You are on page 1of 6

KABANATA 1

Ang suliranin at Kalligiran Nito

I. Panimula

Ang pagbasa ng ng mga sulating pampanitikan ay nakapagbibigay ng interes sa mga

mambabasa sapagkat ito ay sumasalamin sa pamumuhay, lipunan, pananampalataya

at mga karanasang kaugnay ng iba’t-ibang uri ng damdamin tulad ng pagmamahal,

kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam at

pangamba na karaniwang kinakaharap ng tao na kaakibat na ng ating pamumuhay.

Hindi lamang layunin ng panitikan ang makagising ng damdamin ng mga mambabasa

batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay bagkus upang mapalawak ang

kaalaman tungkol sa ibang tao at maragdagan pa ang pagkaunawa na nangyayari sa

mundong ibabaw.

Wika ni Hen,Azarcas mula sa kanyang aklat na “Pilosopiya at Literatura”.

“ Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa

mga bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng

kaluluwa sa bathalang lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay isinasaayos sa iba’t-

iba niyang karanasan at lagay sa kalooban at kaluluwa, na nakabalot ng pag-ibig o

pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba”.

Sa pahayag na ito, sinasabing kaakibat na ng tao mula sa kaniyang pagsilang ang

panitikan. Lahat ng nangingibabaw na gawain sa mundong ginagalawan, masaya o

malungkot, kaligayahan o pagdurusa ay masasabing ito ay napapaloob sa panitikan.


Karagdagan, sa Katuturan ng panitikan sa Panitikang Pilipino na “ Ito’y pahayag na

pasalita o pasulat ng mga Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan,

paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino”. Sa mga

depinisyon ng panitikan ay nagbuo ng maraming anyo ng panitikan tulad ng maikling

kwento.

Ang maikling kuwento ay masasabing isang pandaigdigan na kultura sapagkat ito ay

nagdulot ng repleksyon mula sa tiyak tungo sa pinakamataas na diwa upang maging

makabuluhan ang karanasan na napapaloob rito. Nagtatag ng matibay na pundasyon sa

kaalamang pangmoral at pangkatauhan ng tao (Barry, 1995). Sa pagtuturo ng mga kabataan,

madaling tukuyin ang interes at atensyon kung sisimulan ng isang pagganyak na pagkukuwento

at mabisang kagamitan sa pagtatalakay ng aralin o ginagamit ito na lunsaran sa araling

pangwika.

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang kinikilalang ama ng maikling kuwento, Ang

maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at salagimsim na salig sa

buhay na aktwal na naganap o maaaring maganap. Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang

pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at kakaunti ang mga tauhan.

Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao. Ang maikling kuwento ay may

layuning magdulot ng aliw sa pamamagitan ng isang makapangyarihang paglalahad ng mga

pangyayari sa buhay na may paggagad sa realidad. Hinahalughog ang isipan at damdamin ng tao

upang lumikha ng isang pangyayari na salig sa aktwal na naganap o magaganap pa lang.


Nasabi naman nina Kraenkel at Wallen (2003) na ang maikling kuwento ay

makapagdulot ng mga pagbabago sa buhay. Ang mga aral, mensahe at tema ay nagiging gabay

sa gawaing pang-araw-araw at nagiging bukas sa anumang hamon sa buhay, nagiging batayan

din ito sa pagdesisyon na nagsisilbing repleksyon sa mabubuting tahakin sa buhay. At dahil dito,

marami ang nag-aral at nagsuri ng maikling kuwento kaya ang mananaliksik ay gustong suriin

ang katulad ng ganitong pag-aaral gamit ang isang teorya na tinatawag na realismo.

Ang kritikong literary na si Ian Watt ay nagsasabi na nagsimula ang realismo sa

nagkakaisang kaharian sa pamamagitan ng isang ika-18 na dantaong nobela. Ang mga kasunod

na mga kaugnayang pagsulong sa sining ay naturalism at realismong sosyal. Ito ay tumatalakay

sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan

tulad ng kurapsyon, kahirapan, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon.

Kung bibigyan ng masusing pansin ang mga pangyayari mula sa mga maikling

kuwento at ihambing ito sa totoong pangyayari sa ating lipunan, dito papasok ang usaping

realismo na akma sa totoong buhay. Mapapansing marami sa mga maikling kuwentong nababasa

ay pumapaksa sa pag-ibig, lipunan, pamahalaan, at iba pa na kung titingnan at susuriin ay

naaayon sa totoong pangyayari sa buhay.

Nabubuhay ang tao sa mundo ng walang katiyakang kahahantungan, hindi alam ang

bukas, umaasa sa kawalan, at kaginhawaan. Ilan lamang ito sa mga realidad ng buhay na minsan
ay pilit iwinaksi ng tao sa isipan, sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pangarap na kahit sa guni-

guni ay naglalayag ay pinagsisikapang damhin ang kaginhawaang malayo sa katotohanan.

Masinag ang diwang ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng maiklling kuwento. Sa pagdaan

ng panahon, ang pamamaraan, estilo, tema at paksa ng maikling kuwento ay unti-unting

nagbabago bagkus ang mga pangyayaring napapaloob rito ay patuloy pa ring nagaganap.

Kabilang sa mga ito ang maikling kuwento na “Ambo” na isinulat ni Wilfredo Pa. Virtusio na

kuwentong sumasalamin sa realidad ng pangyayari sa buhay. Ang pangyayari sa buhay ni Ambo

ay isa lamang sa paulit-ulit na nangyayari sa buhay ng milyong-milyong Pilipino sa iba’t-ibang

panig ng bansa. Ito ay tuamatalakay sa katiwalian na siyang nagiging dahilanng paghihirap ng

maraming mamamayan. Isang kuwento na nagmulat sa mamamayan na ang bahagi ng lipunan

kung saan bulgarang madarama ang kurapsyon, pang-iisa ng kapwa sa patuloy na takbo ng bulok

na sistema na ang mga biktima ay yaong walang tinig, lakas at kapangyarihan. Ilan sa mga

binanggit ay patuloy pa ring lumalaganap sa lipunan.

Sa papel na ito ay ibubunyag ng manananliksik ang mga piling maikling kuwento

mula sa mga tesis na tumatalakay sa iba’t-ibang uri nito na naaayon sa totoong pangyayari sa

buhay.

Batayang Teoritikal

Ang mananaliksik ay humanap ng sandigan ng pag-aaral upang makatiyak upang maging

balido at matibay ang pagsusuring ginawa. Sa pamamagitan ng mga teoryang kinalap, ito ang

ginawang saligan upang tukuyin ang balyung pangmoral.


Sinabi ni Reyes (982) sa kanyang akdang tradisyon at modernisasyon ng nobelang

tagalong aniya:

“Ang realistikong akda ay nagsisikap na maglarawan ng mga detalye ng


kapaligiran, lalo na ng panlipunang realidad sa isang obhetibong paraan”

Ipinapaliwanag sa teoryang ito na ang mga realistikong pampanitikan ay naglalayon na

maipakita o mailahad ang totoong pangyayari na kinakaharap ng lipunan. Nasasalamin dito

ang realidad na walang bahid na personal na opinion bagkus ito ay nangyayari na hindi

namamalayan. Sa madaling salita, ang realismo ay ang paniniwala hinggil sa realidad na

nagaganap o magaganap sa mundong ito.

Batayang Konseptuwal

Narito ang dayagram na nagsisilbbing gabay sa daloy ng pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang Pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang kuwentong naisulat sa tesis mula 90’s hanggang sa kasalukuyan?

2. Ano-ano ang mga paksang nangibabaw sa mga tesis mula 90’s hanggang sa kasalukuyan?

3. Ano-ano ang ipinapakitang realidad sa mga pangyayari sa kuwento na makikita sa

kasalukuyan?

4. Ano ang kahalagahan o implikasyon ng pag-aaral?

Layunin ng Pag-aaral
Layunin ng gagawing pag-aaral ng mananaliksik ang mga sumusunod.

1. Matukoy ang kuwentong naisulat sa tesis mula 90’s hanggang sa kasalukuyan.

2. Matukoy ang mga paksang nangibabaw sa mga tesis mula 90’s hanggang sa

kasalukuyan?

3. Masuri ang ipinapakitang realidad sa mga pangyayari sa kuwento na makikita sa

kasalukuyan?

4. Mabatid ang klahalagahan o implikasyon ng pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga maikling kuwento na naisulat sa

tesis mula 1990’s hanggang sa kasalukuyan at nakalimita lamang ang pagsusuri sa mga

realismong makikita sa mga maikiling kuwento.

Kahalagaan ng Pag-aaral

Sinasabing ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito ang repleksyon na

You might also like