You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 3

Basahin ang bawat talata, bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Piliin ang titik ng iyong
sagot.
1. Matapat na bata si Evelyn. Minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan niya. Mabuti na
lang at kilala niya kung sino ang may-ari nito. Ano kaya ang gagawin niya?
A. Isasauli sa may-ari ang pitaka.
B. Itatago ang pitaka sa kaniyang kuwarto.
C. Kukuha ng pera sa pitaka at itatapon niya sa kalsada.
D. Hindi niya ito papansinin.

2. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya. Palagi siyang pinasasalubungan ng tsokolate ng kaniyang


Tatay tuwing galing siya sa trabaho. Ngunit, sinasabihan naman siya na huwag marami ang kaniyang
kakainin. Minsan, pagkatapos maghapunan dumating ang kaniyang Tatay na may dalang maraming
tsokolate. Dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito. Ano kaya ang puwedeng mangyari sa
kaniya?
A. Masaya si Aliya.
B. Mahimbing ang kaniyang tulog.
C. Di-nakatulog at iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
D. Sasakit ang ulo niya.

3. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Kc at Kia. Agad silang kumuha ng walis
tingting at nagwalis sa kanilang bakuran. Ano kaya ang mangyayari?
A. Nagalit ang kanilang ina.
B. Pinaalis sila ng kanilang ina.
C. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.
D. Paparysahan sila ng kanilang ina.

4. Nagluluto si Nanay ng adobong manok sa kusina. Napansin niyang kulang pala ang kaniyang
sangkap sa pagluluto. Tinawag niya si Arnel upang bumili ng toyo at paminta. Papunta na ng
tindahan si Arnel nang bigla siyang tinawag ng kaniyang kaibigan upang maglaro ng bisikleta.
Masayang naglalaro si Arnel ng bisikleta.
A. Masaya ang kaniyang inay dahil hindi nakabili si Arnel.
B. Nagluto si Inay ng adobo kahit kulang ang sangkap.
C. Nakalimutan na niya ang inutos nito. Pag-uwi niya pinagalitan siya ng kaniyang inay.
D. Natuwa ang kanyang ina sa kanyang ginawa.

5. Biyernes ng gabi, naglalaro si Alexis ng Mobile Legends. Nakalimutan na niyang kumain dahil sa
nasisiyahan na siya sa paglalaro hanggang sa siya ay nakatulog.
A. Masaya siya dahil hindi siya nakakain kagabi.
B. Pinagalitan siya ng kaniyang inay.
C. Kinaumagahan ay biglang sumakit ang kaniyang tiyan.
D. Kinaumagahan ay naglaro ulit siya.

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong pagkatapis. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Tsokolate, Oh tsokolate!
Sinulat ni: Ellainee C. Bagaslao

Sadyang napaka sarap kumain ng tsokolate


Hugis puso at bilog ang paborito ni Ate
Matamis at malambot nakakaalis ng lungkot.
Sabi ng iba, masama daw ang dulot ng tsokolate sa katawan
Nakakasira ng ngipin at nakakadagdag bigat sa tiyan
Sagot ko naman, aba! may benepisyo din ito sa ating kalusugan.
Anti-oxidants ang pinakamahalagang katangian ng tsokolate
Nakakaalis ng kulubot sa mukha at nagbibigay ng makinis na kutis
Tsokolate, oh tsokolate ang sarap mo, grabe!
Ngunit mga kaibigan lagi nating tatandaan
Limitahan ang pagpasok ng tsokolate sa ating katawan
Dahil ang sobrang pagkain nito ay mauuwi lamang sa ibat-ibang karamdaman.
Nakapagpapasaya at nakababawas ito ng stress
Lalong-lalo na at ang panahon ngayon ay nakaka-istres
Nakakatalino din ito dahil ginagawa nitong alerto ang utak mo.
6. Anong pagkain ang binanggit sa tula?
A Kendi B. Tsokolate C. Tinapay D. Prutas

7. Anong mahalagang kaalaman ang napulot mo sa tula?


A. Nalaman ko na marami pala ang may gusto ng tsokolate.
B. Nalaman ko na masarap pala kumain ng tsokolate.
C. Nalaman ko na hindi lang masama ang hatid ng tsokolate sa katawan kundi
marami pala itong benepisyong dulot.
D. Nalaman kong hindi dapat kumain ng tsokolate

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
8. Hanapin ang salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap.
Ang aming barangay ay sagana sa prutas, gulay at marami ring mga alagang hayop.
A. amin-mga B. hayop-gulay C. sagana-marami D. sagan-alaga

9. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


Uminom ng mainit na tubig ang matanda.
A. maliit B. magulo C. malamig D. masarap

10. Ano ang tamang panlapi upang makabuo ng bagong salita. . ____ulan ng malakas kahapon.
A. nag B. in C. mag D. um

11. Alin sa sumusunod na mga salita ang salitang-ugat ng masasalo?


A. masas B. asas C. salo D. masa

12. Anong magalang na pananalita ang angkop na sitwasyon na nasa larawan?


A. Magandang gabi po. C. Mano po lola.
B. Makikiraan po. D. Maraming Salamat po

13. Ano ang maaaring maging tugon sa mga magagalang na pananalita na ibinigay sa usapan?
A. Magandang gabi po.
B. Makikiraan po.
C. Mano po lola.
D. Maraming Salamat po

14. Alin sa sumusunod ang pares ng salitang magkatugma?


A. duyan-kaway B. kalabaw-sungay C. papel-lapis D. langit-sungit

15. Alin ang salitang katugma ng hari?


A. pari B. kabibe C. sawi D. sabi

16. Anong salita ang may kahulugang mga bagay o utos na iniwan upang gawin o sundin.
A. payo B. gawain C. bilin D. salin

17. Bigyang kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa tula.
Malinis na tubig ang iyong makikita
Asul ang kulay na lubhang kay ganda.
Samyo ng hanging sariwa
Walang amoy ng basura.

A. Asul ang kulay B. Samyo ng hanging. C. hanging sariwa D. Walang amoy

18. Ang _________ ay lipon ng mga pangungusap na pinaunlad upang maipahayag ang iisang
kaisipan.
A. parirala B. pangungusap C. talata D. tula

19. Marami tayong hinahawakang maruming bagay? Tama ba ang bantas na ginamit sa
pangungusap?
A. Oo, dahil ang pangungusap ay nagtatanong.
B. Oo dahil kahit anong bantas ay pwedeng gamitin.
C, Hindi, dahil ang pangungusap ay nag-uutos.
D. Hindi dahil tuldok ang dapat gamitin sa pangungusap.
20. Alin sa sumusunod ang HINDI wasto sa pagsulat ng isang talata.
A. Ang unang pangungusap ay dapat nakapasok.
B. Ang mga salita ay wasto ang baybay.
C. Ang simula ng pangungusap ay nagsisismula sa maliit na titk.
D. Gumamit ng wastong bantas sa katapusan ng bawat pangungusap.
Basahin ang talata.
Magpinsan sina gina at fe. Nagkita ang dalawa at nagkumustahan. Pinag-usapan nila ang
kasalukuyang sitwasyon ng pag-aaral. Noong una, silay ay nahirapan sa pagbabago.
Subalit kalaunan, nasanay na rin sila sa bagong sistema ng edukasyon.

21. Alin sa mga dapat tandaan sa wastong pagsulat ng talata ang hindi nasunod ng talatang iyong
binasa?
A. Ang unang pangungusap ay dapat nakapasok.
B. Ang mga salita ay wasto ang baybay.
C. Ang simula ng pangungusap ay nagsisismula sa malaking titk.
D. Gumamit ng wastong bantas sa katapusan ng bawat pangungusap.
22. Bukod sa simula ng pangungusap, alin pa ang dapat nagsisimula sa malaking titik?
A. gina at fe B. sila C. sistema D. edukasyon
23. Gawing katanungan ang salaysay.
Idineklara ng mayor ang Enhanced Community Quarantine sa buong lungsod.
A. Sino ang nagdiklara ng Enhanced Community Quaratine sa buong lungsod?
B. Paano kumalat ang nakahahawa at nakamamatay na bayrus?
C. Bakit hindi makalabas ang mga bata at matatanda sa buong lungsod?
D. Saan nagdiklara ng Enhanced Community Quaratine?
24. Bumuo ng tanong batay sa nasa larawan.
A. Paano tumutulong si Emil sa mga gawain sa silid-aralan?
B. Ano ang gagawin mo upang hindi makagawa ng ingay sa silid?
C. Saan dapat gawin ang takdang aralin?
D. Sino ang nagtuturo ng leksiyon?

Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang isang katanungan.
25. __________ ang pangalan ng bata sa teksto?
A. Ano B. Sino C. Saan D. Kailan
26. __________ pumunta ang mag-ama?
A. Ano B. Sino C. Saan D. Kailan
27. __________ ang nakipagpalitan ng paninda sa tatay ni Lita?
A. Ano B. Sino C. Saan D. Kailan
28. Umakyat kami sa matayog na bundok. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng
_________.
A. pandiwa B. pangngalan C. pang-uri D. panghalip
29. Anong salita ang ginamit sa paglalarawan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Ang
malawak na hardin ay laging malinis.
A. Ang B. malawak C. lagi D. ay
30. Aling salita ang maaaring gamitin upang ilarawan ang bagay?
A. malapit B. maamo C. matalino D. manipis
Isulat ang Opo kung ang mga sumusunod na pangyayari ay naoobserbahan sa pamayanan
ngayong panahon ng pandemya at Hindi po naman kung hindi.
31. Naglalaro ang mga bata sa kalsada.
32. Nagsusuot ng face mask kung lumalabas ng bahay.
33. Palagiang naghuhugas ng kamay.
34. Pwedeng lumabas ang mga bata kahit hatingggabi.
35. Nakikinig ako sa guro sa aming online class.

Basahin ang sumusunod na pahayag. Iguhit ang kung ito ay may pagkakatulad at kung
ito ay may pagkakaiba.
36. Mga atleta sina Glen at Mar. Magaling sa larong basketbol si Glen samantalang sa
sipa naman si Mar.
37. Matulin kung tumakbo ang mga kabayo gayundin ang mga kuneho.
38. Bibong bata si Jen at tahimik naman si Len.

Isulat ang tamang baybay ng salitang ididikta ng guro.


39. __________________ 40. __________________

You might also like