You are on page 1of 5

Mindanao State University

MSU SIAWADATU COMMUNITY HIGH SCHOOL


Balagunun, Maguing

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


sa FILIPINO- 10

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Basahin mabuti ang lahat ng PANUTO bago sumagot.
 Ang kahit anumang Uri ng Pambubura ay MALI!!!

Pangalan: _________________________________________ Seksyon: ___________ Iskor: _____

I. PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. (25 puntos)

___1. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang
tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang.
a. kuwentong bayan c. Dagli
b. maikling kuwento d. komiks
___2. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. editoryal c. sanaysay
b. talumpati d. talambuhay
___3. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
a. magkaaway ang kanilang mga angkan
b. pakakasal na si Juliet kay Paris
c. labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.
d. wala sa nabanggit
___4. Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang “Romeo at Juliet?”
a. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.
b. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.
c. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
d. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig.
___5. Sa anong taon nalimbang ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”?
a. 1951 c. 1950
b. 1952 d. 1953
___6. Si Dilma Rousseff ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil matapos manalo sa eleksyon noong
taong?
a. 2010 c. 2011
b. 2012 d. 2013
___7. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang
magbigay kaalaman at makapagpaniwala sa mababasa.
a. Editorial c. lathalain
b. Sanaysay d. talumpati
___ 8. Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at
impresiyon ng sumulat. Hindi ito kathang-isip lamang.
a. Editorial c. lathalain
b. Sanaysay d. talumpati
___ 9. Sa pagsusuri nito ay tinitingnan kung paano ito pinalalawak at upang masuri ang pagpapalawak nito ay
kailangang malaman ang mga paraan kung paano ito ginagawa.
a. Paksa c. panaguri
b. Pangungusap d. pag-uugnay
___ 10.Sa pangungusap na, “Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok,” anong pokus ng pandiwa
ang may salungguhit?
a. ganapan c. layon
b. pinaglalaanan d. direksiyon
___ 11. “Langoy namin ang malinis na batis sa kanluran.” Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo
ang diwa ng pahayag na nasa pokus na ganapan?
a. nilangoy c. kalalangoy
b. pinaglanguyan d. nilanguyan
___ 13. Talagang palabasa ang kaniyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay isang ___________ na
ginamit upang mapalawak ang pangungusap.
a. ingklitik c. pang-uri
b. komplemento d. pang-abay
___ 14. Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ng pandiwa ay _________.
a. tagaganap c. pinaglalaanan
b. layon d. sanhi
___ 15. Tumutukoy sa paglalarawan sa paksa ng pangungusap.
a. Modipikasyon c. Panlunan
b. Pagmamay-ari d. Parirala
____ 16. Ang Caribbean Islands ay pinaninirahan ng tatlong katutubong tribo. Alin ang hindi kabilang sa
pangkat?
a. Caribs c. Arawaks
b. Ciboney d. Sidney
___ 17. Ayon sa kanya, Ang daglli ay mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.
a. Arrogante (2007) c. Dr. Reuel Molina Agulia
b. Vicente Garcia d. Bienvenido
___ 18. Ang dagli ay napagkakamalang katumbas ng ___ sa Ingles.
a. flash fiction c. sketches
b. flush fiction d. plotless
___ 19. Ayon naman kay ___ walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang dagli at higit na
kailangan ang pagkontrol ng mga salita.
a. Atalia c. Dr. Reuel Molina Agulia
b. Vicente Garcia d. Bienvenido
___ 20. Ang nobelang pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ay isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni ___.
a. Jesus M. Santiago c. Eros S. Atalia
b. Anonymous d. Sheila C. Molina
___ 21. Itinuturing na makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan at binubuo ito ng mga yugto na
nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay
nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
a. Dagli c. Dula
b. Nobela d. Maikling Kuwento
___ 22. Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod?
a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
b.) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan
c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
d.) nag-iiwan ng katanungan
___ 23. Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kuwento,
tula, sanaysay, o iba pang gawa/uri ng panitikan.
a. Suring basa c. panunuri
b. Teorya d. elemento
___ 24. Sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.
a. Bisa sa isip c. bisa sa damdamin
b. Paksa d. mensahe
___ 25. Siya ang itinutturing na pinakadakilang manunulat sa wikang Ingles.
a. Geoffrey Chaucer c. Ben Jonson
b. John Donne d. William Shakespeare

Para sa Bilang 26-37: Salungguhitan ang katagang paningit o pariralang ginamit at pagkatapos ay isulat
kung ito ay Ingklitik, Komplemento at Pang-abay. (12 puntos)

__________ 26. Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.


__________ 27. Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?
__________ 28. Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan.
__________ 29. Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa matatanda, gatas para sa
bata.
__________ 30. Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan.
__________ 31. Nagtalumpati ang pangulo sa plasa.
__________ 32. Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga
panukat.
__________ 33. Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula 4.9
milyon hanggang 3.9 milyon.
__________ 34. Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa talumpati ng pangulo.
__________ 35-37. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat.
__________
__________

Para sa Bilang 38-43: Salungguhitan ang may paglalarawan sa paksa, nagpapahayag ng lugar at gamit ng
nagpapahayag ng pagmamay-aring ginamit at pagkatapos ay isulat kung ito ay Atribusyon, Lokatibo, at
Pagmamay-ari. (6 puntos)
__________ 38. Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.
__________ 39. Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo
__________ 40. Inaayos ang plasa sa Brazil.
__________ 41. Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati.
__________ 42. Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
__________ 43. Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.

Para sa Bilang 44-70: Piliin ang wastong sagot mula sa kahon na nasa ibaba nito. (27 puntos)
__________ 44. Nauukol sa sukdulan ng karangalan katulad ng katotohanan, kagandahan at ang kabutihan.
__________ 45. Namamayani ang emosyon sa llikas na kalayaan ang paksa nito.
__________ 46. Nagtatalo lagi ang isipan niya kung tama ba o mali ang kanyang gagawin o sasabihin.
__________ 47. layunin nito ang pagtuklas at pagpapaliwanag ng anyo ng akda.
__________ 48. May tungkuling “itaas an gating pagpapasya o panlasa upang makaabot, kinikilalang matapat
at tumpak sa tunay na buhay”.
__________ 49. Ang pananaw ay nakasentro sa tao.
__________ 50. Masusuri ang katauhan batay sa kalagayan ng tauhan sa lipunan, gayundin, ang kanyang
pananaw sa mga kaugalian, pamantayan at tungkulin sa lipunan ng mga mamamayan.
__________ 51. Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat isinasaalang-alang
nito ang pagbibigay ng pakahulugan sa mga simbolismo ng akda.
__________ 52. Nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng
katarungan, prostitusyon, at iba pa.
__________ 53. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.
__________ 54. Kinuha mula sa impluwensya ng mga kaisipan at prinsipyo nina Karl Marx at Mao Tse Tung.
__________ 55. Pananagutan ng tao ang kanyang sarili.
__________ 56. Ang pananaw ay nakasentro sa tao.
__________ 57. Ang isang akda ay may bisa sa pagpapayabong ng mga kaisipan ng tao.
__________58. Mahalaga ang katangiang sarili ng mga sangkap ng isang akda at ang organikong
pagkakaugnay ng bawat bahagi.
__________ 59. Ang panitikan ay pagpipinta at eskultura.
__________ 60. Ang daigdig sa pananaw na ito ay maganda at mabuti anuman ang bigat ng suliranin o higpit
ng pagsubok na dumating.
__________ 61. Ang teoryang ito ay nagmula sa Kanluran (West) at lubos na lumaganap ang teoryang ito
noong ika-19 hanggang ika-20 siglo kung saan maraming manunulat ang naimpluwensiyahan.
__________ 62. Ang teoryang ito ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa tao sa paniniwalang ang tao
ay sentro ng daigdig, ang sukatan at panginoon ng kanyang kapalaran.
__________ 63. Nagbibigay-tuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao bilang isang bagay na mapag-aaralan nang
obhetibo at hindi hinahaluan ng damdamin at pangangaral.
__________ 64. Ito ay isang pakikibakang nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay ng mga
kalalakihan, hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga kababaihan.
__________ 65. Ang layunin ng panitikang ito na ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan na bahagi ng kanyang pagkahubog.
__________ 66. Ang kalinawan ng isang akda ay naipapahayag sa pamamagitan ng mga tiyak na imaheng
biswal.
__________ 67. Naging malaganap sa Estados Unidos dahil sa panunulat nina Paul de Man, Harold Bloom,
Barbara Johnson, Geoffrey Hartman, at J. Hillis Miller.
_________ 68. Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
_________ 69. Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.
_________ 70. Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Feminismo Historical Imahismo Dekonstruksiyon
Bayograpikal Queer Kultural Naturalismo
Romantisismo Formalismo Klasisismo
Eksistensiyalismo Marxismo Realismo Humanismo
Arketipal Sosyolohikal Moralistiko Sikolohikal

II. Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa mga binasang teksto at Isulat ang sagot sa patlang. (20 puntos)
__________ 71. Ano ang nais na makamit ni Pangulong Rousseff sa kaniyang pamumuno sa Brazil?
__________ 72. Ano ang sinasabi ni Png. Rouseff na kailangang bigyang priyoridad?
__________ 73. Ano naman ang sinasabi niyang sumisira sa kanilang ekonomiya na nakaaapekto sa kita ng
mga manggagawa?
__________ 74-75. Anong tawag sa programa ng Png. ng Brazil na mapapanatili sa kanilang pamumuhunan?
__________ 76. Sino ang orihinal na umangkin sa buong isla ng Caribbean?
__________ 77. Ano ang pangalan ng batang may pitong taong gulang?
__________ 78. Saan higit na nakatuon ang dagling pinamagatang “ Ako Po’y Pitong Taong Gulang”?
__________ 79. Anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago (ang matanda) sa nobela?
__________ 80. Ano namang pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ni Santiago?
__________ 81. Ano ang positibong epekto ang naidulot ng dagat kay Santiago?
__________ 82. Anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa nobela?
__________ 83. Saan higit na nakatuon ang nobela?
__________ 84. Ano ang teoryang pampanitikan ang inilapat sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat?”
__________ 85. Sino ang may akda ng “Romeo at Juliet”?
__________ 86. Ano ang damdaming namayani kay Romeo nang Makita si Juliet?
__________ 87. Ano ang nakitang balakid nina Romeo at Juliet sa kanilang pag-iibigan?
__________ 88. Saan humanton ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet?
__________ 89. Anong suliranin ang kinakaharap ng angkan nina Romeo at Juliet?
__________ 90. Tungkol saan ang nobelang “Romeo at Juliet”?

III. Kumpletuhin ang maikling balangkas hinggil sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”. Itala ito sa flow
chart na makikita sa ibaba.
. Simula:

Suliranin:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Inihanda ni: Noted by: Approve by:

Jamalia M. Hadji Samad Dr. Dayamon T. Magdara-Mocsir Prof. Saliah A. H. Amin-Masnar


Subj.Teacher/Fil. Koordineytor Principal Area Supervisor
,

You might also like