig na salitang pumanaw?
A. umalis C. namatay
B. Nawala D. lumayas
_____12. Dinadampot ni Jacky ang mga basura na puwedeng ibenta sa junkshop. Ano wastong
kahulugan ng salitang dinadampot?
A. binibili C. binebenta
B. pinupulot D. kinakalat
_____13. Nalilito pa si James kung anong propesyon ang kanyang kukunin. Ang kanyang pinagpipilian
ay pagiging doktor o isang abogado. Ano ang kasingkahulugan ng salitang propesyon?
A. panaginip C. abutin
B. tao D. pangarap
_____14. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming mga pulo at isla. Ito ay may malawak na baybayin.
Ang baybayin ay tumutukoy sa anyong lupa na matatagpuan na malapit sa dagat. Ang
kahulugan ng salitang baybayin ay _______.
A. pulo C. tabing-dagat
B. Isla D. lawa
_____ 15. Ang taong tamad ay batugan habang buhay. Ano ang mga salitang pareho ang kahulugan sa
pangungusap?
A. tamad – batugan C. habang – buhay
B. tao –tamad D. tamad – buhay
_____16. Ito ay ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang paksa upang makita ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
A. Pictograph C. Bar graph
B. Venn diagram D. Line graph
_____17. Pag-aalaga ng hayop ang libangan ni Mang Ramon at nagsisilbi pang hanapbuhay na may
malaking kita. Ano ang kahulugan ng salitang hanapbuhay?
A. trabaho C. libangan
B. ehersisyo D. aralin
_____18. Paano natin matutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kuwento?
A. Sa pamamagitan ng paksa lamang
B. Sa pamamagitan ng tema lamang
C. Sa pamamagitan ng layunin lamang
D. Sa pamamagitan ng paksa, tema, layunin, tagpuan, pamamaraan o pangyayari
______19. Ano ang tawag sa paghahambing ng mga kuwento na hinahanap ang mga katangiang
magkatulad o magkapareho?
A. Paksa C. Pagkakaiba
B. Pagtutulad D. Layunin

_____20. Ano ang tawag sa paghahambing ng mga kuwento na hinahanap ang mga katangiang hindi
magkatulad o magkapareho?
A. Pagkakaiba C. Pagtutulad
B. Tema D. Paksa

You might also like