Professional Documents
Culture Documents
ANG SULIRANIN
I. Panimula
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang panitikan
ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit
at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature),
na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Nagsasalaysay
din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may
kaugnay ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ayon kay Honorio Azarias ang pantikan nagpapahayag ng damdamin hinggil sa
mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa
kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.
Ayon naman kay Webster ang panitiakn ay anumang bagay raw na naisasatik
basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y totoo, kathang isip
o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.
Ayon naman kay Maria Ramos ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng
mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa,
hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda,
makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag. - lumilinang ng
nasyonalismo - nag-iingat ng karanasan , tradisyon - at kagandahan ng kultura
Ayon naman kina Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino" ang
panitikan ay tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng
tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at
lumigaya sa kanyang kapaligiran.
Ang Banaag at Sikat ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying
pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906. Bilang isang
aklat na tinaguriang bibliya ng mga manggagawang Pilipino, umiinog ang mga dahon
ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng
mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga
paksang panlipunan: ang sosyalismo, kapitalismo, at mga gawain ng mga
nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa, nasa wikang Ingles, Mga
Lathalain Hinggil sa Kalinangan at Sining, Tungkol sa Kalinangan at Sining, nccang ang
akdang ito ni Lope K. Santos ito ang nagbigay-daan para maisulat ang iba pang mga
nobelang nasa wikang Tagalog na may pinagsanib na mga paksang hinggil sa pagibig, pangkabuhayan, at sa makatotohanan at gumagalaw na katayuan ng lipunan.
Bagaman isa ito sa pinakaunang mahabang salaysayin sa Pilipinas na nakaantig ng
damdamin ng lipunan, sinasabi na naging pamukaw-kasiglahan din ito ng kilusang
Hukbalahap o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon.
Hindi ito ang pinakaunang nobelang Tagalog, sapagkat nalimbag ang Banaag at
Sikat ni Lope K. Santos matapos ang Nena at Neneng (1905), ang itinuturing na
pinakaunang nobelang Tagalog na nilimbag bilang isang aklat, na isinulat ni Valeriano
Hernandez Pea. Subalit may mas nauna pang nobelang Tagalog, ang Kababalaghan
ni P. Brava ni Gabriel Beato Francisco, na lumabas sa paraang hulugan sa mga pahina
ng babasahing Kapatid ng Bayan noong 1899.
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng
mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling
mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang
diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga
kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi
ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino.
Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay
sa naiwan nilang bansa.
Ayon sa isinulat na journal ni Michelle Reyes ay ang Banaag at Sikat ay isang
bagay, sa akala ko, ang nakalingatan ng kumatha. Wariy sa pagkawili niya nang labis
sa mga maririkit na damit at hiyas nina Delfin, Felipe at Meni, ay di pinakabuti ang
pagbanghay sa kani-kanilang pagkatao at katayuan. Nakaliligayang malasin ang
karangalan ng ugali at kadakilaan ng mga damdamit pangangatwiran ni Delfin at
Felipe, datapwat di ipinaliwanag na mabuti sa atin ang kanilang inuugali pagkabata nat
magkaroon ng pag-iisip, hindi ibinalita sa atin ang katutubong hinggil sa kanilang mga
nasa, ang kanilang pinag-aralan at ang mga ibat ibang pagkakasiga- sigalot ng buhay
ng isang tao upang mapanibulos at matutong gumawi ng di-karaniwang mamalas sa
mga kinakasama. Dahil ditoy pagkatapos purihin ko, sa aking loob man lamang, ang
pagmamatwid ni Delfin kay Don Ramon at kay Abugado Madlang-layon, ay di ko
maabot-isipin kung anong kababalaghan ang nangyari, at ang isang dukha bagamat
peryodista at nag-aaral ng Derecho at bagong-taong nakakaibig sa isang bathala ng
dilag (si Meni), ay makapangahas magsalita sa isang kagalang-galang na ginoo,
mayamang ama ng kasi at sinta, ng bala-balaking matatapang at matutulis na
9
pangangatwiran, katulad baga nang sabihing: Hindi po ako anya ang una-una
lamang nakapagsabi ng ganyan, kundi ang pantas na si Goethe, nang isulat niya ang
sagutan ng isang maestro at isang alumno, tungkol sa buong pinagmulan at
kasaysayan ng yaman o pag-aari. Itinanong daw ng nagtuturo: Turan mo, saan galing
ang kayamanan ng iyong ama? Sa ama po ng aking ama, itinugon daw ng nagaaral. At ang sa ama ng iyong ama? Sa ama ng ama ng aking ama. At ang sa
ama ng ama ng iyong ama? Ninakaw p
Ganoon din naman, si Felipe ay namulat sa kaginhawahan at kabunyiang
handog ng kayamanan; ngunit nahigtan pa niya si Delfin sa paglalathala ng nilalayon ng
Sosyalismo; si Felipe, na anak ng mayaman, ay siyang mahigpit na kaaway ng
kayamanan
Naroon na rin ako sa katwiran, na ang nobela ay nagsasalaysay ng isang
kabuhayan na di man nangyari o nangyayari, ay di naman maliwanag mangyari; ngunit
katungkulan ng nobelista ang kathain yaong mga pagkakataon na nagiging sanhing
malaki ng ikapangyayari ng kinathang buhay.
Bagaman, kung sa tayo ng Araw, ang buhay koy unti-unti nang lulubog at
lilisanin ang masayang halamanan ng pakikipagsintahan, ang puso ko, wari ay
napupukaw ng mapanintang mga salitaan ni Meni at ni Delfin, noong gabing palarin
silang tulungan sa gloryeta ng DILIM upang magkabuhol ang kanilang kapalaran na di
namalas ng balawis na paninginni Don Ramon. Ngunit labis sa galak ng aking puso ang
pagsuri ng aking mapansining bait; kayat di malirip kung anong dahilat si Meni, na may
hiyas ng kagandahan, kayamanan, katalinuhan, karangalan; si Meni, na sukat makita
sa kasing-uri ang pagka-Adonis o pagka-Narcisong isang peryodistang Pilipino, laki sa
hirap ay matutong maging isang Julieta ng isang Romeong nagkatawang- tao at
pinanganlang Delfin. Oo na ngat ang pagsintay bulag, ngunit kailangang ipakita ang
pagkabulag at ipatanto ang ikinabulag ni Meni. Bukod sa rito, kung si Delfin ay likas na
sosyalista, bago niya makilala, bago pagnasaang pintuhuin ang isang Meni ay
hahanapin na muna ang kapalaran sa kinalalagyan ng isang Tentay, na kasi at sinta ni
Felipe.
10
Ang ibig kong sabihin, ay malabo ang pagkakapinta sa mga personaheng Delfin
at Felipe, at dapat magkaganito, sapagkat itoy dalawang tipong hindi pa natin nakikilala
sa Pilipinas. Saksing pagkatotoo ng palagay kong ito, ang mahusay at ganap na
pagkayari sa mga personaheng Don Ramon, Madlang-layon, Don Filemon at ora
Loleng, sapagkat ang mga tipong itoy talagang mga buhay sa kapisanang Pilipino, na,
sa aking pagkapuna, ay totoong pinagmasdan at inusig ng kumatha ng BANAAG AT
SIKAT.
Sinabi ko na. Ang ipinagkaganito ni G. Lope K. Santos ay sa pagkahilig ng
kanyang loob sa mga bagong munakala. Bukod sa rito, dapat nating isipin na ang
BANAAG AT SIKAT ay isang (tendencia) nilalayon, munimuni o panagimpan ng isang
anak-bayang uhaw sa kalayaan at katwiran, na babahagyang ganapin sa mga sinupil
ng yaman at puhunan. Hanggang dito ang masasabi ko sa biglang pagmamalas at
bagong bunga na inihahandog ng kumatha; marikit, mabango at wariy ikinabubusog .
Maaaring ikabusog, maaari namang ikamatay. Palibhasay di pa bihasa ang ating
bayan sa Sosyalismo, kailangang huwag bibiglain ang pagkain ng laman ng BANAAG
AT SIKAT. At dapat kilanlin, limiin at pag-aralang kanin, sapagkat katulad ng sabi ni
Felipey, saanman may mamumuhunan at manggagawa, may maylupa at magsasaka,
panginoon at alila, mayaman at dukha, ang mga aral ng Sosyalismo ay kailangan,
sapagkat diyan kailanman namumugad ang pagkaapi ng mahina at pagpapasasa ng
iilan sa dugo ng karamihan.
Ang pinakabuod ng BANAAG AT SIKAT. ah! totoong mapakla, hindi wari bagay
sa ating ngalangala. Sa dakong huli ay sinasabi ni Felipe: Ah! sapagkat sa tibay ay
lakas lamang ang makapagguguho; sa kapangyarihan ay kamatayan lamang ang
makasusupil. Kaya ang mga hari, ang mga pangulo, ang mga puno ay sinusunod ng
buu-buong bayan, ay sapagkat may hawak silang lakas ng kapangyarihan:
makapagpaparusa sa sumusuway. Kaya makunat baguhin ang masamang samahan
ngayon ng Samba-sambayanan, ay dahil sa pagmmatigas ng mga pamunuan. Sa
aking sarili, ang mga aral at pangungusap na ito ni Felipe ay dapat ipahatid sa Rusya.
Sukat na ang balita sa atin, subali pa ngat ang sabay at huling pasiya ni Delfin at ni
Felipe ay Iwan natit palipasin ang Dilim ng Gabi
11
13
14
Ayon naman kay Fr. Chito Dimaranan Hiniram ko kay Lope K. Santos ang
pamagat sa araw na ito isang nobelang Tagalog na pinag-usapan sa araling Pilipino
noong araw, na sa aking pakiwari ay kakaunti naman ang nakabasa, kasama na rin ang
mga guro sa Pilipino noong araw. Aminado ako hindi ko nabasa ito, tulad ng epikong
Biag ni Lam-ang, na maraming Pinoy ay pamagat lamang naman ang alam, at wala ni
isang nakabasa (kung tunay na may kopyang buhay pa hanggang ngayon).
Nakatanaw ng isang malaking liwanag Ito ang mga salitang hatid sa atin ni
Isaias. Namanaag ang liwanag sa karimlan Ito ang gustong ipahiwatig ng propeta.
Nais kong isipin na sa kabila ng lahat ng suliranin at kadiliman sa ating buhay, tunay na
namamanaag ang liwanag. Saan kayo makakakita ng tulad sa naganap at nagaganap
pa sa Cebu at sa iba pang lugar sa buong Pilipinas ngayon at noong nakaraang siyam
na araw?
Sa Cebu lamang, milyon ang dumalo milyon ang deboto milyon ang
nagpugay, nagdasal, nagtiis, nagbantay, nag-alay ng dasal at papuri sa isang munting
estatwa, na daan-daang taon na binibigyang papuri ang larawan o imahe ng Banal na
Sanggol!
Sa Pandacan, Sa Tondo, sa maraming baryo at bayan sa buong kapuluan, laksalaksa ang estatwa ng Banal na Sanggol sa mga tindahan, sa mga restoran, sa mga
paaralan, sa mga munting dasalan. Namanaag at sumikat ang liwanag ng
pananampalataya sa ating bayan.
Ito marahil ang dahilan kung bakit anuman ang maganap, anuman ang
dumating, anuman ang mangyari, sakuna o lindol, sunog o bagyo, pasakit o hilahil,
narito pa rin tayo nakangiti, masaya, nagsisikap, nagsusumamo pa rin para sa isang
magandang bukas! At bakit ba hindi? Sabi nga ni San Pablo, pinagkalooban niya tayo
ng lahat ng pagpapalang espiritwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. Sa kabila ng
lahat, marunong pa rin tumanaw ang Pinoy marunong pa rin kumilala, sapagkat sa
bawat anino, sa bawat kadiliman, ay namamanaag at sumisikat ang isang kakaibang
ilaw at liwanag sa taong may pananampalataya. Tingnan natin ang ilan sa liwanag na
ito
15
Ayon sa mga dalubhasa, kung ang titingnan natin ay ang pamilyang Pinoy, dapat
sana ay watak-watak na ang pamilyang Pinoy. Saan ka nakakita ng mga ina ng tahahan
na wala sa sariling tahanan kundi naglilingkod sa ibang tahanang banyaga at buo pa rin
ang pamilya? Saan ka nakakita ng mga padre de pamilya na nagbabanat ng buto, hindi
rito sa mga sakahan sa atin, kundi naghahanap-buhay sa mga pagawaan sa
malalayong bansa, pero buo pa rin ang pamilya?
Dito lamang sa atin dito lamang sa mahirap na bayan natin, mahirap nga,
ngunit nagliliwanag pa rin sa sikat ng biyaya ng makabayaning pagtitiis at pagpupursigi
mapaganda lamang ang takbo ng buhay ng pamilya! Noong mga taong nobenta (90s)
ano ang sabi ng mga nagsasaliksik? .. Eto na ang pamilya ay buo pa rin dahil sa
milagro ng texting. Noong naglaon, dahil sa milagro ng SKYPE, o internet telephony.
Ngayon, dahil sa tulong ng facebook at iba pang social networking sites. Buo pa rin ang
pamilya, nagkakaniig pa rin, nagkakasundo-sundo pa rin, kahit na ang mga lolo at lola
ay walang retirement sapagkat sila ang nag-aalaga ng mga batang paslit.
Ano ba ang magandang balita para sa lahat ngayon ayon sa mga pagbasa. Ayun
nga! Namanaag at sumikat! Alin? Ang larawan ng banal na pamilya ni Jesus, Maria at
Jose, na sa kabila ng isang di inaasahang pangyayari ay patuloy pa ring nagpamalas
ng pananampalataya at pagniniig sa isat isa. Nawala sa caravan ang binatilyong si
Jesus. Sa kanilang paglalakbay tungo sa Jerusalem, bigla na lamang namalayan ni
Maria at Jose na nawawala ang anak. Naguluhan sila, tulad ng lahat ng inang hindi pa
sanay mawalay sa anak, tulad ng mga inang nagpapagal sa Italya o sa HongKong na
malayo sa kanilang iniirog na bunso.
Matalim ang balaraw na tumimo sa puso ng Inang Maria Bakit raw baga siya
hinahanap gayong ang dapat niyang gampanan ay ang gawain ng kanyang Amang
makalangit? Matalim at matalas, tulad ng mga sugat na dulot ng mga suwail na anak sa
ating panahon na hindi na marunong magpahalaga, hindi na marunong magpasalamat,
at hindi na marunong magsimba at kumilala na ang lahat ay kaloob, ang lahat ay
biyaya, at ang lahat ay buhay!
16
Madilim ang ating kapaligiran Malimit nang dumating sa ating bayan ang
sunod-sunod na bagyo sa lugar na hindi kailanman nakatikim ng daluyong noong araw.
Madilim ang kapaligiran mga lugar na dati rati ay punong-puno ng kagubatan, ngunit
ngayon ay panay kalbong mga kabundukan, na wala nang pipigil sa baha at daluyong
mula sa kalikasang nagpupuyos ang damdamin sa kalalabisan ng mga taong tulad
natin, na walang pansin sa karapatan ng kalikasan, at kapakanang pangkalahatan.
Maitim ang budhi ng tanan sa ngalan ng pork barrel at salapi, ay ipinagpalit
natin ang mga tunay at wastong mga pagpapahalagang Kristiyano. Madilim ang
kinabukasan sa ngalan pa rin ng pera ay handa nating ipagbenta ang ating mga
boto, at masaya na tayo sa kaunting mumong paulan ng mga tampalasan, na kilala
lamang tayo kapag botohan!
Ngunit ito ang higit na matindi! Dahil sa banaag at sikat na naganap nang
isinilang ang Panginoon, unti-unti, dahan-dahan, sa liwanag ng kaligtasang dulot niya,
ay unti-unti rin tayong nagigising sa ranankatotohanang hindi tayo tinawag ng Diyos
upang manatili at mahirati sa kadiliman! Panawagan niya sa atin ay sa kaliwanagan, sa
kapanatagan, sa kahinahunan, at sa kapayapaan! Ang liwanag ay sumilay na, sumikat
na, at patuloy na naggagabay sa mga taong may mabubuting kalooban.
Huwag sana tayo pahuli. Huwag sana tayo magbulag-bulagan. Si Kristo ay
dumating na. Siya ay ating kapiling na! Siya ang tunay at wagas na banaag at sikat ng
kaligayahan at kaligtasang walang hanggan
Sa blog na http://teksbok.blogspot.com/2013/02/banaag-at-sikat_9.html, Si
Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa
wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod
sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na
"Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Sa blog na http://tupangpula.blogspot.com/2008/07/banaag-at-sikatni-lope-k-santos-unang.html. Nabili ko rin sa wakas kanina (Hulyo 4) sa National
Book Store sa Katipunan Avenue ang librong Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Mabuti
na lamang at may pera ako.
17
Noong 2005 ko unang nalaman ang hinggil sa nasabing aklat nang talakayin ito
ni Gng. Teresita Maceda sa kanyang librong Mga Tinig Mula sa Ibaba, at isinulat ko
naman ito sa pahayagang Obrero noong 2006, nang mag-sentenaryo ang nobelang ito.
Ayon kay Gng. Maceda sa kanyangh aklat, ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos ang
kauna-unahang nobelang sosyalista sa bansa na tumatalakay sa tunggalian ng uri sa
pagitan ng puhunan at paggawa. Bagamat ang balangkas ng buong nobela ay pagiibigan ng dalawang pares na magkakaibigan, napakaraming talakayan hinggil sa
usaping panlipunan, puhunan at paggawa. Mula noon ay nagkainteres na akong
magkaroon ng kopya nito. Naghanap ako ng kahit lumang kopya nito sa kahabaan ng
book shops sa Recto Avenue sa Maynila, at sa ibat iba ring bookstore, ngunit hindi ako
nakakuha kahit man lamang punit-punit na o lumang kopya ng Banaag at Sikat. Ayon
pa sa mga nakausap ko, out-of-stock ang Banaag at Sikat, at ito ang karaniwang sagot
ng mga pinagtanungan ko. May isang kakilala rin akong publisher na may sariling
koleksyon ng mga libro sa kanyang library sa bahay nila, ngunit wala ring kopya ng
Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Lumipas ang 2007 ngunit hindi pa rin ako nakakuha
ng kopya nito. Kahit sa pagsasaliksik ko sa filipiniana.net na naglathala sa internet ng
100 nobelang tagalog ay hindi kabilang doon ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos..
Ayon kay Greg Bituin, Jr, Ang nasabi ko kay Bebang nang muli kaming magkita,
dapat na mailathala muli ang aklat na Banaag at Sikat upang mabasa ng mga
manggagawang Pilipino, at kulang-kulang tatlong buwan makalipas ay hetot inilimbag
na ng Anvil Publishing ang aklat na ito. Ngayong 2008 ang ikalimang paglilimbag nito.
Unay noong 1906, ikalaway 1959, ikatlot ikaapat ay 1988 at 1993.
Parang sinabi ni Bebang sa pabliser na i-publish agad itong Banaag at Sikat ni
Lope K. Santos dahil itoy klasiko na bilang natatanging nobelang Pilipino hinggil sa
manggagawa, sosyalismo at lipunan. Gayunman, maraming salamat kay Bebang, na
siya ring nahalal na pangulo ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo), na isang
kilalang poetry group sa buong bansa.
Ayon naman sa blog na http://masongpapel.blogspot.com/2008/07/pambungadsa-nobelang-banaag-at-sikat.html Nitong Hulyo, sa isang miting namin sa pahayagang
Obrero, ipinakita sa akin ng aming editor-in-chief na nakabili na siya ng librong Banaag
18
at Sikat ni Lope K. Santos. Sa tuwa koy binalak ko agad itong bilhin kinabukasan,
ngunit isang araw pa ang lumipas bago ko ito nabili. Kung noong unang makahiram ako
ng aklat ay hindi ko ito napa-xerox dahil sa kawalan ng salapi, ngayon ay nabili ko agad
ang aklat sa pamamagitan ng huling allowance ko sa aking pinaglilingkurang
organisasyon, huling allowance na dahil sa kakulangan na ng pondo ng organisasyon.
Sa blog na http://tupangpula.blogspot.com/2008/07/banaag-at-sikat-ni-lope-ksantos-unang.html Nitong Abril, 2008, nanawagan ako sa ilang mga kaibigan kung
meron silang librong Banaag at Sikat ni Lope K. Santos at nais ko itong hiramin upang
ipa-xerox at upang mabasa ko naman ang kabuuang aklat. May dalawang nagsabi na
nakahiram sila ng aklat sa library ng kanilang eskwelahan. Ang isay si Beverly Siy (aka
Ate Bebang) na pinahiram ako ng libro nang magkita kami sa isang poetry workshop sa
UP, at ang isa naman ay si Liberty Talastas, isang social worker. Hindi ko na nakita pa
yung hawak na libro ni Liberty dahil napahiram na ako ni Bebang ng libro na hiniram din
niya sa UST library. Ngunit pagkalipas ng isang linggo ay isinauli ko agad ito dahil yun
ang usapan upang maisoli rin niya ito sa UST library. Hindi ko na napa-xerox ang buong
libro dahil sa kakapusan ng salapi. Nang magkausap naman kaming muli ni Liberty ay
naisoli na rin niya dahil isang linggo rin niya iyong hiniram. Ang tanging nagawa ko
noong nasa akin pa ang aklat ay i-retype sa computer ang pambungad ng nasabing
aklat, at tumatalakay sa nobela bilang Novela Socialista.
Sa website na www. wikipedia.org, Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope
K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at
Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni
Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan,
upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela
Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa
Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng
dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng
balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga
lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang
tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon,
19
Ayon kay Tiangco (1981), ang nobela ay naglalahad ng isang kawil ng kawiliwiling pangyayari na inilahad sa isang mahusay na pamamaraan. Ang bibigyan ng
pansin ay ang paglalaban sa pagtutunggali ng hangarin ng bayani sa isang banda at
ang hangarin nga kanyang kalaban sa kabilang dako.
Ayon naman kay Delos Angelos (1974) ang nobela ay sinasabing galling sa
Latin Novelus, at itinuturing na supling o kaugnay ng kasaysayan o istorya pagkat dito
isinisalaysay ng saksi ang mga kaalamang kanyang namasid, kung hindi man walang
labis o kulang, nababawasan o nadadaragdagan, kung hindi man pinatitingkad,
pinalulungkot o pinasisiya.
Sabi nga ni Galauran (1968), ang nobela ay may sariling aral na tinatalakay, aral
na maaaring panuntunan ng buhay. May mga nobelang nakapagturo ng kabutihangasal, nakapagpapaalab ng damdamin ng isang naaapi, lumulutas ng malulubhang
suliraning pambayan at panlipunan.
20
21
24
Kabanata III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptibanalitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito ang kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral ng kursong edukasyon hinggil
sa Nobelang Banaag at Sikat.
2. Mga Respondente
Ang mga piniling respondante sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng kursong
edukasyon mula sa una hanggang sa ikaapat na taon sa kasalukuyang semester ng
Capitol University.
Ang mga respondante ay mayroong apat na grupo: lima (5) sa unang taon, lima
(5) sa ikalawang taon, lima (5) sa ikatlong taon at lima (5) sa ikaapat na taon.
Samakatuwid mayroong pantay na paghati ng mga respondante batay sa taon.
3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na itoy isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang kaalaman ng
mga mag-aaral ng kursong edukasyon hinggil sa nobelang Banaag at Sikat.
Upang mas lalo pang mapagbuti ang pag-aaral ay minabuti ng mga
mananaaliksik na kumuha at mangalap pa ng ibang impormasyon mula sa ibat ibang
mapagkukunan katulad ng mga libro, blogs, journals, pahayagan at iba pa.
25
26
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad
27
6 6
6
5
4
A. 16-17
B. 18-19
C. 20-21
D. 22 pataas
2
1
0
A.
B.
C.
D.
Grap 2
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
28
14
14
12
10
8
A. Babae
B. Lalaki
6
4
2
0
A.
B.
29
Grap 3
Kaalaman ng mga Respondente sa pagtukoy sa kung anong Teoryang
Pampanitikan ang ginamit sa nobelang Banaag at Sikat
17
18
16
14
12
Romantisismo
10
Feminismo
Klasismo
Realismo
6
4
2
0
2
1
0A
Grap 4
30
12
11
10
8
7
Delfin
Felipe
Tentay
Don Ramon
4
2
0
A0
Ipinapakita sa Grap 5 batayan ng mga respondente sa pagpili nila kung sino ang
pinakatumatak na tauihan sa nobelang Banaag at Sikat. Sa dalawampung (20)
respondente ay walo (8) ang nagsabing dahil sa Ugali, isa (1) ang nagsabing dahil sa
kawili-wiling ginawa sa kwento, sampu (10) ang nagsabing dahil sa Paninindigan sa
Buhay at isa (1) dahil sa Mabuting Pakikitungo sa Ibang Tauhan.
31
Grap 5
Distribusyon ng naging Batayan ng mga Respondente sa Pagpili sa
Pinakatumatak na Tauhan sa Nobelang Banaag at Sikat
10
10
9
8
7
A. Ugali
B. Nakakawiling ginawa sa
kwento
C. Paninidigan sa Buhay
D. Mabuting Pakikitungo sa
ibang tauhan
3
2
1
0
A.
B.
C.
D.
anga nagsabing Hindi Pagkakaisa, at dalawa (2) naman ang Kakulangan nga respeto
sa kapwa.
Grap 6
Pagtukoy sa mga Problemang Panlipunan na Mababanaag sa Nobelang Banaag
at Sikat
10
10
9
8 88
A. Pag-abuso sa
kapangyarihan
8
7
B. Hindi pagkapantaypantay
C. Klasipikasyon sa lipunan
5
4
E. Kahirapan
F. Maling pamamalakad ng
gobyerno
G. Hindi pagkakaisa
Column3
0
a
apat (4) ang nagsabing Pagpapahalaga sa iba, isa (1) ang nagsabing Pagtutulungan,
dalawa (2) ang nagsabing Pagkamakabansa, at apat (4) naman ang nagsabing
Pagkakaisa.
Grap 7
Paglahad ng mga Respondente sa mga Kapupulutang aral sa mga pangyayari sa
nobela
10
10
9
8
7
7
C. Pagpapalaganap ng pilosopiya at prinsipyo
D. Huwag manghusga
E. Paggalang
4 4
F. Pagiging pantay-pantay
6
5
4
3
2
1
33
G. Pagpapahalaga
sa iba
2
H. Pagtutulungan
11 1
I. Pagkamakabansa
J. Pagkakaisa
0
a
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
34
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin,
kaalaman ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Edukasyon mula una hanggang
ika-apat na taon sa Pamantasan ng Capitol hinggil sa nobelang Banaag at Sikat.
Gamit ang disenyong deskribtib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo
ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa dalawampung (20) respondente,lima (5) sa
unang taon, lima (5) sa ikalawang taon, lima (5) ikatlong taon, at lima (5) sa ika-apat na
taon na kumukuha ng kursong Edukasyon sa Pamantasan ng Capitol.
2. Kongklusyon
Base sa mga inilahad ng mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongklusyon:
a. Natukoy ng mga respondente na ang teoryang panitikan na ginamit sa
nobelang Banaag at Sikat ay teoryang Klasismo.
b. Na ang pinakatumatak na tauhan sa nobela ay si Delfin.
c. Na ang pinakamamabatid na problemang panlipunan sa akda ay hindi
pagkakapantay-pantay ng mga tao.
d. Na ang pinaka di malilimutang aral na makukuha sa nobela ay ang paglaban
ng mga tao sa kanilang mga karapatan.
3. Rekomendasyon
Kaugnay
ng
mga
kongklusyong
nailahad,
buong
35
pagpapakumbabang
36
Brakel, L. F., M. Balfas, Mohd. Taib Bin Osman, J. Gonda, Bahrum Rangkuti, B.
Lumbera, at Hans Kahler. Panitikan (Literaturen), nasa wikang Ingles at Aleman,
Aklat-Imbakang L. J. Brill, 1976, ISBN 9004043314.
Epifanio San Juan, Jr., nasa wikang Ingles, Mga Aklat ng Giraffe, Lungsod ng Quezon,
Pilipinas, 2002, Ibon.org. 2008
http://www.takdangaralin.com/filipino/panitikan/panitikang-pilipino-ang-panitikan-at-mgauri-nito/
http://panitikankarunungangbayan.blogspot.com/2015/04/ano-ang-panitikan-angpanitikan-ay.html
http://howardraycodagreat.blogspot.com/2012/06/ano-ang-panitikan-panitikan-ayang.html
http://www.scribd.com/doc/33306673/Ano-Ang-Panitikan-HANDOUT#scribd
Leonard Casper (manunuri), Ang Diyaryo ng mga Pag-aaral ng Asya, aklat bilang 45,
bilang. 1 Nobyembre 1985, pahina 198-199
Mojares, Resil B. Mga Pinagmulan at Pagsikat ng Nobelang Pilipino: Isang Malawakang
Pag-aaral ng Nobela hanggang 1940 (Origins and Rise of the Filipino Novel: A
Generic Study of the Novel Until 1940), nasa wikang Ingles
Talledo, Tomas. Pagsusuri ng "Sa Pamamagitan Lamang ng Pakikipagsapalaran: Mga
Pagmumuni-muni hinggil sa Kalinanangan, Politika at Lipunan ng Pilipinas" (Only
By Struggle: Reflections on Philippine Culture, Politics and Society)
APENDIKS A
SARBEY- KWESTYONER
37
Pangalan : _____________________________
Edad: ________
Kasarian: __________
b.Feminismo
c. Klasisismo
d. Realismo
b. Felipe
c. Tentay
d. Don Ramon
4 Anu- ano ang mga problemang panlipunan ang mababanaag sa nobela? Magbigay ng 3 hanggang sa
5.
1. ____________________________________
2. ____________________________________
3. ____________________________________
4. ____________________________________
5. ____________________________________
5. Anu- ano ang mga kapupulutang aral sa mga pangyayari sa nobela? Magibigay ng 3 hanggang sa 5.
1. ____________________________________
2. ____________________________________
3. ____________________________________
38
4. ____________________________________
5. ____________________________________
Banaag at Sikat (Buod)
Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos:
Si Delfin ay isang sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista, naniniwala at
hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung saan ang mga
mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga
pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho bilang
manunulat sa isang pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang ang isang
lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, isang pakikibakang hindi
nababahiran ng pagdanak ng dugo.
Si Felipe naman - na may adhikaing anarkismo - ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga
namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa. Ibig niyang pawiin ang mga
abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng
isang bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama. Mas mamarapatin
niyang magkaroon ng pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mga
mahihirap at ang mga mayayaman. Mga pangyayari
Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na maysalapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita.
Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri ng mga
mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila. Subalit
kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa kaniyang ama: mayaman
din at malupit sa mga tauhan nito. Umibig si Felipe kay Tentay, isang babaeng mahirap subalit may
dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang kabahayan sa bayan ng Silangan,
ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng
kanilang mga likas na karapatan bilang tao.
May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang
magbunga at magdalang tao si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang si
Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon ang
bansang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa bahay. Napatay si Don
Ramon habang nasa New York, kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si Ruperto, ang dating
nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit pinaslang si Don Ramon: ang
kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.
Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon. Pinagusapan
nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala at paninindigang panlipunan. Nilisan nila ang libingan na
sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.
APENDIKS B
DOKYUMENTASYON
39
40