You are on page 1of 39

Demonstration

Teaching in Filipino 4

Demonstrator:
REYMART G. MADRIAGA
Teacher I
Ano ang pang-uri? Magbigay ng mga
halimbawa nito at gamitin ito sa pangungusap.

Ano naman ang pang-abay? Magbigay ng


mga halimbawa nito at gamitin ito sa
pangungusap.
1. Kailangang sundin ng mga mamamayan ang mga _________________ tulad ng
pagsuot ng face mask at face shield, panatilihin ang isang metrong layo mula sa
Health protocols
ibang tao at paggamit ng hand sanitizer kapag nasal abas upang sila ay makaiwas
• Modules sa COVID19.

• Face mask
2. Tinutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang ipaintindi ang mga
• Pandemya aralin sa _________________ na binigay ng guro.
modules
3. Nalagay sa panganib ang lahat ng dahil sa
• Hand sanitizer pandemya
_________________.
• Health protocols 4. Dahil sa COVID19, pinayuhan ang lahat na magsuot ng _______________at
gumamit ng
Face mask
Hand sanitizer
5. _________________ tuwing nasal abas.
Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan, at damdamin

B. Pamantayang Pagganap
Nakapagbibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa napakinggang kuwento

C. Kakayahan sa Pag-aaral
Natutukoy ang kaibahan ng pang-abay at pang-uri( MELCs Code #: F4WG-111d-e-9.1)
Kaibahan ng Pang-abay at Pang-uri
Isang araw, habang seryosong sumasagot ng modules ang
kapatid ni Mica at ang nakababata niyang kapatid na si Leo…
Leo: Ate, sasama ako mamaya kay nanay na mag-grocery para maisuot ko ang
bagong damit na binigay sa akin ni Ninang Lorna noong nakaraang pasko.

Mica: Nagsabi ka ba kay nanay na sa sasama ka?


Ang alam ko kasi hindi maaring lumabas ang mga bata ngayon dahil sa banta ng
Covid 19.
Leo: Hindi pa nga ako nagsabi sa kanya pero sana ay isama niya ako. Sa tingin ko
makakaiwas naman ako sa pagkakahawa dahil magsusuot ako ng face mask at
face shield. Dadalhin ko rin ang mabangong hand sanitizer na binili ni tatay para
sa akin.

Mica: Kahit na. Kailangan pa rin nating sumunod sa mga patakaran lalo na’t ang
kalusugan natin ang nakasalalay rito.
Leo: Nababagot na kasi ako dito sa bahay ate. Matagal na tayong hindi
nakakapasyal.

Hindi namamalayan ng dalawa na ang kanilang nanay pala ay tahimik na


nakikinig sa kanilang usapan.
Nanay: Mukhang seryoso ang usapan ninyong dalawa. Nabanggit pa ang ilan sa
mga health protocols na sinusunod ngayong panahon ng pandemya.

Mica: Nariyan po pala kayo Inay. Si Leo po kasi sasama raw sa inyo mamaya sa
grocery store pero hindi po ba hindi kami maaaring sumama sa mga lugar na
maraming tao sa ngayong dahil sa Covid 19?
Nanay: Tama ka riyan Mica. Tayong lahat ay pinag-iingat ngayong panahon ng
pandemya lalong lalo na kayong mga bata kaya nga wala pa kayong face-to-face
classes ngayon at pinapayuhang manatili sa loob ng bahay. Kami namang mga
matatanda ay kinakailangang sumunod sa mga health protocols kapag kami ay
nasa mataong lugar upang maiwasan ang pagkahawa ng sakit.

Leo: Ibig po bang sabihin niyan ay hindi pa rin po ako makakasama sa inyo
mamaya?
Nanay: Oo anak, mas mainam para sa iyo na manatili lamang dito sa bahay at
pagbutihin ang pagsagot sa inyong mgs modules. Hayaan mo at pag wala na ang
banta ng Covid 19, mamamasyal tayo.

Mica: Maari po ba akong sumama Inay?

Nanay: Siyempre naman. Mamamasyal tayong lahat kasama pa ang tatay ninyo.
Leo: Yehey! Sana ay mawala na ang Covid 19 para makapasyal na tayo.

Nanay: Sana nga anak. Ipagdasal nating lahat iyan.

Mica at Leo: Opo Inay.


1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Sina Nanay, Mica, at Leo
2. Tungkol saan ang pinag-usapan ng magkapatid?
Tungkol sa mga health protocols at sa banta ng Covid 19.
3. Natuloy ba si Leo sa knayang binabalak na gawin? Bakit?
Hindi. Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang mga bata na lumabas sa bahay at
pumunta sa mga mataong lugar.
4. Maliban sa mga nabanggit na health protocols sa kuwento, paano pa tayo
makakaiwas sa pagkakaroon ng Covid 19?
Makaiiwas tayo sa pagkakaroon ng Covid 19 pag sumunod tayo sa mga
patakaran. Huwag maging pasaway at gawin ang pananatili lamang sa loob
ng tahanan.
KOLUM A KOLUM B
bagong damit seryosong sumasagot
   
mabangong hand sanitizer tahimik na nakikinig
 

 
 
  pagbutihin ang pagsagot
 
KOLUM A
bagong damit pangngalan

pang-uri  

pang-uri

mabangong hand sanitizer pangngalan


 

 
KOLUM B
Pang-abay seryosong sumasagot
  pandiwa

tahimik na nakikinig
 
pandiwa

pagbutihin ang pagsagot

pandiwa
KOLUM A KOLUM B
bagong damit seryosong sumasagot
   
mabangong hand sanitizer tahimik na nakikinig
 

 
 
  pagbutihin ang pagsagot
 
Ano ang pang-abay?

Ano ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay?


Ang mga salitang naglalarawan sa pangngalan at
panghalip ay tinatawag na PANG-URI.
Halimbawa:

Malusog na bata.
Bagong laruan
Ang mga salitang naglalarawan sa pandiwa ay tinatawag
na PANG-ABAY. Maliban sa pandiwa, ang pang-abay ay
naglalarawan din sa pang-uri at kapwa pang-abay.
 
Halimbawa:

Masipag mag-aral
Mabilis kumilos
Basahin ang mga sumusuond na pangungusap at tukuyin kung ang may
salungguhit na salita ay Pang-uri o Pang-abay at sabihin kung bakit ito naging
pang-uri o pang-abay.

1. Maganda ang tanawin sa Albay.


2. Magandang pagmasdan ang perpektong hugis ng Bulkang Mayon sa Albay.
3. Masarap ang mga prutas na dala ni Lola.
4. Masarap lumangoy sa mga dalampasigan ng Palawan.
PANGKATANG GAWAIN
MABILIS NA PANGKAT:
Gumawa ng mga pangungusap na may pang-uri at pang-abay na
maglalarawan sa sumusunod na pangngalan at pandiwa.
 
1. bata
2. lapis
3. Bagong Taon
4. natutulog
5. nag-eehersisyo
KATAMTAMANG PANGKAT:
Iguhit sa manila paper ang sumusunod na parirala at tukuyin kung ang
salitang may salungguhit ay pang-uri o pang-abay.
 
1. pulang sapatos
2. masayang kumakain
3. malingkot na bata
4. mabilis na tumakbo
5. matabang aso
MABAGAL NA PANGKAT:
Tukuyin kung ang mga sumusunod na parirala ay ginamitan ng pang-uri o pang-abay.
Ilagay sa tamang kolum ang mga parirala.
•masayang nagkakantahan
•puting ibon
•malusog na mag-aaral
•dahan dahang nagbukas
•mabilis na kumain

PANG-URI PANG-ABAY
   
 
 
 
 
 
 
Magbigay ng pangngusap gamit ang pang-uri o pang-abay
sa sumusunod na mga larawan.
1
2
3
4
5
Ano ang pang-uri? Mga salitang naglalarawan sa pangngalan at
panghalip.

Ano ang pang-abay? Mga salitang naglalarawan sa pandiwa.


Maliban sa pandiwa ang pang-abay ay
naglalarawan din sa pang-uri at kapwa pang-
abay.

Ano ang pagkakaiba ng pang- Ang PANG-URI ay naglalarawan sa


uri at pang-abay? pangngalan at panghalip. Ang PANG-ABAY
naman ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri
at kapwa pang-abay.
PAGTATAYA
Tukuyin kung ang may salungguhit ay pang-uri o pang-abay.

1. bagong laruan
2. masayang sinalubong
3. dahan dahang isinara
4. matamis na prutas
5. dilaw na sorbetes
TAKDANG ARALIN
A. Magsulat ng mga salitang maglalarawan sa mga sumusuond na salita.

1. aso
2. lumalangoy
3. laso
4. sumasayaw
5. nanay

B. Gumawa ng maikling talata tungkol sa alagang hayop na nasa inyong tahanan.

You might also like