You are on page 1of 42

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Dibisyon ng Laguna
Distrito ng Biñan
BIÑAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL
Sto. Domingo, City of Biñan, Laguna

REALISMONG PAGSUSURI SA MGA PILING

TULANG FILIPINO

Bilang Bahagi ng Pangangailangang Itinakda sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Rojas, Diana Elizabeth A.

Pesebre, Jenalyn R.

Nares, Kian Angel B.

Pulvera, Maria Therisa A.

Matias, Mery Joy L.

Pebrero 2021
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng pagtupad sa isa sa mga pangangailan sa asignaturang Pagbasa

at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, ang sulating ito ay

pinamagatang "Realismong Pagsusuri sa mga Piling Tulang Filipino" na inihanda at

iniharap ng ikapitong pangkat ng mga mananaliksik sa Biñan Integrated National High

School mula sa ABM 12-Marshall na binubuo nina:

Rojas. Diana Elizabeth A. Pulvera. Maria Therisa A.

Pesebre. Jenalyn R. Matias. Mery Joy L.

Nares. Kian Angel B.

Ang pagsusuring ito ay tinanggap sa Binan Integrated National High School sa ngalan

ng Kagawaran ng Filipino at ng guro sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang

Teskto Tungo sa Pananaliksik:

_____________________

Gng. Flordelyn V. Garcia

i
PASASALAMAT

Taos-puso naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal na

nagbigay ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pananaliksik

na ito.

Una at higit sa lahat, nais pasalamatan ng mga mananaliksik ang Poong Maykapal

sa karunungan at kalakasan na ipinagkaloob Niya sa kanila upang maumpisahan at

matapos ang pag-aaral na ito. Ikalawa, sa kanilang minamahal na guro na si Gng.

Flordelyn V. Garcia sa pagbibigay ng oportunidad sa mga mananaliksik na makapagsuri

at makapagbigay ng opinyon ukol sa paksa na tinatalakay ng pananaliksik na ito.

Gayundin sa suporta at pagtatama sa mga kamalian ng mga mananaliksik upang

maisagawa ng tama ang pag-aaral. Pati na rin sa sapat na panahon na ibinigay sa nga

mananaliksik upang maibahagi ang kanilang kakayahan.

Isa pa sa walang sawang pinasasalamatan ng mga mananaliksik ay ang kanilang

mga magulang na patuloy na nagbibigay suporta sa kanilang pag-aaral na paggabay sa

kanila tungo sa tamang landas na kanilang tatahakin. Bukod pa rito, nais ng mga

mananaliksik na pasalamatan ang isa't-isa dahil sa kahusayan na ipinamalas at

pagkakaisa ng lahat hanggang sa matapos ito. Ang pananaliksik na ito ay hindi magiging

matagumpay kung hindi dahil sa tulong at gabay ninyong lahat. Muli, mula sa kaibuturan

ng puso ng mga mananaliksik, maraming salamat po.

D.R.A MT.P.A

J.P.R MJ.M.L

KA.N.B

ii
PAGHAHANDOG

Ang pagsusuring ito ay inihahandog ng mga mananaliksik sa pamunuan ng Filipino

sa Biñan Integrated National High School ng ABM (Accountancy, Business and

Management). Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng datos, impormasyon at mga

pahayag ukol sa “Realismong Pagsusuri sa mga Piling Tulang Filipino”

Inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga walangsawang

tumulong, gumabay, naging kalahok at inspirasyon upang matagumpay namatapos ang

pag-aaral na ito. Sa panginoon na walang sawang gumagabay, nagbibigay ng kalakasan,

magpapayaman sa kakayahan ng mga mananaliksik at higit sa lahat ay ang pagbibigay

ng buhay sa mga mananaliksik. Pangalawa, sa kanilang guro ng pananaliksik na walang

sawang nagtuturo at gumabay sa kanila upang mabuo at matapos ang pananaliksik na

ito. Pangatlo, sa kanilang magulang na walang sawang pagbibigay ng suporta sa kanilang

mga anak.

D.R.A MT.P.A

J.P.R MJ.M.L

KA.N.B

iii
ABSTRAK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at maipahayag kung ano ang

kahulugan at kahalagahan ng literatura o panitikan sa mga akda na ginagawa ng mga

awtor para maipabatid sa mga mambabasa ang importansya ng nilalaman ng bawat

storya, ang lalim ng kaisipan at gayundin sa pag-kakaintindi sa bawat akda. Ang pag

susuring isinasagawa ng mga mananaliksik na pinamagatang "Realismong Pagsusuri Sa

Mga Piling Tulang Filipino”, ay may layunin na masuri at malaman ang mga nakatala na

nilalaman sa mga piling tulang akda ninaAmado V. Hernandez, Pedro L. Ricarte at Frank

Cimatu na nakatuon sa teoryang realismo.

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mambabasa upang mahasa at mag

karoon ng dagdag na kaalaman ang bawat indibiduwal na makababasa ng akda. May

layunin na makapag bigay ng interes at maingganyo na tangkilin ang panitikan ng mga

pilipino. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng analitikal na disenyo para sa malalimang

pag-aaral sa mga piling tulang akda nina Amado V. Hernandez, Pedro L. Ricarte at Frank

Cimatu. Ang mananaliksik din ang mag sisilbing tagatugon, tagabigay ng opinyon at

detalye para sa malawakang kaalaman ng mambabasa para na rin maipabatid ang

layunin ng pananaliksik sa mga piling tula ng mga may akda.

‘’Ang Panday”- Sa tulang ito ni Amado V. Hernandez, masasalamin na nais ipakita

ng may-akda ang mga karanasang nasaksihan niya sa kanyang lipunan. Isinatitik niya

ang mga naging kaganapan noon sa panahong naghahanap ng kalayaan at kasarinlan

ang bansang Pilipinas. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay subalit

nilapatan ng may-akda ng kasiningan upang mas maging epektibo ang kanyang isinulat.

iv
“Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon”- Ang tulang ito ni Pedro L. Ricarte ay

isang tulang pasalaysay kung saan ay inilarawan ang pangyayaring naganap sa berdeng-

lupain pati sa buhay ng magsasaka. Sa tulang ito ay ipinakikita ang lubhang pangungulila

ng makata sa kanyang lupaing dating sinasaka. Dahil sa dami na ng mga proyektong

pang gobyerno nawawala na ng trabaho ang mga magsasaka nawawala na ang kanilang

lupang sakahan.

“Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang”- Sa tulang ito ni Frank Cimatu, ay

nagpapakita ng kaganapan na nangyari mismo sa may akda kaya niya ito nasulat na ang

pamahalaan ay malupit. Ipinakikita kung anong klase ng gobyerno o lipunang mayroon at

ito ay puno ng rally at kaguluhan. Ipinahahayag sa tulang ito ang matapang na pakikibaka

ng mga tao sa isang lipunan laban sa pamahalaan.

v
TALAAN NG NILALAMAN

Preliminaria
Pahina

Pamagat
Dahon ng Pagpapatibay……………………………………………………………………………….i
Pasasalamat…………………………………………………………………………………..………..ii
Paghahandog………………………………………………………………………..…………………iii
Abstrak…………………………………………………………………………..……………..............iv

KABANATA I :Suliranin at ang Sanligan NIto

Panimula……….……………………………………………………………………………………….1
Kalihiran ng Pag-aaral….……………………………………………………………………………..2
Balangkas Teoretikal……………...…………………………………………………………………..4
Balangkas Konseptwal………….………………………………………………..…………………...5
Paradima ng Pag-aaral………….………………………………………………..…………………..5
Paglalahad ng Suliranin…………..…………………………………………………………………..8
Hinuha ng Pag-aaral………………..……………………….………………………………………..9
Kahalagahan ng Pag-aaral…………..…………….………………………………………………...9
Saklaw at Delimitasyon………………..…………………………………….………………………10
Katuturan ng mga Salitang Ginamit…..………………………….………………………………...10

KABANATA II: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura…………………………………….…………………………………………12
Kaugnay na Pag-aaral……….…………………………………………………….………………..13

KABANATA III: Metodolohiya ng Pananaliksik

vi
Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………………………….…...17
Tagatugon ng Pananaliksik………..……………………………………………………………….17
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik………………………………………….……………….18

KABANATA IV: Paglalahad, Pagsusuri at Pagkakahulugan Ng Mga Datos

Pagpapakahulugan ng mga Datos…………...……………………………………………………19

KABANATA V: Paglalagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Lagom…………….……………………………………………………….…………………………..24
Konklusyon……….…………………………………………………………….…………………….25
Rekomendasyon……………………………………………………….…………………………….27

Apendiks…………………………………..………………………………….………………………28
Bibliograpiya………………………………..………………………………………………………...29
Kurikulum Bita………………………………………………………………………………..………30

vii
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

Sa bahaging ito matatagpuan ang Panimula at Kaligiran ng Pag-aaral, Batayang

Teoretikal, Konseptwal na Balangkas, Paradima ng Pag-aaral, Paglalahad ng Suliranin,

Hinuha, Kahalagahan ng Pag-aaral, Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral, at Katuturan ng

mga Salitang Ginamit.

Panimula

Kasabay ng pag usbong ng modernong panahon ay siya ring pagkalimot ng mga

kabataan sa pagbabasa ng mga babasahing Pampanitikan. Katulad na lamang ng tula at

alamat. Ano ang panitikan? Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan at diwa ng

mga tao, ito ay isinusulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ano naman ang kahalagahan ng

pagbabasa? Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang

psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo

muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa. Sa pagbabasa rin ay

nalilinang ang ating mga kaisipan at nagkakaroon ng makabagong ideya mula sa nabasa.

Ang Teoryang realismo ay tumatalakay sa katotohanan na nagaganap sa isang

lipunan katulad na lamang ng karahasan at pang-aapi na kadalasang nakapaloob sa iba't

ibang akda. Ang mga mananaliksik ay napiling suriin ang mga piling Tulang Filipino kung

saan ipinapakita ang realidad na nagaganap sa paligid. Ang mananaliksik ay napiling

suriin ang tatlong realismong tula; (1) Ang Panday ni Amado V. Hernandez, (2)

Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON ni Pedro L. Ricarte, at (3) Sandaang

1
Hakbang Papuntang Malakanyang ni Frank Cimatu. Ang mga tulang napili ng

mananaliksik ay may layuning ipabatid ang realidad at kahalagahan ng buhay.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang Pananaliksik na Pinamagatang "Realismong Pagsusuri sa mga Piling Tulang

Filipino" ay pinili ng mga mananaliksik bilang paksa upang makapagbigay kaalaman sa

mga mambabasa tungkol sa tatlong tulang akda nina Amado V. Hernandez, Pedro L.

Ricarte, at Frank Cimatu. Ang mga tulang ito ay nakapag hatid ng interes sa talento ng

mga awtor para manghimok ng mga mambabasa at para na rin maipakita na ang mga

akdang ito ay lubos na nakapagbibigay aliw.

Si Amado V. Hernandez ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa

Panitikan noong 1973. Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kanyang mga kaibigan at

kasama sa kilusang paggawa. Kilala siya dahil sa mga akdang makabayan at sa

pakikisangkot sa mga problemang panlipunan at dahil sa kaniyang totoong paglahok sa

organisasyong pampulitika.

Si Pedro L. Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at

makata. Kasalukuyan isang freelance writer, siya ay kabilang sa patnugutan ng Liwayway

sa loob ng sampung taon. Ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi

sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, De la Salle University-Manila,

Don Bosco at ibang University. Si Pedro Ricarte ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na

siya ang Ama ng Makabagong Tulang Tagalog. Si Ricarte ay isa sa mga mayroong

2
pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabi din na siya ay isang kritiko ng ibang mga

Pilipinong manunulat. Naging kilala si Pedro Ricarte noong 1950-1960s. Ang ilan sa

kanyang mga naisulat ay: Boy Nicolas Siyam na Langit (1962) Samahang Siyete Aawitan

kita Ala-Suwerte (1959) Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961) Lagablab sa Silangan

(1961) at iba pang mga maikling istorya at nobela.

Si Franklin King A.k.a. Frank Cimatu ay isang mamamahayag, Physics major, mag-

aaral ng Fine Arts at nagwagi ng mga parangal sa iba't ibang mga patimpalak sa pagsulat.

Siya ay isang makata at magaling gumawa ng tula na naglalayong makilala hindi lamang

sa Pilipinas kundi sa ibat iba ring panig ng daigdig. Siya ay matinik ding sumuri at bumuo

ng teorya ng pagbasa sa tula na dapat mabatid ng iba pang kritiko at guro.

‘’Ang Panday’’- Sa tulang ito, ipinapakita kung paano namulat ang mga Pilipino sa

katotohanan noong hawak pa ng mga banyaga ang ating bansa. Ipinapakita rin dito kung

paano natutong lumaban ang mga Pilipino para makamit ang sariling kalayaan sa kamay

ng mga mapagsamantalang dayuhan.

‘’Mapanglaw ang mga ilaw sa CALABARZON’’- Ang tauhan sa tula ay

napakasimple lamang, isa itong magsasaka at masaya na sa pera na matatanggap niya

bilang kaparti niya, dahil para sa kanya ang matatanggap niya ay sobra sobra na upang

mabuhay siya, dahil siya naman ay isang balo, walang anak, at walang bisyo. Pero sa

kabila ng lahat ay may lungkot sa kanyang puso dahil doon na siya tumanda at doon pa

din nag saka ang kanyang ama at ang mga magulang ng kanyang ama. Pati na rin ang

3
iba pa niyang kasamang magsasaka na iyon lamang ang inaasahan ay nawala pa. At

nakakapanghinayang din ang berdeng lupain na magandang pagmasdan noon ngayon

ay wala na.

‘’Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang’’- Sa tulang ito ay ipinapakita na

ang mga mamamayan ay ipinaglalaban ang kanilang karapatan, nakikibaka sila sa

pamahalaan sa kadahilanang lihis at tiwali ang pamamalakad ng mga pinuno sa

pamamahala sa pamahalaan.

Batayang Teoretikal

Ang batayang teoretikal o theoretical framework sa pagsasaliksik ay isang gabay

na siyang kumakatawan at nagpapatatag sa isang pag-aaral. Nakapaloob din dito ang

mga depinisyon ng mga konsepto, proseso at mga terminong kaugnay ng batayang

teoretikal. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.

Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging

makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang

sosyo-politikal kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi.

Ayon kay Panares (2011), ang realismo ay sukdulan ng katotohanan, higit na

binibigyang pansin o pinahahalagahan nito ang katotohanan kaysa kagandahan.

Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at

lipunan. Higit na pinahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa paksa.

Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang

4
lipunan. Samakatuwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang

totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng

kanyang isinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ayon kay Battad (2014), ang teoryang realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa

lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng

korapsyon, katiwalian kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa

lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito

na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.

Konseptwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil

sa pag-aaral na isinasagawa. Ang konseptwal na balangkas na ito ay ginagamitan ng

Graphic Organizer. Layunin nitong matukoy at ipakita ang mga naging batayan, mga

ginamit na pamamaraan at ang kinalabasan o ang hangarin ng mananaliksik. Sa batayan,

nakalahad dito ang mga paghahanda o pinagbabatayan na gagamitin sa pag-aaral. Kung

paano gagawin o mga dapat gawing hakbang sa pag-aaral ay nasa bahagi naman ng

proseso o pamamaraan. Ang kinalabasan o resulta ay ang kabuuang dapat malaman at

mapatunayan sa pag-aaral.

Paradima ng Pag-aaral

BATAYAN PAMAMARAAN KINALABASAN

5
1. Nasusuri 1. Paghahanap 1.Nasuri ng

ang akda ng mga Tulang mga

gamit ang nakatuon sa mananaliks

teoryang Teoryang ik ang

realismo sa Realismo. tatlong

mga piling piling

Tulang akda 2. Matiyagang tulang akda

nina Amado V. pagbabasa sa nina

Hernandez, mga iba't ibang Amado V.

Pedro L. tulang nakatuon Hernandez,

Ricarte at sa Teoryang Pedro L.

Frank Cimatu. Realismo. Ricarte at

A. Ang Panday Frank

B. Mapanglaw 3. Pagtatala ng Cimatu na

ang mga Ilaw mga nakatuon

sa impormasyon o sa

CALABARZO pahayag na nag Teoryang

N papakita ng Realismo.

C. Sandaang Teoryang

Hakbang Realismo 2. Natukoy

Papuntang at naipakita

Malakanyang 4. Pagsusuri at ang mga

Pagbibigay kaisipang

6
2. Natutukoy at paliwanag sa taglay ng

naipapakita mga nakuhang realismong

ang mga pahayag na pahayag sa

kaisipang nagpapakita ng tatlong

taglay ng Teoryang piling

realismong Realismo. tulang akda

pahayag sa nina

mga piling Amado V.

tulang akda Hernandez,

nina Amado V. Pedro L.

Hernandez, Ricarte at

Pedro L. Frank

Ricarte at Cimatu

Frank Cimatu

3.

3. Napaunlad

Napapaunlad at lumawak

ang kaisipan ang

ng mga kaisipan ng

mananaliksik mga

ukol sa mga mananaliks

piling Tulang ik tungkol

7
akda nina sa tatlong

Amado V. piling

Hernandez, tulang akda

Pedro L. nina

Ricarte at Amado V.

Frank Cimatu. Hernandez,

Pedro L.

Ricarte at

Frank

Cimatu na

nagpapakit

a ng

Teoryang

Realismo.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapatunayan ang makatotohanang

nagaganap sa tatlong piling tulang Filipino. Ninanais ng mananaliksik na makita ang mga

pahayag na nagpapakita ng pagpapakatao na maaaring maiugnay sa mga

napapanahong suliranin at mga pagpapasya na nagiging patnubay sa kahihinatnan ng

bawat sitwasyon. Layunin ng mga mananaliksik na maibahagi sa mga mambabasa ang

8
realidad na nagaganap sa buhay ng tao na sumasalamin sa kanyang katangian at

suliranin na kinakaharap na may kaugnayan sa mga totoong pangyayari sa buhay. Nais

masagot sa pananaliksik na ito ang mga katanungan:

1. Nagpapakita ba ng makatotohanang kaganapan sa buhay ang tatlong piling tulang

Filipino?

2. Paano ipinakita sa tula ang pagiging matimbang ng paglalahad ng katotohanan tungo

sa realidad kaysa kagandahan lamang?

3. Natukoy ba ng mga mananaliksik ang mga pahayag na sumasalamin sa teoryang

realismo?

Hinuha ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ang nagnanais patunayan ng mga mananaliksik na ang

mga napiling mga tula ng may akda ay nagpapahayag o kinapapalooban ng Teoryang

Realismo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang masuri ang mga piling tulang akda

nina Amado V. Hernandez, Pedro L. Ricarte at Frank Cimatu tuon sa Teoryang Realismo.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang kaugnayan ng Teoryang Realismo

sa mga piling tulang akda nina Amado V. Hernandez, Pedro L. Ricarte at Frank Cimatu.

Ang mga sumusunod ay ang mga magbebenipisyo sa pag-aaral na ito:

9
Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang maimulat o

makapagbigay ng impormasyon tungkol sa totoong pangyayari, kaganapan at

nararanasang hirap sa hamon ng buhay na nilalaman ng piling tula ng may akda.

Sa mga Guro. Ang pagsusuring ito ay makakatulong upang mas lumawak at lumalim pa

ang pagkakaintindi sa mga tula na tuon sa Teoryang Realismo.

Sa mga Mambabasa. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mahasa ang kanilang

pagsusuri sa mga babasahin na tulad ng mga tula.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga tula na ‘’Ang Panday’’ ni

Amado V. Hernandez, ‘’Mapanglaw na Ilaw sa CALABARZON’’ ni Pedro L. Ricarte at

‘’Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang’’ ni Frank Cimatu.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Akda- Ito ay likhang sining na tumutukoy sa isang usapin.

Mananaliksik- ang kahulugan ng mananaliksik o researcher sa ingles ay isang tao

kumakalap at naghahanap ng mga impormasyon at mahahalagang detalye patungkol sa

isang paksa.

Pagsusuri- Tumutukoy sa masusing pag aanalisa, paglilitis at ebalwasyon sa isang akda.

10
Pananaliksik- Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong

impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng kung

ano ang nalalaman o napag alaman nito.

Teoryang Realismo – Ang teoryang realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.

Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon,

katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at

nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Higit na pinahahalagahan ang paraan ng

pagsasalaysay kaysa sa paksa.

Tula - Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong

maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit

ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang

kaisipan gamit ang maririkit na salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng

tayutay.

11
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Alejandro (2010), ang tula ay nangangahuluganng likha at ang makata ay

tinatawag na manlilikha. ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay. Sa tulong ng

guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata. Kalikasan at buhay ang

pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng larawang-diwa ay

pinupukaw niya ang ating damdamin.

Ayon naman kay Hernandez (2010), "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at

salamisim, di pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting. Ang tula ay walang di

nagagawangpaksain. Ang paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay lalong malapit

sa katotohanan kaysa istorya at ayon din kay Alexander Pope ay higit na marangal ang

katotohanan kung nakadamit sa tula.

Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin.

Ang katangian ng masining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito.

Ang simulaing ito ay ayon kay Vega (2017), na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula

ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng

sining ay nasa ubod at laman. Sa pahayag na ito ni Vega, malinaw na ipinaliwanag niya

na ang pagsusuri ng tula ay hindi basta-basta. Ang pagsusuri ng tula ay hindi lang sa

pagbasa nito kundi sa pag-unawa ng ideyang nais iparating ng may-akda. Ang

kahalagahan daw ng tula ay nasa lasa at tipo hindi ang balat. Ibig sabihin ang tunay na

12
diwa ng tula ay hindi sa anyo at kung papaano ito isinulat kundi sa pagpapakahulugan sa

anyo at paraan ng pagkakasulat nito.

Ang tulang ‘’Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang’’ ni Frank Cimatu ay

kakikitaan ng teoryang realismo ayon kay Mercado (2018). Nagpapahayag ito ng mga

makatotohanang pangyayari sa buhay ng tao na hanggang ngayon ay nararanasan pa

rin. Nabanggit din na sa bahaging ito ng tula, "Pamahalaang swapang kinawawa ng

bayang walang kamuwang muwang" ay nagpapakita ng realidad na mayroong mga

katiwalian na nagaganap sa pamahalaan.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Mercado (2018) sa kanyang pag-aaral na ang tulang

‘’Mapanglaw ang Ilaw sa CALABARZON’’ ay nakapaloob sa teoryang realismo. Makikita

sa bahagi ng tula ang kahirapan na tinatamasa ng ilan pati na rin ang mga pagbabagong

dala ng mga mananakop sa kanilang buhay. Ito ay nabibilang sa teoryang ito dahil

nagpapakita ito ng modernisasyon na hanggang ngayon ay tinatamasa at makikita sa

lipunang ating ginagalawan.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang paggawa ng tula ay naging paraan ng mga Pilipino para maihatid ang saloobin

at nararamdaman nila at sa paglipas ng panahon unti-unting nagbabago ang estilo ng

pagsulat nito. Mapapansin na may pagbabago sa istruktura, tema at mga salita o

panghambing na ginagamit. Hindi maikakait na naapektuhan o naiimpluwensyahan ng

iba't ibang dayuhang lahi ang paggawa ng tula. Noong dumating ang mga Kastila sa

13
bansa taglay ang tatlong Gs- GOD, GOLD at GLORY nagbago ang pananaw ng mga

Pilipino (Marcial, 2011).

Ayon kay Bantique (2012), Ang teoryang Realismo ay ang paniniwala ng karamihan

ng mga kamalayang may kinikilingan (cognitive bias) ay hindi sa pagkakamali, kundi

lohikal at paraan ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa tunay na mundo.

Kasama nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na

kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga sumusubok sa kamalayan (cognitive

experimenter).

Ayon kay Atalia (2014), ang layunin ng teoryang realismo ay magpakita ng mga

karanasan ng bawat tao at nasaksihan ito ng may akda sa kanyang lipunan.

Samakatuwid, Ang realismo ay hango sa totoong buhay. Pinaghugutan mismo ang

karanasan ng kahirapan. At sa kanyang buhay ay may mga taong kagalang- galang na

mga indibidwal na bagamat salat sa buhay ay puno naman ng mga karanasan.

Ayon kay Estefanio (2012), na ang teoryang realismo ay ipinaglalaban ang mga

katotohanan ng isang bagay kaysa kagandahan nito na kung saan anumang bagay o

literaturang nailalathala ay dapat na sumasalamin o maglalarawan sa katotohanan at

karaniwan ding nakatuon sa mga paksang may kinalaman sa mga issue ng isang bayan

o bansa, ang mga ito ay ang kalayaan, sosyo-pulitikal, at pati na ang mga inaapi na dapat

bigyang katarungan.

14
Ayon kina Bernat at Royle (2013), Nagkaroon ng relasyon ang akda sa katotohanan

o talambuhay ng may-akda mismo. May epekto ang mga pangyayari sa kaligiran,

panahon at lipunan ng may-akda na kung saan ay lumalabas na isinisiwalat niya sa

kanyang mga akda.

Ayon kay Casinabe (2021), ang tulang ‘’Ang Panday’’ ni Amado ay naaayon sa

teoryang realismo. Ang tula ay hango sa mga nagaganap sa totoong buhay. Ang mga

nakasaad sa tula ay maaaring naranasan o di kaya'y nasaksihan umano ng may-akda sa

kanyang lipunan. Gayunpaman, isinaalang-alang ni Amado ang kasiningan at

pagkaepektibo ng kanyang akda. Kaya naman, nahuhulog ang akda sa isang di tuwirang

totoo.

Ayon kay Lacorte (2018), ipinapahayag sa tulang ‘’Mapanglaw ang Ilaw sa

CALABARZON’’ ang pagdadalamhati pagkalungkot at kapighatian ng isang hamak na

magsasaka. Ang Teoryang ginamit sa tulang ito ay teoryang Realismo sapagkat

ipinakikita ang tunay at pawang katotohanan na buhay na kinakaharap ng isang

magsasaka kung saan ang lupain na kanilang sinasaka ay ipinagbibili sa mas malaking

halaga dahil sa pangangailangang pang pinansyal.

Ayon pa rin kay Lacorte (2018), ipinapahayag sa tulang ‘’Sandaang Hakbang

Papuntang Malakanyang’’ ang matapang na pakikibaka ng mga tao sa isang lipunan

laban sa pamahalaan. Nagpapakita ang tulang ito ng teoryang Realismo dahil

nagpapakita ito ng tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao. Ang mga mamamayan ay

15
ipinaglalaban ang kanilang karapatan, nakikibaka sila sa pamahalaan sa kadahilanang

lihis at tiwali ang pamamalakad ng mga pinuno sa pamamahala sa pamahalaan.

16
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito makikita ang mga pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik

at ang prosesong gagawin sa kanilang pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng Analitikal na uri ng disenyo

sa paglalahad sapagkat ito ay tumatalakay sa masusing pagsusuri at matalinong pag-

aanalisa ukol sa realismong nakapaloob na sumasalamin sa mga piling tula ng may akda.

Ang analitikal na uri ng disenyo ay makatutulong upang mailahad at maisakatuparan ang

matalinong pagsusuri sa mga napiling akda.

Ayon kay Nato (2017), ang Analitikal na Antas ay ginagamitan ng mapanuri o kritikal

na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o

pananaw ng manunulat.

Tagatugon ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik mismo ang magiging tagatugon o respondente sa pag-aaral

na ito upang lubos na malaman ang suliranin sa pag-aaral o pagsusuri ng mga panitikan.

Pinasimulan ng mga mananaliksik ang pagbasa at pangangalap ng datos sa iba’t ibang

aklat, peryodiko, tisis, at iba’t ibang pag-aaral na may kaugnayan dito upang magkaroon

ng sapat na kaalaman sa bawat sinuring datos.

17
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit at sumuri ng mga piling tula nina Amado V.

Hernandez, Pedro L. Ricarte, at Frank Cimatu, ito ay pinili sa paraang Randomized

Technique. Ang mga piling akdang inalisa at sinuri ay ang mga sumusunod:

1. ‘’Ang Panday’’

2. ‘’Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON’’

3. ‘’Sandaang Hakbang papuntang Malakanyang’’

Ang mga nabanggit na akdang pampanitikan ang ginamit upang suriin ang mga

bahaging nagpapakita ng Teoryang Realismo na sumasalamin sa makatotohanang ideya

na nangyayari sa totoong buhay ng bawat indibidwal.

18
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGKAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Sa bahaging ito ng pananaliksik ipinapakita ang mga impormasyon at datos na

nakalap na kinakailangan sa pagsusuri sa mga tulang napili ng mga mananaliksik. Sa

kabanatang ito din nakasaad ang mga bahagi ng piling mga akda at mga pahayag na

nagpapakita ng teoryang realismo kung saan ipinapakita ang realidad na nagaganap sa

totoong buhay.

Mga Pahayag o Linya mula sa Tulang "Ang Panday" ni Amado V. Hernandez

na nagpapakita ng Teoryang Realismo

"Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,

Ang kahalagahan ay di matingkala "

Ipinapakita sa dalawang linyang ito na kahit napakaraming teknolohiya na

ang lumalaganap sa modernong panahon upang mapabilis ang mga trabaho ay

kinakailangan pa rin ang lakas ng mga manggagawa. Kaya napakalaking kawalan

kung sila'y mawala. Ipinapakita rin dito kung gaano kahalaga ang isang bagay sa

ating mga tao, trabaho at maging sa ating bansa.

"Ginawang araro, pambuhay ng madla;

19
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!"

Ipinapakita sa dalawang linyang ito, sinasabi ng may-akda na mula sa simpleng

pamumuhay ng mga Pilipino, mula sa pagiging sunod-sunuran sa mga banyaga ay natuto

silang lumaban para ipagtanggol ang sariling bansa na hanggang sa ngayon ay

nangyayari pa rin sa ating lipunan.

"Naging tabak namang tila humihingi

Ng paghihiganti ng lahing sinawi"

Ipinapakita sa dalawang linyang ito na hindi dapat natin minamaliit ang mga

manggagawa maging ang kanilang lakas at isa pa'y hindi naman natin alam kung paano

magalit ang isang tao at kung ano kaya nitong gawin kapag ito'y napuno sa pagkamuhi.

Ipinapakita din dito kung paano nagkaroon ng lakas ng loob ang mga manggagawa upang

maghimagsik laban sa mapanuyang pamamahala ng mga nakatataas.

Mga Pahayag o Linya mula sa Tulang "Mapanglaw ang mga Ilaw sa

CALABARZON" ni Pedro L. Ricarte na nagpapakita ng Teoryang Realismo

"Hindi na sana siya nag-araro pa,

Hindi rin lamang tiyak na matatamnan

Ang lupang itong ipinagbibili ng mga dayuhan,

20
At may makakaparti raw siyang sandaang libo"

Ang mga linyang ito ay nagpapakita ng katotohanan na noon pa man ay ang mga

pinaghirapan ng mga magsasaka ay isinasawalang bahala na lamang dahil sa ito'y

ipinagbibili ng mga dayuhan at sila na lamang ay babahagian ng kakarampot na salapi.

"Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman

Ng marami pang katulad niya

Ngunit ipinagbibili na ng mga may-ari.

May mga bukid na nasimulan nang tambakan,

Ang patubig ng gobyerno"

Sa mga linyang ito ay ipinapakita ang katotohanang pinaghirapan, na dugo at pawis

ang inalay mapagyaman lamang ang kanilang sakahan ngunit ngayon ay nawala na

lamang ang mga ito ng hindi pinag-iisipan ang kahalagahan nito at ng mga taong

nagpahalaga dito na sa ngayo'y patubig na ng gobyerno ang naroon.

"Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain"

Ang linyang ito ay nagpapahiwatig o nagpapakita ng nararamdamang kalungkutan

ng magsasaka at panghihinayang dahil sa pagkawala ng lupang sakahan na pinagyaman

21
nila, na noo'y maraming punong nakatanim na ngayon ay nagiging daluyan na ng patubig

ng gobyerno o mga pabrika.

Mga Pahayag o Linya mula sa Tulang “Sandaang Hakbang Papuntang

Malakanyang” ni Frank Cimatu na nagpapakita ng Teoryang Realismo

“Kartolinang nakapinta'ng Pamahalaang Suwapang, kinawawa'ng bayang walang

kamuwang-muwang"

Ito bahagi ng tula na kakikitaan ng teoryang realismo. Isa sa masasabing malaking

problema ng bansa ay ang pamahalaan. Korapsyon ang pangunahing dahilan kaya may

mga bansang naghihirap. Ang mga taong nakaupo na inaakala ng mamamayan na

tutulong tungo sa pagbangon ay sila pa palang mas lalong nagpapahirap. Ibinubulsa ang

pera ng mamamayan para sa sarili nilang kapakanan. Hindi ba't mas magandang tignan

ang pamahalaang nagtutulungan upang mapaunlad ang bayan ng sa gayo'y sabay-sabay

umangat ang lahat. Isa ito sa mga katiwalian sa pamahalaan na nararanasan pa rin natin

hanggang ngayon.

"Nakitang parang umilandang ang ilang kasamang hinahambalang ang isang awayang

iisang nakakalamang ilang rumaragasang kapulisang sindarang."

Ang katiwalian na nagaganap sa pamahalaan ay nagtutulak sa mga mamamayan

na ipaglaban ang sarili nilang karapatan. Ang mga raliyistang may lakas ng loob at

22
nagsisilbing boses ng mga piping mamamayan ay itinataya ang kanilang buhay upang

lumaban sa pamahalaan. Ngunit dahil mahina ay natatalo ng kapulisan. May mga

pagkakataong makikita na lamang natin sa balita na may mga raliyistang nawalan ng

buhay dahil hindi nila magawang lumaban sa malalakas ang kapangyarihan- mga

pulisyang minsa'y mapang-abuso sa karapatan. Masakit isipin na napakadaling mawalan

ng buhay, buhay na sana ay gagamitin para maisaayos ang natatapakang karapatan ng

nakararami.

"Magsasakang nakadalang sundang nagbubulagang peryodistang walang

itinitimbang."

Ang magsasaka sa bahaging ito ay ang mga raliyistang nagtatanggol sa karapatan

ng kapwa mamamayan. Dahil sa hindi magandang nangyayari sa pamahalaan na

mamamayan ang nakakaranas ng paghihirap, hindi maiwasan ng iba na lumaban sa

pamamagitan ng rally. Kung wala lang sanang katiwalian, sana'y di na kailangan lumaban

pa. Kung sana ay maayos ang pamahalaan, wala na sanang kaguluhan pa. Ito ang

realidad na hanggang ngayon ay bakas pa sa ating buhay. Mas lalo pang lumago ang

bilang ng raliyista dahil na din sa paglobo ng mga katiwalian na nagaganap sa

pamahalaan.

23
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang bahaging ito ay naglalahad ng Lagom at Konklusyon tungkol sa Realismong

Pagsusuri Sa Mga Piling Tulang Filipino. Narito rin ang rekomendasyon na makatutulong

at magsisilbing gabay sa mga mag-aaral, guro at mga susunod na magsasaliksik.

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng mga bahagi na nagpapakita ng Teoryang

Realismo mula sa mga piling tulang Filipino nina Amado V. Hernandez, Pedro L. Ricarte,

at ni Frank Cimatu. Bawat bahagi ng tula ay nagpapakita ng realismong pahayag.

Sa ginawang pagsusuri ng mga mananaliksik sa mga bahagi ng Piling Tulang

Filipino ay naipapakita ang mga totoong kaganapan na nangyayari sa ating lipunan tulad

ng korapsyon, pagiging makasarili at pang-aabuso. Ang bawat bahagi ng tula ay

sumasalamin sa realidad na ating nararanasan sa pang araw-araw na buhay.

Ang mananaliksik ay gumamit ng Analitikal na Antas ng pagsusuri sa pananaliksik

na ito, upang maunawaan ang kahulugan ng bawat tulang sinaliksik. Ang mga naging

respondente sa pananaliksik na ito ay mismong mananaliksik na kumalap ng mga

impormasyong may kaugnayan sa akdang sinuri.

Ang tulang “Ang Panday” ay ang pinaka-obra maestrang akda ni Amado v.

Hernandez sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Inilathala niya ito upang

ipakita kung paano natutong lumaban ang mga Pilipino. Pinatutunayan lamang nito na

24
noon pa man, hindi kailanman naging mangmang ang mga Pilipino. Ang tulang ito ay

isang patunay na may paninindigan at kadakilaang taglay ang mga Pilipino. Maliitin man,

apak-apakan man ng makailang beses, matututo itong bumangon upang ipaglaban ang

salinlahi.

Sa tulang "Mapanglaw ang mga ilaw sa CALABARZON" ni Pedro L. Ricarte ay nais

ipabatid ng manunulat ang panghihinayang sa nangyayari sa kasalukuyan. Pawang ang

ilan sa mga kalupaan ay pinagkikitaan ng mga dayuhan para sa sariling kapakanan. Ito

ay nagpapakita ng totoong karanasan ng isang pangkaraniwang pamilya na napilitang

ipagbili ang lupang sakahan dahil sa hirap ng buhay.

Sa tulang "Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang" ni Frank Cimatu ay

nagpapakita ng kurapsyong nangyayari sa bayan at ang pamahalaan mismo ang

pasimuno ng lahat na kung minsa'y sila'y naghuhugas kamay upang hindi kagalitan ng

taumbayan. Masasalamin dito ang pakikipaglaban at pagiging matatag ng taumbayan

upang ipaglaban ang karapatang pantao at karapatan sa lipunan. Kahit anong paghihirap

at balakid ay di sumusuko maipaglaban lamang ang nararapat at para sa taumbayan.

Konklusyon

Batay sa pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na:

1. Ang pagsusuring isinagawa ay matagumpay na nasuri at nasaliksik sa piling

Tula ng mga may Akda na nagpapahayag ng Teoryang Realismo.

25
2. Natukoy ang mga nangingibabaw na ideya na nakapaloob sa mga pahayag na

nasuri ng mga mananaliksik sa mga piling tula ni Amado Hernandez, Pedro Ricarte at

Frank Cimatu, lumawak at nahasa din ang kaisipan ng mga mananaliksik matapos ang

isinagawang pagsusuri sa mga akda:

Sa tula na “Ang Panday” ni Amado Hernandez, masasalamin na nais ipakita ng may-

akda ang mga karanasang nasaksihan niya sa kanyang lipunan. Isinatitik niya ang mga

naging kaganapan noon sa panahong naghahanap ng kalayaan at kasarinlan ang

bansang Pilipinas. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay subalit

nilapatan ng may-akda ng kasiningan upang mas maging epektibo ang kanyang isinulat.

Sa tula na “Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon” ni Pedro L. Ricarte ito ay

nagpapahayag ang tulang ito ng katotohanan sa buhay na kung saan ipinapakita rito ang

tunay na kalagayan ng mga magsasaka at ang mga lupain ay ipinagbibili kapalit ang

malaking halaga.

Sa tula na “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ni Frank Cimatu

Ipinapakita ng tula ang realidad at totoong mukha ng ating lipunan at ating gobyerno. Sa

tulang ito ipinapakita ang pagdulog na Realismo. Tumatalakay sa karanasan ng tao sa

iba’t ibang kalagayang panlipunan, at pulitika. Ang tulang ito ay isang malayang

taludturan. Ipinapakita nito ang pakikipaglaban at pagiging matatag upang ipaglaban ang

26
kanyang karapatang pantao at karapatan sa lipunan. Kahit anong paghihirap at balakid

ay di sumusuko maipaglaban lamang ang para sa kanya ay tama.

Rekomendasyon

1. Inererekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag aaral at mambabasa na mas

lalong palawigin ang pagsususri upang mas lumalalim pa ang kanilang kaalaman sa

Teoryang Realismo.

2. Ibinibilin sa mga mambabasa na patuloy na tangkilikin ang tulang gawang Pinoy

at magsaliksik na nagpapahayag ng Teoryang Realismo.

3. Iminumungkahi ng mga mananaliksik para sa mga susunod pang mga susuri na

magkaroon ng malalim na pag-aaral patungkol dito upang mapalawak at madagdagan pa

ng bagong kaalaman sa pag-aaral na ito.

27
APENDIKS

Realismong Pagsusuri Sa Mga Piling Tulang Filipino

“Ang Panday” ni Amado V. Hernandez

“Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ni Pedro L. Ricarte

“Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ni Frank Cimatu

28
BIBLIOGRAPIYA

https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/08/teoryang-realismo/

http://jamesjoshuapogi.blogspot.com/2018/03/pagsusuring-pampanitikan.html?m=1

https://www.scribd.com/document/448346990/PANANALIKSIK-GROUP-4-docx

https://www.academia.edu/36222660/Inihanda_ni

https://www.coursehero.com/file/42388120/Isang-pagsusurichapter-1docx/

https://www.academia.edu/40585784/KAKAYAHAN_SA_PAGSUSURI_NG_TULA

http://pagsusurisapanitikan.blogspot.com/

http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html

https://www.academia.edu/36182353/Ang_teorya_ng_realismo_ay_ang_paniniwala_na

_ang_karamihan_ng_mga

29
ROJAS, DIANA ELIZABETH A.
Brgy. Canlalay Biñan City, Laguna

PERSONAL NA IMPORMASYON
EDAD : 18
ARAW NG KAPANGANAKAN : Enero 16, 200
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Maribel Subdivision Canlalay Binan City, Laguna
KASARIAN : Babae
RELIHIYON : Katoliko
TAAS : 5'2
BIGAT : 42
NASYONALIDAD : Pilipino

BAKGRAWND NG EDUKASYON
SENIOR HIGH:
(2019-2021) Accountancy, Business and Management (ABM)
Biñan Integrated National High School
Sto.Domingo, Biñan City, Laguna

SEKONDARYA:
(2015 -2019) Biñan Integrated National High School
Sto.Domingo, Biñan City, Laguna

ELEMENTARYA:
(2009-2015) Canlalay Elementary School (C.E.S)

30
NARES, KIAN ANGEL B.
Brgy. Langkiwa Biñan City, Laguna

PERSONAL NA IMPORMASYON
EDAD : 18
ARAW NG KAPANGANAKAN : Oktubre 25, 2002
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Biñan City, Laguna
KASARIAN : Babae
RELIHIYON : Born Again Christian
TAAS : 5'2
BIGAT : 43
NASYONALIDAD : Pilipino

BAKGRAWND NG EDUKASYON
SENIOR HIGH:
(2019-2021) Accountancy, Business and Management (ABM)
Biñan Integrated National High School
Sto. Domingo, Biñan City, Laguna

SEKONDARYA:
(2015 -2019) Southville 5-A Integrated National High School
Langkiwa Biñan City, Laguna

ELEMENTARYA:
(2009-2015) Southville 5-A Elementary School
Langkiwa Biñan City, Laguna

31
PESEBRE, JENALYN R.
Brgy. Timbao Biñan City, Laguna

PERSONAL NA IMPORMASYON
EDAD : 18
ARAW NG KAPANGANAKAN : September 29, 2002
LUGAR NG KAPANGANAKAN : San Martin De Porres, Paranaque City
KASARIAN : Babae
RELIHIYON : Katoliko
TAAS : 5'1
BIGAT : 42
NASYONALIDAD : Pilipino

BAKGRAWND NG EDUKASYON
SENIOR HIGH:
(2019-2021) Accountancy, Business and Management (ABM)
Biñan Integrated National High School
Sto.Domingo, Biñan City, Laguna

SEKONDARYA:
(2015 -2019) Biñan Integrated National High School
Sto.Domingo, Biñan City, Laguna

ELEMENTARYA:
(2009-2015) Southville 5 Timbao Elementary School

32
PULVERA, MARIA THERISA A.
Brgy. San Vicente Biñan City, Laguna

PERSONAL NA IMPORMASYON
EDAD : 19
ARAW NG KAPANGANAKAN : Pebrero 07, 2002
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Divisoria Cawayan, Masbate
KASARIAN : Babae
RELIHIYON : Katoliko
TAAS : 5'0
BIGAT : 42
NASYONALIDAD : Pilipino

BAKGRAWND NG EDUKASYON
SENIOR HIGH:
(2019-2021) Accountancy, Business and Management (ABM)
Biñan Integrated National High School
Sto.Domingo Biñan City, Laguna

SEKONDARYA:
(2015-2019) Jacobo Z. Gonzales Memorial National High School
San Antonio Biñan City, Laguna

ELEMENTARYA:
(2009-2015) Dr. Jose G. Tamayo Memorial Elementary School
Sto. Niño Biñan City, Laguna

33
MATIAS, MERY JOY L.
Brgy. Sto. Tomas Biñan City, Laguna

PERSONAL NA IMPORMASYON
EDAD : 18
ARAW NG KAPANGANAKAN : Enero 29, 2003
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Sto. Tomas Biñan City Laguna
KASARIAN : Babae
RELIHIYON : Katoliko
TAAS : 5'2
BIGAT : 37
NASYONALIDAD : Pilipino

BAKGRAWND NG EDUKASYON
SENIOR HIGH:
(2019-2021) Accountancy, Business and Management (ABM)
Biñan Integrated National High School
Sto.Domingo, Biñan City, Laguna

SEKONDARYA:
(2015 -2019) Biñan Integrated National High School
Sto.Domingo, Biñan City, Laguna

ELEMENTARYA:
(2009-2015) San Vicente Elementary School

34

You might also like