You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 1


Filipino 7
S.Y. 2021-2022
Pangalan:_________________ ________________Marka: ______________
Seksyon: _________________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga bisaya mahilig sa mga tulang may sukat at tugma na kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Ito ay ang mga
tinatawag na __________.
A. bulong
B. harana
C. bugtong
D. awiting-bayan
2. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang gihigugma. Ang gihigugma ay nangangahulugang __________.
A. kinakahiya
B. kinaiinisan
C. minamahal
D. kinasuksuklaman
3. Bakit pinaniniwalaang dapat gumamit tayo ng bulong? Upang __________.
A. hindi gumaling ang isang taong nausog
B. mabigyang-babala ang mga“nilalang” na hindi nakikita
C. mas lalong lumalala ang hindi maipaliwanag na mga sakit
D. gambalain ang mga elemento o “nilalang” na hindi nakikkita
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang naiuugnay sa pagiging __________.
A. malungkutin
B. mapamahiin
C. masayahin
D. mainipin
5. Mahalagang mapanatili at patuloy na awitin ang ating mga awiting-bayan upang __________.
A. mapanatili ang makulay at mayamang kultura’t tradisyon ng isang bayan
B. maging sikat ang mga Pilipino sa buong bansa
C. makilala ang mga manunulat nito
D. hindi ito makalimutan
6. Ang mga salitang yosi, boylet, at eskapo ay napabilag sa anong antas ng wika?
A. balbal
B. pormal
C. kolokyal
D. lalawiganin
7. “Meron ka bang dalang pulbo?” Ang salitang meron ay napabilang sa__________.
A. balbal
B. pormal
C. kolokyal
D. lalawiganin
8. “ Ang aking __________ ay isang magiting na magsasaka.” , sambit ni Juan sa harap ng klase.
A. ama
B. erpats
C. papsi
D. utol
9. Aling wika kaya ang angkop gamitin kapag nakikipag-usap sa guro?
A. balbal
B. pormal
C. kolokyal
D. lalawiganin
10. Angkop bang gamitin ang wikang lalawiganin kapag nakikipag-usap sa isang banyaga?
A. Oo, upang maipakita ang iyong pagkakakilanlan.
B. Oo, dahil ang wika ng iyong lalawigan ay maipagmamalaki.
C. Hindi, dahil matatagalan ang inyong pag-uusap.
D. Hindi, dahil hindi kayo magkakaintindihan.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 2


Filipino 7
S.Y. 2021-2022
Pangalan:______________________________Marka: ______________
Seksyon: _____________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay mula sa salitang Latin na legendus, na nangangahulugang “upang mabasa”.
A. tula C. pabula
B. alamat D. sanaysay
2. Ito ay ang mga karaniwang paksa ng mga alamat maliban sa isa.
A. kababalaghan at hiwaga
B. katutubong kultura
C. kapaligiran
D. kaugalian
3. Noong unang panahon ang ating mga ninuno ay nagkaroon na ng mga karunungang- bayan na kinabibilangan ng alamat.
Mahihinuhanag ang mga ninuno ay__________.
A. maalamat
B. manunulat
C. marurunong
D. mahilig sa panitikan
4. Inaanyayahan ng mga binata ang mga dalaga, bagaman pumayag agad ang mga ito ngunit nagpaalam parin sila sa kanilang ama. Masasabi mula
sa pahayag na ang pagpapaalam sa mga magulang ay bahagi na ng ating__________.
A. alamat
B. kultura
C. relihiyon
D. kasaysayan
5. “Maipapakita ang pagpapahalaga sa mga alamat sa pamamagitan ng patuloy na pagtangkilik ng mga akda at pagsabuhay sa mga aral nito.” Ang
pahayag ay __________.
A. tama
B. mali
C. maaaring tama
D. maaaring mali
6. Mababaw ang luha ni Emma kaya kaunting pantutukso lang ay humagulgol na ito.
A. madaling magalit
B. madaling tumawa
C. madaling umiyak
D. madaling malungkot
7. Halos maiyak sa tuwa si JK nang maalala ang pagkadapa ni RM. Ito ay nangangahulugang si JK ay __________.
A. ngumiti
B. tumawa
C. humagikgik
D. humalakhak
8. Alin sa mga sumusunod na magkasingkahulugang salita ang may pinakamataas na damdaming ipinapahiwatig?
A. inis C. tampo
B. galit D. suklam
9. Masamang damo lang ang kayang pumatay ng tao.
A. mabait na tao
B. matalinong tao
C. masamang tao
D. mangmang na tao
10. Simula ng sumikat si Alma ay __________ at hindi na namamansin.
A. lumaki ang balakang
B. lumaki ang braso
C. lumaki ang paa
D. lumaki ang ulo
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 1


Filipino 8
S.Y. 2021-2022
Pangalan:______________________________Marka: ______________
Seksyon: _____________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay at binubuo ng mga saknong.
A. tula C. awit
B. dula D. talinghaga
2. Sa tulang “Ako ang Daigdig”, ano ang relasyon ng tula at makata?
A. magkaibigan
B. hindi magkaugnay
C. ang makata at tula ay iisa
D. wala sa nabanggit
3. Ang tulang “Bayan Ko” ay pumapaksa sa __________.
A. kalayaan
B. kasalukuyang epidemya
C. nagbuklod ng damdamin at isip
D. nararanasang kolonisasyon ng Pilipinas
4. “At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.”
Bilang kabataan, paano mo maipapakita sa mga dayuhan ang iyong pagmamahal sa ating bansa ?
A. Ipagmamalaki ko ang aking lahi sa kanila.
B. Bibili ako ng mga produktong gawa ng mga Pilipino.
C. Ipapakilala ko ang mga magandang tanawin ng bansa.
D. Lahat ng nabanggit.
5. “Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila”
Anong makabuluhang tanong ang angkop sa katuwiran ng makata?
A. Kaya mo bang ipaglaban ang iyong minamahal?
B. Handa ka bang pagtaksilan ang iyong kaibigan?
C. Gaano kalalim ang iyong pagmamahal?
D. Mahal mo ba o kailangan mo lang?
6. Ito ay sariling pananaw ng tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
A. saloobin C. katwiran
B. opinyon D. suhestiyon
7. Sa loob ng klase, alin ang angkop na pahayag sa pasalungat na opinyon?
A. Napakamali ng iyong ideya.
B. Oo, sige na ikaw na ang magaling.
C. Hindi ako gaanong sang-ayon sa iyong ideya.
D. Patunayan mo nga sa aming lahat na ikaw ang tama.
8. “Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.” Ito ay nagpapahayag ng __________.
A. pagsang-ayon C. pangangatwiran
B. pagsalungat D. pagtanggi

9-10. Ipahayag ang iyong opinyon sa larawan sa ibaba:

Rubrik sa Pagmamarka

Nilalaman- 1 puntos
Istruktura- 1
puntos
Kabuuan- 2 puntos

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 2


Filipino 8
S.Y. 2021-2022
Pangalan:_________________ ________________Marka: ______________
Seksyon: _________________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya.
A. pagsang-ayon C. opinyon
B. pagsalungat D. katwiran
2. Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya
A. pagsang-ayon
B. pagsalungat
C. opinyon
D. katwiran
3. Alin sa mga sumusunod ang pang-abay na pananggi?
A. Iyan ay nararapat …
B. Totoong …
C. Sang-ayon ako …
D. Hindi totoong …
4. __________ kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan.
A. Sang-ayon kami
B. Iyan din ang palagay ko
C. Totoong
D. Talaga
5. Nais mong tulungan ang iyong magulang sa paghahanap-buhay at solusyon mo rito ay ang pagtigil sa pag-aaral. Tama ba ito?
A. Sang-ayon ako dahil makabubuti ito para sa amin.
B. Totoong kailangan ko maghanap-buhay kaysa mag-aral.
C. Hindi ako sang-ayon dahil kailangan kong unahin ang pag-aaral.
D. Maling-mali na tumigil sa pag-aaral pwede naman lumiban lang.
6. Ito ay ang mas malalim at hindi literal na kahulugan ng isang salita.
A. denotasyon
B. konotassyon
C. konseptwal
D. tayutay
7. Mababaw ang luha ni Emma kaya kaunting pantutukso lang ay humagulgol na ito. Ito ay nangangahulugang si Emma ay __________.
A. madaling magalit
B. madaling tumawa
C. madaling umiyak
D. madaling malungkot
8. Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala. Ang pahayag na ito’y nangangahulugang__________.
A. ayaw pa niyang mamatay
B. ang nagsasalita’y patay na
C. ibinigay na niya kay Bathala ang kanyang buhay
D. nangako siya kay Bathala na magbubuwis siya ng buhay
9. Sa akdang “Walang Sugat” inilarawan ang __________.
A. kabaitan ng mga Kastila sa mga Pilipino
B. kahinaan ng pamamahala ng mga Kastila
C. kagalingan ng pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas
D. kalupitan ng mga Kastila sa pagpaparusa sa mga Pilipinong wala namang pagkakasala
10. Iniwan ni Tenyong ang ina at kasintahan upang tugunin ang panawagan ng Inang. Si Tenyong ay __________.
A. makasarili
B. makabayan
C. mapagmahal
D. makakalikasan
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 1


Filipino 9
S.Y. 2020-2021
Pangalan:_________________ ________________Marka: ______________
Seksyon: _________________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang pagtaas-baba ng pantig sa isang salita at nagpapahiwatig ng damdamin ng nagsasalita.
A. tono C. haba
B. diin D. antala
2. Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng nais ihatid sa kausap.
A. tono C. haba
B. diin D. antala
3. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa tanka?
A. paksa ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa
B. tungkol sa kalikasan at pag-ibig
C. tatlumpu’t isang pantig
D. may limang taludtod
4. “Buwan tulad mo,
Malayo sa’kin, ngunit
Tanging gunita:
Kung tingnan at lingunin
Sa isip, maging isa.”
Ang salitang gunita ay nangangahulugang ____________.
A. karanasan
B. guni-guni
C. pag-asa
D. alaala
5. Ipinapakilala mo ang iyong kaibigan sa isang doktor at kay John. Alin sa mga pangungusap ang tama?
A. Doktor John, siya ang aking kaibigan.
B. Doktor. Siya ang aking kaibigan, John.
C. Doktor John siya ang aking kaibigan.
D. Doktor, John, siya ang aking kaibigan.
6. Ito ay isang maikling kwentong kathang-isip na kung saan ang mga tauhan ay hayop na kumakatawan sa pag-uugali ng mga tao?
A. parabula C. pabula
B. nobela D. tula
7. “Sandali! Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? . . .” sumbat ng lalaki sa tigre. Ano ang damdamin ng tauhan?
A. galit
B. tampo
C. pagkadismaya
D. labis na kalungkutan
8. Mainam ba ang paggamit ng mga hayop bilang tauhan sa isang akda?
A. Hindi, dahil mahirap itong intindihin.
B. Oo, dahil naaliw nito ang mga batang mambabasa.
C. Hindi, dahil magmumukhang hindi makatotohanan ang kwento.
D. Oo, dahil nakapupukaw ng interes at kapupulutan ito ng magagandang-asal.
9. Alin sa mga sumusunod na magkasingkahulugang salita ang may pinakamataas na damdaming ipinapahiwatig?
A. inis C. tampo
B. galit D. suklam
10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon pinakamaiuugnay ang katangian ni Matsing sa pabulang “Ang pagong at ang Matsing”?
A. Isinuli ni Rita ang payong ng Ale
B. Binigyan ni Roy ng pagkain ang kanyang kaibigan.
C. Itinago ni Clara ang damit ni Mara upang hindi ito makasali sa patimpalak.
D. Ibinuwis ng mga bayani ang kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 2


Filipino 9
S.Y. 2020-2021
Pangalan:_________________________________Marka: ______________
Seksyon: _________________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. _______________ sa sinabi ni Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
A. Lubos akong nanalig C. Tama talaga
B. Iyan ay nararapat D. Totoong
2. Piliin sa ibaba ang pahayag na nagpapakita ng pagsang-ayon.
A. Hindi ko matatanggap ang iyong suhestiyon.
B. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanya noong isang araw.
C. Maling-mali talaga na tayo ay magkaroon ng konseptong kanluranin.
D. Ikinalulungkot kong sabihin na higit na mahalaga ang pera para sa akin.
3. Bagamat alam na ng lahat ang nangyari ay nagawa pa rin niyang maglubid ng buhangin. Ang ibig sabihin nito ay ____________.
A. nagsinungaling C. natakot
B. nangatwiran D. nakita
4. “Iasa na lamang ang anumang gawain o trabaho sa mga makabagong teknolohiya upang di mahirapan ang ating katawan.”
A. Sumasang-ayon ako dahil ang mga ito ay idinisenyo upang gawing madali ang ating gawain.
B. Sumasang ayon ako dahil may mga gawain na hindi magagawa ng tao nang mag-isa.
C. Hindi ako sumasang-ayon dahil mahal ang pagbili ng mga bagong teknolohiya.
D. Hindi ako sumasang-ayon dahil magiging tamad ang mga tao at hindi na kikilos.
5. “Higit na mahusay ang computer kaysa sa tao”
A. Sumasang-ayon ako dahil nagagawa ng computer ang maraming bagay na kailangan ng tao.
B. Sumasang-ayon ako dahil ang mga tao ay nakadepende na sa mga computer.
C. Hindi ako sumasang-ayon dahil tao rin ang nag-imbento ng computer at may mga bagay na hindi kayang gawin ang computer na nagagawa
ng tao.
D. Hindi ako sumasang-ayon dahil ang Panginoon ang lumikha sa tao at wala ng papantay sa tao.
6. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam gamitin kung ikaw ay nagbibigay ng opinyon?
A. talaga C. itinatanggi ko
B. hindi maaari D. sa pananaw ko
7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng saloobin o opinyon?
A. Naniniwala akong uunlad ang bayan kung lahat tayo ay magtutulungan.
B. Talagang mahusay kumanta si Janine Berdin.
C. Ibinalita ang pagkamatay ng isang kadete dahil sa hazing.
D. Ipinapatupad ngayon ang pagsuot ng face mask at social distancing.
8. ____________ marami pa ring Pilipino ang gustong mangibang-bansa.
A. Suhestiyon kong C. Naniniwala akong
B. Pinanagutan kong D. Iminumungkahi kong
9. Piliin sa mga pangungusap ang naglalahad ng paninindigan.
A. Marahil uulan mamaya.
B. Lubos akong nanalig na hindi dapat gawing batas ang death penalty.
C. Sa palagay ko, mas maraming babae ang nagtatapos kaysa lalaki.
D. Sa isip ko, gusto kong maging guro.
10. Kung ikaw ay magbibigay ng mungkahi, ano ang pinakamainam na pahayag ang dapat mong gamitin?
A. tatayuan ko
B. sa ganang akin
C. sa pag-aakala ko
D. ang suhestiyon ko
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 1


Filipino 10
S.Y. 2020-2021
Pangalan:_________________ ________________Marka: ______________
Seksyon: _________________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala, at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao
A. alamat
B. mitolohiya
C. animismo
D. kuwentong-bayan
2. Ang tema ng isang mitolohiya ay maaaring nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.
A. magpaliwanag sa natural na pangyayari
B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. pag-uugali ng tao
D. korupsyon
3. “Panginoon, tulungan mo akong mapatawad ang taong nanlilinlang sa akin”, sambit ni Nora.. Anong paksa ang tinutukoy sa linyang ito?
A. Paghingi ng tawad sa Panginoon sa kasalanang nagawa.
B. Pagdalangin sa Maykapal na gabayan sa pagpapatawad.
C. Pakikipagtulungan sa Panginoon na magpapatawad.
D. Pagsumbong sa Panginoon sa panlilinlang ng kapwa
4. Alin sa sumusunod na mga salita ang makabuo ng iba pang kahulugan kapag pinagsama?
I. bahag + hari III. puti + usa
II. haba + buhok IV. bunga + araw
A. I at II B. II at III C. I at IV D. III at IV
5. Paano naihahambing ang mitolohiya ng mga bansang Kanluranin sa mitolohiyang Pilipino?
A. Pare-pareho ang tagpo ng mga pangyayari
B. Parehong may labanan at paglalakbay ang mga tauhan
C. Magkaugnay ang kanilang mga pangyayari at tauhan
D. May taglay na kapangyarihan ang pangunahing tauhan
6. Ito ay sining ng panggagaya at pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Layunin nitong itanghal.
A. dula
B. epiko
C. sanaysay
D. maikling kuwento
7. Ang salitang “apir” ay hango sa salitang ingles na__________.
A. up here
B. clap
C. applause
D. hello
8. Anong mensahe ang ipinapakita ng lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ?
A. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. pagsuway sa utos ng angkan
C. pagtataksil ni Juliet kay Paris
D. lahat ng nabanggit
9. “ . . . agad siyang humugot ng Espada at handang pumatay ng kaaway.”Mailalarawang si Tybalt ay __________.
A. mainitin ang ulo at mapaghanap ng gulo.
B. tahimik at marunong magkontrol sa sarili.
C. mapagtimpi at hindi marunong maghanap ng gulo.
D. katulad ng bulalakaw na handang sumabog anomang oras.
10. Alin sa mga pangyayari sa dulang “Romeo at Juliet” ang kahalintulad ng mga pangyayari sa ating bansa?
A. Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Alitan sa pagitan ng mga angkan
C. Pagtatakda ng Kasal na walang pag-ibig
D. Lahat ng nabanggit.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
BISLIG CITY DIVISION
DANIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Danipas, Labisma, Bislig City

Second Quarter- Summative Exam 2


Filipino 10
S.Y. 2020-2021
Pangalan:_________________ ________________Marka: ______________
Seksyon: _________________________________Guro: Glydale M. Sulapas

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang anyo ng panitikan na may mga matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
A. tula C. pabula
B. alamat D. sanaysay
2. Kabilang dito ang balagtasan, karagatan, duplo, fliptop o battle rap.
A. Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko
B. Tulang Pasalaysay
C. Tulang Padula
D. Tulang Patnigan
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tayutay na pagtutulad?
A. Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan
B. Si Jena ay parang bulaklak sa ganda.
C. Si Josephine ay kutis porselana.
D. Ang mga damo ay sumasayaw
4. “Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat”
Ang salitang dakila ay nangangahulugang __________.
A. mabait C. mayaman
B. bantog D. mapagmahal
5. Anong elemento ng tula ang mga salitang nakasalungguhit.
“Ang awit na ito
Ay alay ko sa iyo “
A. tugma C. sukat
B. saknong D. talinghaga
6. Ito ay isang panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
A. maikling kuwento C. nobela
B. pabula D. dula
7. “Dinig sa buong bayan ang kanyang hagulgol.” Ang kaugnay na kahulugan ng salitang hagulgol ay __________.
A. humarurot
B. halakhak
C. malakas na iyak
D. malakas na sigaw
8. “Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?” Ano ang damdamin sa diyalogo?
A. pag-aalala
B. pagkainis
C. pagtataka
D. pagtatampo
9. Anong kaisipan ang ipinapahayag ng maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago?”
A. Hindi materyal na bagay ang tanging magpapasaya sa tao.
B. Ang Pasko ay para sa pagbibigayan ng mga regalo
C. Ang pag-ibig ay pagpapakasakit.
D. Ang Diyos ay pag-ibig.
10. Ang mag-asawang Jim at Della Young ay itinuturing na mga mago dahil __________.
A. pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa pasko.
B. isinakripisyo nila ang pinakamahahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila
C. hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali
D. binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan. kalupitan ng mga Kastila sa pagpaparusa sa mga
Pilipinong wala namang pagkakasala

You might also like