You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

PANGALAWANG MARKAHAN
LAGUMANG PAGSUSULIT SA Filipino 7
Name:_________________________ Petsa:________________
Baitang & Seksyon:_________________ Iskor:_______________

Unang Bahagi – PAGPIPILI-PILI


Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at suriin ang mga sumusunod na tanong. Piliin
lamang ang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng inyong sagot sa gilid
bago ang bilang ng iyong sagutang papel.
_____1. Ito ay tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.
a. awiting-bayan b. kultura c. alamat d. epiko
_____2. Ano salitang ito na kung tawagin sa Ingles ay “ legend”?
a. alamat b. awiting-bayan c. epiko d. bulong
_____3. Ang salitang ito ay tinatawag rin na kantahing-bayan.
a. epiko b. alamat c. awiting-bayan d. kultura
_____4. Ito’y isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
a. awiting-bayan b. epiko c. komiks d. kultura
_____5. Isa itong bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang
isyu.
a. Tula b. komiks c. awiting-bayan d. editoryal

Pangalawang Bahagi – PAG-UNAWA


Panuto: Alamin ang kultura at kalagayang panlipunang nakapaloob sa Awiting-Bayan. Pagtapat-
tapatin ang nasa Hanay A sa Hanay B. Piliin lamang ang pinaka-angkop na sagot sa bawat
bilang. Isulat ang letra ng inyong sagot sa gilid bago ang bilang ng iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_____6. Magtanim ay di biro A. Pampatulog ng Bata
_____7. Bahay Kubo B. Pangingisda
_____8. Si Pelimon C. Pagsasaka
_____9. Ay Kalisud D. Kabiguan sa Pag-ibig
_____10. Ili-ili Tulog Anay E. Pagkain ng masustansiyang pagkain

Pangatlong Bahagi – PAGPIPILI-PILI


Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at suriin ang mga sumusunod na tanong. Piliin
lamang sa loob ng kahon ang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng
inyong sagot sa gilid bago ang bilang ng iyong sagutang papel.
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

A. PORMAL B. PAMBANSA C. PAMPANITIKAN


D. IMPORMAL E. LALAWIGANIN F. KOLOKYAL G. BALBAL

_____11. Sa Ingles kung tawagin ito ay slang.


_____12. Antas ng wika na pamantayan at kinikilala/ginagamit ng nakakararami.
_____13. Makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
_____14. Maaring may kagaspangan nang kaunti ang salitang ginagamit.
_____15. Salitang ginagamit sa paaralan o pamahalaan.

Pang-apat na Bahagi – PAG-UNAWA


Panuto: Tukuyin kung anong antas ng wika ang salitang nakasalungguhit. Isulat ang (A. KUNG
BALBAL, B. KUNG KOLOKYAL, C. KUNG LALAWIGANIN AT D. KUNG ITO AY PORMAL E.
PAMPANITIKAN). Piliin lamang ang pinaka-angkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang letra ng
inyong sagot sa gilid bago ang bilang ng iyong sagutang papel.

_____16. Sarah: Uy, si Lola, emote na emote.


_____17. Alex: Ipinakikilala ko ang syota kong kano sa inyo mamaya.
_____18. Roxanne: Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming putahe.
_____19. Mang Andoy Naku, nag-aamoy bawang na. May plano na ba?
_____20. Felix: Hayaan mo nga siya, Jean. Moment niya ito, eh.

Panglima Bahagi – PAGPIPILI-PILI


Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at suriin ang mga sumusunod na tanong. Ang mga
tanong sa bilang 21 hanggang 25 ito ay tungkol sa “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”.
Piliin lamang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng inyong sagot sa gilid
bago ang bilang ng iyong sagutang papel.

_____21. Ilan ang anak ng matandang mangingisda?


a. 17 b. 7 c. 2 d. 71
_____22. Ano ang pangalan ng bayan kung saan naninirahan ang pamilya ng matandang
mangingisda?
a. Dumangas b. Dagat-bisaya c. Guimaras d. Dumangasgas
_____23. Ano ang pangalan ng panganay na anak ng matandang mangingisda?
a. Delima b. Denang c. Denay d. Delay
_____24. Saang isla napabilang ang bayan na tinitirhan nang pamilya ng mangingisda?
a. Guimaras b. Dumangas c. Panay d. Ilo-ilo
_____25. Anong lalawigan naman napabilang ang bayan ng dumangas?
a. Panay b. Ilo-ilo c. Guimaras d. Dumangis

Pang-anim Bahagi – PAGBIBIGAY INTERPRETASYON


Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

Panuto: Basahin ang talata at unawain ang mga salitang nakasalungguhit sa bawat bilang.
Pagkatapos isulat sa patlang ang sariling interpretasyon o kahulugan nito.
26. Si Julia ang anak-anakan ni Miguel.
________________________________________________________________
27. Ang suot na palda ni Ana ay nagmukha siyang babaeng-babae.
________________________________________________________________
28. Ipinamana kay Lyka ang lahat ng ari-arian ng ina.
________________________________________________________________
29. Ako nalang po ang aalis sa bahay.
________________________________________________________________
30. Si Clara nalang aawit sa darating na patimpalak.
________________________________________________________________

Pampitong Bahagi – PAGTUKOY


Panuto: Basahin, kilalanin at bilugan ang mga pahayag o salitang nanghihikayat sa sumusunod na
pangungusap sa bawat bilang.

31. Tara, tulong na!


32. Tama! Lahat tayo’y puwedeng tumulong kung gugustuhin natin.
33. Kaya natin ito basta tayo’y sama-sama.
34. Naniniwala akong ang edukasyon ay makakatutulong sa lahat.
35. Tunay na mahalaga ang ating pagkakaisa para magtagumpay.

Pangwalo Bahagi – PAGPIPILI-PILI


Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at suriin ang mga sumusunod na tanong. Ang mga
tanong sa bilang 36 hanggang 40 ito ay tungkol sa “Epikong Hinilawod”. Piliin lamang ang
pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng inyong sagot sa gilid bago ang
bilang ng iyong sagutang papel.

_____36. Ano ang pangalan ng Diyosa sa kalangitan ng epikong nabasa?


a. Paubari b. Alunsina c. Kaptan d. Malayon
_____37. Sino ang hari ng mga Diyos?
a. Kaptan b. Malayon c. Hinilawod d. Alunsina
_____38. Sino ang isa sa triplets na nakulong at naibilanggo ni Saragnayan?
a. Dumalapdap b. Datu Paubari c. Labaw Dongon d. Humadapnon
_____39. Ano ang pangalan ng kapatid ni Alunsina?
a. Lubay-Lubyok b. Balanakon c. Suklang Malayon d. Uyutong
_____40. Piliin sa mga sumusunod ang hindi napabilang na pangalan sa triplets
a. Labaw Dongon b. Paubari c. Humadapnon d. Dumalapdap

Pangsiyam Bahagi – PAGSUSURI


Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

Panuto: Tukuyin ang konotatibong kahulugan ng mga salitang naka-itim kaugnay ng kaugalian
nating mga Pilipino na masasalamin sa ating awiting-bayan. Piliin lamang ang pinaka-angkop
na sagot sa bawat bilang. Isulat ang letra ng inyong sagot sa gilid bago ang bilang ng iyong
sagutang papel.

_____41. Sa maraming lugar sa Pilipinas, ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pagluluksa at kalungkutan b. pag-ibig at pagkabigo
c. paghihirap at gutom d. giyera at kaguluhan
_____42. Ang oyayi ay awiting-bayang inuugnay sa:
a. Bangka, pamingwit at isda b. walis, bunot, basahan
c. ina, hele, sanggol d. rosas, gitara, pag-ibig
_____43. Ang balitaw at kundiman sa mga lugar ng katagalugan ay karaniwang naiuugnay sa:
a. pangangaso b. panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
c. paggawa ng mga gawaing bahay d. paggaod ng bangka
_____44. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang naiuugnay sa:
a. pagiging mapamahiin b. pagiging masipag
c. pagiging masayahin d. pagiging matampuhin
_____45. Ang awiting-bayan sa ibat’ibang lugar sa Pilipinas ay karaniwang iniuugnay sa:
a. materyal na kayamanan ng isang bansa b. pagdurusang dinanas ng bayan
c. kultura’t kaugalian ng isang bayan d. politika ng isang bayan

Pangsampu Bahagi – PAGLIKHA


Panuto: Sa bilang 46-50, bumuo ng isang tulang may sukat at may tugmang taludturan: 1 sakno
at may 5 taludtud. Ang tula ay patungkol “Pagdiriwang ng pasko ng mga Pilipino”. Huwag
kalimutan ang pamagat ng tula.

Inihanda ni:
IRISH C. GABOR
Substitute Teacher

You might also like