You are on page 1of 7

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Edukasyon sa Pagpapakatao – 4

Pangalan: ______________________________Baitang at Seksyon: ______________


Paaralan: __________________________________Petsa: __________ Iskor: ______

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik lamang.

1. Bilang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang kaya mong gawin sa


pagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?
a. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo.
b. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan.
c. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
d.Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa.
2. Paano mo sasabihin ang dapat mong gawin kapag nakagawa ka ng
pagkakamali?
a. Humingi ng tawad.
b. Ipagwalang bahala.
c. Huwag kausapin ang nagawa ng mali.
d. Iwasan ang nagawan ng pagkakamali.
3. Ang pag-unawa sa damdamin ng kapuwa ay mahalaga. Paano mo ito
mailalarawan sa mga kabataan?
a. Sa pakikiiyak sa kanila.
b. Sa pakikipag-usap sa kanila.
c. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila.
d. Sa pakikinig sa oras na may problema sila at pagbibigay ng payo.
4. Pinuna ka ng isang kaibigan dahil hindi bagay sa iyo ang kulay ng iyong
damit.Paano mo ito gagawin?
a. Marunong ka pa sa akin!
b. Ano naman ngayon sa ‘yo?
c. Wala kang pakiaalam sa suot ko!
d. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo.
5. Umiiyak si Marlon. Nang itanong ni Bryan kung bakit, sinabi ni Marlon na
may malubhang sakit ang kanyang tatay. Ano ang maaring sabihin ni Bryan
upang maipakita ang pag-unawa sa kalagayan ni Marlon?
a. Buti nga sa iyo.
b. Dapat lang yan sa tatay mo.
c. Ano naman ang iniiyak mo?
d. Huwag ka ng malungkot. May awa ang Diyos.
6. Nasunugan ang iyong kapitbahay na si Mario. Wala silang matuluyan ng
kanyang pamilya. Ano ang gagawin mo sa kanila?
a. Pagtawanan si Mario.
b. Ipagtabuyan sina Mario.
c. Huwag makialam kay Mario.
d. Patuluyin muna sa bahay sina Mario.
7. Napaunlad mo ang iyong angking kakayahan sa pagguhit. Marami ang
humahanga sa iyo sapagkat madalas kang manalo sa mga paligsahan. Paano
mo maipapaliwanag ang mga naibibigay sa iyo ng mga papuri?
a. Hindi dapat sundin ang magagandang puna.
b. Hindi dapat tanggapin ang mga puna.
c. Sundin dapat ang mgagandang puna.
d. Hindi dapat mag ehersisyo.
8. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumali ka sa
mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, madalas
mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong maipapaliwanag
tungkol dito?
a. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang mga pintas.
b. Hindi ko sila papansinin.
c. Pipintasan ko rin sila.
d. Aawayin ko sila.
9. Paano mo maipapakita ang pagiging mahinahon sa pakikipag-usap sa
kapuwa?
a. Paggamit ng salitang di-nakakasakit
b. Paggamit ng salitang nakasakit
c. Mapagmahal sa kapuwa
d. Maggalang sa kapuwa
10. Madalas kang kumakanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong
kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Paano mo ito pagbubutihin?
a. Sisigawan ko rin sila
b. Hindi na lang ako aawit
c. Hindi ko pansinin ang sinasabi
d. Magsasanay palagi sa pag- awit
11. May mga pagkakataong naabuso at nabubully ang kapuwa dahil sa mga
nakakasakit na salita. Ano ang maaring mong imungkuhi tungkol dito?
a. Kalabanin ang nam-bully.
b. Huwag na lang pansinin ang nam-bully.
c. Kapag binubu-bully huwag ipaalam sa iba.
d. Kapag binubu-bully ipaalam agad sa mga guro o mga magulang.
12. Ikaw ay mahilig magbiro sa kapuwa dahil gusto mong magpasaya. Ano ang
mahalaga mong gawin sa pagbibiro? Bakit ?
a. Dapat piliin ang mga salitang ginagamit para walang masaktan.
b. Dapat piliin ang mga salitang ginagamit para masaktan.
c. Kahit anong salita ang maaaring gagamitin.
d. Walang pakiaalam sa sasabihin.
13. May nakita kang umiiyak na bata dahil siya ay nawawala. Hinahanap niya ang
kangyang ina at ito ay hindi niya nakita.Alin sa mga sumusunod ang maari
mong maitulong sa kanya?
a. Hindi ko siya papansinin.
b. Dadalhin ko siya sa Ospital
c. Dadalhin ko siya sa Palengke
d. Tatanungin kung anong pangalan ng ina at saan siya nakatira.
14. Napansin mong nasa sulok at malungkot ang iyong kaklase. Ano ang maari
mong gawin bilang kaklase niya?
a. Pagtawanan ko siya.
b. Hindi ko lang siya papansinin.
c. Sasabihan ko lang ang isa kong kaklase na malungkot siya.
d. Lalapitan ko siya at dadamayan ko siya kung bakit siya malungkot.
15. Si Manny ay bagong lipat sa Mababang Paaralan ng Kayasa. Sa unang araw
ng pasukan ay tinatawag siya ng guro upang ipakilala ang kanyang sarili.Ano
ang nararapat gawin ni Manny.
a. Umuwi sa bahay.
b. Lumabas sa klase.
c. Manatiling nakaupo.
d. Tumayo at ipakilala ang sarili.
16. Binagyo ang lugar ni Jose na iyong kaibigan. Halos naanod lahat ang mga
kagamitan niya sa pag-aaral. Ano ang maari mong maitulong sa kanya?
a. Hindi na lang ako makikialam.
b. Hahayaan siya sa nangyaring kalamidad sa kanila.
c. Hihikayatin ko ang ibang kaklase na hindi magbigay ng tulong.
d. Bibigyan ko ng mga lumang kagamitan sa pag-aaral na magagamit pa.
17. Malungkot ang iyong kamg-aral na si Mico.Napagalitan siya ng kanyang
magulang sapagkat bumaba ang kaniyang marka.Kasama siya dati sa mga
nangunguna sa klase subalit dahil sa pagbaba ng kaniyang marka ay hindi na
siya nakasama. Paano mo ito maipapaliwanag kay Mico?
a. Bumawi ka na lang sa sunod Mico.
b. Huwag mo na lang pansinin yan Mico.
c. Hayaan mo na lang Mico. Wala namang silbi yan.
d. Hayaan mo na lang yan Mico, maglaro na lang tayo.
18. Maraming nilabhan ang iyong nanay na damit. Nagpapatulong siya sa
pagsasampay ngunit marami ka ring gagawing takdang aralin. Anong
pagpapaliwanag ang mayroon kang ipahatid sa kanya?
a. Dapat ipagpatuloy ang paggawa ng takdang aralin.
b. Dapat tulungan ang ina sa pagsasampay ng damit.
c. Dapat magkunwaring hindi narinig ang nanay.
d. Magdabog sa pagsampay ng damit.
19. Ano ang katotohanan na iyong nakuha tungkol sa mabuting paraan na
maipadama mo ang pagmamahal at pag-unawa na kinakailangan sa kapuwa na
walang anumang kapalit.
a. Maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng kapuwa.
b. Hindi pansinin ang damdamin at pangangailan ng kapuwa.
c. Maging manhid sa damdamin ng kapuwa.
d. Hahayaan na lang sila.
20. Nakita ni Jason ang kanyang kapatid na nanonood ng palabas na may barilan
sa telebisyon. Ano ang maari mong imungkahi na gawin para sa kanya?
a. Suntukin ang kapatid.
b. Makinood sa tabi ng kapatid.
c. Pabayaan ang kapatid sa pinapanood.
d. Sabihing itigil ang panonood dahil hindi ito tama.
21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging bukas – palad?
a. Pagbibigay ng may hihintay na kapalit.
b. Pagbibigay nang bukal sa kalooban.
c. Pagbibigay nang labag sa kalooban.
d. Pagbibigay ng pakitang tao lamang.
22. Namasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa Mall nang biglang
lumindol. Ano ang gagawin mo?
a. Umiyak ng malakas.
b. Tumakbo palabas ng mall.
c. Huwag pansinin ang lindol
d. Humanap ng matibay na mesa at magtago sa ilalim nito.
23. Nagsusulat ka ng iyong takdang aralin nang biglang pinunit ng iyong kapatid
ang iyong papel.Paano mo maipapaliwanag ng mabuti?
a. Paluin ang kapatid.
b. Suntukin ang kapatid.
c. Pagalitan ang kapatid.
d. Maging mahinahon at pagsabihan na huwag itong uulitin.
24. Nakita mong may isang lola na nakatayo sa tabi ng kalye. Walang aalay sa
kanya sa pagtawid at siya ay takot na takot dahil siya ay matanda na. Ano ang
maari mong imungkahi sa sitwasyong ito?
a. Hihilain ko siyang patawid.
b. Sasabihin kong tatawid ka na lang.
c. Lalapitan at tutulungan ko siyang tumawid.
d. Hindi ako tutulong sa kanya dahil matanda na siya.
25. May sakit ang nanay mo at kailangan niyang magpahinga. Alin sa mga
sumusunod ang tama mong gawin?
a. Hayaaan ang nanay gumawa sa mga gawaing bahay.
b. Pilitin ang nanay na bumangon at gampanan ang kanyang pagiging nanay.
c. Sabihin sa nanay na kailangang asikasuhin ang kanilang pangangailangan.
d. Hayaang magpahinga at magpagaling ang nanay at gumawa ng gawaing
bahay.
26. Namasyal ka sa isang lugar na maraming puno. Napansin mo sa itaas ng puno
ang isang ibon na nakalimlim sa kanyang pugad. Ano ang iyong gagawin?
a. Babatuhin ko ang puno.
b. Gagalawin ko ang puno.
c. Hindi na lang ako kikibo.
d. Hindi ako mag-ingay para hindi sila madisturbo.
27. Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangan siya ng tahimik
na paligid. Paano mo mailalarawan ang kilos na dapat mong taglayin?
a. Malakas at mabilis
b. Maayos at marahan
c. Malakas at maingay
d. Mabagal at maingay
28. Nagsalita ang guro ni Mark sa harap ng kanilang klase.Ano ang nararapat
niyang gawin?
a. Makinig ng mabuti sa Guro.
b. Makipag-sap sa kanyang katabi.
c. Makipagkalaro sa kanyang katabi.
d. Magsulat nang magsulat sa papel.
29. Nagkaroon ng pagkakataon na mangampanya sa inyong silid-aralan ang mga
kandidato para sa eleksiyon ng Supreme Pupils Government sa inyong
paaralan. Ang mga kandidato ay nagtatalumpati subalit naiinip ka na dahil sa
tagal ng kanilang pagsasalita. Ano ang dapat mong gawin na ipapakita sa
kanila?
a. Ipakita pa rin ang paggalang sa pakikinig.
b. I na ako ay nainip sa pakikinig.
c. Lalabas at uuwi na lang ako.
d. Hindi na lang ako makinig.
30. May naggu-group study sa inyong kapitbahay para sa nalalapit na markahang
pagsusulit. Subalit, malakas ang pagpapatugtog ng musika ng iyong kapatid
na alam mong nakaaabot sa inyong kapitbahay. Ano ang gagawin mo?
a. Sabihin kong hinaan mo ang pagpapatugtog.
b. Sabihin kong lakasan mo pa ang tugtog.
c. Sabihin kong patayin mo ang tugtog.
d. Hahayaan kong malakas ang tugtog.
31. Naglalaro sina Cris at Sam ng holen. Natalo si Cris kaya siya nagsasalita ng
masama. Ano ang dapat gawin ni Sam?
a. Suntukin si Cris.
b. Aawayin din si Cris.
c. Batuhin ng holen si Cris.
d. Magtimpi at huwag patulin sin Cris
32. Maraming paraan upang maipapakita ang paggalang sa ating kapuwa. Ano
ang iba pang paraan na maaring mong piliin sa paggawa nito?
a. Ang pakikinig sa nagsasalita o nagpapaliwanag.
b. Pakikipagdaldalan habang may nagsasalita.
c. Walang pakiaalam kahit may nagsasalita
d. Kumakain habang may kausap.
33. Paano mo maipapakita ang maayos na paggamit ng iyong palikuran sa silid-
aralan?
a. Linisin agad ang palikuran pagkatapos gumamit.
b. Mag-iwan ng basura sa loob ng palikuran.
c. Iwanan na lang pagkatapos gumamit.
d. Walang pakiaalam sa palikuran.
34. Nakita mong pinaglaruan ang gripo ng iyong mga kaklase sa pag-iigib ng
tubig. Bilang mag-aaral, ano ang maari mong gawin sa kanila?
a. Pagalitan ko sila.
b. Huwag na lang silang pansinin.
c. Pagsabihan kong dapat ingatan ang gripo.
d. Batuhin ko sila para tumigil na sa paglalaro.
35. Paano mo maaalagaan ang mga aklat sa silid-aklatan?
a. Ikalat kung saan ang mga aklat.
b. Sulatan ang mga pahina sa mga aklat.
c. Bara-bara ang pagbuklas sa mga pahina nito.
d. Iwasan ang pagkain o pag-inom sa silid-aklatan.
36. Mahaba ang pila sa pagbili ng kantina. Ano ang mabuti mong gawin bilang
mag-aaral?
a. Magpasuyo sa kakilala.
b. Pumunta sa gitna ng pila.
c. Pumunta sa unahan ng pila.
d. Pumunta sa hulihan at pumila.
37. Paano mo maiayos ang palikuran ng iyong paaralan pagkatapos mong
gamitin?
a. Iiwan ito kaagad.
b. Buhusan ng tubig.
c. Hayaang linisin ng kaklase.
d. Pabuhusan sa ibang mga bata.
38. Ano ang maaari mong imungkahi sa pagpapanatili ng katahimikan ng
kapaligiran?
a. Magvideoke magdamag.
b. Magpapatugtog ng napakalakas.
c. Maghamon ng away kapag nalalasing.
d. Iwasan ang pakikipag-away sa ibang tao.
39. Anong mga datos ang ginagamit sa pagsusuri ng pagpapanatili ng kaayusan at
pangangalaga sa kapaligiran ang dapat ipasunod sa ilog na malinis?
a. Bawal manigarilyo dito.
b. Huwag magtapon ng basura.
c. Tumawid sa tamang tawiran.
d. Iwasan ang pagtapak sa damuhan.
40. Malinis at maganda ang kapaligiran ng inyong paaralan. Anong batas ang
dapat mong sundin?
a. Huwag Magtakbuhan sa Hagdan.
b. Munting Basura, Pakibulsa Muna.
c. Panatilihing Tahimik, Anumang Oras.
d. Bawal Magsalita nang Malakas sa Pasilyo.
GRADE 4 ANSWERS KEY

1. B
2. A
3. D
4. D
5. D
6. D
7. C
8. A
9. A
10. D
11. D
12. A
13. D
14. D
15. D
16. D
17. A
18. B
19. A
20. D
21. B
22. D
23. D
24. C
25. D
26. D
27. B
28. A
29. A
30. A
31. D
32. A
33. A
34. C
35. D
36. D
37. B
38. D
39. B
40. D

You might also like