You are on page 1of 24

FILIPINO

5
Naipapahayag ang sariling
opinion o reaksyon sa isang
napakinggang balita, isyu, o
usapan.
(F5PS-Ia-j-1)
PAMANTAYAN SA PAGBASA NG MALAKAS
1.Tumayo ng tuwid.
2.Basahin ng malakas at may sigla.
3.Huminto sa pagbabasa kung may tuldok.
Balita

Patuloy ang paglobo ng bilang ng


mga taong nagpopositibo sa COVID-19. Sa
kabila nito marami pa ring mamamayan
ang hindi sumusunod sa mga
panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan ng DOH. Tila ba hindi nila
alintana ang peligrong dulot ng sakit na
ito.
Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin
sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.

Ang reaksyon ay damdaming nagpapakita ng


pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa o
pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan.
Pagtatalakay
Ang pagbibigay ng palagay o reaksyon ay
isang mabuting kasanayan dahil naipapahayag
natin ang ating sariling saloobin, opinyon, o
pananaw hinggil sa kaisipang inilahad. Sa
pagbibigay ng reaksyon ay maaring sumang-ayon o
sumalungat sa ating narinig o nabasang teksto,
isyu, pangyayari o balita. Sikapin lamang maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng
damdamin ng ating kapwa.
Pagtatalakay
Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon:
• Sa palagay ko
• Sa aking opinyon
• Sa aking pananaw
• Sa tingin ko
• Sa ganang akin
• Para sa akin
• Kung ako ang tatanungin
• Naniniwala ako
Halimbawa #1

Isyu: paghinto sa pag-


aaral ng maraming
estudyante dahil sa
pandemya.
Opinyon

Para sa akin, hindi dapat na


huminto sa pag-aaral ng dahil sa
pandemya sapagkat napakaraming
paraan para maituloy ang
edukasyon gaya ng paggamit ng
modyul o online classes.
Reaksyon

Nakakalungkot isipin na maraming


mag-aaral ang nahinto sa pag-aaral
dahil sa pandemya.
Halimbawa #2

Isyu: Maraming
estudyante ang
napabayaan ang pag-aaral
dahil sa pagkahilig sa
paglalaro ng mobile games.
Opinyon

Naniniwala ako na dapat mas


bigyan ng pansin ang pag-aaral
dahil ito ang susi sa
pagkakaroon ng magandang
buhay.
Reaksyon

Nakakalungkot isipin na maraming


kabataan ang nagpapabaya sa pag-
aaral.
Mga Pamantayan
PANGKATANG
GAWAIN
Paglalahat

Ano ang ibig sabihin ng opinyon?

Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin sa


isang napakinggang balita, isyu o usapan.

Ano ang ibig sabihin ng reaksyon?

Ang reaksyon ay damdaming nagpapakita ng pagsang-


ayon, pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya sa mga
balita, isyu o usapan.
Tandaan:

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang


opinyon o reaksyon sa mga bagay-
bagay, igalang ang opinyon ng iba
upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan
Tandaan:

Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon:


-Unawaing mabuti ang balita, isyu o
usapan
-Suriin ang dalawang panig
-maging magalang sa pagpapahayag ng
inyong opinyon o reaksyon.
Pagsasanay #2

Ipahayag ang sariling opinion at reaksyon sa bawat


bilang.
1. Pinsala ng bagyo sa ibat-ibang lugar ng ating
bansa
2. Laganap na pagbebenta at paggamit ng
droga sa ating bansa
Pagtataya
Ipahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa mga
sumusunod na balita, isyu at usapan.
1. Paano maiiwasan ang mga aksidente dito sa atin
tulad ng aksidente sa motor.
Ano ang iyong opinyon?
Ano ang iyong reaksyon?
2. Pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng
pandemya.
Ano ang iyong opinyon?
Ano ang iyong reaksyon?
Takdang- Aralin

Panuto: Makinig ng balita sa radio,


telebisyon, o internet sa napapanahong
isyu o usapin sa inyong pamayanan.
Pumili lamang ng isa. Ibuod ang balita,
isyu o usapin na inyong napili at isulat
ang inyong opinyon o reaksyon tungkol
dito.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like