You are on page 1of 12

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 3

Pangalan:______________________________________________Iskor:_______
Lagda ng Magulang:______________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Sagutin ang mga tanong
at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Mahilig kang gumuhit at magpinta sa oras na walang ginagawa. Paano mo


maipakikita ang iyong kakayahan ng may pagtitiwala sa sarili?

a. Paghusayin ang sarili sa paglahok sa mga paligsahan

b. Ipakita sa mga kamag-aral ang mga iginuhit sa bahay

c. Itabi ang lahat ng mga magagandang iginuhit at ipininta

d. Itapon ang mga kagamitan sa pagguhit

_____2. Ang talento at kakayahan ay biyaya mula sa _______.

a. Diyos c. magulang

b. kaibigan d. paaralan

_____3. Bakit dapat pang manghikayat ng iba para sa pagpapaunlad ng kalusugan?

a. Upang sila maging malulusog

b. Upang mapangaralan sila

c. Upang sila ay maging sikat kaysa iba

d. Upang sila ay maging matatakaw

_____4. Bakit kailangang tuklasin natin ang ating talento, hilig, at kakayahan sa ating
murang edad? Upang ito ay ____________ .

a. ating maging kalakasan

b. ating maging kahinaan

c. ating maipakita sa mga tao

d. mapaunlad sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw

_____5. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita mo ng
iyong kakayahan?
a. Gawin ang kakayahan kahit na kinakabahan at panatilihin ang lakas ng loob

b. Ipagpatuloy lang hanggat kaya pa

c. Huwag munang ipakita ang kakayahan, saka na kapag talagang mahusay na

d. Huminga ng huminga ng malalim para mawala ang kaba

_____6. Magaling si Rose sa larangan ng paglikha ng maikling tula, ngunit madalas hindi
niya ito natatapos dahil mas inuuna niya ang paglalaro. Ano ang ipinakikitang aksiyon ni
Rose sa kaniyang gawain? Walang________________________

a. gana sa pagsusulat.

b. interes sa mga ginagawa.

c. pagpapahalaga sa gawain.

d. direksiyon ang mga ginagawa.

_____7. Ang pagpapahalaga sa gawain ay isang uri ng kagandahang _________?

a. loob

b. budhi

c. buhay

d. mukha

_____8. Madalas na nag-eensayo si Arthur sa pagguhit bilang paghahanda niya sa darating


na paligsahan at hindi siya nabigo dahil nakuha niya ang unang puwesto sa patimpalak. Ano
ang kilos o ugaling ipinakita ni Arthur sa kaniyang gawain? May___________

a. disiplina sa sarili

b. pagmamahal sa sarili

c. dedikasyon sa buhay

d. pagpapahalaga sa gawain

_____9. Ano-ano ang kilos ng isang tao na may pagpapahalaga sa kaniyang gawain?

a. Mabusisi at pihikan sa mga gawain.

b. Masaya at magaling sa kaniyang ginagawa.

c. Mas maraming oras sa mga bagay na hindi mahalaga.

d. Tamad at maraming dahilan para hindi makagawa ng mga bagay na inihabilin sa kaniya.
_____10. Bakit kailangang matuto ang isang bata na pahalagahan ang kaniyang mga gawain
o gagawin? Para magkaroon siya ng _____________

a. disiplina sa sarili.

b. direksiyon sa paggawa.

c. magandang buhay sa hinaharap.

d. pagpahalaga sa anumang gawain.

_____11. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, maliban sa:

a. Pagsasabi ng totoo kahit mapagalitan

b. Pagtanggap ng pagkatalo nang may ngiti

c. Tinatanggap ang pangaral ng mga magulang

d. Tinataasan ng boses ang kaklaseng may katampuhan

_____12. Paano dapat pakikitunguhan ang pambu-bully ng kaklase?

a. Lumiban sa klase

b. Huwag kumibo kapag binu-bully

c. Sabihin sa guro ang totoong pangyayari

d. Makipag-suntukan sa kaklaseng nang-aapi

_____13. Habang naglilinis ng kanilang silid–aralan, hindi sinasadyang natapik ni Rio ang
paso ng bulaklak ng kanilang guro dahilan upang ito ay mabasag. Alin ang tamang gawin ni
Rio?

a. Hindi kikibuin ang guro kapag kinausap.

b. Ituro ni Rio ang kaniyang kaklase na siyang nakabasag ng paso.

c. Itago ang nabasag na paso upang hindi malaman ng guro.

d. Kailangang aminin ni Rio sa gurong tagapayo ang totoong nangyari.

_____14. Pumipila sa canteen para makabili ng pagkain si Edgar nang biglang sumingit sa
pila si Ricky. Sa halip na magalit si Edgar, wala siyang ginawa kundi ang hindi pagpansin sa
inasal ni Ricky. Anong katangian ang ipinakita ni Edgar?

a. Tiwala sa sarili
b. Pagiging positibo

c. Pagpipigil sa sarili

d. Lahat ng nabanggit

_____15. Ikaw ang napili sa inyong klase upang lumahok sa isanggaganaping patimpalak sa
paaralan. Ano ang nararapat mong gawin?

a. Mag-ensayo at ihanda ang sarili sa patimpalak

b. Huwag kausapin ang guro dahil ikaw ang napili

c. Lumiban sa klase ng walang paalam sa araw mismo ng patimpalak

d. Ipagmalaki sa lahat na ikaw ang napiling kalahok sa gaganaping patimpalak

_____16. Ang batang malusog ay _____________________.

a. sakitin

b. may aktibong katawan

c. magaspang na balat

d. madaling mapagod

_____17. Ang pagkain ng masustansiyang gulay, prutas, at pag-inom ng gatas ay


nakatutulong sa ating ______________.

a. kaisipan

b. kapitbahay

c. katamaran

d. katamlayan

_____18. Ang pagsisimba tuwing linggo ay nakatutulong sa ating _______________.

a. pag-inom

b. paglalaro

c. paniniwala

d. pagpapasya

_____19. Gaano kadalas maligo ang isang tao?

a. Bihira
b. Araw-araw

c. Hindi naliligo

d. Tuwing ikalawang araw

_____20. Ang pagtulog sa tamang oras ay nakakatutulong sa ating ___________.

a. kalikasan

b. kaliksihan

c. katamlayan

d. katawan

_____21. Pinapaamin ka ng mga magulang mo sa iyong nagawang kasalanan. Alam mo na


pagagalitan ka nila kung sasabihin mo ang totoo. Magtatapat ka pa rin ba? Bakit?

a. Hindi, dahil baka saktan nila ako.

b. Oo, kasi alam naman nila ang totoo.

c. Oo, dahil hindi mabuti ang magsinungaling.

d. Hindi, kasi kapag magtapat ako para na ring natalo ako.

_____22. May isang bagay na gustong-gusto mong kunin ngunit mahigpit na ipinagbabawal
ng nanay mo ang paggalaw nito. Ano ang gagawin mo?

a. Hindi ko ito gagalawin.

b. Kukunin ko kapag wala na si Nanay at ibabalik ko lang kung darating na siya.

c. Susubukan kong kunin at titingnan ko kung paparusahan ba ako ni Nanay.

d. Gagalawin ko basta’t gusto ko dahil wala akong pakialam sa sinasabi ng nanay ko.

_____23. Puno na ang alkansiya mo. Gusto mo na itong buksan upang bumili ng bagong
laruan. Ano ang dapat mong gawin?

a. Bubuksan ko agad at bibili ako ng gusto ko.

b. Bubuksan ko ito ayon sa gusto ko dahil ako naman ang nag-ipon nito.

c. Sasabihin ko sa nanay ko na puno na ang alkansya ko at kailangan kong umalis upang


bumili ng laruan.

d. Sasabihin ko sa mga magulang ko at hihingi ako ng payo kung kailan ko ito bubuksan at
kailan ako bibili.
_____24. Humingi ka ng bagong damit subalit sabi ng nanay mo na sa pasko ka na niya
bibilhan. Ano ang gagawin mo?

a. Iiyak ako.

b. Hindi ako tutulong sa mga gawaing bahay.

c. Maghihintay ako sa panahong ipinangako niya.

d. Hindi ako papasok sa paaralan hangga’t hindi ako nabibilhan.

_____25. Nalaman mong nasira ang bag ng kapatid mo at binilhan siya ng nanay mo ng
bago. Ano ang magiging reaksyon mo?

a. Magiging masaya ako para sa kapatid ko.

b. Malulungkot ako kasi wala akong bago.

c. Magagalit ako sa nanay at kapatid ko.

d. Magpapabili rin ako sa tatay ko ng bago.

_____26.Palaging inaantok sa klase si Josephine. Ano ang maipapayo mo sa kanya para sa


kanyang kalusugan?

a. Matulog ng maaga at ng maging sapat ang tulog

b. Pingutin ang sarili at ng mawala ang antok

c. Mag-ingay na lang sa klase at ng mawala ang antok

d. Uminom ng tubig at ng mawala ang antok

_____27. Dapat bang magkaroon ng tungkulin sa tahanan ang tulad ninyong mga bata?
Bakit?

a. Opo, dapat may tungkulin sa tahanan, dahil kami ay kasapi ng pamilya na may
responsibilidad at tungkulin dapat gampanan

b. Opo, dapat para wala ng gaanong ginagawa si nanay at tatay

c. Hindi po dapat, dahil wala pa kaming alam na gawain

d. Hindi po dapat, dahil mahihirapan lamang kami sa mga sa mga gawain

_____28. Inutusan ka ng iyong nanay na maghugas ng mga pinagkainan. Ano ang dapat
mong gawin?

a. Sasabihin kay nanay na mamaya na lang huhugasan dahil maglalaro ka pa

b. Susunod kay nanay sa kanyang ipinag-uutos


c. Sasabihin na si ate o si kuya na lang muna ang maghugas ng mga plato

d. Padabog na susunod kay nanay

_____29. Umuwi ka ng bahay galing sa paaralan. Nadatnan mo na madaming Pinagkainan


sa lababo. Anong gagawin mo?

a. Di na lang papansinin ang nakita

b. Magdadahilan na masakit ang ulo upang di mapaghugas

c. Huhugasan ko ng kusa ang mga plato

d. Ipagpapabukas ko ang paghuhugas

_____30. Ano ang dapat gawin kung may mga iniatang na gawain sa iyo ang iyong kapatid?

a. gagawin ko nang maayos c. di ako susunod sa aking kapatid

b. sa inay lang ako susunod d. di ko siya papansinin

_____31. Habang naglilinis ka sa silid-aralan ay nasagi mo ang isang plorerang


babasagin. Ano ang tamang dapat mong gawin?

a. Itago agad sa sulok ang nabasag na plorera para hindi malaman ng guro

b. Sabihin sa guro ang totoong nangyari sa nabasag mong plorera

c. Pagbintangan ang iba na sila ang nakabasag

d. Magwalang kibo nalang sa nangyari

_____32. Sa paaralan ay mayroon kang kamag-aral na mayabang at naiinis ka sa kanyang


ugali. Ano ang dapat mong gawin?

a. Magyabang na lang din sa kanya para matalo mo s’ya sa kayabangan

b. Humanap ng mga kakampi para malabanan ang kayabangan niya

c. Magkaroon ng pagtitimpi sa sarili at huwag pansinin ang mayabang na kamag-aral

d. Dapat lang na makaranas siya ng malakas na suntok para matigil ang kanyang yabang

_____33. Kapag kinakausap mo ang iyong guro o matatandang tao ay hindi ka marunong
gumamit ng po at opo, kayat pinagsabihan ang iyong guro na palaging gumalang sa
nakatatanda sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo. Ano ang tamang damdamin sa
sitwasyon?

a. Huwag nalang kausapin ang matatanda at guro para hindi mapansin ang mali.

b. Sabihin na ayaw mong gumamit ng po at opo


c. Tanggapin ang ano mang puna at gagamit na ng po at opo

d. Mapapahiya at magagalit sa nanay at tatay dahil hindi ka tinuruan ng po at opo

_____34. Alin sa mga sumusunod na gawain ang magagawa ng batang malusog?

a. Makipaglaro ng text sa mga batang marami ring text

b. Sumali sa mga paligsahan sa paaralan

c. Makipag-away sa mga batang malalaki ang katawan

d. Magyabang sa klase dahil malusog ang katawan

_____35. Ano ang maaaring mangyari sa batang kumakain sa tamang oras at nag-
eehersisyo araw-araw?

a. Magiging masigla at malusog

b. Magkakaroon ng muscle ang braso at binti

c. Hahangaan ng ibang magulang dahil magaling kumain

d. magiging sakitin

_____36. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit at nagkataon na magaling kang


umawit.Ano ang gagawin mo?

a. Huwag ipakita ang kakayahan

b. Huwag sumali

c. Sumali ng buong husay

d. Mahiyang sumali

_____37. Si Arnel ay batang pilay subalit napahusay niyang gumuhit. Kung ikaw ang nasa
kalagayan niya, sasali ka bas a paligsahan sa pagguhit?

a. Oo dahil takot ako sa guro

b. Oo dahil kailangang patunayan ko ang aking talent

c. Hindi dahil nahihiya ako

d. Hindi dahil baka id ako manalo

_____38. Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw maliban sa iyo. Nagkataong


kailangang magpakita ng talento ang inyong section. Ano ang gagawin mo?

a. Magmumukmok na lang sa isang sulok


b. Sasali kahit di marunong

c. Iiyak dahil kakantiyawan ng kaklase

d. Magsasabi ng tunay sa guro at sasabihin ko din ang taglay kong kakayahan.

_____39. Kung laging sinusunod ng mga anak ang utos at tagubilin ng mga magulang,
ano ang maidudulot nito sa kanilang pamilya?

a. Pagkakaisa, pagkakasundo ng masayang pamilya

b. Pag-aawayan ng mga anak dahil sa maraming mga utos

c. Pagiging palautos ng mga magulang sa kanilang mga anak

d. Pagiging tamad ng bunsong kapatid

_____40. Alin sa sumusunod ang tamang gawi kapag inuutusan?

a. Masayang gawin ng buong kaya ang iniuutos

b. Magdadabog kapag inuutusan

c. Ipagawa sa iba ang iniuutos ng magulang

d. Balewalain ang utos ng magulang

KEY TO CORRECTION: ESP 3

1. A
2. A
3. A
4. D
5. A
6. C
7. A
8. D
9. B
10. D
11. D
12. C
13. D
14. C
15. A
16. B
17. A
18. C
19. B
20. D
21. C
22. A
23. D
24. C
25. A
26. A
27. A
28. B
29. C
30. A
31. B
32. C
33. C
34. B
35. A
36. C
37. B
38. D
39. A
40. A
Kinalalagyan ng Bilang batay sa Bloom’s Taxonomy Level of Learning( Item Placement)

Percentage/ No. of
No. of
Items/ Understanding
Applying
MELC Days/ Remembering
Most Essential Learning Competencies Bilang Pag-unawa Analyzing Evaluation Creating
CODE Bilang
Porsyento
Pagbabalik- Paglalapat
ng Aytem ng /
ng Araw tanaw o Pag-analisa Pagtataya Paglikha
Aytem Kaisipan
Paggamit

Natutukoy at nakapagpapakita ng EsP3PK


P- Ia –
mga natatanging kakayahan nang 20% 1-5 36-38
13 8 8
may pagtitiwala sa sarili

Napapahalagahan ang kakayahan sa EsP3PK


P- Ib 15
paggawa
12.5% 6-10

5 5

Natutukoy ang mga damdamin na EsP3PK


P- Ic –
nagpapamalas ng katatagan ng 8 8
16
kalooban
14-15, 31-
20% 11-13
33

Nakagagawa ng mga wastong kilos EsP3PK


P- Ie –
at gawi sa pangangalaga ng sariiling 5 12.5% 5 16-20
18
kalusugan at kaligtasan
Nakahihikayat ng kapwa na gawin EsP3PK
P- If –
ang dapat para sa sariling kaligtasan 2 5% 2 26 3
19
at kalusugan

Napapatunayan ang ibinununga ng EsP3P


pangangalaga sa sariling kalusugan at KP- Ig 2 5% 2 34-35
kaligtasan – 20

Nakasusunod ng kusang loob at EsP3PK


P- Ih –
kawilihan sa mga panuntunang 12.5% 21-25
21 5 5
itinakda sa tahanan

Nakasusunod sa mga EsP3PK


P- Ii –
pamantayan/tuntunin ng mag-anak 17.5% 27-30 39-40
22 7 7

You might also like