You are on page 1of 6

1st QUARTER PERIODICAL TEST 2016-2017

Christian Living/Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Pangalan: Puntos:

Permit No.: Petsa:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang pinakatamang sagot.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_______1. Araw ng Sabado, araw ng iyong paglalaro ng basketball, ngunit kinakailangang
lumuwas ng iyong mga magulang. Paano mo maisasagawa ang paglalaro na palagiang
ginagawa mo tuwing araw na ito?
a. Hintayin ang mga magulang bago maglaro
b. Ipagpatuloy ang nakaugaliang paglalaro hindi ka naman nila makikita
c. Ipagpaliban muna ang paglalaro dahil mahalaga ang lakad ng magulang
d. Tawagin ang mga kaibigan at sa inyo na lang maglaro ng basketball
_______2. Nag-aaway-away ang mga lalaki sa inyong klase dahil sa nawawalang aklat ng isa
ninyong kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?
a. Babawalin ang mga nag-aaway-away mong kaklase at pag-uusapan ang problema
b. Hahayaan mo silang mag-away-away
c. Makikisali ka sa pag-aaway nila
d. Sisisihin ang kaklase mong nawalan ng aklat
_______3. Lider si Henry sa kanilang pangkat sa araling Agham. Nang minsang pinulong niya
ang kanyang mga kasamahan, napansin niyang iilan lamang ang dumalo at ayaw pang
makiisa sa gawain. Ano ang mabuti mong gawin?
a. Magagalit ka sa mga kasamahan
b. Aalisin mo ang mga hindi dumalo sa pulong
c. Pipili ka na lamang ng gusto mong kasama sa pangkat
d. Ipapaliwanag mo sa kanila ang kahalagahan sa pangkat ng kanilang pagdalo at
pakikiisa sa gawain
_______4. Dumarami ang mga batang nagkakasakit gawa ng mga baradong kanal at mga
nakatambak na mabahong basura sa tabi ng kalsada. Ano ang nararapat gawin?
a. Tumawag ng pulong ng mga magulang na naninirahan sa lugar at pag-usapan ang
kahalagahan ng malinis na kapaligiran
b. Paalisin ang mga naninirahan sa lugar
c. Dagdagan ang hospital sa lugar
d. Bigyan ng gamot ang mga nagkakasakit
_______5. Naging madalas ang pag-aaway ng mga kabataan sa inyong lugar na
ikinababahala ng mga tao. Ano ang nararapat na gawin?
a. Tumawag ng pulong ng mga opisyales na namamahala sa kaayusan at kapayapaan ng lugar
b. Tawagin ang lahat ng mga kabataang sinususpetsahang sangkot sa nasabing away
c. Maglagay ng mga barangay tanod na pipigil sa mag-aaway
d. Huwag pansinin ang problema
_______6. May napabalitang magtatayo ng bilyaran sa may malapit sa eskwelahan.
Nangangamba ang mga magulang hinggil dito. Ano ang nararapat gawin?
a. Kausapin ang may-ari ng itatayong bilyaran at tiyakin kung totoo ang natanggap na
impormasyon
b. Papagharapin ang may-ari ng nasabing bilyaran at ang mga magulang at pag-usapan
ang maaring maging problema
c. Paalalahanan ang mga magulang na maging istrikto sa kanilang mga anak
d. Pabayaan ang mga magulang na kausapin ang may-ari ng bilyaran
_______7. Sa pulong ng mga kasapi ng Future Agriculturist Club sa inyong paaralan,
napagpasiyahan na nakararami na dagdagan ang itatanim na mga gulay upang dumami
ang pondo ng samahan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Lumahok sa kanilang gawain
b. Huwag pansinin ang napagpasyahan ng samahan
c. Bubunutin ang mga itatanim na gulay kapag wala na sila
d. Pagpapastulan mo ito ng alaga mong kambing
_______8. Nagpulong ang inyong klase tungkol sa mga paraan upang magkaroon ng sariling
pondo. Napagpasyahan na ang bawat isa ay magdadala ng 5 pirasong basyo ng plastic
bawat Linggo at ipagbibili kapag napagsama-sama.
a. Hindi ka sasang-ayon sa napagpasyahan ng klase
b. Hahayaan mo na lang sila na magdala
c. Magdadala ka kung anong araw mo gusto
d. Igagalang mo ang napagkasunduan dahil para ito sa pondo ng inyong klase
_______9. Napagpasyahan ng iyong mga kamag-aral na makiisa sa programang Panatilihing
Malinis ang Kapaligiran, na kung saan tuwing umaga bago magsimula ang klase, kayo ay
mamumulot ng mga plastic at papel sa buong paligid ng paaralan. Ano ang iyong
gagawin?
a. Hindi ka sasang-ayon sa programa nila
b. Hahayaan mo silang makiisa sa programa
c. Itatapon mo na lang ang iyong basura sa basurahan
d. Makikiisa ka sa programa dahil para ito sa kalinisan ng inyong paaralan
_______10. Magdaraos ang inyong paaralan ng pagdiriwang para sa mga guro. Bilang mga
mag-aaral sa Ikaanim na baitang, kayo ay tumawag ng pulong ng mga mag-aaral upang
bumuo ng palatuntunan. Marami ang nais na maghandog ng awitin para sa mga guro.
Ano ang nararapat ninyong gawin?
a. Daanin sa botohan ang pamimili kung sino ang aawit
b. Hindi na lang kayo maghahandog ng awit
c. Hindi na lang itutuloy ang pagdiriwang
d. Lahat ay paaawitin
_______11. Pauwi na ng madaanan ang dalawang binatang pinagtutulungang bugbugin
ang isang bata. Ano ang dapat mong itulong sa nagigipit na bata?

a. Aawayin mo ang dalawang binatang nambububog


b. Ipapaalam mo sa kinauukulan ang pangyayari
c. Magkukubli ka upang hindi madamay
d. Uuwi na lamang
_______12. Ang paghahanap ng tunay na may-ari sa bagay na napulot ay isang katangiang.
a. Kasipagan c. pagkamasunurin
b. Katapatan d. pagkamatulungin
_______13. Ang pag – iwas sa maling barkada ay:
a. Malayo sa gulo c. malayo sa mga magulang
b. Malayo sa kaibigan d. malayo sa payapang buhay
_______14. Pagkatapos ng pagsusulit inatasan kang magtsek ng mga papel. May mga mali kang
sagot at hindi naman mahahalata kung papalitan mo ito. Ano ang nararapat gawin mo?
a. Hindi mo sisirain ang pagtitiwala sa iyo ng guro.
b. Papalitan mo lang ang iba mong sagot
c. Dadagdagan mo na lang ang iyong mga puntos
d. Gagawin mong tama lahat ang iyong sagot
_______15. Nagmamadali ka sa pagkuha ng baso at nasagi mo ang espesyal na tasa ng iyong tatay.
Dali- dali mong pinulot at nilinis ito. Kinabukasan hinahanap niya ang tasa para sa kanyang
pagkakape. Ano ang nararapat na gawin mo?
a. Hindi ka kikibo
b. Ipagtatapat mo ang tunay na pangyayari
c. Pagbibintangan mo ang katulong
d. Ituturo ang nakababatang kapatid
_______16. Sa book report na kailangan ipasa ni Tess, binigyan niya ng sariling pagtatapos ang
kwento dahil gahol na sa oras ng pagbasa. Tama ba ang kanyang ginawa?
a. Oo, para matapos na at maipasa na
b. Oo, dahil mas maganda ang pagtatapos na kanyang magagawa
c. Hindi, maaaring hindi tama ang maibibigay niyang pagtatapos
d. Hindi, kailangan nyang tapusin ang pagbabasa upang maging angkop ang pagtatapos
na gagawin niya.
_______17. Anu- ano ang impormasyong ibinibigay ng balita sa radio o pahayagan?
a. Pinakahuling pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa
b. Mga anunsyo o panawagan
c. Impormasyon tungkol sa lagay ng panahon
d. Lahat ng nabanggit
_______18. Saan maaaring basahin ang mga pinakahuling pangyayaring nagaganap sa
kapaligiran?
a. Aklay c. diksyunaryo
b. Pahayagan/ diyaryo d. magasin
_______19. Bakit kailangang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga pinakahuling pangyayari sa
kapaligiran?
a. Nakatutulong ito sa pagpapasya
b. Upang maging matalino
c. Upang magkaroon ng kahandaan sa maaaring mangyari sa kapaligiran
d. Lahat ng nabanggit
_______20. Napanood mo sa balita sa Telebisyon na ideneklara n gating pangulo ang Hunyo 12
bilang “ Public Holiday” na nangangahulugang walang pasok sa lahat ng paaralan at opisina.
Nakita mong nakabihis ang iyong kapitbahay at papasok sa paaralan. Ano ang nararapat mong
gawin?
a. Pagsabihan mo na matuto siyang making ng balita
b. Ibahagi ang balitang narinig
c. Pagtawanan mo siya dahil hindi siya nakinig ng balita
d. Hahayaan mo siyang pumasok
_______21. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang bago sumang-ayon sa pasiya
ng nakararami?
a. Ito ba ay nakabubuti sa lahat
b. Makikinabang ba ang lahat sa napagpasiyahan
c. Makatwiran ba para sa lahat ang pasiya
d. Lahat ng nabanggit
_______22. Alin sa mga sumusunod and dapat gawin bago magdesisyon?
a. Sundin ang pasya ng lider c. Sundin ang pasya ng nakararami
b. Sundina ang pasya ng ilan d. Sundin ang gusto mo
_______23. Magtatayo ng pabrika si G. Reyes. Ano ang unang dapat niyang isaalang-alang?
a. Ang pakinabang na makukuha ng kanyang pamilya
b. Ang laki ng kanyang kikitain
c. Ang bilang ng manggagawang kanyang kukunin
d. Ang kaligtasan at kapakanan ng mga naninirahan sa paligid ng pabrika
_______24. Kasapi ka ng samahang Football Club sa inyong paaralan, tinalakay ng pinuno
ang suliraning kaugnay ng hindi pagdalo ng maraming kasapi sa itinakdang araw ng
ensayo. Napagpasyahan ng samahan na baguhin ang oras ng pag-eensayo. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Hindi ka na lang mag-eensayo c. Aatend ka sa napagpasyahang araw ng ensayo
b. Pipili ka na lang ng ibang laro d. Sa bahay ka na lang mag-eensayo
_______25. Mabagal gumawa si Aira at nakaaabala sa inyong grupo ang kanyang
pagtatanong. Ano ang gagawin mo?
a. Irereklamo mo sa guro si Aira sa kanyang mabagal na paggawa
b. Tuturuan mo ng paraan ng paggawa si Aira
c. Aalisin mo na lang sa grupo si Aira
d. Hindi mo na lang papansinin ang pagtatanong ni Aira
_______26. Finals na ng larong basketball. Nagkasakit ang kasama ninyong mahusay
maglaro. Si Benjie ay mahusay ngunit mahiyain kaya ayaw siya ng ilang miyembro ng
inyong team. Ano ang gagawin mo?
a. Isasali mo pa rin si Benjie sa inyong team
b. Ipapaliwanag mo sa kanilang mabuti ang maaaring maitulong ni Benjie sa inyong laro
c. Pipilitin mo silang ibilang si Benjie sa team
d. Maglalaro kayo kahit kulang ng isang miyembro ang inyong team

_______27. May bago kang damit na binili ng iyong nanay. Aatend ng birthday party ang
iyong bunsong kapatid at hinihiram ang bago mong damit. Ano ang gagawin mo?
a. Ipahihiram mo ang bagong damit dahil ayaw mong sumama ang loob ng iyong kapatid
b. Hindi mo ito ipahihiram dahil bago
c. Sasabihin mong marumi pa ito at iba na lang ang hiramin
d. Sasabihin mong magpabili na lang siya
_______28. Maaga kang pinapauwi ng iyong nanay ngunit inimbitahan ka ng iyong matalik
na kaibigan sa kanyang kaarawan. Ano ang iyong gagawin?
a. Dadalo ka muna sa kaarawan dahil matalik mo siyang kaibigan
b. Sasabihin mo sa kaibigan mo na ilibre ka na lang niya
c. Uuwi ka muna sa bahay at magpapaalam na iniimbitahan ka ng matalik mong kaibigan
sa kanyang kaarawan
d. Sasabihin mo sa nanay mo na may gagawin pa kayong takdang-aralin kaya hindi ka
ng maaga
_______29. Nakatakda ang inyong pangkat na mag-ulat ng napapanahong isyu. Subalit isa
sa mga kasapi sa inyong pangkat ay hindi pumasok dahil siya ay nagkasakit. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Magagalit sa kasaping maysakit
b. Bilang lider ng pangkat, ikaw na lang ang mag-uulat
c. Ipagpapaliban ang pag-uulat
d. Iaalis mo siya sa inyong pangkat
_______30. Ikaw ang napiling lider sa inyong pangkat ng inyong guro. Nagkaroon ng
problema ang isang kasamahan mo. Ano ang dapat mong gawin?
a. Balewalain ang problema
b. Huwag intindihin ang mga kasamahan
c. Bigyan ng maayos na pagpapasiya ang problema
d. Ipasa na lang sa pangalawang pangulo ang problema dahil marami kang ginagawa
_______31. Malala na ang karamdaman ng mahal mong kapatid. Paano mo maipakikita na
malaki ang iyong pananalig sa Diyos?
a. Wala kang sisisihin kung di ang Diyos c. Makikipagkuwentuhan sa mga kaibigan
b. Iiyak at sisisihin ang lahat d. Manalangin sa Diyos na pagalingin angkapatid
_______32. Araw ng Lunes, walang samba sa bayan. Ano ang gagawin mo sa malawak na
harapan ng simbahang Katoliko?
a. Maglalaro sa harapan ng simbahan
b. Mamamasyal sa tabi ng simbahan
c. Dadaan nang matahimik bilang paggalang sa pook dalanginan
d. Magsusulat sa mga dingding ng simbahan
_______33. Paano mo maibabahagi ang iyong kakayahan para sa gawain ukol sa Diyos?
a. Maaari kang sumali bilang miyembro ng koral ng simbahan
b. Magbigay nang anumang makakayanan para sa ikatatapos ng simbahang pinapatayo
c. Lumahok sa mga gawaing ukol sa simbahan
d. Lahat ng nabanggit
_______34. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit tayo ay dapat sumamba sa Diyos?
a. Upang magbigay puri sa Diyos c. Upang maging sikat sa komunidad
b. Upang ipagmalaki ang sarili sa iba d. Upang bigyan kasiyahan ang sarili
_______35. Alin sa sumusunod HINDI ginagawa ng isang taong maka-Diyos?
a. Nagdarasal c. Naninira ng ibang relihiyon
b. Pumapasok sa simbahan d. Naglilingkod sa simbahan
_______36. Paano mo pinagtitibay ang iyong pananalig sa Diyos?
a. Nagdarasal ka kung may kailangan lamang
b. Nananalig ka sa pananampalatayang mayroong Diyos
c. Gumagawa ka ng bagay na ikasisiya ng iyong kapwa
d. Umiiwas ka sa mga taong nanghihingi sa iyo ng suportang moral
_______37. Ano ang nararamdaman mo kapag ginagalang mo ang pananampalataya ng
ibang tao?
a. Nakakaramdam ng galit sa kapwa c. Nagiging bugnutin palagi
b. Masaya sa iyong ginawa d. Nakadarama ng pagkainggit
_______38. Sabado ang araw ng samba ng kapitbahay mo. Ano ang nararapat mong
gawin?
a. Babatuhin ang simbahan c. Magmamasid at pipintasan ang simbahan
b. Sisigaw upang tumahimik sila d. Papasok at makikinig sa kanilang aral
_______39. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa Diyos?
a. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga aral ng Diyos
c. Sa pamamagitan ng paggalang sa kapwa
d. Lahat ng nabanggit
_______40. Sabi ng guro may pagsusulit kayo sa Matematika, para makakuha ng mataas na
marka, ano ang gagawin mo?
e. Maglalato at ipagpapaliban ang pagaaral
f. Kakausapin ang guro na huwag muna magbigay ng pagsusulit
g. Mag-aral ng leksyon sa Matematika
h. Matutulog na lamang
_______41. May project kayo sa Sining/Art at mahal ang kagamitang kinakailangan dito. Ano
ang gagawin mo?
a. Sasabihin ang tunay na halaga sa magulang upang my pambili ng kagamitan
b. Hindi na papansinin ang proyakto
c. Ipagwawalang bahala
d. Hindi na gagawa ng proyekto
_______42. Mahirap ang aralin mo sa Science at hindi mo maintindihan. Gusto mong
makakuha ng mataas na marka. Ano ang gagawin mo?
a. Pipiliting maintindihan at papatulong sa magulang
b. Maglalaro at di na papansinin
c. Ipapagawa sa katulong
d. Papasok ng hindi pinag-aralan
_______43. Mahigpit ang paaralan ninyo sa pagpapasuot ng uniporme. Dalawa lang ang
medyas mo. Paano ang gagawin mo?
a. Lalaban agad ang medyas
b. Magpabili ng marami
c. Magtsinelas na lang
d. Huwag pansinin
_______44. Ginagawa kang lider ng inyong pangkat sa pagbbigay at pagkuha ng aklat. Ano
ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa guro na iba na lang ang gawin niyang lider
b. Tatanggihan kaagad ang gawain
c. Tatanggapin ng maluwag sa kalooban
d. Uutusan ang kaklase na siya na lang
_______45. Tinatanong ka ng guro kung kaya mong mauno sa pangkatang gawain. Ano ang
isasagot mo?
a. Papaniwalain kaagad na alam
b. Tatanggapin agad ang gawain kahit walang nalalaman dito.
c. Sasabahin agad na di to kaya
d. Tatanggapin ang gawain at sasabihin sisikaping maisagawa ito
_______46. Gulo ang mga upuuan sa kwarto. Ano ang gagawin mo?
a. Tatakbo sa labas
b. Magtatago sa likod
c. Iaayos ang mga silya
d. Ipagwawalang bahala
_______47. May eksamen kayo sa English. Ano ang gagawin mo?
a. Maglalaro c. matutulog
b. Mag-aaral d. Maglalaba
_______48. Binigyan ka ng gawaing bahay ng gur mo sa HEKASI. Hindi mo alam. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Tutulugan c. hindi iintindihin
b. Sisikaping gawin d. ipagwawalang bahala
_______49. May gawain ka sa Sining na kailangana matapos. Ano ang gagawin mo?
a. Pipiliting yariin
b. Hindi gagawin
c. ipapagawa na lamang
d. hindi iintindihin
_______50. May pagsusulit ka sa Math. Naubos ang tinta ng bolpen mo. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Hihiram sa kaeskwela
b. Hindi na kukuha ng test
c. Kunin ang bolpen ng kaeskwela ng walang paalam
d. Lalabas ng kwarto

You might also like