You are on page 1of 4

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT

sa ESP 3
Pangaran: ___________________________________ Grado: ________ Iskor: __________

I. A. Pag-aralan ang bawat pangungusap. Iguhit ang bituin kung tama ang sinasabi at
triangulo naman kung ito ay mali.

_________1. Bawat bata ay may kakayahan na dapat paunlarin.


_________2. Ang pagsunod sa mga alituntunuin ng mga matatanda ay nagpapakita ng masamang pag-
uugali.
_________3. Ang pagkain ng mga masustansiyang pagkain ay magandang gawain.
_________4. Sinuntok ni Allan ang kuya niya dahil napagsabihan siya nito sa maling ginawa niya.
_________5. Dapat nating tanngapin ang ating pagkakamali.

B. Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung ito ay nangangailangan ng lakas ng loob. Lagyan
ang (√) tsek o (X) ekis ang patlang.
_________6. Sumali sa tanghalan ng mga talento sa paaralan.
_________7. Tumulong sa paglilinis ng inyong bahay.
_________8. Sikaping makasagot sa mga mahihirap na tanong ng guro sa oras ng klase.
_________9. Maglaro kasama ang mga kaibigan.
_________10. Pagsabihan ang ibang bata kung mali ang kanilang ginagawa.

II. Piliin ang titik ng tamang sagot.


11. Nagbigay ng anunsyo si Gng. Peres kung sino ang gustong sumali sa pakontes sa pagguhit. Alam ni
Ruel na magaling siyang magdrowing. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Huwag sumali dahil siguradong may mas magaling sa kanya.
b. Sumali at ipakita sa lahat ang iyong kakayahan sa pagguhit.
c. Magturo sa ibang kaklaseng magaling din sa pagguhit at siya na lang ang sumali dahil ikaw ay
nahihiya.

12. Hiniram mo ang cellphone ng iyong kapatid para maglaro ng online games. Di inaasahang
nabitawan mo ito at nabagsak sa sahig. At ng ito’y iyong pulutin hindi na ito gumagana. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Sabihin agad sa iyong kapatid ang nangyari at humingi agad ng pasensya.
b. Ibalik sa lagayan ang cellphone na parang walang nangyari.
c. Sabihing ninakaw ang cellphone nng iyong kapatid.

13. Kinakabahan si Paul dahil una niyang pagsali sa kontes ng pagkanta.


a. Magkunwaring maysakit para hindi makasali sa kontes.
b. Umatras sa kontes at ibigay ang iyong lugar sa iba.
c. Nakangiting umakyat sa stage at ipakita ang iyong talento sa pagkanta.

14. Nasunog ang bahay nila Emeljo. Paano kaya niya maipapakita ang lakas ng loob?
a. Makinig sa mga anunsyo ng local na pamahalaan para sa pansamantalang lugar na lilipatan.
b. Humingi ng limos sa mga kakilalang tao sa komunidad.
c. Huwag ng papasok sa paaralan dahil ikinahihiya mo ang nangyari.

15. Nanginginig si Alvin bago magsimula ang kontest dahil marami siyang katunggali na magagaling
at matatalino. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Manalangin sa Diyos para malampasan ang kanyang kinakaharap na problema at sana ay
palarin siyang manalo.
b. Umatras sa kontes.
c. Iiyak ka ng malakas sa gilid ng stage.
16. Alin sa tatlong mga bata ang nagpapakita ng kusang loob na paggawa?
a. Kahit walang nakakikita, hinuhugasan ni Bryan ang mga maruruming plato sa lababo.
b. Nagagalit si Roy kapag siya ay inuutusan ng kanyang ina.
c. Nakasimangot si Gina habang naghuhugas ng mga plato.

17. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kusang loob na paggawa?
a. Sumisipol pa si Jan habang nagpupunas ng bintana sa sala.
b. Nakatawa pa si Jonah habang nagpupunas ng sahig sa sala.
c. Padabog na kinuha ni Jenny ang trapo na ipupunas sa plorera.

18. Alin sa mga ginagawa ni Pia ang nagpapakita ng kusang loob?


a. Nakasimangot ang kanyang mukha habang naglalampaso ng sahig.
b. Naglalampaso siya sa sahig habang sumasabay sa modernong togtog.
c. Nagdadabog siya habang naglalampaso ng sahig.

19. Sino sa mga sumusunod ang may magandang ugali sa paggawa ng mga gawain?
a. Si Rene ay nakasimangot habang nagwawalis sa kanilang bakuran.
b. Si Ben ay nagdadabog ng siya ay inutusan ng kanyang kuya ng mga gawain habang wala ang
kanilang magulang.
c. Si Billy maagang gumising para magdilig ng mga halaman sa bakuran.

20. Sino sa mga sumusunod na bata ang may hindi magandang pag-uugali?
a. Si Glen ay maagang gumising tuwing Sabado para magpunas ng mga kagamitan sa bahay.
b. Si Gil ay nagkukusang linisan ang kanilang banyo.
c. Si Gabriel ay tumutulong sa mga gawaing-bahay pero humihingi ng bayad.

21. Sino sa mga sumusunod na bata ang nagpakita ng lakas ng loob?


a. Si Ara na dalawang araw bago ang kontes sa pagkanta ay umatras.
b. Si Jam na umiiyak sa pagsagot ng mga tanong ng guro sa oras ng klase.
c. Si Orly na malinaw at maayos na nabigkas ang sinaulong tula sa harap ng maraming tao.

22. Ano ang dapat gawin kung walang maipabaon na pera ang iyong mga magulang sa araw na ito?
a. Huwag na lang pumasok sa paaralan.
b. Magbaon na lamang ng pagkain sa paaralan para hindi magutom.
c. Magalit saiyong mga magulang.

23. Ano ang dapat mong gawin kung nasira ang bahay ninyo dahil sa malakas na bagyo?
a. Tumulong sa iyong mga magulang depende sa kakayahan mo.
b. Umiyak at magtago na lamang sa kwarto.
c. Hindi na papasok sa paaralan dahil nahihiya ka sa nangyari.

24. Alin ang nagpapakita ng maluwag na pagtanggap sa puna ng iba?


a. Umiyak dahil sa kahihiyan.
b. Pagsigaw sa taong pumuna sayo.
c. Pagsunod sa suhestyon ayon sa puna niya sayo.

25. Sabik na sabik si Jessa sa parti ng kanyang kaklase. Suot niya ang kanyang paboritong bestida pero
ito ay maikli na sa kanya. Napansin ito ng kanyang ina kaya pinagsabihan siyang magpalit ng ibang
damit. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Magdabog na pumasok sa kwarto at magpalit ng komportableng damit.
b. Pumasok agad sa kwarto para magpalit ng komportableng bado at magpasalamat sa ina sa
pagmalasakit.
c. Hindi makikinig sa ina at ipagpapatuloy ang pagsuot ng bestidang maikli.

26. Sino sa mga bata ang may maluwag na pagtanggap sa puna?


a. Si Sacha na sekretong nagtatampo sa ate dahil binilhan ito ng bagong sapotos ng kanyang
ama.
b. Si Pat na sinira ang gamit ng kanyang ate dahil siya ay napuna sa mali niyang ginawa.
c. Si Cora na nagpasalamat sa puna ng kanya ng kanyang kuya sa maling pagbasa niya.

27. Alin ang nagpapakita ng magandang pag-uugali?


a. Maglayas sa bahay.
b. Umalis ng hin di nagpapaalam.
c. Nagpapasalamat sa taong pumuna ayon sa maling nagawa niya.

28. Alin ang nagpapakita ng tamang pag-aalaga ng


ating katawan?
a. Maligo ng apat na beses sa loob ng isang
linggo.
b. Mag-ehersisyo araw-araw.
c. Huwaa matulog sa gabi.

29. Alin ang nagpapakita ng pag-aabuso sa ating katawan?


a. Paglinis ng ating katawan bago matulog.
b. Pagpupuyat.
c. Pagsusuot ng tsinelas palagi.

30. Sino sa mga bata ang nagpapakita ng tamang pangngalaga sa kanilang sarili?
a. Matulog tuwing 10:00 ng gabi araw-araw.
b. Malaking oras ang kinukunsumo ni Dan sa
panonood ng telebisyon.
c. Gabi-gabing umiinom ng gatas si Lyn bago
matulog.

31. Patakaran sa bahay nila Myra na umuwi bago mag-alasais ng hapon. Ano dapat ang kanyang
gagawin?
a. Magtago sa pagpasok sa bahay kung lampas
ng alasais para hindi mahuli.
b. Umuwi agad sa bahay pagkagaling sa
paaralan.
c. Magsinungaling na marami kang ginawang proyekto sa bahay ng iyong kaklase.

32. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga patakaran sa bahay?
a. Si Jessica na nag-aaral ng mabuti.
b. Si Den na iniwan ang kanyang mga gamit sa
sahig.
c. Si Jun na buong araw nagfa-facebook.

33. Ipinagbabawal sa bahay ang paggamit ng tablet kung may pasok sa paaralan. Ano dapat mong
gawin?
a. Pasekreto mong kukunin ang tablet sa lagayan at maglalaro ng mga online games ng patago.
b. Gagamitin ang tablet kung walang nakakita.
c. Susunod sa patakaran at gagamitin lang ang tablet tuwing Sabado at Linggo.

34. Nagbilib si Aling Cea kay Lea na ayusin ang higaan bago pumasok sa paaralan. Ano dapat niyang
gawin?
a. Ayusin ito bago matulog.
b. Tupiin ang mga kumot at ayusin ang unan.
c. Magsinungaling na mahuhuli ka na sa klase kung ito ay aayusin mo pa.

35. Narinig ni Celia na nagbusina na ang trak ng basurero pero patuloy pa rin siyang nakahiga sa
kanyang kama. Ano dapat niyang gawin?
a. Pabayaan lang ito at ipagpatuloy lang ang kanyang pagtulog.
b. Iutos sa iba na ilabas ang basura.
c. Bumangon at ilabas ang mga basura para makolekta ito ng basurero.

36. Ngayon ay naatasang maghugas ng mga plato si Jam pero biglang dumating ang kanyang mga
barkada at yinaya siyang pumunta sa plasa. Ano dapat niyang gawin?
a. Sumama sa kanila at pabayaan ang maruruming plato sa lababo.
b. Pag-uwi niya na lang ito huhugasan.
c. Makikiusap sa mga barkada na antayin siya at maghuhugas muna siya ng mga plato.

37-40. Gumuhit ng mga pamamaraan upang mapanatili ang malusog at malakas na pangangatawan. (4
pts.)

You might also like