You are on page 1of 25

Grade 5 Filipino Learners Copy

Post test
SET A

KAPALIGIRAN

Dumaan ang habagat sa Luzon. Nagdulot ito ng pinsala sa tao.


Maraming lugar sa Maynila, Pampanga, Quezon, at Aurora ang
lumubog sa baha. Nagmistulang malaking karagatan ang mga ito.
Lumutang din at natangay ng baha ang tambak na basura. Malaking
halaga ang nawala sa libo-libong mamamayan. Maraming pananim ang
nasira sanhi ng malakas at patuloy na pag-ulan. Marami ring buhay ang
nakitil. Nasira ang mga bahay, tulay, at malalaking gusali. Isang dahilan
nito ay ang pagguho ng lupa o landslide.

Maiiwasan sana ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan kung


isasagawa ng mga tao ang programa ng Kagawaran ng Pangangalaga sa
Kapaligiran at Likas na Yaman. Ang muling pagtatanim ng puno sa gubat o
reforestation sa mga nakalbong kabundukan ay makatutulong sa pag-
iwas ng pagguho ng lupa.

Malaki ang magagawa nating mga kabataan. Iwasan natin ang paggamit
ng mga plastik at ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.Mag-umpisa
tayong maglinis ng paligid at magtanim ng mga puno sa mga bakanteng
lupa ng ating bakuran. Gawin itong luntian upang maging maganda ang
kapaligiran.
Mga Tanong:

1. Ano ang sanhi ng paglubog ang mga bahay at pananim?


a. Natumba ang mga puno.
b. Malakas ang hanging habagat.
c. Dumaan ang habagat sa maraming lugar.
d. Nagmistulang dagat ang maraming lugar.

2. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pangungusap sa kahon?

Nagmistulang malaking karagatan ang maraminglugar.

a. Maraming lugar ang lumubog sa karagatan.


b. Naging bahagi ng karagatan ang maraming lugar.
c. Malapit sa malawak na karagatan ang lugar na nabanggit.
d. Maihahambing sa karagatan ang nangyari sa maraming lugar.

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakitil sa binasang seleksyon?


a. naalanganin
b. nagkasakit
c. nagulo
d. nawala

4. Ano kaya ang sanhi ng pagguho ng lupa?


a. Walang bakod ang mga lupain.
b. Maraming mga puno ang pinuputol.
c. Kulang sa paghahanda ang mga tao.
d. Hindi agad nasabi ang pagdating ng habagat.

5. Bakit kailangang alagaan ang kapaligiran? Kailangang alagaan


ang kapaligiran upang
.
a. maiwasan ang habagat
b. maiwasan ang pagbabaha
c. makatulong sa komunidad
d. maitayo ang nasirang mga bahay
6. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. sanhi ng habagat
b. mga tinamaan ng habagat
c. pangangalaga sa habagat
d. habagat at ang mga dulot nito

7. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?


a. Tinalakay ang bunga at solusyon ng paksa.
b. Ibinigay ang mga problema tungkol sa paksa.
c. Inilahad ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
d. Gumamit ng maraming halimbawa sa buong seleksyon.
Grade 5 Filipino Learners Copy
Post test
SET B

MAY MAGAGAWA BA SA ISANG

TAMBAK NA BASURA

May napapansin ka bang pagbabago sa inyong lugar? Ang dating


malinis at malinaw na ilog, marumi na ba ngayon? Ang maayos na mga
daan, naging tambakan na ba ng basura?

Sino ang may sala sa mga pagbabagong ito sa ating kapaligiran?


Huwag na tayong magsisihan at magturuan. Magtulungan na lang
tayo upang hindi lumala ang sitwasyon. Hindi pa huli ang lahat.

Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Ang


basurang nabubulok ay maaaring pampataba ng lupa na pagtataniman
ng mga halaman. Pumili ng isang lugar at humukay ng pagtatapunan ng
basurang nabubulok tulad ng balat ng prutas at tuyong dahon.

Muling magagamit ang ibang basurang di-nabubulok tulad ng


mga basyo ng lata, plastic, o bote. Maaaring gawing alkansya o plorera ang
mga basyo ng lata. Ang mga sirang bombilya naman ay nagagawang
palamuti. Ito ang pagreresaykel o ang paghahanap ng maaari pang gamit ng
ating mga itinatapon.

Malaki ang matutulong natin sa pagpapanatili ng kalinisan at


kaayusan sa ganitiong paraan. Bukod dito, kikita pa tayo dahil, “may pera
sa basura”.
Mga Tanong:

1. Ano ang magagawa sa mga basurang di-nabubulok upang maging


kapaki-pakinabang? Maaring ang mga
basurang di-nabubulok.
a. itago sa kahon
b. ilagay sa hukay
c. gawing pataba
d. gawing pandekorasyon

2. Bakit kailangang ibukod ang mga basurang nabubulok sa mga basurang


di nabubulok?
a. May paggagamitan ang mga basurang ito.
b. Matagal mabulok ang basura sa paraang ito.
c. Maiiwasan ang masamang amoy kapag ginawa ito.
d. Makagagawa ng pataba sa di-nabubulok na basura.

3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng may sala sa pangungusap sa


kahon?

Sino ang may sala sa hindi magandang pagbabago sa ating kapaligiran?

a. sumali
b. nagsimula
c. sumuporta
d. may kagagawan

4. Ano ang ibig sabihin ng “may pera sa basura”?


a. Maaaring makakuha ng pera sa basura.
b. Magkakapera kapag pinaghiwalay ang basura.
c. Maaaring pagkakitaan ng pera ang mga basura.
d. Makapagtitipid kapag alam ang pagtapon sa basura.
5. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. sanhi ng pagbabago
b. bunga ng maraming basura
c. maaaring gawin sa mga basura
d. pakinabang sa nabubulok na basura

6. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?


a. Tinalakay ang mga sanhi ng pagtambak ng basura.
b. Maingat na inilarawan ang kalagayan ng kapaligiran.
c. Isinalaysay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
d. Malinaw na isinaad ang suliranin at solusyon sa
seleksyon.

7. Alin kaya sa sumusunod ang HINDI magiging bunga kapag tayo ay


nagresaykel?
a. Magkakaroon tayo ng pagkakakitaan.
b. Mababawasan ang suliranin sa basura.
c. Lilinis at gaganda ang ating
kapaligiran.
d. Maaaring patuloy na dumami ang basura
Grade 5 Filipino Learners Copy
Post test
SET C

PAGPAPA-UNLAD NG KULTURA

Ang pagpapaunlad ng kultura ay yumabong nang lumaya ang bansa.


Maraming mga tao ang nakapagpasigla ng ating kultura sa larangan ng
pelikula, paglilok, literatura, at arkitektura.

Si Manuel Urbano ay kilala bilang Manuel Conde. Bagamat nagtapos


siya ng pagiging inhinyero sa Pamantasan ng Adamson, pag-aartista
at paggawa ng pelikula ang tinahak niyang landas. Pinakasikat sa mga
pelikula niya ang “Genghis Khan.”

Si Alejandro Abadilla ay nakilalang tagapagtaguyod ng malayang


taludturan sa pagsulat ng tula. Binago niya ang makalumang pagsulat
nito na kailangang may sukat at ritmo. Sa tula niyang “Ako ang
Daigdig” ay napatunayan na masining din ang tulang walang sukat at
ritmo.

Si Guillermo Tolentino naman ay Pilipinong kilala sa larangan ng


paglilok. Kabilang sa kanyang mga likhang-sining ang monumento ni
Bonifacio na matatagpuan sa Lungsod ng Caloocan at Maynila at ang
“Oblation” sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagpapaalala ang mga ito na
puno ng pag-asa ang buhay at ng pagmamahal sa kalayaan.
Nagpapahiwatig din ito na malulutas ang suliranin at matutupad ang mga
mithiin kung hihilingin ito sa Poong Maykapal.
Mga Tanong:

1. Ano ang sanhi ng pag-unlad ng kulturang Piilpino?


a. Naghanap ang mga Piipino ng ibang uri ng sining.
b. Nagsawa ang mga makata sa ritmo at sukat ng mga tula.
c. Lumaya ang ating bansa kaya’t umunlad ang ating kultura.
d. Nagkaloob ang pamahalaan ng gantimpala sa magpapasigla ng ating
kultura.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?


a. Higit na nakilala si Urbano kaysa kay Manuel Conde
b. Ang “Oblation” ay likhang-sining sa larangan ng paglililok.
c. Higit na naakit si Conde sa paggawa ng pelikula at pag-aartista.
d. Ang mga likhang-sining ni Tolentino ay may dalang mga mensahe.

3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng yumabong sa pangungusap sa


kahon?

Ang pagpapaunlad ng kultura ay yumabong nang lumaya ang bansa.

a. naging malalim
b. naging maunlad
c. nanatiling masigla
d. nanatiling tradisyonal

4. Ano ang kasingkahulugan ng tinahak niyang landas sa pangungusap sa


kahon?

Bagamat pagiging ininyero inhinyero ang natapos niya, pag-aartista


at paggawa ng pelikula ang tinahak niyang landas.
a. sinunod niyang bilin
b. larangan na napili niya
c. pinayo sa kanyang piliin
d. pinagpilian niyang gawin
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi umunlad ang kultura natin
dati?
a. Kulang ng kaalaman kung paano mapapayabong ang sining.
b. Masaya na ang mga tao sa pagbabago sa gawaing-sining noon.
c. Kulang sa pagpapahalaga at laya sa pagpapaunlad ng gawang-sining.
d. Walang paghahanda sa mga tao na tanggapin ang makabagong sining.

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?


Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. mga kilalang tao sa larangan ng sining
b. mga sanhi ng pagyabong ng ating kultura
c. mga halimbawa ng pagyabong ng ating kultura
d. hirap na dinaanan sa pagpapa-unlad ng ating kultura

7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe nito?
a. Makulay na pananalita ang ginamit.
b. Maraming tauhan at tagpuan sa seleksyon.
c. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng paksa.
d. Mahusay ang pagbibigay ng mga halimbawa.
Grade 5 Filipino Learners Copy
Post test
SET D

EID-UL-FITR

Islam ang relihiyon ng mga Muslim. Hango sa mga salitang “pagsuko


sa Diyos” ang Islam. Itinuturing nila na sumuko sila sa kapangyarihan
ng Diyos. Si Allah ang kinikilala nilang panginoon. Ang banal na aklat ng
Koran ang gabay nila sa pamumuhay. Ginugunita nila sa Koran ang
rebelasyon kay Mohammed na isang propeta ng Islam.

Isang pagdiriwang ng mga Muslim ang Eid-ul-Fitr na isang


uri ng pagpapahayag ng pasasalamat. Ang Eid ay isang salitang Arabo na
nangangahulugang pagdiriwang samantalang ang Fitr naman ay may
pakahulugang wakas ng pag-aayuno. Kaya’t ang Eid-ul-Fitr ang tanda ng
wakas ng halos isang buwang pag-aayuno nila sa panahon ng Ramadan.

Nagsisimula ang Eid-ul-Fitr sa paggising sa mga Muslim gamit


ang malalakas na tambol. Nagbibihis sila ng magagarang kasuotan.
Nagsusuot ng mahabang belo sa mukha ang mga babaeng Muslim. Tinutungo
nila ang mosque upang doon manalangin. Habang nagdarasal ay sinasambit
nila ang “Allahu Akbar” na may kahulugang “Dakila si Allah.” Sa pagdiriwang
na ito ay samasama ang mga Muslim sa buong mundo na tunguhin ang
pagkakaisa.
Mga Tanong:

1. Ano ang Eid-ul-Fitr? Ang Eid-ul-Fitr ay isang uri ng pagdiriwang ng

.
a. pagsuko ng mga Muslim
b. pag-aayuno ng mga Muslim
c. pagsasalamat ng mga Muslim
d. pagkakapatiran ng mga Muslim

2. Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?


a. Masayang idinaraos ang Ramadan.
b. Unang nagaganap ang Eid-ul-Fitr sa Ramadan.
c. Tanda ng wakas ng pag-aayuno ang Ramadan.
d. Masayang pagdiriwang ang Eid-ul-Fitr para sa Muslim.

3. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng hango sa pangungusap sa


kahon?

Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos” ang Islam.

a. hiniram
b. nagmula
c. nag-ugat
d. nanggaling

4. Ano ang ibig sabihin ng “tunguhin” sa sa pangungusap sa kahon?

Sa pagdiriwang na ito ay samasama ang mga Muslim sa buong mundo na


tunguhin ang pagkaka-isa

a. alamin
b. isaisip
c. puntahan
d. panalangin
5. Bakit kaya mahalaga ang pagdiriwang ng Eid-ul-Fitr at Ramadan
para
sa mga Muslim? Mahalaga ang mga ito para sa mga Muslim dahil ito ay
.
a. ginagawa sa mosque
b. paggunita ng rebelasyon ng Koran
c. masayang pagdiriwang para sa kanila
d. kaugalian at tradisyon ng mga tagasunod ng Islam

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?


Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. kahulugan ng Islam
b. pinagmulan ng mga Muslim
c. mga paniniwala ng mga Muslim
d. pinanggalingan ng paniniwala ng Islam

7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe nito?
a. Nagbigay ito ng maraming halimbawa.
b. Nakasaad dito ang sanhi at bunga ng paksa.
c. Tinalakay nito ang suliranin at solusyon sa seleksyon.
d. Malinaw ang pagkapaliwanag at paglalarawan ng paksa.
Grade 5 Filipino Teachers Copy
Post test
SET A

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Bakit nga ba bumabaha? Ano ang sanhi nito?

Pagtakda ng Layunin:
Alamin natin sa seleksyon.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating seleksyon ay “Iligtas ang Kapaligiran”.

Basahin ang kuwento.

Dumaan ng habagat sa Luzon. Nagdulot ito ng pinsala sa tao.


Maraming lugar sa Maynila, Pampanga, Quezon, at Aurora ang lumubog
sa baha. Nagmistulang malaking karagatan ang mga ito. Lumutang din at
natangay ng baha ang tambak na basura. Malaking halaga ang nawala sa
libo-libong mamamayan. Maraming pananim ang nasira sanhi ng malakas
at patuloy na pag-ulan. Marami ring buhay ang nakitil. Nasira ang mga
bahay, tulay, at malalaking gusali. Isang dahilan nito ay ang pagguho ng
lupa o landslide.

Maiiwasan sana ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan kung


isasagawa ng mga tao ang programa ng Kagawaran ng Pangangalaga sa
Kapaligiran at Likas na Yaman. Ang muling pagtatanim ng puno sa gubat o
reforestation sa mga nakalbong kabundukan ay makatutulong sa pag-
iwas ng pagguho ng lupa.

Malaki ang magagawa nating mga kabataan. Iwasan natin ang paggamit
ng mga plastik at ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.Mag-umpisa
tayong maglinis ng paligid at magtanim ng mga puno sa mga bakanteng
lupa ng ating bakuran. Gawin itong luntian upang maging maganda ang
kapaligiran.

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 172
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang sanhi ng paglubog ang mga bahay at pananim?


a. Natumba ang mga puno.
b. Malakas ang hanging habagat.
c. Dumaan ang habagat sa maraming lugar.
d. Nagmistulang dagat ang maraming lugar.

2. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pangungusap sa kahon?

Nagmistulang malaking karagatan ang maraming lugar.

a. Maraming lugar ang lumubog sa karagatan.


b. Naging bahagi ng karagatan ang maraming lugar.
c. Malapit sa malawak na karagatan ang lugar na nabanggit.
d. Maihahambing sa karagatan ang nangyari sa maraming lugar.

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakitil sa binasang seleksyon?


a. naalanganin
b. nagkasakit
c. nagulo
d. nawala

4. Ano kaya ang sanhi ng pagguho ng lupa?


a. Walang bakod ang mga lupain.
b. Maraming mga puno ang pinuputol.
c. Kulang sa paghahanda ang mga tao.
d. Hindi agad nasabi ang pagdating ng habagat.

5. Bakit kailangang alagaan ang kapaligiran? Kailangang alagaan


ang kapaligiran upang .
a. maiwasan ang habagat
b. maiwasan ang pagbabaha
c. makatulong sa komunidad
d. maitayo ang nasirang mga bahay
6. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. sanhi ng habagat
b. mga tinamaan ng habagat
c. pangangalaga sa habagat
d. habagat at ang mga dulot nito

7. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?


a. Tinalakay ang bunga at solusyon ng paksa.
b. Ibinigay ang mga problema tungkol sa paksa.
c. Inilahad ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
d. Gumamit ng maraming halimbawa sa buong seleksyon.
Grade 5 Filipino Teachers Copy
Post test
SET B

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Ano-ano ang basurang itinatapon natin?

Pagtakda ng Layunin:
Alamin sa babasahin kung may magagawa nga ba tayo sa mga basura.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating seleksyon ay “May Magagawa ba sa Isang
Tambak na Basura?”.

Basahin ang seleskyon.

May napapansin ka bang pagbabago sa inyong lugar? Ang dating


malinis at malinaw na ilog, marumi na ba ngayon? Ang maayos na mga
daan, naging tambakan na ba ng basura?

Sino ang may sala sa mga pagbabagong ito sa ating kapaligitan?


Huwag na tayong magsisihan at magturuan. Magtulungan nalang tayo upang
hindi lumala ang sitwasyon. Hindi pa huli ang lahat.

Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Ang


basurang nabubulok ay maaaring pampataba ng lupa na pagtataniman
ng mga halaman. Pumili ng isang lugar at humukay ng pagtatapunan ng
basurang nabubulok tulad ng balat ng prutas at tuyong dahon.

Muling magagamit ang ibang basurang di-nabubulok tulad ng


mga basyo ng lata, plastic, o bote. Maaaring gawing alkansya o plorera ang
mga basyo ng lata. Ang mga sirang bombilya naman ay nagagawang
palamuti. Ito ang pagreresaykel o ang paghahanap ng maaari pang gamit ng
ating mga itinatapon.

Malaki ang matutulong natin sa pagpapanatili ng kalinisan at


kaayusan sa ganitiong paraan. Bukod dito, kikita pa tayo dahil, “may pera
sa basura”.

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 169
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang magagawa sa mga basurang di-nabubulok upang maging


kapaki-pakinabang? Maaring ang mga
basurang di-nabubulok.
a. itago sa kahon
b. ilagay sa hukay
c. gawing pataba
d. gawing pandekorasyon

2. Bakit kailangang ibukod ang mga basurang nabubulok sa mga basurang


di nabubulok?
a. May paggagamitan ang mga basurang ito.
b. Matagal mabulok ang basura sa paraang ito.
c. Maiiwasan ang masamang amoy kapag ginawa ito.
d. Makagagawa ng pataba sa di-nabubulok na basura.

3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng may sala sa pangungusap sa


kahon?

Sino ang may sala sa hindi magandang pagbabago sa ating


kapaligiran?

a. sumali
b. nagsimula
c. sumuporta
d. may kagagawan

4. Ano ang ibig sabihin ng “may pera sa basura”?


a. Maaaring makakuha ng pera sa basura.
b. Magkakapera kapag pinaghiwalay ang basura.
c. Maaaring pagkakitaan ng pera ang mga basura.
d. Makapagtitipid kapag alam ang pagtapon sa basura.
5. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. sanhi ng pagbabago
b. bunga ng maraming basura
c. maaaring gawin sa mga basura
d. pakinabang sa nabubulok na basura

6. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?


a. Tinalakay ang mga sanhi ng pagtambak ng basura.
b. Maingat na inilarawan ang kalagayan ng kapaligiran.
c. Isinalaysay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
d. Malinaw na isinaad ang suliranin at solusyon sa
seleksyon.

7. Alin kaya sa sumusunod ang HINDI magiging bunga kapag tayo ay


nagresaykel?
a. Magkakaroon tayo ng pagkakakitaan.
b. Mababawasan ang suliranin sa basura.
c. Lilinis at gaganda ang ating
kapaligiran.
d. Maaaring patuloy na dumami ang basura.
Grade 5 Filipino Teachers Copy
Post test
SET C
Pagganyak:
Sino ang kilala mong tumulong sa pag-unlad ng ating kultura? Ano
ang kanilang ginawa?

Pagtakda ng Layunin:
Alamin sa selksyon kung sino pa ang ibang taong may kinalaman sa
mayaman nating kultura.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating sanaysay ay “Pagpapa-unlad ng Kultura”.

Basahin ang sanaysay.

Ang pagpapaunlad ng kultura ay yumabong nang lumaya ang bansa.


Maraming mga tao ang nakapagpasigla ng ating kultura sa larangan ng
pelikula, paglilok, literatura, at arkitektura.

Si Manuel Urbano ay kilala bilang Manuel Conde. Bagamat nagtapos


siya ng pagiging inhinyero sa Pamantasan ng Adamson, pag-aartista
at paggawa ng pelikula ang tinahak niyang landas. Pinakasikat sa mga
pelikula niya ang “Genghis Khan.”

Si Alejandro Abadilla ay nakilalang tagapagtaguyod ng malayang


taludturan sa pagsulat ng tula. Binago niya ang makalumang pagsulat
nito na kailangang may sukat at ritmo. Sa tula niyang “Ako ang
Daigdig” ay napatunayan na masining din ang tulang walang sukat at
ritmo.

Si Guillermo Tolentino naman ay Pilipinong kilala sa larangan ng


paglilok. Kabilang sa kanyang mg likhang-sining ang monumento ni Bonifacio
na matatagpuan sa Lungsod ng Caloocan at Maynila at ang “Oblation” sa
Unibersidad ng Pilipinas. Nagpapaalala ang mga ito na puno ng pag-asa ang
buhay at ng pagmamahal sa kalayaan. Nagpapahiwatig din ito na malulutas
ang suliranin at matutupad ang mga mithiin kung hihilingin ito sa
Poong Maykapal.

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 171
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang sanhi ng pag-unlad ng kulturang Piilpino?


a. Naghanap ang mga Piipino ng ibang uri ng sining.
b. Nagsawa ang mga makata sa ritmo at sukat ng mga tula.
c. Lumaya ang ating bansa kaya’t umunlad ang ating kultura.
d. Nagkaloob ang pamahalaan ng gantimpala sa magpapasigla ng ating
kultura.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?


a. Higit na nakilala si Urbano kaysa kay Manuel Conde
b. Ang “Oblation” ay likhang-sining sa larangan ng paglililok.
c. HIgit na naakit si Conde sa paggawa ng pelikula at pag-aartista.
d. Ang mga likhang-sining ni Tolentino ay may dalang mga mensahe.

3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng yumabong sa pangungusap sa


kahon?

Ang pagpapaunlad ng kultura ay yumabong nang lumaya ang bansa.

a. naging malalim
b. naging maunlad
c. nanatiling masigla
d. nanatiling tradisyonal

4. Ano ang kasingkahulugan ng tinahak niyang landas sa pangungusap sa


kahon?

Bagamat pagiging ininyero inhinyero ang natapos niya, pag-


aartista at paggawa ng pelikula ang tinahak niyang landas.

a. sinunod niyang bilin


b. larangan na napili niya
c. pinayo sa kanyang piliin
d. pinagpilian niyang gawin
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi umunlad ang kultura natin
dati?
a. Kulang ng kaalaman kung paano mapapayabong ang sining.
b. Masaya na ang mga tao sa pagbabago sa gawaing-sining noon.
c. Kulang sa pagpapahalaga at laya sa pagpapaunlad ng gawang-sining.
d. Walang paghahanda sa mga tao na tanggapin ang makabagong sining.

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?


Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. mga kilalang tao sa larangan ng sining
b. mga sanhi ng pagyabong ng ating kultura
c. mga halimbawa ng pagyabong ng ating kultura
d. hirap na dinaanan sa pagpapa-unlad ng ating kultura

7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe
nito?
a. Makulay na pananalita ang ginamit.
b. Maraming tauhan at tagpuan sa seleksyon.
c. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng paksa.
d. Mahusay ang pagbibigay ng mga halimbawa.
Grade 5 Filipino Teachers Copy
Post test
SET D

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Ano-ano ang ipinagdiriwang ninyo sa inyong relihiyon?

Pagtakda ng Layunin:
Alamin sa sanaysay kung ano naman ang ipinagdiriwang ng mga Muslim.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating sanaysay ay “Eid-ul-Fitr”.

Basahin ang sanaysay.

Islam ang relihiyon ng mga Muslim. Hango sa mga salitang “pagsuko


sa Diyos” ang Islam. Itinuturing nila na sumuko sila sa kapangyarihan
ng Diyos. Si Allah ang kinikilala nilang panginoon. Ang banal na aklat ng
Koran ang gabay nila sa pamumuhay. Ginugunita nila sa Koran ang
rebelasyon kay Mohammed na isang propeta ng Islam.

Isang pagdiriwang ng mga Muslim ang Eid-ul-Fitr na isang


uri ng pagpapahayag ng pasasalamat. Ang Eid ay isang salitang Arabo na
nangangahulugang pagdiriwang samantalang ang Fitr naman ay may
pakahulugang wakas ng pag-aayuno. Kaya’t ang Eid-ul-Fitr ang tanda ng
wakas ng halos isang buwang pag-aayuno nila sa panahon ng Ramadan.

Nagsisimula ang Eid-ul-Fitr sa paggising sa mga Muslim gamit


ang malalakas na tambol. Nagbibihis sila ng magagarang kasuotan.
Nagsusuot ng mahabang belo sa mukha ang mga babaeng Muslim. Tinutungo
nila ang mosque upang doon manalangin. Habang nagdarasal ay sinasambit
nila ang “Allahu Akbar” na may kahulugang “Dakila si Allah”. Sa pagdiriwang
na ito ay samasama ang mga Muslim sa buong mundo na tunguhin ang
pagkaka-isa.

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 169
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang Eid-ul-Fitr? Ang Eid-ul-Fitr ay isang uri ng pagdiriwang ng


.
a. pagsuko ng mga Muslim
b. pag-aayuno ng mga Muslim
c. pagsasalamat ng mga Muslim
d. pagkakapatiran ng mga Muslim

2. Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?


a. Masayang idinaraos ang Ramadan.
b. Unang nagaganap ang Eid-ul-Fitr sa Ramadan.
c. Tanda ng wakas ng pag-aayuno ang Ramadan.
d. Masayang pagdiriwang ang Eid-ul-Fitr para sa Muslim.

3. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng hango sa pangungusap sa


kahon?

Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos” ang Islam.

a. hiniram
b. nagmula
c. nag-ugat
d. nanggaling

4. Ano ang ibig sabihin ng “tunguhin” sa sa pangungusap sa kahon?

Sa pagdiriwang na ito ay samasama ang mga Muslim sa buong mundo


na tunguhin ang pagkaka-isa

a. alamin
b. isaisip
c. puntahan
d. panalangin
5. Bakit kaya mahalaga ang pagdiriwang ng Eid-ul-Fitr at Ramadan para
sa mga Muslim? Mahalaga ang mga ito para sa mga Muslim dahil ito ay
.
a. ginagawa sa mosque
b. paggunita ng rebelasyon ng Koran
c. masayang pagdiriwang para sa kanila
d. kaugalian at tradisyon ng mga tagasunod ng Islam

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?


Tinalakay sa seleksyon ang
.
a. kahulugan ng Islam
b. pinagmulan ng mga Muslim
c. mga paniniwala ng mga Muslim
d. pinanggalingan ng paniniwala ng Islam

7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe nito?
a. Nagbigay ito ng maraming halimbawa.
b. Nakasaad dito ang sanhi at bunga ng paksa.
c. Tinalakay nito ang suliranin at solusyon sa seleksyon.
d. Malinaw ang pagkapaliwanag at paglalarawan ng paksa

You might also like