You are on page 1of 9

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Filipino -7
Pangalan : _______________________________________ Seksyon : _________________
Paaralan : _______________________________________ Petsa : _________ Iskor : ___

PANUTO: Basahin ng may pag-unawa ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. May pumukol sa pipit At nahagip ng bato


Sa sanga ng isang kahoy Ang pakpak ng munting ibon

Isinasaad ng mga linyang ito ng awiting bayan na?


a. Isang libangan ng mga kabataan ang pananakit sa mga hayop.
b. Isa sa pangunahing kabuhayan ng mga Pilipino ay ang panghuhuli ng mga hayop.
c. May mga tao na walang pagpapahalaga sa mga hayop.
d. Walang awa na kumitil ng buhay ng mga hayop.

2. Anong lungkot ng mahirap Ang bisig kung di iunat


Lagi na ang nakatapak Hindi kikita ng pilak
Isinasaad sa awiting bayan ng manananim na?
a. Ang paghahanap ng pilak ang pinakamadaling paraan para yumaman.
b. Ang tauhan ay laging nakayuko kaya siya nagrereklamo.
c. Gaano man kahirap ang mga Pilipino gagawa ng paraan para sa ikabubuhay pamilya.
d. Libangan ng mga Pilipino ang pagsasaka at pangingisda.

3. Umawit tayo at ipagdiwang


Ang dalawang pusong ngayon ay ikakasal,
Ang daraanan nilang landas,
Sabuyan natin ng bigas
Masasalamin sa awiting-bayan na Diona ang ilang tradisyon ng mga Bisaya lalo na pagdating sa kasal.
a. Ipinahayag sa awiting bayan na maraming mga bigas ang mga Pilipino kaya itinatapon
lang nila.
b. Makikita sa awiting bayan ang mga pamahiin ng mga Pilipino tuwing may ikakasal.
c. Nagpapahayag na nagmamahalan ang bagong kasal.
d. Sumisimbolo ito na mahilig umawit ang mga Pilipino.

4. Ang halin puros kura, ang halin puros kura


Igo ra I panuba.
Batay sa awiting “Si Pelimon” anong tradisyon ang masasalamin sa mga taga-bisayas?
a. Mangingisda ang pangunahing hanapbuhay
b. Mababait ang mga tao
c. Mahilig uminom ng tuba, ito ang kanilang alak
d. Masisipag ang mga tagabisayas

5. Ang Soliranin ay karaniwang iniuugnay sa?


a. Bangka, pamingwit, at isda c. Rosas, gitara, at pag-ibig
b. Ina, hele, at sanggol d. Walis, bunot, at basahan

6. Ang kulay pula ay karaniwang iniuugnay sa?


a. Giyera at kaguluhan c. paghihirap at gutom
b. Pag-ibig at pagkabigo d. pagluluksa at kalungkutan

7. Sa napanood na video clip na Dandansoy, anong mensahe ang nakapaloob sa awitin?


a. masakit sa kalooban ang mawalay sa minamahal
b. mahirap ang mag-isa sa buhay at walang kasama
c. napapawi ang lungkot dahil sa awitin
d. walang pag-ibig na nagtatagal

8. Ang aking erpat at ermat ay nagbakasyon sa ibang bansa.


Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit sa pangungusap?
a.Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Pormal

9. Sabi nila ang Singapore ang pinakamalinis na lugar sa buong Asya. ________ pa ako nakapunta
sa lugar na ito.
Gamitin ang tamang antas ng wika para mabuo ang diwa ng pangungusap.
a.Bagets
b. Datung
c. Dehins
d. Tipar

10. ________ kaya matatapos ang aming ginawang eksperimento sa asignaturang agham at
teknolohiya?
Gamitin ang tamang antas ng wika para mabuo ang diwa ng pangungusap.
a. Kelan
b. Nasan
c. Pa’no
d. Meron

11. “Hindi n’yo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako
papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang mga anak na sumama
sa mga binata.
Anong mensahe ang nakapaloob sa siping pahayag mula sa alamat na Isla ng Pitong Makasalanan?
a. Ang kapakanan lamang ng kanyang mga anak ang inaalala ng kanilang ama.
b. Ang mga anak ay nagpapakita ng pagkamasunurin sa kanilang ama.
c. Ang mga anak ay sobrang nagmahal sa kanilang mga syota.
d. Walang pakialam ang ama kong anuman ang mangyari sa kanyang mga anak.

12. “Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang katapusang
pagsigaw at pagmamakaawa ng walang turing niyang mga anak.
Batay sa pahayag, anong mensahe ang nais ipahiwatig nito.
a. Ang mga anak ay naawa sa kanilang ama kaya binalikan nila ito.
b. Ang mga anak ay sumusunod sa payo ng kanilang ama.
c. Ang pagsusumamo ng ama ay nagpapakita ng lubos na pagmamahal sa kanyang mga anak.
d. Poot at galit ang naramdaman ng ama sa mga oras na sinabi niya ang mga salitang iyon.
13. Labis-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila ng
ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan ang inaalala ng ama lalo pa’t
masamang panahon ang kanilang nasalubong sa paglalakbay.
Anong mensahe ang ipinahihiwatig ng binsang sitwasyon?
a. Gaano man kasama ang nagawang kasalanan ng anak ang pagmamahal ng magulang ay
walang hanggan.
b. Hindi na niya inaalala ang mga anak dahil sa kanilang ginawang kasalanan na pagsuway sa utos ng
magulang
c. Isinumpa ng magulang ang mga anak na suwail.
d. Pagsisi ang naramdaman ng ama sa ginawa niyang hindi pagpayag sa gusto ng mga anak.
14. Batay sa kaligirang kasaysayan, Ano ang karaniwang paksa ng mga alamat?
a. Kabayanihan at kagandahan ng mga tauhan.
b. Kagandahan at kapayapaan ng isang lugar.
c. Katutubong kultura, mga kaugalian at kapaligiran.
d. Kadalasan pumapaksa sa kayaman ng isang bansa.

15. Anong aral ang napulot sa pagbasa ng kuwentong “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”
a. Dapat marunong tayo sa mga gawaing bahay.
b. Iwasan ang magsinungaling sa lahat ng oras.
c. Makinig sa payo ng mga magulang para hindi mapahamak.
d. Respetuhin ang mga nakakatanda at alagaan hanggang pagtanda.

16. May napansin akong estranghero na umaaligid sa bahay namin kanina.


Ibigay ang interpretasyon sa salitang may salungguhit sa pangungusap
a.dayuhan
b. kaibigan
c. katrabaho
d. kapitbahay

17. Ang suwail na mga anak ay mahal na mahal ng kanilang ama .


Ibigay ang interpretasyon ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
a.balasubas
b. mabait
c. matigas ang ulo
d. masunurin

18. Nakamit ang (mithi) _________ ng mga Pilipino na maging malaya sa kamay ng mga
mananakop.
Anong kayarian ng pang-uri ang gagamitin sa salitang MITHI upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
a. higit na mithiin
b. kapwa mithiin
c. Mithiin
d. pinakamimithi

19. Para sa isang anak (masarap) _______ ang luto ng kanyang ina kaysa luto ng iba.
Punan ng tamang kayarian ng pang-uri ang slaitang MASARAP upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
a. Magsingsarap
b. Masarap
c. Mas Masarap
d. Pinakamasarap

20. (tigas) ________ ng bato ang puso ng babaeng nililigawan ko.


Anong angkop na kaantasan ng pang-uri ang gamitin sa TIGAS upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
a. Matigas
b. Sintigas
c. Napakatigas
d. Pinakamatigas

21. Sa dula na pinamagatang “Ang Tambuli ni Ilig” isa sa tradisyon ng mga Subanon ay pagkatay ng
baboy bago isagawa ang pagtatanim. Ano ang tawag sa ritwal na ito?
a. Cañao
b. Kanu Suhat
c. Mashanona
d. Tumutod
22. Isa sa tradisyon ng mga Pilipino ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong
magpakasal ay pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa mga magulang.
Ano ang tawag sa tradisyong ito?
a. Panghaharana c. Seremonya sa kasal
b. Pamamanhikan d. Seremonyas sa paglilibing

23. Isa sa pinakasikat at dinarayong tradisyon ng Kabisayaan ay ang Sinulog tuwing Enero. Bakit kaya dinarayo
ng mga tao ang tradisyong ito?
a. Ito ay panata sa pananampalataya sa Sto. Nino
b. Upang makapasyal sa Visayas
c. makasaksi sa ingranding pagdiriwang ng kapistahan
d. magpalipas ng oras habang nanonood ng palabas

24. Bilang isang Pilipino, bakit sinasabing ang mga Pilipino ay may maigting na pananampalataya?
a. dahil likas na tayo ay mabuti
b. dahil naitanim sa atin ang kahalagahan ng pananampalataya
c. dahil orihinal na katangian ng Pilipino ang dasal
d. dahil paniniwala na natin ito

25. Iwasto sa pamamagitan ng pag-aayos mula 1,2,3 ang antas ng kahulugan ng salita.

3 nais

2 asam

1 hangad
a. 1,2,3
b. 2,1,3
c. 3,1,2
d. 3,2,1
26. Iayos ang mga salita mula 1,2,3 batay sa tindi ng kahulugan.

3 nagulat
2 nagitla

1 nabigla
a. 2,3,1
b. 3,2,1
c. 1,3,2
d. 2,1,3

27. _____________ na nakakamit ang tagumpay kung may pagkakaisa at pagtutulungan.


Anong pang-ugnay na naghihikayat ang angkop na gamitin sa pangungusap.
a. naniniwala akong c. Tunay
b. pero d. tumpak
c.

28. _____________ maiibsan ang climate change kung ang mga tao ay magiging responsableng mamamayan
sa inang kalikasan.
Anong pang-ugnay na naghihikayat ang angkop na gamitin sa pangungusap.
a. naniniwala akong c. Tunay
b. pero d. tumpak
tama pagkakataon Republic Act No. 10627 matigil

Bullying tulong Ngayon na!

29. Anong pangungusap na nanghihikayat ang mabubuo kung gagamitin ang mga salita sa kahon.

a. Tama na! matigil ang bullying sa pagkakataon. Ngayon na! RA 10627


b. Ngayon na! ang tamang pagkakataon para matigil ang bullying sa tulong ng RA 10627.
c. Bullying matigil sa tulong ng RA 10627. Ngayon na! Tama na!
d. Ngayon na! tamang matigil ang bullying sa tulong ng RA 10627.

30. Si Datu Paubara sa Epikong hinilawod ay isang _________.

a. bakunawa c. halimaw
b. diwata d. mortal
31. Sila ang tatlong anak ni Alunsina at Datu Paubari.

a. Gahib, kahil, dimagiba


b. Labaw Donggon, Humadapnon,Dumalapdap
c. Marah, clarah, Teresa
d. Yawit, kas-ug, dugbong

32. Sa pagpapakasal ni ALunsina kay Datu paubari, nagalit ang manliligaw nito at sinira ang Hinilawod sa
pamamagitan ng _____________.
a. Baha c. sunog
b. Lindol d. tsunami

33. Ang epikong Hinilawod ay nangangahulugang “Kuwento sa Bukana ng Ilog”, ano kaya ang
hanapbuhay ng mga tao sa epiko?
a. Paghahabi ng seda c. pangingisda
b. Pagmimina d. pamerlas

34. Nang malaman ni Suklang Malayon ang balak na paghihiganti ng maliligaw ni Alunsina ay agad
niyang pinagsabihan ang bagong kasal.
c.

Anong kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa sitwasyon?


a. Madamot ang mga Pilipino
b. Makasarili ang mga Pilipino
c. Mapagmalasakit ang Pilipino
d. Matulungin ang mga Pilipino

35. Piilin sa mga sitwasyon sa ibaba kung paano ipinakita ng anak ang kanyang malasakit sa ama.
a. Sa kabila ng pagkakamali ng ama sa kanyang pamilya ay inalagaan pa ito ng kanyang mga anak
nang magkasakit
b.Itinakwil ng anak ang kanyang ama nang malamang nilustay nito ang salaping ipinadala.
c. Nagmatigas ang anak kahit pa nagmakaawa ang ama sa kanilang pamilya na ito ay patawarin na
d. Laging isinusumbat ng anak sa kanyang ama ang mga pagkakamali nito.

36. Suriin sa mga sitwasyon sa ibaba kung anong pangyayari ang nagpapakita ng malasakit sa kapatid.
a. Sumuway sa gusto ng nakatatandang kapatid si Ana kung kaya pinalayas siya nito.
b. Kahit na aso at pusa ang pagsasama ng magkapatid, sila ay nagtutulungan sa oras ng kagipitan.
c. Walang pakialam ang nakatatanda sa kanyang bunsong kapatid na naghihirap.
d. mahirap ang buhay nang mag-anak habang nakakaangat ang isang kapatid.

37. Ang salitang interaktibo ay halaw sa ibang wika. Sa anong wika ito nagmula?
a. Ingles c. mandarin
b. Kastila c. niponggo
38. ang salitang nagshoes ay nangangahulugang nagsapatos. Sa anong antas ng wika napabilang ang
Nagshoes?
a. Balbal c. lalawiganin
b. Kolokyal d. pormal

39. ____________, kailangang ihanda muna ang mga kagamitan bago ang paglalakbay tulad ng damit,
sapatos at kamera.
Anong pang-ugnay na nagsasalaysay ang angkop na gamitin upang mabuo ang pangungusap?
a. una c. isunod
b. Ikalawa d. panghuli

40. Matapos ang pagsulat, ____________ agad ang pagrerebisa ng sulatin upang maiwasto ang mga
pagkakamali sa pagbaybay.
Anong pang-ugnay na nagsasalaysay ang angkop na gamitin upang mabuo ang pangungusap?
a. una c. isunod
b. Ikalawa d. panghuli

41. ______________, ipatung ang ice cream sa itaas ng yelo at mga sangkap sa ginawang Halo-halo.
Anong pang-ugnay na nagsasalaysay ang angkop na gamitin upang mabuo ang pangungusap?
a. una c. isunod
b. Ikalawa d. panghuli

42. Iayos ang mga sitwasyon batay sa pagkasunod-sunod ng pangyayari mula sa kuwentong Si Pinkaw.
c.

I. Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya’t sinigawan ko sila upang takutin. “Hoy mga
bata! Mga salbahi kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa kanya.
II. “Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-tawing na
daga,” kumanta ka nga ng blak is blak.”
III. “Ayoko nga, nahihiya ako,” pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri.
IV. “Kung ayaw mo, aagawin naming ang anak mo!” nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat.
a. I,II,III,IV c. III, IV, II, I
b. II,III,IV,I d. IV, III, II, I

43. I. Isang tanghalian biglang sumakit at nagsusuka ang tatlong anak ni Pinkaw
II. walang nagdaan na mga sasakyan kung kaya isinakay niya ito sa kariton at dinala sa pinakamalapit
na doctor.
III. Nataranta si Pinkaw at humingi ng tulong sa mga kapitbahay ngunit nagwika lamang na dalhin ang
kanyang anak sa ospital.
IV. ngunit wala ang doctor dahil ito’y naglalaro ng golf at muling naghanap ng ibang doctor si Pinkaw
Iayos ang mga sitwasyon batay sa pagkasunod-sunod ng pangyayari.
c.

a. I,II,III,IV c. III, IV, II, I


b. II,III,IV,I d. I,III,II,IV

44. Sa aking galit, dali-dali ko siyang tinambangan ng malalakas na suntok nang paulit-ulit. Nagmakaawa siya sa
akin na itigil na ang aking panununtok ngunit tila wala akong narinig dahil tanging ang kanyang pangbubuska
at panglalait ang aking nakikita sa kanyang duguang mukha.
c.

Suriin kung anong elemento ng maikling kuwento ang litaw sa binasang sitwasyon?
a. kasukdulan c. Tunggalian
b. simula d. Wakas

45. Matapos ang nakapanlulumong pangyayari sa kanyang mga anak, nakita na lamang siyang palaboy-
laboy sa kalye, gulagulanit ang damit at tila wala sa sarili.
Suriin kung anong elemento ng maikling kuwento ang litaw sa binasang sitwasyon?
a. kasukdulan c. Tunggalian
b. simula d. Wakas
46. Sumibol ang pag-asa sa kanyang buhay matapos niyang muling makita ang mga anak.
Ang sumibol ay nangangahulugang?
a. bumalik c. nakita
b. naglaho d. Tumubo

47. ________________ maaliwalas ang panahon, nagyayabungan ang mga halaman at sariwang-
sariwa ang hangin kung kaya naisipan kung maglakad-lakad sa nayon upang makapag-isip.
c.

Anong salita ang angkop gamitin upang maisalaysay ang pangyayari.


a. Isang araw c. maya-maya
b. Hindi nagtagal d. sa wakas

48. Makalipas ang ilang buwan ng aking panunuyo. ____________, napasagot ko na rin siya ng Oo.
Ngayon, masasabi kong masaya na kaming nagsasama.
Anong salita ang angkop gamitin upang maisalaysay ang pangyayari.
a. Isang araw c. maya-maya
b. Hindi nagtagal d. sa wakas

49. Masyadong madilim ang gabing iyon. Sumabay pa ang napakalas na bugso ng hangin at ulan.
____________ pa’y nakarinig ako ng rumaragasang daloy ng tubig na sumira sa aming pintuan at umanod
sa aming bahay. Akala ko iyon na ang aming katapusan.
c.

Anong salita ang angkop gamitin upang maisalaysay ang pangyayari.


a. Isang araw c. maya-maya
b. Hindi nagtagal d. sa wakas

nagbunga ang pagsisikap nakapagtapos Hindi nagtagal

Nagtrabaho umaga nag-aaral gabi naging tagapangasiwa

50. Anong pangungusap ang mabubuo gamit ang tamang salita sa pagsasalaysay ng pangyayari.
a. Hindi nakapagtapos dahil nagtrabaho siya sa gabi bilang tagpangaiswa at nag-aaral sa umaga.
b. Hindi nagtagal nagbunga ang kanyang pagsisikap, nakapagtapos siya habang nagtatrabaho sa gabi bilang
tagapangasiwa at nag-aaral sa umaga.
c. Nag-aaral siya sa umaga at nagtatrabaho sa gabi bilang tagpangasiwa at hindi nagtagal nabunga ang pagsisikap.
d. Nagtrabaho sa gabi bilang tagapangasiwa at nag-aaral sa umaga upang makapagtapos ng pag-aaral na nagbunga
ng pagsisikap.
SUSI SA PAGWAWASTO
1. B
2. C
3. B
4. C
5. A
6. A
7. A
8. A
9. C
10. A
11. A
12. C
13. A
14. C
15. C
16. A
17. C
18. D
19. C
20. B
21. D
22. B
23. A
24. B
25. C
26. C
27. C
28. A
29. B
30. D
31. B
32. A
33. C
34. C
35. A
36. B
37. A
38. B
39. A
40. C
41. D
42. B
43. D
44. A
45. D
46. A
47. A
48. D
49. C
50. B

You might also like