You are on page 1of 22

Napapansin mo ba ang mga batang malinis at

maayos ang kasuotan?

Hindi ba’t kay gandang pagmasdan?


Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na gawain.
Ang kailangan lamang ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing
dapat gampanan. Isa ito sa tungkuling dapat pag- aralan at gampanan
ng batang nasa edad mo.
Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang
kasuotan. Ang bawat paraan ay naglalayong mapanatili ang
kagandahan at kapakinabangan ng damit sa loob ng mahabang
panahon. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa magulang. Kailangang
isipin ninuman na ang wastong pangngalaga ng kaniyang kasuotan,
mga kagamitan, at anumang mayroon ay dapat isapuso at mahalin
upang tumagal ang pakinabang.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pag-aalis ng Mantsa
Mainam na tanggalin kaagad
ang mga mantsa sa damit
habang ito ay sariwa pa at
upang hindi mahirapan sa
pagtanggal. Mas malinis at
kaaya-ayang tingnan ang
damit na walang mantsa.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Paglalaba Ginagawa ito sa mga kasuotan


upang maiwasan ang di
kanaisnais na amoy, mawala
ang dumi, pawis at alikabok na
kumakapit dito gamit ang
sabon at tubig. Hindi madaling
masira ang mga damit kapag
nilalabhan nang maayos.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pamamalantsa
Hindi kaaya-ayang tingnan ang
damit na gusot-gusot kaya
nararapat itong plantsahin
upang maibalik sa dating hugis
at ayos ang mga ito.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pagsusulsi

Ang may punit na damit ay dapat


sulsihan kaagad upang hindi
lumaki ang sira at magamit pa ito
ng mahabang panahon. Maaaring
gawin ito sa pamamagitan ng
makina o di kaya’y pagsusulsi
gamit ang kamay.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pagtatagpi

Ito ay isinasagawa kapag ang


damit ay may butas. Tinatakpan
nito ang bahaging may butas sa
pamamagitan ng pagtatagpi
gamit ang isang kapirasong tela.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pagtutupi

Higit na mapangangalagaan ang


mga damit kung ito ay maayos
na nakatupi ayon sa kulay at
gamit nito at may maayos na
lalagyan tulad ng cabinet,
aparador o malinis na kahon. Kapag organisado ang pagtutupi at paglalagay
ng damit sa aparador makatitipid ng oras at
lakas sa paghahanap nito araw-araw.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Kailangang
pahanginan ang
mga damit na basa
ng pawis.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Ang mga damit


panlakad ay dapat
i-hanger at huwag
ihalo sa mga damit
pambahay.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Ang mga damit na hindi


palagiang ginagamit ay
ilagay sa gawing likuran ng
kabinet at takpan ng plastik
upang hindi marumihan o
di kaya’y ilagay ito sa
isang storage box.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Bago labhan ang mga


damit, kumpunihin
muna ang mga sira
nito tulad ng mga may
tanggal na butones at
tastas.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Huwag pagpunasan
ng kamay, pawis o
sipon ang damit.
Gumamit ng panyo
kung kailangan.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Huwag umupo kaagad


sa mga upuan.
Punasan muna ang
uupuang lugar bago
umupo o maaari ding
lagyan muna ng sapin.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Iwasang umupo sa
maruming lugar,
sumandal sa pader o
dumikit sa mga
nakamamantsang
bagay.
TANDAAN

 Ang batang malinis at maayos ang kasuotan ay hinahangaan.

 Ang kaalaman sa wastong pangangalaga ng kasuotan at pagkukusang gawin ang


mga ito ay tanda ng pagkakaroon ng disiplina at pagiging masinop.

 Isa sa mga tungkuling dapat gampanan ng batang nasa edad mo ay ang


pangangalaga ng kasuotan.

 Mahalagang pag- aralan at sanayin ang sarili sa wasto at matalinong pangangalaga


sa iba’t- ibang kasuotan.
MGA
GAWAIN
Piliin sa mga kahon ang paraang tinutukoy sa mga upang mapanatiling malinis at maayos ang
kasuotan.

Pag-aalis ng Ito ang paraan ng pag-


mantsa aayos ng mga damit sa
Ito ay isinasagawa loob ng cabinet o
kung may sira o aparador.
punit ang damit. Pagtutupi Paglalaba Pagsusulsi

Pamamalantsa

Ito ang paraan


Ginagawa ito sa Isinasagawa ito sa
ng pagtanggal ng
mga damit na may mga damit na lukot-
dumi, pawis at
nakakapit na lukot matapos labhan.
alikabok sa
mantsa
damit
Piliin sa mga kahon ang paraang tinutukoy sa mga upang mapanatiling malinis at maayos ang
kasuotan.

Pag-aalis ng Ito ang paraan ng pag-


mantsa aayos ng mga damit sa
Ito ay isinasagawa loob ng cabinet o
kung may sira o aparador.
punit ang damit. Pagtutupi Paglalaba Pagsusulsi

Pamamalantsa

Ito ang paraan


Ginagawa ito sa Isinasagawa ito sa
ng pagtanggal ng
mga damit na may mga damit na lukot-
dumi, pawis at
nakakapit na lukot matapos labhan.
alikabok sa
mantsa
damit
Suriin ang bawat pangungusap at lagyan ng kung wasto ang isinasaad nito at kung
hindi.

1. Lagyan ng sapin ang uupuang lugar upang mapangalagaan ang kasuotan.

2. Labhan muna ang damit bago sulsihan ang mga tastas o punit nito.

3. Pagsamahin ang lahat ng uri ng damit sa kabinet o aparador.

4. Ilagay kaagad sa ropero o laundry basket ang mga damit na basa ng pawis.

5. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang ito ay sariwa pa.

You might also like