You are on page 1of 33

Filipino 10

Unang Markahan – Modyul 1


Mga Akdang Pampanitikan sa
Mediterranean
( Mitolohiya)
Talaan ng Nilalaman
Pahina
Pahina ng Pamagat
Talaan ng Nilalaman

Aralin 1. Mitolohiya ng Rome: Katangian at Kahalagahan

Aralin 2. Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome

Aralin 3. Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan: Mito ng Ifugao

Aralin 4. Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng


Aksiyon, Karanasan at Pangyayari

Aralin 5. LINGGUHANG PANGWAKAS NA GAWAIN


Aralin 1 Mitolohiya ng Rome: Katangian
at Kahalagahan

I. PANGKALAHATANG PANUTO
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng


mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Ang modyul na ito ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

• Aralin 1- Mitolohiya ng Rome: Katangian at Kahalagahan


• Aralin 2- Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome
• Aralin 3- Nagkaroon ng anak sina Bugan at Wigan: Mitong Ifugao
• Aralin 4- Mga Pandiwang ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon, Karanasan
at Pangyayari
• Aralin 5- Lingguhang Pangwakas na Gawain

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan. (F10PN-Ia-b-62)


2. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng mitohiya.
3. Nakikilala at nailalarawan ang mga diyos at diyosa.
4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sarili, pamilya,
pamayanan, lipunan at daigdig. (F10PB-Ia-b-62)
5. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.
(F10PD-Ia-b-61)
6. Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksang binasa. (F10PU-Ia-b-64)
7. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, karanasan at pangyayari.
(F10WG-Ia-b-57)
8. Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng
impormasyon (inter, silid-aklatan atbp.) (F10EP-Ia-b-27)

II. PANIMULA

Ang mitolohiya ni Hamilton ay mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa


panulat lalo na noong panahong Klasiko. Ang impluwensiya ng panahong ito’y nasasalamin sa
ating panitikan noong panahon ng katutubo kung saan ang iba pang uri ng panitikan ng
Pilipinas ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito, kwentong-bayan, epiko at karunungang-bayan.
(mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban, Panganiban, 1998).

Saklaw sa araling ito ang makikilala ang mga diyos at diyosa sa mitolohiya ng Rome na
pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig.
Sinasaklaw rin dito ang pagpapahayag ng mahalagang kaisipan sa akdang binasa, pagbibigay
kahulugan at kahalagahan ng mitolohiya.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan. (F10PN-Ia-b-62)


2. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng mitolohiya.
3. Nakikilala at Nailalarawan ang mga diyos at diyosa.

III. PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.


A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabola

2. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?


A. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
B. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at nakasalanan ang tao.
C. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
D. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
3. Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at ng panahon.
A. Diana C. Juno
B. Jupiter D. mitolohiya
4. Ang itinuturing na diyosa ng kagandahan.
A. Athena C. Hera
B. Hestia D. Venus

5. Ang mga sumusunod ay kinabibilangan ng mga mito ng Pilipinas MALIBAN sa


A. anito C. diyos at diyosa
B. drakula D. kakaibang nilalang

6. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa


A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. Maipaliwanag ang kasaysayan
C. Magturo ng mabuting aral
D. Walang matinding damdamin sa kuwento

7. Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan


A. Apollo C. Artemis
B. Athena D. Poseidon

8. Diyosa ng Karunungan, digmaan at katusuhan.


A. Apollo C. Artemis
B. Athena D. Poseidon

9. Hari ng Karagatan at lindol


A. Apollo C. Artemis
B. Athena D. Poseidon

10. Ang tahanan ng mga Diyos


A. langit C. lupa
B. Olympus D. Homer

11. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na


A. mi C. mu
B. muthos D. mythos

12. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag niya.


A. Cupid C. Mercury
B. Pluto D. Venus

13. Paano ipinakilala ang mga unang panitikan sa Pilipinas?


A. pasalin-bayan C. pasalin-dila
B. pasalin-tukso D. pasalin-tula

14. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa


buong daigdig.
A. mitolohiya mula sa Amerika C. mitolohiya mula sa Filipinas
B. mitolohiya mula sa Rome D. mitolohiya mula kay Venus

15. Diyos ng apoy at bantay ng mga diyos.


A. Mars B. Minerva
C. Vesta D. Vulcan

Panuto: Balikan natin ang nakaraang talakayan sa ika-siyam na baitang. Magbigay ng mahalagang
kaisipan na natutuhan mo sa mga akdang natalakay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________________________.
____________________________________________________________________________________
_____________________________________.

IV. PAMAMARAAN

A. TUKLASIN

Upang lubos na maunawaan ang kuwentong Cupid at Psyche mabuting makilala mo ang labindalawang
pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece na kilala rin sa tawag na The 12 Great
Olympian Gods.

Greek Roman Katangian at


Kapangyarihang Taglay

1. Zeus Jupiter - hari ng mga diyos; diyos


ng kalawakan at
panahon tagapagparusa
sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad
sa pangako, asawa
niya si Juno, sandata niya
ang kulog at kidlat

2. Hera Juno - reyna ng mga diyos


tagapangalagang
pagsasama ng mag-
asawa, asawa ni Jupiter

3. Poseidon Neptune - kapatid ni Jupiter


- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang
simbolo

4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter


- panginoon ng impiyerno

5. Ares Mars - diyos ng digmaan


,buwitre ang ibong
maiuugnay sa kaniya
6. Apollo Apollo - diyos ng propesiya,
liwanag, araw, musika,
panulaan, diyos din siya
ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang
kaniyang simbolo

7. Athena Minerva - diyosa ng karunungan,


digmaan, at katusuhan ,
kuwago ang ibong
maiuugnay sa kaniya

8. Artemis Diana -diyosa ng pangangaso,


ligawna hayop, at ng
buwan

9. Hephaestus Vulcan - diyos ng apoy, bantay ng


mga diyos

10. Hermes Mercury -mensahero ng mga diyos,


paglalakbay,
pangangalakal, siyensiya,
pagnanakaw,
at panlilinlang

11. Aphrodite Venus - diyosa ng kagandahan,


pag-ibig, kalapati ang
ibong maiuugnay sa
kaniya

12. Hestia Vesta - kapatid na babae ni


Jupiter
- diyosa ng apoy mula sa
pugon
Alam mo ba na…

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at


alamat. Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba,
dinarakila at pinapintakasi ng mga sinaunang tao.

Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na mythos at mula sa Greeks
na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin
ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng
marubrob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng
mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa
ng kalikasan sa daigdig. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng


tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at mga pagkakagunaw ng
daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong-bayan at epiko ng
mga pangkat-etniko sa kasalukuyan.

Ito ang mga gamit ng mitolohiya:

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.

3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon

4. Magturo ng mabuting aral

5. Maipaliwanag ang kasaysayan

6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng


sangkatauhan.

Pagkatapos mong malaman ang katuturan at gamit ng mitolohiya, handa mo na bang sagutin
ang mga katanungan sa ibaba? Ihanda ang sarili sa pagsagot sa katanungan.

GAWAIN 1: A. Pagtapat-tapatin
Panuto: Iugnay sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng mga diyos
na nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng angkop na sagot sa patlang sa kuwaderno.

Kolum A Kolum B

___ 1. Venus A. Diyosa ng kagandahan at


kalapati
ang sagisag niya

___ 2. Cupid B. Diyos ng propesiya, araw, at musika

___ 3. Mercury B. Kapatid ni Jupiter at


panginoon ng
kaharian sa ilalim ng lupa

___ 4. Pluto D. hari ng mga diyos at kalawakan

___ 5. Jupiter E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing


anak ni Venus

F. Mensahero ng mga diyos at kilala sa


tawag na Hermes ng mga Greek

Gawain I: B. Pagpapaliwanag

Panuto: Magpahayag ng mahalagang kaisipan sa sumusunod :

1. Paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano-ano ang gamit ng mitolohiya?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2: Alam-Nais-Natutuhan

Panuto: Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno. Gawing bagay ang mga tanong sa ibaba.

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya?


Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiya?

Natutuhan: Ano ang inyong natutuhan sa mitolohiya?

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan


a. Mitolohiya a. Mitolohiya a. Mitolohiya

Gawain 3: Magmina ng Kaalaman

Panuto: Isulat sa mapa ang mga pamahiin ng mga sinaunang Filipino na hanggang ngayon ay
pinaniniwalaan pa ng nakararami.

Pamahiin ng
Sinaunang
Filipino

Gawain 4: Tala-Kaalaman

Panuto: Isulat sa loob ng puso ang mga aral na natutunan sa aralin 1. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Aralin 2 Cupid at Psyche: Mito mula sa


Rome, Italy
I. PANIMULA

Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na “Kung ikaw ay nasa Rome, gawin mo kung
ano ang ginagawa ng mga taga-Rome.” Sumasalamin lamang ito sa kultura ng mga taga-
Rome kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga kaisipan, kabihasnan, sining at
panitikang hinalaw nila mula sa mga lugar na kanilang sinakop. Sa kasalukuyan, ang mga
mitolohiyang ito ang pinagbatayan ng mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina,
pilosopiya, astrolohiya, sining at panitikan sa buong daigdig.

Ang Aralin 2 ay tungkol sa klasikong mitolohiya mula sa Rome, Italy. Itatampok ang “Cupid at
Pysche” na isa sa mga pinagmulan ng iba pang mito mula sa Roma. Ito’y bahagi lamang ng
mitolohiyang Metamorphoses na kilala rin sa tawag na The Golden Ass (donkey).

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa akda sa nangyayari sa: sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.(F10PB-Ia-b-62)

II. PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Pagkain ng mga diyos-diyosan


A. ambrosia C. momma
B. pag-ibig D. rosas

2. Ang pinakamali na ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa


kaniyang buhay.
A. Ang di pagtupad sa utos ng kaniyang magulang.
B. Iniwasan niya ang kaniyang mga kapatid
C. Kawalan ng tiwala sa kaniyang iniibig.
D. Pagsunod sa utos ni Venus.

3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?


A. Hindi siya pinapansin ng kaniyang asawa at anak.
B. May ibang nagmamay-ari na ng kaniyang puso.
C. Nagkaroon ng kapantay ang kaniyang kagandahan.
D. Walang tumutugon sa kaniyang mga utos.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa


mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na
pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaligtas sa halimaw
na asawa.

5. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-
ibig kung walang tiwala.”
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan
C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala
D. Walang pag-ibig kung walang tiwala

6. Ang iniibig ni Cupid na labis na nagpahirap sa kanyang puso dahil sa kawalan


nito ng tiwala.
A. Athena C. Mercury
B. Psyche D. Venus

7. Ang ibig sabihin ng Cupid ay ________.


A. gulo C. kaluluwa
B. masayahin D. pag-ibig

8. Ang nararamdaman ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga
tao sa kagandahan ni Psyche.
A. galit B. inggit
C. suliranin D. Tuwa

9. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa “Cupid at Psyche” maliban sa.


A. Nagbabala si Cupid ng kapahamakan niya pagmagkita sila ng kaniyang kapatid.
B. Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain ng masasarap na pagkain.
C. Umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang sugat.
D. Walang naging problema sa pagsasama ng mag-asawa.

10. Ang isinakripisyo ni Psyche kay Cupid.


A. Ayaw niyang umuwi sa pamilya kay umalis siya at di nagpakita.
B. Hinarap ni Pysche ang lahat na pagsubok ni Venus para sa pagmamahal
niya kay Cupid.
C. Naging masunuring katulong.
D. Umalis sa kanilang kaharian.

11. Ang ipinapahiwatig ng pariralang “Walang kamatayan, walang katapusan”.


A. buyo B. immortal
C. nerbiyos D. tao

12. Ang nagdala sa mga kapatid ni Psyche sa kaniya.


A. haplos ng pagmamahal B. ihip ng hangin ni Zephyr
C. kinuha ng kaniyang asawa D. kotse
13. Ang bansang pinagmulan ng mitolohiyang “Cupid at Psyche”.
A. America C. Greece
B. Filipinas D. Rome

14. Hinalaw sa ___________ ang mitolohiya ng taga-Rome.


A. America B.Pilipinas
C. Greece D. Rome

15. Ang sumusunod ay kadalasang tema ng taga-Rome maliban sa


A. moralidad B. politika
C. ritwal D. supernatural

Panuto : A. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga titik upang mabuo ang konsepto. Isulat
sa sagutang papel.

1. Ang paksang tinalakay natin noong nakaraan.

A I Y M O O L I H T

2. Tumutukoy sa tradisyon, ugali, paniniwala, pamahiin ng mga tao sa partikular na


lugar.

U K L U T A R

B. Ano ang mitolohiya at katangian nito?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________.

III. PAMAMARAAN
A. TUKLASIN

Narito ang isa sa mga mitolohiya ng Rome. Basahin at unawain ito upang matuklasan mo
kung paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.

CUPID AT PSYCHE

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula


sa magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan
nila ay naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging imortal na rin si
Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa. Noong unang panahon mayroong
isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang
pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang
maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay
hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang
nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa
kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga
papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal. Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan
niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang,
ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang
nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante
naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa. Hindi umibig si Psyche sa sa
isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang
pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang
dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging
malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang
humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang
anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni
Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na halimaw
ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo. Nang nagawa na ng
amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak
na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa
bundok na paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa.
Walag kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos
ng pag-ibig na si Cupid.Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa
mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche,
ang mukha ng kanyang kabiyak.

Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga
kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa.

Inihatid ng hanging Zepyr ang magkapatid sa kaniya ngunit ang mga kapatid pala ni
Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche
sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa. Sa unang pagkakataon ay
nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid
dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at ito ay
pinahirapan niya nang husto. Iba-iba ang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche
subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche.

Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama si Venus.


Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala nang dapat
gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos.
Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang pagkain ng nga diyos upang maging
imortal.
Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na
pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman. Mga link na may
kaugnayan sa Cupid at Psyche:

Alam mo ba na….

Ang mitolohiya na “Cupid at Psyche” ng Rome ay tungkol sa politika, ritwal at moralidad


na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang Taga-Rome hanggang
sa katutubong relihiyon, ang Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga
kuwentong ito. Itinuring ng mga sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan
ang nilalaman ng mga mitong ito kahit ito ay mahimala at may elementong supernatural.

Tulad ng mitong “Cupid at Psyche” binigyan ng bagong pangalan ang karamihan sa


mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ang ibang katangian. Lumikha sila ng mga
diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.

Gawain 1 Panuto: Pagkatapos mong mabasa at malaman ang mitolohiya ng taga-


Rome.Isulat sa sagutang papel ang hinihiling ng bawat bilang.

1. Ilarawan si Cupid at Psyche. _______________________________________

2. Ano-ano pa ang katangiang taglay ni;


a. Venus __________________________________________________
b. Jupiter __________________________________________________
c. Apollo __________________________________________________

3. Bakit sinabi ni Cupid na, “Di mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”?
__________________________________________________________

Gawain 2A Panuto: Gamit ang concept map, iugnay ang kaisipang nasa ibaba sa iyong
sarili at pamilya. Kopyahin sa kuwaderno.

“Hindi mabubuhay ang Sarili


pag-ibig kung walang
tiwala” pamilya

Gawain B: Pagkukuro-kuro
1. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin bang hamon ni Venus para sa pag-ibig? Bakit?
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________
2. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________
3. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta sa langit?
Ipaliwanag
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________

Gawain 3 Panuto: Anong katangian ng mga tauhan sa mitong Cupid at Psyche ang nais
mong tularan/ayaw mong tularan at bakit? Isulat ang sagot sa talaan na inilaan.
Tauhan Katangian Bakit tularan/Bakit di tularan

1.

2.

Gawain 4: Pag-uugnay
Panuto: Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang “Cupid at Pysche”, paano mo
ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gamitin ang grapikong
representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

Sarili Lipunan

Pamilya Pamayan
an

Gawain 5: Panuto: Ibigay ang iyong sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid.

“Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________
Aralin 3 Nagkaroon ng Anak sina Wigan
at Bugan: Mito ng Ifugao
I. Panimula

Isa sa bantog na mitolohiya sa Pilipinas ay ang mito ng Ifugao na kasama nating galugarin
sa pagpapatuloy ng ating aralin.

Ang mito ng Ifugao na “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan ay sumasalamin sa


kultura ng mga Pilipino. Ang paniniwala sa mga diyos at diyosa ay ipinapahiwatig dito
kasama ang pagtitiwala at pananalig. Isinalaysay ito sa Ingles ni Maria Luisa B. Aguilar-
Cariño at isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat. Saklaw ng araling ito ang pagkuha ng
mensahe at layunin ng mitong “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan.

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.


(F10PD-Ia-b-61)

2. Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksang binasa. (F10PU-Ia-b-64)

II. Panimulang Pagtataya

Panuto: Pilin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang nakita ni Bumabbaker na nakaupo sa lusong na parang may hinihintay.


A. Bugan C. buwaya
B. Igat D. Wigan

2. Ang nagsalin sa Filipino ng mitolohiya “ Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan”.


A. Edgardo Flores C. Florentino Collantes
B. Maria Luisa Aguilar- Carino D. Vilma C. Ambat

3. Ang itinuro ng mga diyos kay Bugan sa kanyang paglalakbay.


A. pag-aayuno C. pag-uusap
B. pangangaso D. ritwal
4. Ang ibig sabihin ng “momma” sa salitang Igorot.
A. imahe C. ina
B. pagkaing nginunguya ng matatanda D. tabako\

5. Sinimulan ni Bugan ang kanyang paglalakbay. Ano ang kasingkahulugan ng sinimulan?


A. inumpisahan C. katuturan
B. may simula D. pinanggalingan

6. “Pupunta ako ng silangan para maghanap ng lalamon sa akin”, sabi ni Bugan. Ano ang
kahulugan ng salitang lalamon?
A. kakain C. masiba
B. pagkain D. takam

7. Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi kita maaring kainin sapagkat napakaganda mo.”
Ano ang kasalungat ng salitang hikab?
A. antok C. gising
B. mulat D. tulog

8. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng


ritwal. Anong bahagi ng pananalita ang salitang sambitin?
A. Pandiwa C. Pangngalan
B. Panghalip D. Pang-uri

9. Ano ang natutunan mo sa mitolohiyang pinag-aralan.?


A. Kahalagahan ng alay at ritwal.
B. Kahalagahan ng pananalig at ritwal.
C. Kahalagahan ng diyos at diyosa.
D. Kahalagahan ng sariling sikap at sariling diskarte.

10. Ang ibinigay na mga regalo kay Bugan.


A. anak na babae C. baboy, manok, kalabaw
B. anak, masaganang ani at pamumuhay D. kambing, pusa, usa

11. Tumawid si Bugan sa kanyang paglalakbay sa ________.


A. Ayangan C. Kinakin
B. Kiyangan D .Pating

12. Bakit sinasabi ng mag-asawa na pinabayaan sila ng diyos?


A. dahil hindi sila makapaglakbay
B. dahil hindi sila masagana sa lahat
C. dahil hindi sila mayaman
D. dahil hindi sila nabigyan ng anak
13. Ang dahilan kung bakit ninais ni Bugan na maglakbay.
A. dahil sa kanyang hangarin na magkaanak
B. dahil sa kanyang katalinuhan
C. dahil sa kanyang pagmamahal
D. dahil sa kanyang pangungulila

14. Ang nakita ni Bugan sa lawa.


A. Buwayang kulay ginto B. Igat
C. Isda D. Pating

15. Ang ginagawa na ritwal upang magkaanak.


A. Bu-ad B. Igat
C. Lagud D. Pating

Panuto: Para mapatunayang naintindihan ninyo ang mitolohiya. Ibigay ang hinihiling ng bawat
bilang at isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa mitong “Cupid at Psyche”.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________

2. Ano ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mitong nabanggit?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________

IV. PAMAMARAAN

A. TUKLASIN
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño


Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?”, naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si Wigan. “Hindi
man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga
panalangin!”
Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-momma tayo at saka
natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”

Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesiyon si Bugan na magtungo sa


tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na
sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”

Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa Poitan,
nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at
narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito, “Saan
ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon
sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang
malungkot, Bugan,” wika ng nito. “Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga
diyos.”

Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos. Narating
niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit ka naririto?”,pag-
uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala
kaming anak ng aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi kita
maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.” Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang
paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang
pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo na
ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi ako
magkakaroon ng anak.” Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita.
Napakaganda mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong
paglalakbay.”

Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si


Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabakker, at
iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa labas ng
bahay. Doon hinintay niya ang mga diyos. Lingid sa kaniyang kaalaman, nasa loob lamang ng
bahay si Bumabbaker.

“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang
pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa kanyang
lusong. “Ano’ng ginagawa mo dito, Bugan?”, tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga
iyon.

Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak ni
Wigan pagkalipas ng ilang taon”, wika ni Bugan.

“Kahibangan”, wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si Ngilin at kung
nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.
Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy, manok at
kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik kay Kiyangan. Doon ka namin tuturuan ng ritwal na Bu-
ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at pamumuhay.” Inihatid ng mga
diyos si Bugan kay Wigan.

Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal
na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos.
Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa
buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.

Ngayong natapos mo nang matuklasan ang mito ng Ifugao, ang mitolohiyang “Nagkaroon ng
Anak sina Wigan at Bugan”, ikaw ay handa na sa talakayan.

Ang mitolohiya ay kuwento ng mga diyos at diyosa. Isa sa mga mitolohiya ng Panitikang
Pilipino ay ang mitong “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”.

Upang mas maunawaan pa ang mito, paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe
sa mitolohiyang “ Cupid at Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”.

Gawain 1

Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, kopyahin at isulat sa sagutang papel.

Mito Mga Tauhan Pangyayari Mensahe

1. Cupid at Psyche

2. Nagkaroon ng
Anak sina Wigan at
Bugan
Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Tigdalawang puntos bawat bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang nais ng mag-asawang Wigan at Bugan? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Ano-ano ang paraan upang magkaroon sila ng anak?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Bakit ninais ni Bugan na mamatay?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Pangatuwiranan ang sagot at sulat sa sagutang papel.

1. Batay sa iyong nabasa, masasabi mo bang may impluwensiya na ang mga mitolohiya ng
mga taga-Rome sa mga mitolohiya ng Pilipinas? Pangatuwiranan ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________

Gawain 4. ANN TAYO

Panuto: Susuriin natin ngayon ang iyong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga hinihingi ng kahon gamit ang Alam- Nais- Malaman, Natutuhan. Kopyahin ang talaan at
isulat sa sagutang papel.

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiyang “Nagkaroon ng anak sina
Bugan at Wigan”?

Nais- Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiyang “Nagkaroon
ng anak sina Bugan at Wigan”?
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa mitolohiya
“Nagkaroon ng anak sina Bugan at Wigan”?

ALAM NAIS- MALAMAN NATUTUHAN

Gawain 5
Panuto: Gumawa ng isang Komik Istrip tungkol sa mahalagang pangyayari sa akda na iyong
nabasa. Pagkatapos ay isulat ang mensahe nito.
Pamantayan sa Paggawa
Mga 5 4 3 2 1
Pamantayan

Nilalaman Naipakikita Naipakikita Naipakikita Naipakikita di- Walang


(content) ang ang ang masyadong kahusayan
kahusayan mahusay na katamtaman kahusayan sa at
sa pagkakabuo g kahusayan pagkakabuo at organisayon
pagkakabuo at sa organisasyon sa paksa.
at organisasyon pagkakabuo ng paksa sa
organisayon ng paksa sa at pamamagitann
ng paksa sa pamamagita organisasyon g awtput.
pamamagita n ng awtput. ng paksa sa
n ng awtput. pamamagita
n ng awtput.
Kahusayan Napaka- Mahusay sa May Di-masyadong Walang
sa pagguhit husay sa pagguhit katamtaman mahusay sa iginuhit. o
pagguhit g husay sa pagkakaguhit organisasyo
pagguhit n sa
pagkakaguhi
t
Pagkakaayos Pinaka- Maayos ang Katamtaman Di-masyadong Hindi
(organization maayos ang pagkakabuo lang ang maayos ang maayos at
) pagkakabuo ng ayos ng pagkakabuo ng kumplikado
ng impor- impormasyo impormasyo impormasyon ang
masyon at n at n at pagkabuo
madaling maintindihan maintindihan
maintin- ang ayos nito
dihan
Aralin 4 Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag
ng Aksiyon, Karanasan at Pangyayari
I. Panimula

Sa araw-araw nating pag-uusap, tayo ay gumagamit ng mga salitang nagbibigay ng diwa sa


ating pagpapahayag.

Sa araling ito ay matutuhan natin ang mabisang paggamit ng pandiwa sa pagpapahayag at


pagsasalaysay ng mga karanasan at pangyayari. Saklaw dito ang paglalahad ng wastong
gamit ng pandiwa sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at pangyayari. Ipagpatuloy rin
natin ang pagsasanib ng gramatika sa retorika.

Pagkatapos ng aralin na ito ikaw ay. Inaasahang:

1. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, karanasan at


pangyayari. (F10WG-Ia-b-57)

2. Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang


pagkukunan ng impormasyon (inter, silid-aklatan atbp.). (F10EP-Ia-b-27)

II. Panimulang Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang sinalungguhitan na salita sa sumusunod na pangungusap. Isulat sa


patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon, karanasan, o
pangyayari. Isulat ang A kung aksiyon, K kung karanasan, at P kung pangyayari. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

___1. Hinahanap ni Psyche si Cupid sa buong kaharian.


___2. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang pagmamahal niya kay
Cupid.
___3. Lumindol na naman sa Davao kahapon.
___4. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
___5. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang lumayo na lamang.
___6. Umibig ang lahat na kakabaihan kay Bantugan.
___7. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
___8. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.
___9. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
___10. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan ng puno.
___11. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
___12. Nagalit si Venus kay Psyche.
___13. Dahil sa paghihirap napilitan siyang tumalon.
___14. Gumagala na ang mga tao sa pag-aakalang wala ng Covid.
___15. Naawa ang mga immortal kay Pscyhe kaya tinulungan siya.

Sa nakaraang talakayan, nalaman mo na, ang mito ng Ifugao na “Nagkaroon ng Anak sina
Wigan at Bugan” ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino. Ang paniniwala sa mga diyos at
diyosa ay pagpapahiwatig ng pagtitiwala at pananalig. Isinalaysay ito sa Ingles ni Maria Luisa
B. Aguilar- Cariño at isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat.

Upang masukat ang iyong kaalaman sa nasabing paksa, Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan ng mitong “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at
Bugan”? Ibigay ang kanilang katangian.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang paniniwalang Filipino na masasalamin sa mitong “Nagkaroon ng Anak sina


Wigan at Bugan”?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

III. Pamamaraan

A. TUKLASIN

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag
na “verb” sa wikang Ingles. Iba - iba ang gamit ng pandiwa. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng
aksiyon, karanasan, at pangyayari. Alamin natin kung paano gagamitin.

Gamit ng Pandiwa:

1. Aksiyon

May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.Mabubuo ang mga
pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-ma-, mang-, maki-, mag-an. Maaaring
tao o bagay ang aktor.

Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.

Pandiwa → Naglakbay

Aktor → si Bugan

2. Karanasan

Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may
nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaaring magpahayag ang pandiwa
ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o
saloobin.

Halimbawa:

a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.

Karanasan → Tumawa

Aktor → si Bumabbaker

3. Pangyayari

Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa:

a. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

Pandiwa →nalunod

Pangyayari → isang matinding baha

B. Suriin

Natutuhan mo ang pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng gamit ng pandiwa.


Ang gamit ng pandiwa ay sa pamamagitan ng; a.) aksiyon, b) karanasan at c) pangyayari.
Susuriin natin ngayon ang mga pangungusap na aking ilalahad upang mapalawak pa ang
gamit nito. May tigdalawang tanong ang bawat pangungusap. Sagutin ang mga tanong sa
sagutang papel.

Pangungusap : Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.


Tanong : a. Ano ang gamit ng salitang tumalima?

Sagot : ____________________________________

Tanong : b. Sino ang aktor sa pangungusap?

Sagot : ____________________________________

Pangungusap : Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang pangyayari.

Tanong : a. Ano ang gamit ng salitang nalungkot?.

Sagot :______________________________________

Tanong: b. Sino ang aktor sa pangungusap?

Sagot : ______________________________________

Pangungusap : Namatay si Kael dahil sa nainom niyang lason.

Tanong : a. Ano ang pandiwa sa pangungusap?

Sagot : ______________________________________

Tanong : b. Ano ang pangyayari sa pangungusap?

Sagot : _______________________________________

Gawain 1.

Panuto: Isulat ang A kung ang isinasaad na pandiwa ay aksiyon, K kung karanasan, at P
kung pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tumula _______________________________
2. Gumapang ____________________________
3. Nahihiya ______________________________
4. Nahimatay ____________________________
5. Nagiba _______________________________
Gawain 2.

Panuto: Gamitin ang mga pandiwa sa pangungusap ayon sa tsart.

PANDIWA PANGUNGUSAP

1. tumula

2.gumapang

3.nahihiya

4.hinimatay

5.nagiba

Gawain 3.

Panuto: Punan ang patlang ng wastong impormasyon o salita sa ipinapahayag ng talata


tungkol sa pandiwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang 1_____________ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng 2_____________. Ito ay


tinatawag na 3___________ sa wikang Ingles. Tatlo ang gamit ng pandiwa, ito ay 4
____________,5______________at 6 _____________.
May aksiyon ang pandiwa kapag may 7___________ o 8_____________ng aksiyon/ kilos.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: um, mag-ma, maki, mag-an.
Maaaring 9____________o 10_______________ang aktor.
Nagpapahayag ng 11_____________ ang pandiwa kapag may damdamin. Maaaring
magpahayag ang pandiwa ng karanasan o 12____________. Sa ganitong sitwasyon may
tagaranas ng damdamin o saloobin.
Ang pandiwa ay 13___________ ng isang pangyayari.

Gawain 4.

Panuto: Malikhaing Pagsulat: Sumulat ng Spoken Poetry tungkol sa Covid 19 (2-3 saknong
lamang). Salungguhitan ang pandiwa na nagsasaad ng aksiyon, karanasan at pangyayari.
Rubriks sa Malikhaing Pagsulat ng Mito

Mga Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang


Pamantayan 20-16 15-11 10-6 pagbutihan
5-1
Nilalaman/ Angkop ang Angkop ang Angkop ang Hindi angkop
Paksa napiling paksa o napiling paksa o napiling paksa o ang paksa, hindi
tema ng mito. tema at tema, hindi maayos at
Napakahusay mahusay ang masyadong malinaw ang
ang pagkakabuo pagkakabuo ng maayos at pagkakabuo at
at wasto ang mito at wasto malinaw ang gamit ng
gamit ng ang gamit ng pagkakabuo at pandiwa.
pandiwa. pandiwa gamit ng
pandiwa.
Pagkakalahad Pinakamalinaw Malinaw ang Hindi gaanong Hindi angkop
ng ideya ang pagkakalahad angkop ang ang
pagkakalahad ng ideya at pagkakalahad at pagkakalahad at
ng ideya at angkop ang ideya sa gamit ideya sa gamit
angkop ang ginamit na ng pandiwa ng pandiwa.
ginamit na pandiwa.
pandiwa.
Gamit ng mga Napakahusay Mahusay ang Di-masyadong Kakikitaan ng
salita ang gamit ng gamit ng mga mahusay ang maraming mali
mga salita sa salita sa paggamit ng sa paggamit ng
pangungusap pangungusap mga salita sa mga salita sa
pangungusap pangungusap.

Gawain 5.

Panuto: Magsaliksik ng iba pang mito sa Pilipinas, tukuyin ang mga kulturang masasalamin
dito. Isulat ito sa inyong kuwaderno.

Kaugalian

Pamagat ng
Nasaliksik
na Mito

Paniniwala
Tradisyon
Aralin 5 Lingguhang Pangwakas na
Gawain

I. Panimula

Saklaw sa araling ito ang paglinang sa kakayahan sa pagsulat ng sariling mito.

II. Tayahin

Sumulat ng sariling mito sa isang buong papel. Siguraduhing kakikitaan ito ng mga
elemento at katangian ng isang mito.

Rubriks sa Pagsulat ng Sariling Mito


Mga Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang
Pamantayan 20-16 15-11 10-6 pagbutihin
5-1
Nilalaman/ Angkop ang Angkop ang Angkop ang Hindi angkop
Paksa napiling paksa o napiling paksa napiling paksa ang paksa,
tema ng mito. o tema at o tema, hindi hindi maayos at
Napakahusay mahusay ang masyadong malinaw ang
ang pagkakabuo ng maayos at pagkakabuo at
pagkakabuo at mito at wasto malinaw ang gamit ng
wasto ang gamit ang gamit ng pagkakabuo at pandiwa
ng pandiwa pandiwa gamit ng
pandiwa.
Pagkakalahad Pinakamalinaw Malinaw ang Hindi gaanong Hindi angkop
ng ideya ang pagkakalahad angkop ang ang
pagkakalahad ng ideya at pagkakalahad pagkakalahad
ng ideya at angkop ang at ideya sa at ideya sa
angkop ang ginamit na gamit ng gamit ng
ginamit na pandiwa. pandiwa pandiwa.
pandiwa.
Gamit ng mga Napakahusay Mahusay ang Di-masyadong Kakikitaan ng
salita ang gamit ng gamit ng mga mahusay ang maraming mali
mga salita sa salita sa paggamit ng sa paggamit ng
pangungusap pangungusap mga salita sa mga salita sa
pangungusap pangungusap.

You might also like