You are on page 1of 9

5

LEARNER’S ACTIVITY SHEETS

FILIPINO 5
QUARTER 2 – WEEK 5

0
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
FILIPINO 5, Quarter 2, Week 5

Pangalan: ______________________________ Iskor: _______________


Baitang & Seksiyon: _____________________

MELC:
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu, o usapan. (F5PS
– Ia-j-1)

OBJECTIVES:
1. Naiiugnay ang sariling karanasan sa napakinggang balita, isyo o usapin.
2. Nakapagbigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan.
3. Naipahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita isyu o
usapin.

BALIK-ARAL

Basahin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Paghahanda,
Mahalaga sa Kaligtasan

Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maayon, Capiz ang paghahanda para sa inaasahang pananalasa ng
Bagyong Rolly sa bansa noong ika-31 ng Oktubre 2020.
Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)–Maayon ang paghahanda at pagpapalaganap ng
impormasyon sa mga dapat gawin sa pananalasa ng bagyo sa pamamagitan ng pag -iikot sa munisipalidad.

Ayon kay Dennis Pabilico, SFO1, mainam na ihanda ang mga kakailanganing gamit sa inaasahang
pananalasa ng bagyo tulad ng mga pagkain, tubig, damit, baterya, flashlight mga gamot at pinapayuhan ang
mga nakatira malapit sa mga ilog na humanda sa maaaring paglikas. Sinuri ng BFP -Maayon ang mga lugar
na maaaring maging apektado ng pagbaha kung sakali mang maapektuhan ang Maayon ng bagyo.

Ipinahayag din ni Pabilico na para sa karagdagang impormasyong kakailanganin ng mga mamamayan


ay maaaring bisitahin ang kanilang
facebook page na BFP-Maayon.
Mga tanong:
1. Ano ang pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Maayon, Capiz?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Anong ahensiya ang nanguna sa paghahanda at pagpapalaganap ng impormasyon na dapat
gawin sa pananalasa ng bagyo?
1
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga gamit na dapat ihanda sa paparating na bagyo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang maging handa sa mga pangyayaring gaya ng bagyo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Bakit kailangang alam natin ang mga nangyayari o mahahalagang balita sa ating paligid?
___________________________________________________________________

ALAMIN

Ang pagpapahayag ng opinyon o reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil


naipapahayag mo ang iyong sariling saloobin o damdamin, opiniyon o pananaw hinggil sa
kaisipang inilahad.
Ano nga ba ang opinyon? Ito ay paliwanag ng tao batay sa makatotohanang
pangyayari, sariling pangmalas ng isang tao tungkol sa isyu o usapin, ito rin ay bunga ng
kanyang nararamdaman at kung paano niya naiintindihan ang isang bagay. Ang opinyon o
reaksiyon ay nagiging repleksiyon din ng ugali o pagkakakilanlan ng isang tao.

Sa pagpapahayag ng opinyon mahalagang tandaan ang mga sumusunod:


 Nararapat na ikaw ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan.
 Masusing tinitimbang ang mga bagay-bagay
 Gawing katanggap-tanggap ang nabuong opinyon upang maiwasang makasakit
ng damdamin ng ibang tao.

Mga salita o pahayag na maaring gamitin upang makapagbigay ng matatag na


opinyon;
 buong igting kong sinusuportahan
 ang… kumbinsido akong… labis
 kong pinaniniwalaan
 lubos akong naninindigan na…

Sa pagpapahayag ng neutral na opinyon, maaaring gamitin ang sumusunod na salita o


pahayag;
 Kung ako ang tatanungin…
 Kung hindi ako nagkakamali…
 Sa aking palagay…
 Sa tingin ko…

2
 Sa aking pananaw…
 Sa totoo lang…

Sa pagbibigay ng opinyon o reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon


o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap, sikapin lamang na maging magalang
upang maiwasang makasakit ng damdamin ng kapwa.

PAGYAMANIN

GAWAIN 1

Panuto: Tunghayan ang iba’t ibang larawan ng mga propesyonal at manggagawa sa ibaba at sagutin ang
mga tanong kaugnay nito.

Doktor Nars Presidente

Pulis Guro Tsuper

3
Construction Worker Diyanitor

Sagutin:
1. Maituturing bang kapaki-pakinabang na mga mamamayan ang mga nasa larawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Sa iyong opinyon, mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng mga propesyonal at
manggagawang ito sa pag-unlad ng ating bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano ang iyong reaksiyon o nararamdaman tuwing nakakakita ka ng mga propesyunal


o mangagawang tulad ng mga nasa larawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Sa iyong opinyon, paano makapag-aambag ang isang mamamayan sa pag-unlad ng


kaniyang sariling bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Basahin ang balita o isyu sa ibaba at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
COVID – 19

Ang COVID – 19 ay isa sa maituturing na napakabagsik na sakit. Ito ay uri ng sakit na mabilis
makahawa, kumalat at walang pinipiling dapuan bata o matanda man. Buong daigdig ay nakaranas nitong
epidemya. Kailangan itong mapigilan kaya ang bawat ahensiya ng gobyerno ay nagtulungan na gumawa ng
paraan upang ito’y masugpo o maiwasan. May nagbigay ng cash at food assistance, may mga ipinatupad na
alituntunin o batas na mahigpit na pinatupad at sinunod ng mga mamamayan upang maging ligtas sa
ganitong epidemya at malayo sa kapahamakan.
4
Sa mga frontliners na masisipag at matiyagang nagkaloob ng kanilang di matatawarang serbisyo at
sa lahat ng walang sawang tumulong ay maraming salamat.
Kung ang bawat mamamayan ay sumusunod sa mga payo ng ahensiya, hindi malayong makamit ng
bansa ang inaasam na pagiging COVID Free nito at matatamo natin ang inaasam na pag-unlad.

1. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang isyu o balita? Bakit?


_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isyu o balitang nabasa mo.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________

3. Kung kabilang ka sa mga itinuturing na frontliners, ano ang reaksiyon mo sa mga


walang katapusang pasasalamat at pagsaludo sa inyong kabayanihan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________

GAWAIN 3

Panuto: Gawin ang hinihingi ng bawat bilang.


1. Magbigay ng iyong opinyon kung dapat bang itaas ang pamasahe at presyo ng mga bilihin kapag
tumataas ang presyo ng gasolina.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Ibigay ang inyong reaksiyon sa hindi dapat pagdagdag ng singil sa pamasahe at hindi pagtaas sa
presyo ng mga bilihin.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Paalala: Tingnan ang Rubriks sa ibaba bilang batayan sa pagbibigay puntos sa mga Gawain 1, 2 at 3.
Rubriks

Pamantayan Puntos
1. Napakahusay 5
2. Mahusay 3
3. Di-gaanong Mahusay 1

5
TAYAHIN

Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng bawat talata at isulat ang iyong
sariling opinyon sa patlang. Isulat ang iyong sagot sa inyong kwaderno.

1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng
puno ang niyog sapagkat bawat bahgi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo at
iba pa.
a. Ang niyog
b. ang niyog
c. Ang mga gamit ng niyog
d. ang mga gamit ng niyog

Isulat ang sarili mong opinyon tungkol dito.


_______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ang kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na
namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat
manggagawang Pilipino ay dapat magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na binabayad ang
siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad n gating bansa.
a. Ang kawanihan ng Rentas Internas
b. Ang kawaniihan ng Rentas Internas
c. Ang kawanihan ng internas rentas
d. ang kawanihan ng internas rentas
Isulat ang sarili mong opinyon tungkol dito.
_______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating
mata. Ang kakulangan ng bitaminang ito ay pweding magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga
pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay ( manok o baka ) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw
na gulay at prutas.
a. bitamina A
b. Kahalagahan ng bitamina A
c. Mga pagkaing bitamina A
d. Pagkaing bitamina A
Isulat ang sarili mong opinyon tungkol dito.
_______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

6
SUSI SA PAGWASTO

(Ang mga sagot ay batay sa opinyon o reaksiyon ng mag-aaral, tingnan ang rubriks bilang batayan sa
pagbibigay ng puntos sa bawat bilang.)

Gawain 1
(Ang mga sagot ay batay sa opinyon o reaksiyon ng mag-aaral, tingnan ang rubriks bilang batayan sa
pagbibigay ng puntos sa bawat bilang.)

Gawain 2
(Ang mga sagot ay batay sa opinyon o reaksiyon ng mag-aaral, tingnan ang rubriks bilang batayan sa
pagbibigay ng puntos sa bawat bilang.)

Gawain 3
(Ang mga sagot ay batay sa opinyon o reaksiyon ng mag-aaral, tingnan ang rubriks bilang batayan sa
pagbibigay ng puntos sa bawat bilang.)

Tayahin
1. a )ang niyog
Opinyon: Ang niyog ay isang tropical na puno na napakaraming gamit ang halos lahat ng parte nito.Mula sa
walis ting-ting,pambunot sa sahig,buko,gamot at marami pang iba.
2. a).Ang kawanihan ng Renta Internas
Opinyon: Ang Rentas Internas o (BIR) ay isang tanggapang pang gobyerno kung saan ang mga taong
magbabayad ng tax ay ditto tutungo.
3. b) kahalagahan ng Bitamina A
Opinyon: Bitamina A ang siyang responsibilidad sa pagkakaroon natin ng malinaw na paningin.

SANGGUNIAN
Agarrado, Patricia Jo C., Maricar L. Francia,
7
Perfecto R. Guerrero III,
Genaro R. Gojo Cruz,
Alab Filipino 5, pahina 176-181
Olivarez, Ranchez, Reyes, K-12 Curriculum 2017 Edition, pp. 251-2543
.0

You might also like