You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: ________

Paaralan: ____________________________Petsa: ___________________

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_______1. May kakayahan ka sa pagpinta. Ano ang dapat mong


gawin sa iyong kakayahan?
A. Itatago ko ang aking kakayahan sa pagpinta.
B. Ikahihiya ko ang aking kakayahan sa pagpinta.
C. Ipakikita ko ang aking kakayahan sa pagpinta.
D. Ipagyayabang ko na magaling ako sa
pagpinta.

_______2. Isa ka sa mga sasali sa paligsahan sa pagtula sa inyong


paaralan. Sinabihan ka ng iyong nanay na mag-ensayo, ano ang
dapat mong gawin?
A. Susundin ko si nanay at mag-eensayo.
B. Hindi ko pakikinggan ang sinabi ni nanay.
C. Magdadabog at magagalit ako kay nanay.
D. Uunahin ko muna ang paglalaro bago ang
pag-eensayo.

_______3. Ang mga sumusunod na mga larawan ay nagpapakita


ng pangangalaga sa sarili, MALIBAN sa isa. Alin ito?

A. B. C. D.

_______4. Nakababa ang iyong face mask habang kayo ay


nagkaklase. Sinabihan ka ng iyong guro na isuot nang maayos
ang iyong face mask upang makaiwas sa mga sakit. Ano ang
dapat mong gawin?

A. Hindi ko susundin ang sinabi ng aking guro.


B. Isusuot ko nang maayos ang aking face mask.
C. Magagalit ako dahil naiinitan ako kapag nakasuot
ang face mask.
D. Isusuot ko pero ibababa ko ulit ang aking face mask
kapag hindi ako nakikita ng aking guro.

_______5. Nagpapahinga ang lolo mong may sakit.


Biglang nagsigawan ang mga kalaro mo sa labas ng bahay.
Ano ang dapat mong gawin?

A. Sisigawan ko din sila nang malakas.


B. Lalabas at makikipaglaro ako sa kanila.
C. Hindi ko na lang papansinin ang aking mga kalaro.
D Sasabihan sila nang maayos na huwag mag-ingay.
_______6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagmamalasakit sa tatay o nanay?

A. Nagdadabog kung hindi nabibili ang laruang gusto.


B. Inaaway at hindi kinakausap ang mga magulang.
C. Sinisigawan ang mga magulang sa tuwing
mapapagalitan ka.
D. Nag-aaral nang mabuti para matuwa ang mga
magulang.

_______7. Pagdating ni Tatay galing sa trabaho ay nakita mong tila


pagod at gutom na ito. Ano ang dapat mong gawin upang
ipakita ang pagmamahal mo?
A. Uutusan ko si Ate na ipaghanda si Tatay ng
makakain.
B. Bibigyan ko siya ng tsinelas at malamig na
tubig.
C. Magpapatuloy ako sa paglalaro dahil bata
pa naman ako.
D. Lalabas ako para hindi niya ako mautusan.

_______8. Nasunugan ang iyong kapitbahay. Walang natira sa


kanila maliban sa kanilang sarili at suot na damit lamang. Paano
mo maipakikita ang pagmamahal sa kanila bilang iyong
kapuwa?

A. Bibigyan sila ng pera.


B. Pakakainin sila sa karinderya at pababayaran
na lang ng magulang.
C. Patutuluyin sila sa loob ng bahay at doon
bibigyan ng pagkain, damit at tulugan.
D. Hahayaan na lamang ang gobyerno ang
tumulong sa kanila.

_______9. Alin
sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita
ng paggalang sa pamilya at kapuwa?

A. Sumasagot ng may “po at opo”

B. Nagmamano sa mga nakatatanda

C. Gumagamit ng salitang “pakiusap”

D. Nagsasalita habang may ibang nagsasalita

_______10. Bago ka pumasok sa paaralan ay nagbigay ng


paalala ang iyong nanay. Ano ang gagawin mo sa paalala at
bilin ni Nanay?

A. Hahayaan ko lang ang kanyang mga


paalala dahil paulit-ulit naman ito.
B. Makikinig ako at isasapuso ang kanyang
mga sinasabi.
C. Magpapaalam na ako agad-agad para di
na humaba ang kanyang mga paalala.
D. Magagalit ako sa kanya dahil hindi siya
naniniwala sa kakayahan ko.

_______11. Habang nagkakaroon kayo ng pagsusulit sa


asignaturang EsP ay tinawag ang iyong guro sa opisina ng
punong guro. Ano ang dapat mong gawin?

A. Magtatanong sa kaklase ng sagot.

B. Tatayo at titignan ang sagot ng mga katabi.


C. Magbubukas ng aklat at mangongopya ng
Sagot.

D. Hindi mangongopya ng sagot kahit walang


nagbabantay na guro.

_______12. Alin sa mga sumusunod na larawan ang


masustansiyang pagkain?

A. B.

C. D.

______13. Alin sa mga sumusunod ang dahilan bakit


kinakailangang kumain ng masusustansiyang pagkain?

A. Upang makatipid sa pera.

B. Upang maging malusog ang katawan.

C. Upang hindi mapagalitan ng magulang.

D. Upang bigyan ng mas maraming baon ng

magulang.

______14. Alin sa mga sumusunod


ang HINDI nagpapakita
ng

pagpapahalaga sa kalusugan?
A. Naglilinis ng katawan si Mariane bago matulog.

B. Kinakain ni Josie ang nilulutong gulay ng kaniyang


nanay.

C. Sumasabay si Oscar sa pag-eehersisyo sa paaralan


tuwing umaga.

D. Ayaw pumasok ni Zaldy sa paaralan kung walang


baong kendi at tsokolate.

_______15. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng


pagpapahalaga sa karapatan sa edukasyon?

A. B.

C. D.

_______16. Alin sa mga sumusunod


ang
nagpapakita ng
pasasalamat sa mga
karapatang nakamtan?

A.
Nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos si Mario
bago matulog sa gabi.
B. Mas gusto ni Keren na makipaglaro sa iba kaysa sa
kaniyang mga kapatid.

C. Itinapon ni Jairus ang pagkaing ipinabaon ng


kaniyang nanay dahil hindi niya ito gusto.

D. Madalas na hindi pumapasok sa paaralan si Lou Ann


dahil mas gusto niyang maglaro sa bahay.

_______17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagpapanatili ng kaayusan sa pamilya?

A. Hindi tinirhan ng pagkain ni Teddy ang kaniyang


kuya.

B. Ginamit ni Keren ang payong ng kapatid nang


walang paalam.

C. Pinagtawanan ni Christopher ang kapatid na


nahulog sa upuan.

D. Humingi si Bryan ng patawad sa nagawang


kasalanan sa kaniyang ate.

_______18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita


ng pagiging mapagparaya sa mga miyembro ng pamilya?

A. Nagreklamo si Judy sa kaniyang tatay dahil lagi na


lang siya ang inuutusan nito.

B. Pumayag si Gerlie na uunahin munang bilhan ng


sapatos ang kaniyang kapatid.

C. Nagtampo si Hazel sa kaniyang nanay dahil una


nitong inabutan ng baon ang kaniyang kuya.
D. Hindi kumain si Laura dahil ang inilutong ulam ng
kaniyang nanay ay ang paborito ng kaniyang
nakababatang kapatid.

_______19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging


mapagpakumbaba?

A. Nagtatampo ako kapag hindi nasusunod ang gusto


ko.

B. Hindi ako nagpapaalam sa aking mga kapatid


kapag hihiramin ko ang kanilang gamit.

C. Pinagpapasensiyahan ko na lang ang aking kapatid


na palaging nangungulit sa akin.

D. Inaaway ko ang aking kapatid dahil palagi siyang


isinasama ng aking nanay sa pamamasyal.

_______20. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng


pangangalaga sa kapaligiran sa loob ng paaralan?

A. Sinisira ni Amy ang mga nakapaskil sa bulletin board.

B. Dinidiligan ni Adela ang mga halaman tuwing


hapon.

C. Sinusulatan at ginuguhitan ni Andrew ang kaniyang


upuan.

D. Itinatapon ni Sarah ang kaniyang mga pinagkainan


sa sahig.
________21. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga bagay na patapon na ngunit maaari
pang pakinabangan?

A. Sumasali si Ferdinand sa paligsahan sa paggawa ng


parol mula sa mga balat ng kendi.

B. Itinatabi ni Lerma ang mga putol-putol na krayola


upang magamit sa iba pa niyang proyekto.

C. Nagdadala si Maxine ng mga basyong lalagyan ng


tubig upang mataniman ng halaman sa paaralan.

D. Ipinagbiling lahat ni Faye ang mga lumang diyaryo


at magasin upang may maibili ng kendi kahit alam
niyang kakailanganin ito ng kaniyang kapatid sa
paggawa ng bolang papel

________22. Abala si Martin sa pagsagot sa kaniyang modyul nang


utusan siya ng kaniyang lola na isara ang pinto. Ano ang dapat
niyang gawin?

A. Padabog na isasara ang pinto.

B. Magbingi-bingihan sa sinabi ng lola.

C. Hindi susundin ang lola at itutuloy ang ginagawa.

D. Ititigil muna ang ginagawa at at susundin ang lola.

_________23. Napangaralan si Blessie ng kaniyang kuya dahil hindi


siya sumunod sa sinabi nitong tumulong sa paglilinis ng bahay.
Ano ang dapat niyang gawin?

A. Simangutan si kuya.

B. Magtampo kay kuya.


C. Isumbong si kuya sa nanay.

D. Humingi ng paumanhin kay kuya.

________24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


paggalang sa paniniwala ng iba?

A. Tinatawanan ni Mariel ang nagdarasal na kamag-


aral.

B. Lumalayo si Justin sa mga kamag-aral na may ibang


relihiyon sa kaniya.

C. Matalik na magkaibigan sina Jessica at Leila kahit na


magkaiba sila ng relihiyon.

D. Hindi isinasali sa laro ni Mayla ang kamag-aral na


may ibang relihiyon sa kanila.

_______25. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pasasalamat


sa Diyos sa mga biyayang tinatanggap?

A. Pinaalis ni Marcus ang pulubing nasa kanilang gate.

B. Hindi kumain si Zeny ng tanghalian dahil ayaw niya


ang ulam.

C. Ayaw ibigay ni Bryan ang lumang damit sa kalarong


nasunugan.

D. Hinati ni Shiela ang dalang tinapay upang ibigay sa


kamag-aral na walang baon.
Susi sa Pagwawasto

C
A
B
B
D
D
B
C
D
B
D
C
B
D
B
A
D
B
C
B
D
D
TALAAN NG ISPESIPIKASYONDSA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
C
D
Bilang Bilan Level of Behavior, Item Format,
ng g ng Porsyento Number, & Placement of Items and
Kasanayang Pampagkatuto Araw sa mga ng mga Dimension of Knowledge
Pagtutu ayte aytems
R U AP AN E C
ro ms
1. Nakikilala ang sariling:
1.1. gusto
1.2. interes
1.3. potensyal 5 2 1 2
6.25%
1.4. kahinaan
1.5. damdamin / emosyon

3. Nakapaglalarawan ng iba’t ibang


gawain na maaaring makasama o makabuti
sa kalusugan
3.1 nakikilala ang iba’t ibang
gawain/paraan na maaaring makasama o
10 3 12.5% 3,4 6
makabuti sa kalusugan
3.2 nasasabi na nakatutulong sa
paglinang ng sariling kakayahan
ang wastong pangangalaga sa sarili
5.Nakatutukoy ng mga kilos at gawain na
nagpapakita ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga kasapi ng pamilya
Hal. 10 2 6.25% 5,6
1. pag-aalala sa mga kasambahay
2. pag-aalaga sa nakababatang kapatid at
kapamilyang maysakit
6. Nakapagpapakita ng pagmamahal at
paggalang sa mga magulang 7
5 1 3.125%

7. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa
pamilya at kapuwa sa lahat ng
5 1 3.125% 8
pagkakataon lalo na sa oras ng
pangangailangan
8. Nakapagpapakita ng paggalang sa
pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng: a.
pagmamano/paghalik sa nakatatanda b.
bilang pagbati c. pakikinig habang may
5 1 3.125% 9
nagsasalita d. pagsagot ng “po" at “opo” e.
paggamit ng salitang “pakiusap” at
“salamat”

9. Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/


nakatatanda at iba pang kasapi ng maganak
sa lahat ng pagkakataon upang maging
maayos ang samahan 9.1.kung saan
papunta/ nanggaling 9.2.kung kumuha ng
hindi kanya 9.3. mga pangyayari sa 5 1 3.125% 11
paaralan na nagbunga ng hindi
pagkakaintindihan
9.4. kung gumamit ng computer sa
paglalaro imbis na sa pag-aaral

10. Nakapagpapakita ng iba’t ibang


paraan ng pagiging masunurin at
magalang tulad ng:
10.1.pagsagot kaagad kapag tinatawag ng
kasapi ng pamilya
5 1 3.125% 10
10.2.pagsunod nang maluwag sa dibdib
kapag inuutusan
10.3.pagsunod sa tuntuning itinakda ng:
tahanan
paaralan
11. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga
sa mga karapatang tinatamasa
Hal. Pagkain ng masusustansyang pagkain 10 5 18.75% 12 15 13,16 14
Nakapag-aaral

12. Nakasusunod sa utos ng magulang at 10 3 12.5% 17,18,


nakatatanda. Nakapagpapakita ng mga 19
paraan upang makamtam at mapanatili
ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
at paaralan tulad ng:
12.1 pagpaparaya
12.2 pagpapakumbaba

13. Nakatutulong sa pagpapanatili ng


kalinisan at kaayusan sa loob ng
tahanan at paaralan para sa mabuting 5 1 3.125% 20
kalusugan.

14. Nakagagamit ng mga bagay na


5 1 3.125% 21
patapon ngunit maaari pang pakinabangan
15. Nakasusunod sa utos ng magulang at
22,2
Nakatatanda 5 1 3.125%
3
16. Nakapagpapakita ng paggalang sa
5 1 3.125% 24
paniniwala ng kapwa
17. Nakasusunod sa mga gawaing
Panrelihiyon 5 1 3.125% 25

Kabuuan 95 25 100 %
Pagmamarka 1 puntos sa bawat bilang
Test Format: Multiple Choice
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

You might also like