You are on page 1of 3

Ikatlong Pagsusulit para sa Ikatlong Markahan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan:_________________________________________________________ Iskor : __________

Guro: Petsa: _________

Piliin ang tamang sagot. Isulat sa patlang angtitik ng tamang sagot.

_____ 1. Nabasa mo sa anunsyo na may paligsahan sa drowing.Magaling kang magdrowing.Ano ang


Gagawin mo?
a. Matatakot kang sumali.
b. Hindi ka na lang sasali.
c. Sasali ka baka ikaw ang manalo.

_____ 2. May paligsahan ng pagandahan at talino sa inyong paaralan.Ikaw ay may ganitong


katangian. Ano ang gagawin mo?
a. Agad-agad magpapasyang sumali.
b. Iisiping nakakahiyang sumali.
c. Magtatago para hindi makasali.

______ 3. Ano ang madarama mo kapag ikaw ay nagpasya na lumahok at nanalo sa isang tagisan ng
talino?
a. Hiyang-hiya ako.
b. Maging mayabang ako.
c. Ito’y ipagmamalaki ko

_____ 4. Pagluluto ang hilig ni Nora.Minsan wala siyang pasok kaya nagpasya siyang magluto at
ito’y nagustuhan ng lahat.Alin kaya dito ang ginagawa ni Nora bago siya magluto?
a. Nagtanong siya sa kanyang maliit na kapatid.
b. Nanghiram siya ng ibang putahe sa pagluluto.
c. Nag-isip muna siya kung ano ang kanyang lulutuin

_____5. May proyekto kayo sa EPP tungkol sa paggawa ng gamit sa mga patapon na bagay.Alin dito
ang gagawin mo bago buuin ang iyong proyekto?
a. Ipapagawa mo na lang ito sa nakatatanda mong kapatid.
b. Pag-iisipan mong mabuti kung ano ang iyong gagawin.
c. Gagawin na lang ng kahit ano.
_____ 6. May handaan sa inyo. Masarap kang magluto ng spaghetti.Bago ka magluto,Alin dito ang una
mong gagawin?
a. Babawasan mo ang sangkap upang makatipid.
b. Lutuin kaagad kahit ano ang maging kalabasan nito.
c. Isipin mong mabui kung paano mo ito lulutuin na magugustuhan ng lahat.

______ 7. Inatasan kang bumuo ng pangkat upang maghanda para sa linggo ng Nutrisyon.Ano ang
iyong gagawin?
a. Gagawa ng talaan ng mga kaibigan mong yayayain sa pangkat.
b. Itatanong sa mga kamag-anak kung sino ang nais sumali sa pangakat.
c. Kakausapin ang guro upang magtalaga ng mga myembro ng pangkat.

______ 8. Sino ang ihahalal mong pangulo ng sports club sa inyong barangay,kung ang lahat ng
kandidato ay pawang magagaling sa isports?
a. Si Romel na matalik mong kaibigan,palaging pikon.
b. Si andre na makisig at mapera,ngunit mayabang.
c. Si pedro na kilala sa kabaitan at mapagkumbaba.

______ 9. May alam ang nanay tungkol sa gawain sa wastong nutrisyon .ano ang gagawin niya ?
a. Ipapasa sa iba ang trabaho .
b. Hindi siya dadalo sa seminar .
c. Gagawin ang mga nalalaman sa seminar .
d. Bahala na lang kung siya ay pupunta o hindi .

______ 10. Nangangailangan ng tulong ang guro sa paggawa ng mga palaro at poster tungkol sa
paksang “No to Dope”.
a. Tutulong ako kung pipilitin.
b. Tutulong ako kung may bayad.
c. Tutulong ako nang kusa dahil alam kong malala ang problema ng drug abuse sa mga
kabataan.

______ 11. Lider ka sa pangkat ana maguulat. Paano mo ibabahagi sa iyong mga kasapi ang mga
Gawain?
a. Ako lang ang mag-uulat
b. Mahina man o magaling, bawat isa ay bibigyan ng pagkakataong makapag-ulat
c. Iyong magagaling lamang ang mag-uulat

______ 12. Mabagal gumawa si Gila at nakakaabala sa inyong grupo ang kanyang pagtatanong. Ano ang
gagawin mo?
a. Irereklamo ko sa guro si Gila.
b. Tuturuan ko ng paraan ng paggawa si Gila.
c. Huwag papansinin ang kakulitan niya.

______ 13. Napansin mong hindi sumasali sa laro si Bengie dahil nahihiya. Ano ang gagawin mo?
a. Tatanungin ko siya kung gusto niyang sumali.
b. Hindi ko bibigyang pansin si Benjie.
c. Hahayaan ko siyang manood sa aming laro.

______ 14. Sa pook sambahan, iniwasan ni Nita ang ______________


a. Makiisa sa mga awiting pagsamba
b. Lumahok sa ritwal ng pagsamba
c. Gumawa ng ingay o kilos na nakagagambala sa mga nagdarasal.

______ 15. Ang taong maka-Diyos ay _________


a. Mapanglait sa kapwa
b. Mapanghusga sa kapwa
c. Nagpapakita ng mabuti sa kapwa

______ 16. Hindi ko gagawin sa iba ang _____________


a. Gusto kong gawin nila sa akin
b. Ayaw kong gawin nila sa akin
c. Magpakita ng mabuting asal

______ 17. Hindi ginagawa ng isang taong maka-Diyos ang _______________


a. Pagdarasal
b. Pagpasok sa sambahan
c. Paninira ng ibang relihiyon

______ 18. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit tayo ay dapat sumamba sa Diyos?
a. Upang magbigay puri sa Diyos
b. Upang ipagmalaki ang sarili sa iba
c. Upang maging sikat sa komunidad

______ 19. Ayaw magsimba ni Alma dahil wala siyang isusuot na magandang damit. Ano ang masasabi
mo rito?
a. Dapat pagbigyan ang gusto ni Alma.
b. Malalim ang pananampalataya ni Alma.
c. Hindi makatwiran ang dahilan ni Alma.

______ 20. Malala na ang karamdaman ng mahal mong kapatid. Paano mo ipapakita na malaki ang iyong
pananalig sa Diyos?
a. Wala kang sisisihin kung di ang Diyos.
b. Panay ang pakikipagdaldalan mo sa iyong kaibigan.
c. Panay ang panalangin mo sa Diyos na pagalingin ang iyong kapatid.
______ 21. Sinasabi mo sa marami na malaki ang iyong pananampalataya sa Diyos. Alin dito ang iyong
ginagawa para itoy mapatunayan mo sa kanila?
a. Nagsisismba ka tuwing Linggo.
b. Nagdarasal ka lamang kung gusto mo.
c. Tumutulong ka sa kapwa na hindi naghihintay ng kapalit.

______ 22. Paano mo pinagtitibay ang iyong pananalig sa Diyos?


a. Nagdarasal ka kung may kailangan lamang.
b. Nananalig ka sa pananampalatayang mayroong Diyos.
c. Gumagawa ka ng bagay na ikaksisiya ng iyong kapwa.

______ 23. Araw ng Lunes, walang samba sa bayan. Ano ang gagawin mo sa malawak na harapan ng
simbahang katoliko?
a. Mamasyal na lang ako sa tabi ng sambahan.
b. Pagsususlatan ko ang mga dingding ng sambahan.
c. Dadaan ako ng tahimik bilang paggalang sa pook dalanginan.

______ 24. Sabado ang araw ng samba sa kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Magsisigaw upang tumahimik sila.
b. Magmamasid at pipintasan ang sambahan.
c. Papasok at makikinig sa kanilang aral.

______ 25. Ano ang nararamdaman mo kapag ginagalang mo ang pananampalataya ng ibang tao?
a. Ikaw ay nakakaramdam ng galit sa kapwa.
b. Ikaw ay Masaya sa iyong ginawa.
c. Ikaw ay nagging bugnutin lagi.

______ 26. Sa pang-araw-araw na Gawain mo, paano mo pinahahalagahan ang nagawang kabutihan ng
iyong kapwa sa iyo?
a. Ipinagdarasal at pinasasalamatan sila.
b. Naiinggit sa kanila.
c. Hindi pinapansin kahit ano ang ginagawa.

______ 27. Ano ang iyong gagawin kapag may nagawang kabutihan ang iyong kapwa sa iyo?
a. Tularan ang kabutihang nagawa sa iyo.
b. Iwasan ang mga taong gumagawa ng kabutihan.
c. Maliitin ang nagawang kabutihan ng iyong kapwa.

______ 28. Paano ka makakatulong nang hindi para sa iyong sarili lamang?
a. Gawin ito ng mabilisan.
b. Gumawa kahit hindi inuutusan.
c. Mag-utos pa ng iba para may kasama sa paggawa.

______ 29. Nakita mo na lagging umiinom ng alak ang iyong tatay. Ano ang iyong gagawin?
a. Magalit sa mga ginagawa ng tatay.
b. Hindi papansinin ang ginagawa ng tatay.
c. Pagsasabihan ang tatay sa mahinahong paraan.

______ 30. Nadaanan mo si Ronnie na nagsusugal ng “Tong-its” at siya ay nananalo ng malaking halaga.
Ano ang iyong gagawin?
a. Sasali ka rin sa pagsususgal.
b. Tatawag ka pa ng ibang tao.
c. Iiwasan mo ang masasamang bisyo.

You might also like