You are on page 1of 36

TEORYANG

PAMPANITIKAN
Unang Bahagi
T
pormulasyon ng palilinaw ng
mga simulain ng mga tiyak na
E kaisipan upang makalikha ng
malinaw at sistematikong paraan
ng paglalarawan o
O pagpapaliwanag ukol dito.

R
TEORYANG PAMPANITIKAN
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng
pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa
pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating
binabasa.
MGA PAGDULOG
-saan ito nagmula?
-ano ang layunin nito?
-ano ang mga halimbawa?
-ano ang mga katangian?
-mahalaga bang pag-aralan ito?
KLASISMONG PAGDULOG
Ang klasisismo ay nagsimula sa Gresya. Sa pananalig-klasisismo,
pinahahalagahan ang kaisipan kaysa damdamin. Sa pagsusuri
gamit ang pagdulog na ito, pinapapakuan ng pansin ang katangian
ng mga tauhan na:
karaniwang angat sa karaniwan, marangal at matimpi ang kilos
at maging ang pananalita;

 ang mga tampok na tauhan ay nangabibilang sa mataas na


antas ng lipunan (hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, dukesa, at
iba pa).

 May pananaw aristokratiko.


Iniiwan sa akda ang paggamit ng mga bulgar na salita at
matinding emosyon .

Dapat na pigil ang damdamin dahil isip ang pinaiiral.

 Ang kaayusan ng daigdig ang nilalayon ng klasisismo at dapat


na tanghalin modelo ang mga taong edukado, politiko na
nakaaangat ang estado sa buhay.
Maingat sa pagtalakay sa paksa’t sa pamamaraan.

 Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma


o nalalaos, bagkus ay nangyayari o nagaganap pa rin sa
kasalukuyan.
ROMANTISISMONG
PAGDULOG
Ang kasalungat sa klasisismo ay ang romantisismo dahil higit
na nangingibabaw rito ang damdamin kaysa sa isip.
Pinahahalagahan dito ang emosyon ng tauhan kaysa sa
katwiran kung kayat pinaniniwalaan na ang buhay ay bahagi
ng mga problemang kalutasan.
DALAWANG URI:
1. Romantisismong Tradisyunal - nagpapahalaga sa
halagang pantao.
2. Romantisimong Rebolusyonaryo – pagkamakasariling
karakter ng isang tauhan.

ROMANTIKO – tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga


akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisimo.
naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao, demokratiko at patuloy sa
pag-unlad.

Inspirasyon + Imahinasyon = natatanging instrumento ng mga romantiko para


matuklasan ang nakakubling katotohanan/ bumubuo sa pagiging totoo, maganda.

Kapangyarihang rebolusyonaryo at damdamin.

Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal,


katotohanan,

kabutihan at kagandahan.
MAKATANG ROMANTIKO:
• Panulaang Pilipino Maikling Kwento at
 Jose Corazon de Jesus Nobela
 Lope K. Santos Macario Pineda
 Ildefonso Santiago Jose Esperanza
Faustino Galauran
 Florentino Collantes
 Inigo Ed Regalado
 Teodoro Gener
REALISMONG PAGDULOG

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at


lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang
paglalarawan o paglalahad.

PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen,


bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb.
Sangkap din sa mga akdang realista ang makatotohanang salitang
ginagamit ng mga karaniwang tao—bulgar, balbal, at iba pa.

Ang may-akda bilang produkto ng kanyang panahon ay nagtatala


ng mga kaganapan sa panahong iyon ng kanyang lipunan sa
masining na paraan- iniluluwal ang teskto o akda batay na rin sa
kamalayang panlipunan ng may-akda.
Bunga nito, binibigyang-interpretasyon ang akda dito sa
pamamagitan ng pag-unawa sa panahon o kaligiran o sa mga
kontekstong kultural, pulitikaln at pangkabuhayan kung kalian
naisulat ang akda.

Maaaring masuri ang mga akdang realista batay sa mga sumusunod


na uri nito (Ines-Ramos at Mendiola 1994:47-48):
NATURALISMONG PAGDULOG
Ang naturalismo ay nakaaangkla rin sa realismo. Ang
pananalig nito ay nagsisikap na mailarawan ang kalikasan
nang buong katapatan, kaya’t malimit na maging
singkahulugan ng realismo. Nakapokus sa tauhan sa akda at
sinisikap ilarawan ang kalikasan ng tao nang buong katapatan
(Santos at Tayag, 2016).
KATANGIAN NG
NATURALISMO
1. Pesimistikong pagtingin sa buhay ang isinisiwalat ng mga
akdang naturalistiko.

2. Ipinakikita sa akda ang kawalan ng kalayaan ng tauhang


kumawala sa di magandang pangyayari sa kanyang buhay na
dulot ng mga pangyayari sa lipunan o mga taong nakapaligid
sa kanya.
3. Ang katauhan ng isang nilalang bilang bunga ng heredity
o biyolohiya at kapaligiran, ayon kay Emili Zola, isang
Pranses, at Ama ng Naturalismo.

4. Ipinakikita na ang tao ay biktima ng kanyang kapaligiran


at biyolohikal na kadahilanan

5. Hindi dapat kondenahin ang mga tauhan sa akda sa halip ay


dapat unawain bilang biktima.
6. Mahalaga ang pag-unawa sa damdamin ng tauhan

7. Importanteng may ugnayan ng sanhi at bunga ng mga


pangyayaring nakakaapekto sa akda.
EKSISTENSYALISMONG
PAGDULOG
“Man exist and in that existence man defines himself and the
world in his own subjectivity, and wanders between choice,
freedom, and existential angst” (www.micrumondo.com)
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao
na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain.

Maihahalintulad ito sa dalawang teorya: romantisismo dahil


mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o
ekspresyon; modernismo dahil nagpipilit itong magwasak ng
kasaysayan
HUMANISMONG PAGDULOG

Sa dulog na ito tinitingnan ang buhay ng mga tao na may kalayaang


gawin ang ninanais, ngunit higit na pinahahalagahan sa humanism ang
dignidad at integridad ng tao. Ang pamamaraan ng pamumuhay ay
nakasentro sa pangangailangan at kapakinabangan kaakibat ang
pagpapahalaga sa tao. Anumang kahirapan at pangit na karanasan ang
dumating sa tao ay pinapanatili pa rin nito ang kanyang pagkatao
 Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga
taong nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.
 Humanismo – ang humuhubog at lumilinang sa tao
Taobilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t
mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.
 Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang
susulatin. (magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong
kaisipan, nakaaliw at pagpapahalaga sa katotohanan)
IMAHISMONG PAGDULOG
Ang pananaw na ito ay isang pamamalagay na kinakailangan
gumamit ng konkreto, matipid at maingat na paggamit ng mga
simbolismo, binibigyang-pansin ang larawang-diwa o imahe na
maaari lamang makapagdulot ng kalituhan sa mambabasa; at
pinahahalagahan dito ang tuwirang paggamit ng imahe na
naglalantad ng tunay na kaisipang inihahayag sa akda.
Nagagawa nitong patalasin ang damdamin o pakiramdam ng
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba
pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong
ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
MORALISTIKONG PAGDULOG
Ayon kina Santos at Tayag (2016), itinuturing sa dulog na ito na ang mga
akdang pampanitikan ay may layuning magbigay-aral sa mga mambabasa.
Ektensyon ng pagdulog-humanismo ang moralistiko dahil sa pagbibigay-
halaga ng mga humanistang sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng
tao bilang nilalang na may isip.
Itinuturing ang panitikan bilang tagaakay sa tao mabuting landas. Sa
panahon ng Kastila, naglitawan ang mga akdang tungkol sa buhay ng mga
santo’t santa. Maituturing na mga akdang didaktiko o moralistiko ang mga
salawikain, kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga kwentong bayan.
Kilala rin ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas sa taglay nitong
matatayog na mga kaisipang moralistiko.
AYON KAY HORACE MAY
DALAWANG BAGAY NA
NAIBIBIGAY ANG TULA
(AKDA):
1. ang dulce o ang aliw - kaligayahang naipadarama ng akda;
at

2. utile o ang aral at kaalaman ng mga manunulat - sa


pagdulogmoralistiko ay ang magbigay-aliw, magsilbing guro
at tagapangaral sa kanyang lipunan.
SIKOLOHIKAL NA PAGDULOG
Sa pagdulog-sosyolohikal, tinitingnan ang akda bilang produkto
ng kamalayang panlipunan ng may-akda. Ang kaalaman tungkol
sa kaganapang panlipunan ang pinahahalagahan dito. Ang tao ay
bahagi ng mga institusyong panlipunan na likha rin ng tao:
 Pamilya;
 Simbahan;
 Edukasyon;
  Pulitika;
 kultura, at
 ekonomiya.
Ang mga sinusuri kung paanong ang isang indibidwal ay nahubog o hinubog ng mga
institusyong ito. Sa madaling sabi; ang ugnayang ng lipunan at tauhan ang focus
dito. Mahalagang malaman at maunawaan hindi lamang ang mga kaganapang
namamayani sa lipunan kundi maging ang panahong inakda ang isang akda.

Ang dimensyong historical ang nakatutulong sa pagpapalalim ng pag-unawa sa mga


pangyayari sa akda. May mga akdang inakda sa malayong nakalipas na panahon na
bumabanggit ng mga mambabasa sa kasalukuyan. May mga pangyayaring hindi sakop
ng karanasan ng mambabasa dahil iba ang kanyang panahon sa panahong inakda ang
particular na akda. Bunga ito ng mga pagbabagong panlipunan at kultura.
HISTORIKAL NA PAGDULOG
Layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan na bahagi ng kanyang pagkahubog. Gusto ring ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng tao at ng mundo. Sa dulog historical na pagsusuri ng
akda, isinasaalang-alang dito ang isang impluwensiya na nagpapalutang sa akda
(Villafuerte, 2000). Mahalaga sa teoryang ito ang mga elementong tumatalakay sa
tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa anumang akda
PANUNUTUNAN SA PAGGAMIT
NG TEORYANG HISTORICAL:
“ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng
kasaysayan na

maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa


panahong kinasangkutan ng pag-aaral.”
MGA HALIMBAWA:
 Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal
 ‘Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog’ ni Julian Cruz
Balmaceda
 ‘Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog’ ni Inigo Ed
Regalado

You might also like