You are on page 1of 33

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan


 Nakikilala ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang
kasuotan tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagsusulsi,
pagtatagpi, pag-aalis ng mantsa at pagtutupi.

 Natutukoy ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang


kasuotan tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagsusulsi,
pagtatagpi, pag-aalis ng mantsa at pagtutupi.

 Napapahalagahan ang pangangalaga sa sariling kasuotan.


Balik-aral
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan
sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Kailan ginagawa ang pagpuputol ng kuko sa
kamay at paa?
a. araw-araw b. taonan c. buwanan d. lingguhan
Napapansin mo ba ang mga batang malinis at
maayos ang kasuotan?

Hindi ba’t kay gandang pagmasdan?


Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Ang kailangan lamang
ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat gampanan. Isa ito sa tungkuling
dapat pag- aralan at gampanan ng batang nasa edad mo.
Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Ang bawat
paraan ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng damit sa loob
ng mahabang panahon. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa magulang. Kailangang isipin
ninuman na ang wastong pangngalaga ng kaniyang kasuotan, mga kagamitan, at
anumang mayroon ay dapat isapuso at mahalin upang tumagal ang pakinabang.
Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Ang bawat
paraan ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng damit sa loob
ng mahabang panahon. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa magulang. Kailangang isipin
ninuman na ang wastong pangngalaga ng kaniyang kasuotan, mga kagamitan, at
anumang mayroon ay dapat isapuso at mahalin upang tumagal ang pakinabang.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pag-aalis ng Mantsa

Mainam na tanggalin kaagad


ang mga mantsa sa damit
habang ito ay sariwa pa at
upang hindi mahirapan sa
pagtanggal. Mas malinis at
kaaya-ayang tingnan ang damit
na walang mantsa.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Paglalaba
Ginagawa ito sa mga kasuotan
upang maiwasan ang di
kanaisnais na amoy, mawala ang
dumi, pawis at alikabok na
kumakapit dito gamit ang sabon
at tubig. Hindi madaling masira
ang mga damit kapag nilalabhan
nang maayos.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pamamalantsa

Hindi kaaya-ayang tingnan ang


damit na gusot-gusot kaya
nararapat itong plantsahin upang
maibalik sa dating hugis at ayos
ang mga ito.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pagsusulsi

Ang may punit na damit ay dapat


sulsihan kaagad upang hindi
lumaki ang sira at magamit pa ito
ng mahabang panahon. Maaaring
gawin ito sa pamamagitan ng
makina o di kaya’y pagsusulsi
gamit ang kamay.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pagtatagpi

Ito ay isinasagawa kapag ang


damit ay may butas. Tinatakpan
nito ang bahaging may butas sa
pamamagitan ng pagtatagpi
gamit ang isang kapirasong tela.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

Pagtutupi

Higit na mapangangalagaan ang


mga damit kung ito ay maayos
na nakatupi ayon sa kulay at
gamit nito at may maayos na
lalagyan tulad ng cabinet,
aparador o malinis na kahon. Kapag organisado ang pagtutupi at paglalagay
ng damit sa aparador makatitipid ng oras at
lakas sa paghahanap nito araw-araw.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Kailangang
pahanginan ang
mga damit na basa
ng pawis.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Ang mga damit


panlakad ay dapat
i-hanger at huwag
ihalo sa mga damit
pambahay.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Ang mga damit na hindi


palagiang ginagamit ay
ilagay sa gawing likuran ng
kabinet at takpan ng plastik
upang hindi marumihan o
di kaya’y ilagay ito sa
isang storage box.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Bago labhan ang mga


damit, kumpunihin
muna ang mga sira
nito tulad ng mga may
tanggal na butones at
tastas.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Huwag pagpunasan
ng kamay, pawis o
sipon ang damit.
Gumamit ng panyo
kung kailangan.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Huwag umupo kaagad


sa mga upuan.
Punasan muna ang
uupuang lugar bago
umupo o maaari ding
lagyan muna ng sapin.
Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

Iwasang umupo sa
maruming lugar,
sumandal sa pader o
dumikit sa mga
nakamamantsang
bagay.
TANDAAN

 Ang batang malinis at maayos ang kasuotan ay hinahangaan.

 Ang kaalaman sa wastong pangangalaga ng kasuotan at pagkukusang gawin ang


mga ito ay tanda ng pagkakaroon ng disiplina at pagiging masinop.

 Isa sa mga tungkuling dapat gampanan ng batang nasa edad mo ay ang


pangangalaga ng kasuotan.

 Mahalagang pag- aralan at sanayin ang sarili sa wasto at matalinong pangangalaga


sa iba’t- ibang kasuotan.
MGA
GAWAIN
Piliin sa mga kahon ang paraang tinutukoy sa mga upang mapanatiling malinis at maayos ang
kasuotan.

Pag-aalis ng 5.Ito ang paraan ng


mantsa pag-aayos ng mga
1. Ito ay damit sa loob ng
isinasagawa kung cabinet o aparador.
may sira o punit Pagtutupi Paglalaba Pagsusulsi
ang damit.
Pamamalantsa

3. Ito ang paraan


2. Ginagawa ito sa 4.Isinasagawa ito sa
ng pagtanggal ng
mga damit na may mga damit na lukot-
dumi, pawis at
nakakapit na lukot matapos labhan.
alikabok sa
mantsa
damit
Suriin ang bawat pangungusap at lagyan ng kung wasto ang isinasaad nito at kung
hindi.

1. Lagyan ng sapin ang uupuang lugar upang mapangalagaan ang kasuotan.

2. Labhan muna ang damit bago sulsihan ang mga tastas o punit nito.

3. Pagsamahin ang lahat ng uri ng damit sa kabinet o aparador.

4. Ilagay kaagad sa ropero o laundry basket ang mga damit na basa ng pawis.

5. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang ito ay sariwa pa.


Ang Paglalaba sa Paraan ng Pagkilala at
Pag –aalis ng Mantsa sa Damit

Mga Uri ng Mantsa at Wastong Paraan ng Pag – alis ng


mga Mantsa

1. Dugo - Ibabad ang damit na may dugo sa


palangganang may tubig at kuskusin nang mabuti.
Sabunin ng sabong panligo upang madaling makuha
ang mantsa. Kung may bahid pa ng mantsa, ibilad ito
upang lubusang matanggal ang mantsa.
2. Tsokolate - Ibabad ang damit na may tsokolate sa mainit
na tubig ng ilang minuto hanggang sa lumamig ito. Kuskusin
ng sabon ang mantsa at labhan. Kung hindi matanggal ang
mantsa, gamitan ng katas ng kalamansi at asin.

3. Tinta – Buhusan ng alkohol ang sariwang mantsa ng


tinta. Banlawan sa malamig na tubig bago labhan at
sabunin. Kung di pa matanggal ang mantsa, maaaring
lagyan ng katas ng kalamansi at asin.
4. Chewing gum – Kuskusin ng yelo ang kabila ng
damit na may chewing gum upang tumigas. Kaskasin
ang tumitigas na chewing gum ng mga kamay o likod
ng kutsilyo. Kung may naninikit pa kuskusin ang
mantsa ng bulak na may gaas upang maalis ang
paninikit.

5. Putik – Kuskusin ang putik sa damit gamit ang eskoba bago


ito sabunin at labhan.
6. Kalawang – Lagyan ng katas ng kalamansi at asin ang
damit na namantsahan, kuskusin at ibilad ito sa araw.
Ulitin nang ilang beses kung kinakailangan hanggang
maalis ang mantsa.
7. Mantika o langis – Labhan ang damit na may mantika o langis
sa maligamgam na tubig na may sabon. Wisikan ito ng pulbos ang
bahaging may mantsa ng mantika o langis. Ipagpag ito. Ulitin ng
ilang beses kung kinakailangan. Ipitan ang mantsa sa pagitan ng
blotting paper at diinan ng plantsa.
8. Kandila – Kaskasin ng likod ng kutsilyo o barya ang bahagi
ng damit na may kandila. Takpan ng mamasa-masang
pirasong papel at plantsahin ang bahaging may mantsa nang
ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang natunaw na
kandila.

9. Tagulamin o Amag – Kuskusin ng eskoba ang damit sa


bahaging may tagulamin o amag. Labhan ito sa mainit na
tubig at ikula at lagyan ng katas ng kalamansi at banlawan.
Sabunin uli at labhan. O di kaya ay ibilad sa araw ang
mantsang nilagyan ng katas ng kalamansi at asin. Ulitin ito
nang ilang beses hanggang matanggal lahat ng mantsa.
10. Katas ng prutas, kape, tsaa – Ibabad ang damit na
namantsahan sa mangkok sa malamig na tubig. Banatin ang
bahaging may mantsa sa ibabaw ng mangkok. Buhusan ito
ng kumukulong tubig.

11. Ihi – Sabunin sa tubig na may suka ang damit na may ihi
hanggang maalis ang mantsa.

12. Pintura – Basain ng gaas o thinner ang basahan at


ikuskos ito sa damit na may pintura. Buhusan ng mainit na
tubig. Banlawan, sabunin at labhan.
Panuto: Tukuyin sa loob ng kahon ang wastong paraan
ng pag – alis o pagtanggal ng mantsa sa damit. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa kuwaderno.
a. mainit na tubig
b. katas ng kalamansi at asin
c. yelo
d. alkohol
e. tubig na may suka
1. Kalawang __________
2. Chewing Gum ______
3. Mantika o Langis ________
4. Tinta ______
5. Ihi

You might also like