You are on page 1of 4

Lagumang Pagsusulit sa FILIPINO

Ikatlong Markahan

Talaan ng Ispesipikasyon

Layunin Bilang ng Aytem Kinalalagyan ng Aytem


Nagagamit ang tamang salitang
kilos/pandiwa sa pagsasalaysay
ng mga personal na karanasan.
5 1-5

Naipahahayag ang sariling


opinion o reaksyon sa isang
napakinggang isyu.
3 6-8

Pagbibigay ng hinuha bago,


habang at pagkatapos
mapakinggan ang teksto.
4 9-12

Napag-uugnay ang sanhi at


bunga ng mga pangyayari sa
binasang teksto.
3 13-15

Kabuuang Bilang ng
Aytems 15
Lagumang Pagsusululit
Ikatlong Markahan
FILIPINO

Panuto: Basahin ng mabuti at intindihin ang bawat tanong. Isulat ang titik sa patlang .
_____1. Ang dalawang anak na lalaki ay hihiram ng tent sa barangay. Ano ang pandiwang ginamit sa
pangungusap?
A. tent C. dalawa
B. hihiram D. barangay
_____2. Lahat ng tao ay nanatili sa loob ng bahay dahil sa pandemya. Ano ang pandiwa sa pangungusap
na ito?
A. pandemya C. lahat
B. nanatili D. bahay
_____3. Ang aking lola ay magaling ______ ng Oyayi o awit na pampatulog. Anong angkop na salitang
kilos ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. sumayaw C. maglaro
B. kumanta D. magbasa
_____4. _____ ang araw sa kanluran tuwing hapon. Ano ang angkop na pandiwa na gagamitin?
A. Lumulubog C. Sumisilip
B. Sumusikat D. Nagpapakita
_____5. Ang babae ay _____ ng kanyang mahabang buhok.
A. naglugay C. naghugas
B. natuwa D. naglinis
_____6. Ito ang tawag sa malayang palagay o pananaw tungkol sa mga bagay, paksa o isyu sa paligid.
A. opinyon C. paksa
B. sumusuportang kaisipan D. ideya
_____7. Nag-anunsyo ng bigayan ng modyul sa inyong paaralan simula bukas ngunit pinaalalahanang
dapat sundin ang iskedyul at hindi sabay sabay. Ano ang angkop na opinyon mo ukol dito?
A. Hindi ako sang-ayon dahil dapat sabay-sabay ang lahat kahit may pandemya.
B. Sang-ayon ako basta dagdagan nila ang ibibigay sa amin.
C. Sang-ayon ako upang lahat ay ligtas at maging maayos ang proseso.
D. Hindi ako sang-ayon dahil baka magkaubusan na ng mga ibibigay.
_____ 8. Bago ang patimpalak, araw-araw nag-eensayo si Mike. Araw ng karera ng sako, nangunguna si
Mike. Hindi naglaon, saglit s’yang napahinto sa karera, natapilok siya sa bato. Sa paggawad ng
medalya, ikalawang puwesto lamang ang kaniyang nakuha.
A. Nagpaubaya si Mike sa karera.
B. Natumba si Mike dahil hindi niya nabalanse ang kaniyang katawan.
C. Hinihintay niyang maungusan siya ng kanyang kaibigan dahil nais niyang ito ang manalo.
D. Napagod na si Mike sa karera.
_____9. Pagkatapos ng ECQ sa kanilang lugar, parang mga kabute na nagsulputan ang mga tao sa
lansangan, gala rito, gala roon. Ano ang susunod na mangyayari kung patuloy na pasaway ang
mga tao?
A. Maraming tao ang matutuwa.
B. Maraming tao ang magkakatrabaho.
C. Marami ang mahahawahan ng sakit na COVID 19.
D. Maraming tao ang magugutom.
_____ 10. Maagang gumising si Gemma. Maaga rin siyang naligo at kumain. Pagkabihis niya ay agad
siyang pumasok sa paaralan.
A. Mahuhuli si Gemma sa pagpasok.
B. Mapapagalitan ng guro si Gemma.
C. Maagang makakapasok si Gemma.
D. Maglalaboy muna sa paaralan si Gemma.
_____11. Gininaw at nilagnat si Amy kinagabihan. Ano kaya ang ginawa niya kaya siya nagkasakit?
A. Hindi kumain si Amy.
B. Pinagalitan si Amy ng nanay niya.
C. Natakot si Amy sa pinanood niya bago matulog.
D. Naligo at nagbabad sa ulan si Amy nang bumuhos ang ulan.
_____ 12. Sina Mina at Kenneth ay nagtitimpla ng juice sa isang pitsel. Kailangan nila ng asukal ngunit
ang lalagyan ng asukal ay nakalagay sa itaas ng aparador at hindi nila kayang abutin. Ang isa sa
kanila ay __________.
A. hihintaying dumating si tatay.
B. susungkutin ang lalagyan ng asukal.
C. hindi nalang gagamit ng asukal.
D. kukuha ng upuan at doon tutongtong upang maabot ang lalagyan ng asukal.
_____13. Nagmamadaling naglakad si Ruben kanina. Ano ang magiging resulta nito?
A. Kaya sumakit ang ulo niya
B. Kaya nanalo siya sa isang kompetisyon sa tula.
C. Kaya siya napagalitan ng ama dahil ang bilis maglakad.
D. Kaya siya nadapa at nagkasugat.

_____14. May kalayuan ang paaralang pinapasukan ni Edna kaya kailangan niyang maglakad ng tatlong
oras para lang makarating dito. Ano ang sanhi sa pangungusap?
A. May kalayuan ang paaralang pinapasukan ni Edna.
B. paaralang pinapasukan
C. kailangan niyang maglakad ng tatlong oras.
D. maglakad ng tatlong oras
_____ 15. Espesyal ang pagdiriwang ng kaniyang ikawalong kaarawan dahil binati siya ng kaniyang lolo
at lola na matagal na niyang hindi nakikita. Alin ang bunga sa pahayag na ito?
A. binati siya ng kaniyang lolo at lola na matagal na niyang hindi nakikita.
B. namimiss siya ng kanyang lolo.
C. matagal niyang hindi nakita
D. Espesyal ang pagdiriwang ng kaniyang ikawalong kaarawan.

You might also like