You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SCIENCE 3

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Naramdaman mong mainit habang naglalaro ka sa labas ng inyong bahay. Anong ang nakatulong sa iyo
upang maramdaman mo ito?
A. ilong B. mat C. balat D. tainga

2. Anong pandama ang ginagamit mo upang malaman ang lasa ng pagkain at matukoy kung ito ay maalat,
matamis, maasim o mapait?
A. mata B. ilong C. dila D. tainga

3. Anong pandama ang angkop gamitin upang marinig natin ang sinasabi ng ating kausap?
A. mata B. ilong C. dila D. tainga

4. Kung nais mong malaman ang tekstura ng bato. Anong pandama ang gagamitin mo?
A. dila B. balat C. tainga D. ilong

5. Ano ang nararapat gawin upang mapangalagaan ang ating limang pandama?
A. Kumain ng di-masusustansyang pagkain.
B. Wag linisin ang mga ito.
C. Magpakonsulta sa doctor kung may nararamdamang hindi maganda sa mga
pandama.
D. Balewalain kung may nararamdamang hindi maganda sa mga pandama.

6. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng wastong pangangalaga sa ating mga pandama?
A. Kumain ng pagkain mayaman sa Bitamina A upang luminaw ang mata.
B. Iwasan ang pagbibilad ng sobra sa ilalim ng sikat ng araw.
C. Ang mata ay laging kusutin upang luminaw ang paningin.
D. Gumamit ng malinis na tuwalya sa paglilinis ng mga ito.

7. Aling pangkat ng mga hayop ang karaniwang nakikita sa ating paligid?

A. C.

B. D.

8. Saan matatagpuan ang hayop na nasa larawan?

A. Tahanan B. Zoo C. Bukirin D. Karagatan

9. Aling pangkat ng mga hayop ang magkakatulad ang bahagi ng katawan?


A. C.

B. D.

10. Alin sa sumusunod na mga hayop ang may pakpak at dalawang paa?
A. B. C. D.

11. Ano ang mayroon sa mga ibon, paruparo, at lamok upang makalipad?
A. antena B. paa C. pakpak D. mata

12. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit ng cobra upang makakuha ng pagkain?
A. Nililingkis muna hanggang isusubo ng buo.
B. Tutuklawin muna hanggang malason at isusubo ng buo
C. Didilaan at pipirasuhin ng matatalas na ngipin
D. Sasakmalin at sisipsipin ang dugo

13. Ang ____ ay ginagamit ng mga hayop laban sa pabago-bagong panahon at sa mga
hayop na gustong kumain sa kanila.
A. tukaB. panakip balat C. bulaklak D. sungay

14. Aling pangkat ng mga hayop ang kumakain lamang ng halaman?

A. C.

B. D.

15. Ano ang bagay na naibibigay ng hayop na nasa larawan?.


A. itlog B. gatas C. damit D. karne

16. Aling pangkat ng hayop ang nagbibigay sa atin ng itlog?


A. bubuyog, paru-paro, palaka C. isda, pating, balyena
B. bibe, pugo, manok D. baka, kambing, kabayo

17. Anong gawin ng bahagi ng halaman na nasa larawan?


A. Dinadala nito ang mga tubig at mineral sa iba’t ibang bahagi ng halaman.
B. Ito ang gumagawa ng pagkain para sa halaman.
C. Sumisipsip ng tubig at sustansya mula sa lupa.
D. Malamang bahagi ng halaman na nagtataglay ng binhi o buto.

18. Anong bahagi ng halaman ang gumagawa ng pagkain ng halaman?


A. sanga B. dahon C. bulaklak D. bunga

19. Ano ang kahalagahan ng mga halaman sa larawan


A. materyales sa paggawa ng tirahan
B. pandekorasyon sa tahanan
C. pagkain ng mga tao
D. Gamot sa mga may sakit
20. Ang sumusunod ay kahalagahan ng halaman, MALIBAN sa isa, alin ito?
A. Materyales sa paggawa ng kasuotan C. Gamot sa mga may sakit
B. Tirahan ng mga hayop D. Nagbibigay ng itlog at gatas
21. Alin ang halimbawa ng bagay na may buhay?
A. B. C. D.

22. Alin ang halimbawa ng bagay na walang buhay?


A. B. C. D.

23. Alin sa mga pahayag ang TAMANG paghahalintulad ng mga bagay na may buhay at walangbuhay?
A. Parehong lumalaki ang mga bagay na may buhay at walang buhay.
B. Parehong walang buhay ang mga bagay na may buhay at walang buhay.
C. Ang may buhay ay lumalaki samantalang ang may buhay ay hindi.
D. Ang mga may buhay ay lumalaki, samantalangang walang buhay ay hindi.
24. Aling pares ang magkatulad ang uri o panlabas na katangian ng anak ng hayop sa ina nito.
A. B. C. D.

Pag-aralan ang dalawang pamilyang nasa ibaba.

Ricardo Pamilya 1 Pamilya 2


25. Kaninong pamilya kaya si Ricardo nabibilang? Bakit?
A. Pamilya 1, dahil siya ay kamukha ng tatay.
B. Pamilya 1, dahil ang kanyang buhok ay tuwid katulad ng iba pang kasapi ng
pamilya.
C. Pamilya 2, dahil siya ay kamukha ng kapatid niya.
D. Pamilya 2, dahil ang buhok niya ay hindi kulot na maaaring namana niya sa
kanyang lolo at lola
26. Karamihan sa mga katangian na ipinamana ng ating mga magulang ay pisikal na makikita. Ang halimbawa
nito ay:
A. Pagsagot sa Math problems, pagguhit, pagpipinta at pag-awit
B. Madaling makibagay
C Pangangatawan, kulay ng mata, at kinis o gaspang ng balat
D. Pagiging matalino sa klase
27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing pazngangailangan ng halaman?
A. Tamang uri ng lupa C. Tamang sikat ng araw.
B. Tamang dami ng tubig D. Tamang dami ng pataba
28. Alin ang pangunahing pangangailangan ng mga tao?
A. sikat ng araw C. tamang dami ng tubig
B. tamang uri ng lupa D. hangin, pagkain at tubig
29. Bakit kailangan ng tubig ng mga hayop?
A. Kailangan nila ng tubig para mabuhay.
B. Kailangan nila ng tubig para maglaro.
C. Kailangan nila ng tubig para gumawa ng bagong pagkain
D. Wala sa na banggit.
30. Bakit kailangan ng mga tao ang hangin?
A. Para magng mataba. C. Para makahinga.
B. Para makalipad. D. Lahat ng nabanggit
31. Ano ang maaring mangyari kung kaunti ang pinagkukunan ng pagkain at mas marami ang bilang ng mga
hayop sa isang tirahan?
A. Malulusog ang mga hayop.
B. Maraming hayop ang mananatili sa kanilang tirahan.
C. Mag-aaway ang mga hayop para sa kanilang pagkain.
D. Mas dadami pa ang bilang ng mga hayop.
32. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating kalikasan?
_______________________________________________________________________________________
Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na pahayag.
33. Kailangan ng tao ang kapaligiran upang mabuhay.
34. Hindi mabubuhay ang tao kung walang pagkain, tubig, tirahan, kasuotan, hangin.
35. Kayang mabuhay ng mga hayop kahit walang tubig.
36. Ang halaman ang gumagawa ng sarili niyang pagkain.

IIguhit ang masayang mukha ( ) kung ang sumusunod na gawain ay nakakabuti sa kapaligiran at
malungkot na mukha ( ) naman kung nakasasama sa kapaligiran.
37. Pagtatapon ng basura 38. Pagputol sa mga puno
39. Maglaan ng tamang lalagyan ng basura 40. Magtanim ng mga puno

You might also like