You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
DIVISION OF ANGELES
SITIO PADER ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Pangalan: __________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: _________________ Petsa:_____________
PANUTO: Pilin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.
________ 1. Ang batang masunurin at magalang ay biyaya ng Diyos sa magulang.
A. Hindi po B. Marahil C. Opo

________ 2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging masunurin at magalang?


A. “Tumabi ka sa daraanan ko.”
B. “Ako nanaman ang inutusan mo!.”
C. “Opo, Inay. Ako na po ang magliligpit ng kalat”

________ 3. Ang pagiging masunurin at magalang ay kagandahang asal nating mga Filipino.
A. Opo B. Hindi po C. Marahil

________ 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging masunurin at magalang?


A. Nagdadabog si Cindy kapag inuutusan.
B. Nakasimangot na naghuhugas ng pinagkainan si Kristy.
C. Agad na nililigpit ni Mika ang kanyang laruan matapos gamitin.

5-6. Lagyan ng tsek ( ) ang larawang nagpapakita ng paggalang at pagiging masunurin.

_____ ______ _______

________ 7. Karapatan mo bilang bata ang makapag-aral at kumain ng masustansiyang


pagkain.
A. Mali B. Marahil C. Tama
________ 8. Nanalo sa paligsahan ang iyong Ate Myra. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko siya.
B. Yayakapin at babatiin ko siya.
C. Sisirain ko ang kanyang napanalunang medalya.
________ 9. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
karapatang tinatamasa?

A. B. C.
________ 10. Unang araw mo sa klase. Ano ang dapat mong gawin?
A. Makipag-away.
B. Umiyak nang umiyak.
C. Makilahok sa mga gawain sa loob ng klase.

________ 11. Ikaw ay nasa handaan. Ano ang gagawin mo?


A. Kukuha ng pagkain na kaya ko lamang ubusin.
B. Aalis na lamang dahil ayokong makisama sa mga tao.
C. Makikipaglaro lamang ako dahil hindi masarap ang pagkain.

________ 12. Upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa tahanan, ano ang dapat mong
gawin?
A. Ikalat ang mga laruan.
B. Tumulong sa mga gawaing bahay.
C. Wala akong gagawin dahil tamad ako.

________ 13. Paano mo maipapakita ang pagiging masunurin sa paaralan?


A. Mag-iingay sa loob ng klase.
B. Tatakbo ako nang tatakbo sa klase.
C. Gagawin ang mga takdang-aralin na ibinigay ng guro.

________ 14. Nanalo sa patimpalak ang ate mo habang ikaw naman ay natalo. Ano ang dapat
mong sabihin sa kaniya?
A. “Naiinggit ako sa iyo.”
B. “Hindi ka naman magaling.”
C. “Ate, masaya ako na ikaw ang nanalo sa paligsahan”.

________ 15. Nakita mong nagwawalis ang nanay mo. Ano ang sasabihin mo?
A. “Galingan mo, Inay.”
B. “Inay, tutulungan ko na po kayo sa pagwawalis ng bakuran”.
C. “Napakarumi naman ng bakuran, Inay. Linisin niyo po dapat lagi.”

________ 16. Nakauwi ka na galing paaralan. Nakita mong nanunuod ang kapatid mong bunso
ng paborito niyang palabas. Gusto mo rin panuorin ang paborito mo pero ayaw
ng kapatid mo. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko siya.
B. Ililipat ko kahit ayaw niya.
C. Magpaparaya na lamang ako at manunuod nalang pagkatapos niya.

________ 17. Inutusan ka ng tatay mo na iligpit ang mga laruan ninyo ng iyong kapatid. Ano
ang sasabihin mo?
A. “Ayoko, itay.”
B. “Opo, ililigpit na po.”
C. “Itay naman, palagi nalang po ako ang inuutusan ninyo”

________18. Mataas ang nakuhang marka ng iyong ate. Ano ang sasabihin mo?
A. “Eh di ikaw na ang paborito”.
B. “Naku! Nakatiyamba ka lang”.
C. “Wow! Ang galing mo naman ate”.

________ 19. Ang susi ng kaayusan ng pamilya ay ang pagkakaroon ng mapagpasalamat na


puso.
A. Hindi po B. Marahil C. Opo

________ 20. Aling larawan ang nagpapakita ng kaayusan?

A. B. C.

________ 21. Ang pagiging malinis at maayos ay tatak na kaugalian nating mga Pilipino.
A. Hindi po B. Marahil C. Opo

________ 22. Aling larawan ang nagpapakita ng pagiging malinis sa paaralan?

A. B. C.

PANUTO: Isulat ang “T” kung Tama at “M” naman kung Mali.
_______23. Ang pagre-recycle ay isang paraan ng paggamit ng mga bagay na patapon pero
maaari pang pakinabangan.
_______ 24. Ang paggamit muli ng mga bagay ay makakatulong na mapangalagaan ang ating
kalikasan.
_______25. Ang pagre-recycle ay aksaya lamang ng panahon.

You might also like