You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
PANGASINAN SCHOOLS DIVISION II
NAMA NATIONAL HIGH SCHOOL

NAME:________________________________________________Yr. & Sec._____________ Score:____

SAMATIBONG PAGSUSULIT 1.1


FILIPINO 8
PAGTATAYA. PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tawag sa uri ng karunungang-bayan na hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay sapagkat may
natatago pa itong kahulugan patungkol sa iba’t ibang bagay.
a. Sawikain b. Palaisipan c. Salawikain d. Bugtong
2. Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao. Tinatawag ding mga
idyoma.
a. Bugtong b. Palaisipan c. Salawikain d. Sawikain
3. Ito ay binubuo ng isang pangungusap o tanong na maaari ring sa anyong patula na may nakatagong
kahulugan na nangangailangan ng tiyak na kasagutan.
a. Paghahambing b. Palaisipan c. Sawikain d. Bugtong
4. Ang karunungang-bayan na ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno.
a. Salawikain b. Idyoma c. Bugtong d. Kwentong-bayan
5. Ito ay isang panitikang umusbong noong panahon ng mga katutubo.
a. Karunungang-bayan b. bayanihan c. Sangguniang-bayan d. Awiting-bayan
B. PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bugtong at sawikain na nasa ibaba.

6. Parang kidlat
a. Sobrang puti b. Napakabilis c. Umaapoy d. May sunog

7. Naniningalang-pugad

a. Nanghuhuli ng ibon b. Naghahanap ng pugad c. Naliligaw d. Nanliligaw

8. Kapilas ng buhay
a. Asawa b. Kaagaw c. Kaaway d.Kapatid

9. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.


a. Salamin b. Damit c. Balimbing d. Telebisyon

10. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.


a. Ubas b. Walis c. Pako d. Palay

C. PANUTO: Isulat ang SAWIKAIN o SALAWIKAIN ayon sa pahayag bawat bilang.


_______________11. Puri sa harap, sa likod palibak.
_______________12. Kaibigan kung meron, kung wala’y sitsaron.
_______________13. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa gipitan.
_______________14. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
_______________15. Pag may hirap, may ginahawa.

D. PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pahayag.


_______________16. Salawikain, sawikain at kasabihan ay mga karunungang-bayan.
_______________17. Alamat ay isang uri ng kuwentong -bayan.
_______________18. Salawikain ay ang pinagmulan ng panulaang Pilipino.
_______________19. Kasabihan ay di-tahasan ang pagpapakahulugan.
_______________20. Sawikain ay isang idyoma.
E. PANUTO: Ibigay ang kaisipang nakapaloob sa mga sumusunod na karunungang-bayan. Isulat ang iyong
pagpapaliwanag sa sagutang papel

Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman Tagumpay ay ‘di makakamit kung ang isipan
ay pikit.
PAGPAPALIWANAG:
PAGPAPALIWANAG:

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Nilalaman - 5 puntos
Kaangkupan ng kaisipan sa karunungang-bayan - 5 puntos
KABUUAN = 10 puntos

Prepared by: Checked and reviewed by:

JEAN O. LIANO MANUEL A. RIVERA


Teacher III Head Teacher III

NOTED:

RODA D. JOHNSON,EdD.
Principal III

You might also like