You are on page 1of 4

PITOGO

GRADES 1 to 12 School: ELEMENTARY Grade Level: III


DAILY LESSON LOG Learning
Teacher: LYRIN R. CARIAGA Area: FILIPINO
Week 2
Teaching Dates 1st Quarter
Quarter:
and Time:

I.LAYUNIN (Objectives)
A.PamantayangPangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
(Content Standards) napakinggan.

B.PamantayansaPagganap (Performance Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto.


Standards) F3TA-0a-j-1

C. MgaKasanayan sa Pagkatuto (Learning Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang
Competencies) teksto
F3PN-Ib-2
II.NILALAMAN (Content) Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Tekstong Napakinggan
III. KAGAMITANG PANTURO (Learning
Resources)
A.Sanggunian (References) Powerpoint, larawan

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro TG p. 9-10


(Teacher’s Guide Pages)
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- KM p.
aaral (Learner’s Materials Pages)
3.Mga pahina sa Teksbuk
(Textbook Pages)
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource (Additional
Materials from Learning Resources (LR)
Portal)
B.Iba pang Kagamitang Panturo (Other
Learning Resources)
IV.PAMAMARAAN (Procedures)
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at 1. Pagsasanay:
pagsisimula ng aralin (Review Previous (Pagbibigay ng mga bata ng aralin na napag-aralan na.)
Lessons)
2. Pagwawasto ng Takda

3. Balik-aral:
* Ano ang pangngalan?
* Magbigay ng halimbawa ng pangngalan na tumutukoy sa tao, bagay, hayop
at lugar.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin 1. Paghawan ng Balakid


(Establishing purpose for the Lesson) Alamin ang kahulugan ng salita na nasalungguhitan batay sa pangungusap.

1. Ang mga kawani ng gobyerno ay binigyan ng taas ng sweldo.


A. empleyado B. karamay C. alalay D. sumusuporta
2. Umupo na ang mag-anak sa hapag-kainan.
A. upuan B. mesang pinagkakainan C. plato D. papag
3. Mahalaga ang pagtitiwala sa sariling kakayahan.
A. tutol B. sasama C. pananalig D. lubos

2. Pagganyak (IBABAHAGI KO, PAKINGGAN NYO!)


Tumawag ng ilang bata upang magsabi ng pangalan ng kanilang kaklase at
kung ano ang natatandaan nila na ginawa nila noong nagdaang bakasyon
kasama ang kaniyang sariling pamilya.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ngayong umaga may kwento tayong babasahin na ang pamagat ay “Ang Aming
bagong aralin (Presenting examples Simpleng Pamilya”.
/instances of the new lessons)
Itanong: Ganito rin ba ang pamilya mo?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at a. Ngayon ating papakinggan ang tektong pinamagatang


paglalahad ng bagong kasanayan #1 “Ang Aming Simpleng Pamilya”.
(Discussing new concepts and practicing
new skills #1.

Ang Aming Simpleng Pamilya


Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking Nanay at Tatay.
Ang aking Tatay Pio ay isang simpleng kawani ng gobyerno. At si
Nanay Conching naman ay isang guro sa paaralang aking
pinapasukan.
Tatlo lamang kami sa aming bahay. Pero ang lahat ng gawain ay
nagiging madali dahil sa aming pagtutulungan. Ang aming hapag-
kainan ay napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan namin ng mga
pangyayari sa buong maghapon. Kapag may libreng oras at may
sobrang pera, namamasyal din kami sa kung saan-saang lugar. Sa
panahon naman na may problema, ito rin ay nagiging magaan dahil na
rin sa pagmamahalan namin sa isa’t isa at sa pagtitiwala sa Poong
Maykapal.

Pagtatanong sa tekstong binasa

- Ano-ano ang masasayang sandal para sa kanila?


- Ganito rin ba kayo sa inyong pamilya?
- Ilarawan ang sariling pamilya.
- Katulad din bai to ng pamilya ni Mang Pio?
- Ano ang kayamanan ng pamilya nila?
- Ikaw, ano ang kayamanan mo? Ipaliwanag ang sagot.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pangkatang Gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Discussing new concepts & practicing new a.Pamantayan sa Pangkatang Gawain ( rubrics)
slills #2) Pamantayan 1 2 3
1. Nakatapos sa takdang oras.

2. Nakasunod sa panutong ibinigay.


Kabuuan

Unang Pangkat
(sumangguni sa modyul)

Ikalawang Pangkat
(sumangguni sa modyul)

Ikatlong Pangkat
(sumangguni sa modyul)

b. Pag-uulat ng bawat pangkat

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Itanong:


Formative Assesment 3) Ano-ano ang ginagawa ninyo kasama ang buong pamilya?
Developing Mastery (Leads to Formative
Assesment 3)
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw Paano ninyo iginugugol ang inyong oras sa mga panahong kumpleto kayo at
na buhay (Finding Practical Applications of magkasama sa loob ng tahanan?
concepts and skills in daily living)
Bakit kailangan nating panatilihin ang magandang samahan ng bawat kasapi ng
pamilya?

H. Paglalahat ng Aralin (Making Ano ang natutuhan mo sa aralin?


Generalizations & Abstractions about the
lessons) Sa pagbasa ng kwento may mga kaalaman o karanasan na tayo na atin ng
naranasan at ito ay lubos na makakatulong sa atin para lubos nating maunawaan
ang mga kwentong ating binabasa.

I.Pagtataya ng Aralin (Evaluating Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang wastong sagot ng bawat
Learning) tanong.

Maalagang Ina

Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon.


Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at Lola. Anibersaryo ng kasal nila.
Dapat ay naroon ang buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang mga
anal. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo?
Bihis na kami ng tatay ninyo.” Nanay, may sinat po si Rey, isasama pa
po ba ninyo kami? Tanong ni Fe. Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa
silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may sinat ito.
Lumabas siya at nang ito’y
Bumalik, nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang palangganang
may tubig, botelya ng gamut, at yelo.

1. Saan sana pupunta ang mag-anak ni Aling Carmen?


A. kaarawan B. mamasyal
C. dadalo sa anibersaryo ng kasal D. simbahan

2. Sino ang nagkaroon ng sakit?


A. Aling Carmen B. Tatay Ramon
C. Rey D. kapatid ni Rey

3. Ano ang ipinasiyang gawin ni Aling Carmen nang malamang may sakit si
Rey?
A. Huwag nalng dumalo sa pagtitipon tipon.
B. Iniwan nalang sina Rey at kapatid niya.
C. Pinakansela nila muna ang pagtitipon-tipon.
D. Pinauna muna si Tatay Ramon sa pag-alis.

4. Anong uri ng ina si Aling Carmen?


A. Walang pakialam sa mga anak.
B. Naging maaalahanin ito at mapagmahal sa anak.
C. Iniisip ang sariling kasiyahan.
D. Nasusunod ang gusto at makasarili.

5. Magagalit kaya sina Lolo at Lola sa hindi pagdating ng mag-anak?


A. Hindi dahil naiintindihan naman nil ana may sakit si Rey.
B. Magagalit kasi hindi sumipot.
C. Magagalit dahil hindi na lang nila iniwan sa bahay si Rey.
D. Malamang hindi na sila kakausapin nila Lolo at Lola.

J.Karagdagang gawain para sa takdang- Magdala ng larawan ng iyong pamilya at magkuwento ng tungkol dito bukas.
aralin at remediation (Additional activities
for application or remediation)

V.MGA TALA (Remarks)


BAITANG/SEKSYON
ABOVE 75 %
NC
MPS

You might also like