You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region-02
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF THE CITY OF ILAGAN
GAYONG-GAYONG SUR INTEGRATED SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


sa
FILIPINO 10

PANGALAN: ISKOR:

I. PAGPIPILI: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot bago ang bilang sa
malalaking letra lamang.

___ 1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anomang
isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. editorial b. talumpati c. sanaysay d. talambuhay
___ 2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa
bawat taludtod.
a.tanaga b. haiku c. soneto d. alegorya
___ 3. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat?”
a. 1950 b. 1951 c. 1952 d. 1953
___ 4. Anong damdamin ang ipinapahiwatig sa pahayag na “Naku, lagot ako pag-uwi mamaya,
nakalimutan ko ang bilin ni nanay.”
a. pag-aalala b. pagtataka c. pagkainis d. pagtatampo
___ 5. Anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pahayag na, “Nagwagi si Adelei sa patimpalak
noong nakaraang DSPC sa Roxas, Isabela .”
a. ganapan b. layon c. direksyon d. pinaglalaanan
___ 6. Talagang tahimik si Melissa sa klase. Ang may salungguhit ay isang __ na gimait upang
mapalawah ang pangungusap.
a. pang-uri b. komplimento c. pang-abay d. ingklitik
___ 7. Ang sumusunod ay mga element ng mitolohiya liban sa __.
a. Tumatalakay sa mga dyos at kanilang kabayanihan
b. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
c. kapani-paniwala ang wakas
d. may salamangka at mahika
___ 9. Ang Talumpati ni Dilma Rouseff sa kaniyang inagurasyon ay isinalin sa Filipino ni __.
a. Shiela A. Molin b. Sheila A. Molin c. Shiela C. Molina d. Sheila C. Molina
___ 10. Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o
ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
a. pang-uri b. komplimento c. pang-abay d. ingklitik
___ 11. Ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar.
a. modipikasyon b. pagmamay-ari c. lokatibo d. pang-uri
___ 12. Ito ay tinatawag sa Ingles na “sketches” na nagmula sa maikling kwento.
a. dagli b. daglit c. nobela d. komiks
___ 13. Akda ni Ernest Hemmingway at isinalin sa wikang Filipino ni Jesus Manuel ang nobelang __.
a. Harry Potteer b. Thor at Odin c. Ang Matanda at ang Dagat d.
wala sa pagpipilian
___ 14. Elemento ng nobela na nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
a. tema b. damdamin c. pamamaraan d. banghay
___ 15. Elemento ng nobela na nagbibigay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. tema b. damdamin c. pamamaraan d. banghay
___ 16. Humawak si Rizel sa magkabilang gilid ng kanyang prowa. Ano ang salitang kasingkahulugan ng
nasalunggihitan?
a. Bangka b. barko c. lamesa d. wala sa pagpipilian
___ 17. Ang __ ay isang anyo ng rebuy ng binasang teksto o akda ng isang panitikan.
a. buod b. suring pelikula c. suring peryodiko d. suring basa
___ 18. ___ ngang edukasyon ang susi ng tagumpay! Anong pag-ugnay ang dapat gamitin sa
pangungusap?
a. Sadyang b. Tunay c. Ngunit d. Sapagkat
___ 19. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego ng “mythos” na ang ibig sabihin ay __.
a. kuwento b. oral c. mahika d. propesiya
___ 20. Nagmahal ng labis si Rizel. Ang pokus ng pandiwa na nasalungguhitan ay ___.
a. ganapan b. tagaganap c. layon d. wala sa pagpipilian
___ 21. Ang tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tulang padamdamin na nagmula sa __.
a. Italya b. Pransiya c. England d. Germany
___ 22. Uri ng tayutay na naghahambing ng dalawang bagay na di-tuwiran ang ginagaang
paghahambing.
a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Pagtatao
___ 23. Uri ng tayutay kung saan ito ay nagbibigay katauhan sa mga bagay na walang buhay.
a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Pagtatao
___ 24. Uri ng tayutay na naghahambing ng tuwiran na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang
atbp., upang paghambingin ang dalawang bagay.
a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Pagtatao
___ 25. Anong uring tayutay ang nasa pahayag na “Ang exam ay parang pag-ibig, hindi lumilingon sa iba
kahit nahihirapan na.”
___26. Sino ang nagsalin sa kwentong Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante?
a. Sheila Molina b. Shiella Molina c. Shella Molina d. Wala sa
pagpipilian
___27. Si Dilma Rousseff ang kauna-unahang babaeng nagging Pangulo sa bansang Brazil. Sino naman
sa Pilipinas?
a. Gloria Arroyo b. Corazon Aquino c. Gabriela Silang d. Tandang Sora
___28. Nagsisilbi itong pinag-uusapan sa pangungusap.
a. Pandiwa b. Panaguri c. Paksa d. Pang-uri
___29. Ano sa salitang Ingles ang Dagli?
a. Sketches b. Plotless c. Flash d. Fiction
___30. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng dagli maliban sa isa.
a. Ako Po’y Pitong Taong Gulang b. Maligayang Pasko c. Wag Lang Di Makaraos d. Kaibigan
sa Kubol
Para sa Bilang 31-40.
II. Salungguhitan ang pandiwang ginamit at bilugan ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Nais nilang malaman ang sikreto ni Jessica.

1. Matutong bitawan ang mga bagay na nakakabigat sa kalooban.


2. Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dalas ng pagsasama.
3. Ang tunay na nagmamahal marunong maghintay.
4. Malalaman mong totoo syang kaibigan kung lihim ay mananatiling lihim.
5. Ganun talaga, bumabalik si ex kung kailan nakalimot ka na.
6. Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay.
7. Gaano man kahirap ang buhay, pursigido si Melody na makatapos ng kolehiyo.
8. Ang tunay na estudyante ay responsable sa anumang ipinagagawa ng eskwelahan.
9. Lumayo ng kusa si Jayea sa kaniyang kaibigan.
10. Sa mataas na bundok ay isinigaw ni Harold ang lahat ng kaniyang hinanakit sa mundo.

Para sa Bilang 41-45


IV. Tukuyin ang uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap. (Simili, Metapora, Hyperbole o
Personipikasyon)

________________ 1. Ang aking magulang ang nagsisilbing inspirasyon ko sa pag-aaral upang makamit ko
ang aking pangarap.
________________ 2. Dumantay ang malamig na hangin sa aking mukha sa paglalakad ko sa
dalampasigan.
________________ 3. Halos gumuho ang mundo ni Kate ng malamang may ibang gusto ang kaniyang
crush.
________________ 4. Ang pag-ibig ay parang pagsagot ng multiple choice sa pagsusulit, isa lang kahit
maraming pagpipilian.
________________ 5. Nagniningning ang kaniyang mga mata sa pagkapanalo.

Para sa Bilang 46-50. Ibigay ang sariling opinion sa pahayag na “ Ang Kahirapan ay Hindi Hadlang sa
Pagkamit ng Pangarap.”

Be HONEST even if others


DON’T.
Be HONEST even if others
Inihanda ni: Iwinasto ni: Sinuri ni:
WILL NOT.
JAENICA PAULINE B. CRISTOBAL MARIVIC C. PASCUA REGALADO R. DIONICIO Be HONEST even if others
CAN’T.
Guro sa Filipino Ulong Guro Punongguro II
God sees your actions! 
Maniwala ka sa kakayahan
mo bes! Paweeer

You might also like