You are on page 1of 2

Diocesan Schools of Urdaneta

ST. PHILOMENA’S ACADEMY


Pozorrubio, Pangasinan

Unang Preliminaryong Pagsusulit


FILIPINO 7

PANGALAN: _______________________________________ ISKOR: ________________


SEKSIYON: ______________________
I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
_____ 1. Lumalabas si Manik Buangsi at pinagmamasdan ang mukha ng isang magandang
dayang-dayang.
A. Dalaga C. Princesa
B. Reyna D. Matandang dalaga
_____ 2. Buong tapang sinagupa ni Manik Buangsi ang kaniyang mga kalaban.
A. Nilabanan C. Pinatay
B. Nilapitan D. Pinaslang
_____ 3. Umalis si Manik Buangsi kasama ang kaniyang kasintahan at sila ay nakarating sa
isang makipot na tulay.
A. Malapad C. Maliit
B. Mahaba D. Masikip
_____ 4. Mabuti na lang at nakalundag si Pilandok palayo sa isang malaking buwaya.
A. Nakadapa C. Nakatakbo
B. Nakatalon D. Nakalakad
_____ 5. Habang umiinom sa batis si Pilandok, isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na
sanga.
A. Malalago C. Mahahaba
B. Malalapad D. Makakapal

II. IDENTIPIKASYON
Panuto: Isulat ang wastong sagot sa bawat patlang bago ang mga bilang.
__________ 1. Pasalin-salin sa iba’t-ibang henerasyon sa pamamagitan ng pagsasalin dila.
__________ 2. Uri ng panitikan na ito ay ginagampanan ng mga hayop na kumikilos at nag-iisip
na parang tao.
__________ 3. Tinaguriang ama ng pabula.
__________ 4. Tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o
masigurado o may pang-agam-agam pa tayo
__________ 5. Ang pabula ay nagmula sa salitang Griyegong _____ na ang ibig sabihin ay
“myth” o mito
__________ 6. Sa pagpapahayag ng patunay, ang mga datos o ____ ay kinakailangan natin
upang lalong makapagpatunay sa katotohanang inilalahad.
__________ 7. Siya ay kilala sa kagubatan bilang tuso at mapanlinlang.
__________ 8. Ito ang kuwentong-bayan na kinagigiliwan sa Lungsod ng Zamboanga na
tumatalakay sa pakikipagsapalaran at pag-iibigan.
__________ 9. Kasintahan ni Manik Buangsi na pinakamaganda sa pitong magkakapatid.
__________ 10. Siya ang nanlinlang at nagpabago kay pilandok na maging mabuti.

III. TAMA O MALI


Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng katumpakan at isulat MALI
kung ang pahayag ang mali.
_____ 1. Ang posibilidad ay maaaring maging positibo o negatibo depende sa maaari nga bang
magkatotoo ang bagay na itinatanong.
_____ 2. Tao ang pangunahing tauhan sa pabula.
_____ 3. Ang pabula ay nagmula sa salitang Griyegong “mozus” na ang ibig sabihin ay “myth” o
mito
_____ 4. Ang kuwentong-bayan ay nasa anyong liriko.
_____ 5. Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay na nagpasalin-salin sa bibig ng mamamayan ng isang tiyak na
lugar.
_____ 6. Sa pagbibigay patunay, ang nagpapakita ay mga salitang nagsasaad na ang isang bagay na
pinatutunayan ay totoo o tunay.
_____ 7. Hindi na pinagtutuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga detalye para makita ang katotohanan sa
pahayag.

_____ 8. Isa sa katangian ng kuwentong-bayan ay tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang


tao laban sa sa mga kaaway nito na halos hindi kapani-paniwala dahil sa mga kababalaghang
nangyayari.
_____ 9. Naipapakita ang pagiging makilatis at mapagmasid sa kapaligiran kung ito ay naglalahad ng mga
patunay.
_____ 10. Ang kuwentong-bayan at pabula ay ilang uri ng wika na kapwa nagbibigay ng gintong-aral.

IV. ESSAY

1. Ibigay ang buod ng kuwentong “Manik Buangsi”. ( 10 puntos )

2. Bigyan ng pagpapaliwanag ang sumusunod na kasabihan, “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw
mong gawin din nila sayo”. ( 5 puntos )

Inihanda ni

Ms. Erica T. Laroya


Asignaturang Guro

You might also like