You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 2

Pangalan: _____________________________________ Iskor: ___________

Baitang/Pangkat: _______________________________ Petsa:___________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang batang si Lando ay nakatira sa Barangay Maligaya . Ang salitang may salungguhit ay
A. komunidad B.populasyon C. relihiyon D. wika

2. Paano mo mailalarawan ang komunidad noon?


A. Malalaki ang mga gusali.
B. Maraming tao na ang nainirahan.
C. Malalawak na lupain ang sakop ng mga pabrika.
D. Pagsasaka at paghahayupan ang hanapbuhay ng mga tao.

3. Sino ang higit namakapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa naganap na mga pangyayari sa
komunidad?
A. kaibigan B. kamag-aral C. kapitbahay D. nakatatanda

4. Ano ang kahulugan ng Cabanatuan?


A. ginto B. banga C. bulubundukin D. batuhan

5. Bakit nakilala sa katawagang White Beach ang komunidad ng San isidro?


A. dito naganap ang pagpapalitan ng mga produktong katutubo at Tsino.
B. nakabibighani ang ganda ng maputing dalampasigan nito.
C. ito ang unang naging kabisera ng Mindoro.
D. mga halamang lagundi na tumubo dito.

6. Pag-aralan ang timeline. Ano ang mahihinuha mo mula dito.

1895s 1930s 1980s 2015s


1895s 1930s 1980s 2015s

A.Paulit-ulit lamang ang mga nagaganap


B. May pag-unlad sa larangan ng transportasyon.
C. Pabalik tayo sa pinaka lumang panahon.
D. Patuloy ang tao sa pagtatayo ng makabagong gusali.

7. Patuloy ang pagbabago ng kapaligiran ng ating kinabibilangang komunidad.


Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng halimbawa nito?
A. Pagtatanim lamang ang hanapbuhay ng taong naninirahan dito.
B. Marami ng mga tao ang may sariling sasakyan.
C. Sa itaas ng puno pa naninirahan ang mga tao.
D. Nanatiling lubak-lubak ang mga daan

8. Anong pagbabago ang naganap sa mga ilog?


A. Naging sementado at maluwag na.
B. Tinayuan na ng mga gusali at tanggapan
C. Ginawa ng mga bato na dati ay mga pawid.
D. Tinabunan ng lupa at tinayuan ng mga bahay.

9. Paano mo pinahahalagahan ang mga makasaysayang bantayog, estruktura, lugar at bagay na makikita sa
iyong komunidad? Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga maliban sa isa, alin ito?
A. Gamitin nang maayos.
B. Sulatan ang mga pader nito.
C. Ikuwento at ipagmalaki sa ibang tao.
D. Linisin ang mga makasaysayang bantayog o estruktura

Pag-aralan ang graph sa ibaba


Bilang ng mga Tao sa Komunidad

30

25

20

15

10

0
Mapayapa Matiwasay Maasin Maligaya Maginhawa Makopa

10. Ano ang populasyon?


A. Bilang ng mga prutas sa isang barangay C. Bilang ng mga bato sa isang komunidad
B. bilang ng mga tao na naninirahan sa isang komunidad D. Bilang ng mga sasakyan

11. Tingnan ang graph sa itaas. Anong komunidad ang may pinakamaraming bilang ng populasyon?
A. Mapayapa B. Matiwasay c. Maasin D. Maligaya

12. Alin naming komunidad ang may pinakakaunting bilang ng tao?


A. Mapayapa B. Maligaya C. Maginhawa D. Makopa

13. Ano ang dapat gawin sa mga bagay na nanatili sa ating komunidad?
A. Palitan ng mas maganda C. Pabayaan hanggang masira
B Ingatan, alaagan at ipagmalaki D. Bigyan lang ng pansin kung gagamitin

14. Alin sa sumusunod ang maaaring gawin sa mahahalagang estruktura sa inyong komunidad upang
maipakita ang pagpapahalaga?
A. Ingatan ito B. Panatilihin ang kalinisan C. Gamitin nang maayos D. Lahat ay tama

15. Bakit mahalaga ang dalampasigan ng San Isidro?


A.Dito naliligo ang mga bata noong unang mga taon.
B. Dito unang dumating ang mga Intsik
C. Dito madalas mangisda at maglaba ang mga tao.
D. Dito naganap ang pagpapalitan ng mga produkto ng mga Intsik at mga Tagalog.

16. Ang sumusunod na mga bagay ay hindi nananatili o nagbabago sa isang komunidad maliban sa isa,
alin ito?
A. tulay B. gusali C. pangalan D. mga kagamitan

17. Anyong tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar tulad ng bundok.


A. ilog B. karagatan C. talon D. lawa

18. Ito ay mataas na anyong lupa na may butas sa tuktok.


A. talampas B. lambak C. bulkan D. burol

19. Anong anyong lupa ang matatagpuan sa ating komunidad?


A. lambak B. talampas C. kapatagan D. Kabundukan

20. Anong anyong tubig ang matatagpuan ditto sa ating komunidad?


A. ilog B. sapa C. bukal D. Talon

21. Ito ay ipinagdiriwang batay sa relihiyon.


A. pansibiko B. panrelihiyon C. Pasko D. tradisyon

22. Ang mga sumusunod ay pagdiriwang na pansibiko, maliban sa isa.


A. Araw ng kagitingan B. Araw ng Manggagawa C. Mahal na Araw D. Araw ng mga Bayani

23. Sinong bayani ang inaalala tuwing ika-30 ng Nobyembre.


A. Macario Sakay B. Andres Bonifacio C. Emilio Jacinto D. Hen. Pio Del Pilar
24. Ito ang araw ng Kalayaan. Ang araw na ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng mga
Pilipino laban mga Kastila. Kailan ito ipinagdiriwang?
A. Abril 9 C. Disyembre 30
B. Hunyo 12 D. Nobyembre 30

25. Aling pagdiriwang ang sinasalubong nang maingay at masigla.


A. Pasko B. Ati-atihan C. Bagong Taon D. Mahal na Araw

26. Alin sa mga sumusunod ang pagdiriwang na pangrelihiyon ng mga Muslim.


a. Mahal na araw b. Ati-atihan c. Santakrusan d. Ramadan

27. Alin sa mga sumusunod ang mahilig sa makukulay na palamuti sa katawan?


A. Ilokano B. Waray C. Ti Boli D. Badjao

28. Ang Lungsod ng Gapan ay kilala sa paggawa ng tsinelas. Ano naman ang produkto ng Lungsod ng
Cabantuan?
A. kending makapuno B. marmol C. langgonisa D.langis

29. Marami sa mga komunidad ang malapit sa tabing dagat. Alin sa mga sumusunod na
estruktura ang nakatutulong sa pag-unlad nito?
A. bahay B. beaches C. rebulto D. tindahan

30. Kung may piyesta sa isang barangay, ano ang ginagawa ng mga tao?
A. nagpapayabangan B. nagsisiraan C. nag-aaway D. nagkakaisa
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 2

Bilang ng
Antas ng Kinalalagyang
Kompitensi Daming
Pagtataya Aytem
Aytem
1. Nailalarawan ang kapaligiran at katangiang
Kaalaman 1 1
pisikal ng sariling komunidad
2. Naiisa-isa ang mga anyong lupa at anyong
tubig na matatagpuan sa sariling Kaalaman 3 2,3,4
komunidad
3. Natutukoy ang iba’t-ibang pagdiriwang ng Kaalaman 6 5,7-9, 11, 20
komunidad
4. Nakagagawa ng timeline o graphic
organizer na nagpapakita ng pinagmulan at Proseso 1 6
pagbabago ng sariling komunidad
5. Natutukoy ang mga pananda sa mapa na
sumisimbolo sa anyong lupa at anyong Pag-unawa 7 10, 12-17
tubig
6. Natutukoy ang uri ng panahon sa sariling
Kaalaman 1 18
komunidad.
7. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng
kinabibilangang komunidad sa malikhaing Pag-unawa 1 19
paraan.
8. Natutukoy ang iba-ibang anyong lupa at
Kaalaman 10 21-30
anyong tubig.
Kabuuan 30

To compute for the number of items per level of Assessment:


Knowledge 15% / 70 x 30 = no. of items
Process 25% / 70 x 30 = no. of items
Understanding 30% / 70 x 30 = no. of items
File Submitted by DepEd Club Member
-visit depedclub.com for more
Credit to the author of this file

You might also like